KABANATA 4
BLAKE
“Alam n’yo ba kung saan nakatira si Tina?” tanong ko sa mga kaibigan ko.
“Ang alam ko lang sa Bicol, pero hindi ko alam kung saan exactly,” sagot ni Tommy.
“Ako rin,” sabay na sabi naman nina Justin at Pete.
“Baka si Mia alam,” sunod na sabi ni Justin.
“Pa-send ng number niya. Meron kayo?”
Sinend sa ‘kin ni Tommy ‘yung number ni Mia at tinawagan ko ‘to. Nakatatlong ring muna bago niya sinagot. “Hello Mia. Si Blake ‘to. Si Ti—.” Hindi ko na natapos ‘yung sasabihin ko dahil pinatayan niya ako ng phone.
“O, bakit?” tanong ni Pete.
“Binabaan ako.”
“Baka naman hindi. Baka mahina signal,” sabi ni Tommy. “Tawagan mo uli,” sabi pa niya na ginawa ko naman.
Nakaapat na tawag ako kay Mia pero hindi ko pa rin siya nakausap. “Nire-reject niya ‘yung tawag ko.”
“Tindi kasi ng galit sa ‘yo no’n eh.”
“Hindi ko naman siya masisisi.”
“Kulitin mo na lang. I-text mo na rin.”
“Hanapin ko na lang siguro siya rito sa school. Mas okay na mag-usap kami nang harapan para makita niya na sincere ako sa lahat ng sasabihin ko sa kanya na tungkol kay Tina.”
Hinanap ko si Mia sa mga lugar sa school na sa tingin ko makikita ko siya. Hindi ko inaasahan na sa may parking lot ko lang pala siya makikita. Magkasama sila ni Kurt at naglalakad sila papunta sa kotse ni Kurt habang masayang nagkwekwentuhan at may mga tinitingnan na sa tingin ko’y mga pictures.
“Mia! Kurt!” halos patakbo akong naglakad palapit sa kanila.
Sabay silang napatingin sa ‘kin. “Blake! I haven’t seen you for a while. How ‘ya doin’?” Mukhang si Kurt lang ang natutuwa na makita ako dahil si Mia ang asim ng mukha habang nakatingin sa ‘kin. Nakataas pa ang isang kilay niya.
“I’m good! Kayo kumusta?”
“Doin’ great!”
“Ano ‘yang tinitingnan n’yo,” tanong ko habang nakatingin sa mga hawak nila.
“Pictures that were taken during Pia’s birthday.”
“Pia?”
“Pamangkin ko,” masungit na sagot ni Mia.
“Patingin.”
“Bakit titingnan mo pa? Hindi mo naman maalala na nangyari ‘yan.”
“Love…” saway ni Kurt sa nobya. “Here.” Inabot sa ‘kin ni Kurt ‘yung ibang pictures na hawak niya.
Sa bawat picture na kasama ako palagi kong kasama si Tina. Palagi rin kaming magkatabi at may isang picture pa na nakaakbay ako sa kanya at sa halip na sa harap ako nakatingin, nakatingin ako sa kanya. “Can I have this?” Binalik ko na sa kanila lahat ng pictures maliban sa isa.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Mia at tiningnan niya ang hawak ko na picture na nakatingin ako kay Tina.
“Titingnan ko araw-araw hanggang sa maalala ko.”
“Ano’ng pakulo ‘yan Blake?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Mia. “Wala na ‘yung kaibigan ko. Umalis na at iniwan mo na ‘di ba? Okay lang kahit hindi mo na maalala. Ang dami namang babae d’yan. Doon ka na lang.”
“I’m sorry. Alam ko, galit ka sa ‘kin.”
“Buti alam mo.”
“Gusto ko ayusin lahat ng pagkakamali ko.”
“Paano Blake? Tititigan mo maghapon at magdamag ‘yung picture n’yo?”
“I called her so many times, pero hindi ko siya ma-contact. Nagpalit ba siya ng number? Gusto ko siya makausap.”
“May dapat pa ba kayong pag-usapan? Nasabi na niya sa ‘yo lahat pero wala ka namang ginawang maganda sa kanya. Para saan pang magkausap kayo? Blake utang na loob huwag mo nang dagdagan ‘yung paghihirap ng kaibigan ko.”
“I love her Mia.”
“Joke ‘yan? Kasi kung oo, tatawa na ‘ko.”
“No, I’m serious. I love her. Huli ko na na-realize pero I really love her, kaya gusto ko siyang makausap dahil gusto kong mag-sorry sa kanya at ayusin lahat ng mga nagawa kong mali. I want us to get back together, kung hindi pa huli at tatanggapin pa niya ‘ko.”
“Finally, his brain is functioning again. George will be happy to hear this,” sabi ni KJ. Naalala ko tuloy ‘yung naging pag-uusap namin ni George sa Zambales, noong magtapat ako sa kanya.
"Hindi mo ‘ko mahal Blake. Maniwala ka sa ‘kin. Kailangan mo lang hanapin d’yan sa puso mo ‘yung totoong nararamdaman mo, kung sino ang totoong mahal mo.”
“Makikipagbalikan ka, kahit hindi mo pa siya naaalala?” tanong ni Mia.
“It doesn’t matter. Mga alaala ko lang naman ang nawala sa ‘kin, pero ‘yung puso ko siya pa rin ang gustong mahalin. Kahit nga utak ko siya pa rin ang palaging laman at mga alaala niya, kahit paunti-unti, bumabalik sa ‘kin. So, please Mia, let me talk to her. Please.”
Hindi agad sumagot si Mia na parang nag-aalangan pa sa isasagot niya. Bumuntong-hininga pa siya bago nagsalita. “Hindi naman siya nagpalit ng number. Kagabi nga ka-text ko pa siya.”
“Kumusta siya?”
“Okay naman. Inaalagaan niya ‘yung tatay niya. Teka, try ko tawagan.”
“Thank you Mia. Thank you!” Hindi ko mapigilan ‘yung ngiti ko. Iniisip ko pa lang na maririnig ko na uli ‘yung boses niya, tumatalon na ‘yung puso ko sa tuwa.
“Anyare? Never pa nangyari ‘to.” Umiling si Mia. “Cannot be reached. Isa pa try ko uli.” Tinawagan niya uli si Tina. “Blake, wala talaga.” Pinarinig pa niya sa ‘kin ‘yung recorded message na paulit-ulit lang na sinasabi na cannot be reached ‘yung number ni Tina.
“Do you know where she live? Kung hindi ko siya matatawagan, pupuntahan ko na lang siya.”
“So, seryoso ka talaga ha?” May ngiti na sa labi ni Mia. Mukhang hindi na siya inis sa ‘kin.
“Yeah, I’m dead serious.”
“May address niya ‘ko. Sinulat niya sa papel. Wait, nasa wallet ko.” Kinuha ni Mia ang wallet niya sa loob ng bag niya. Hinanap niya ‘yung address na binigay ni Tina pero wala ito sa wallet niya. “Swear, nandito lang ‘yon.” Natatarantang sabi niya. “Inipit ko ‘yon dito eh. Sabi ko pa, ise-save ko sa phone ko, kaya lang nakalimutan ko nang gawin. Wait, lang ha?” Pati buong bag niya tiningnan na niya pero wala talaga. “Nandito talaga ‘yon eh. Wala naman akong ibang pinaglagyan.” Parang maiiyak na si Mia sa inis.
“Hey, Mia, It’s okay.” Hinawakan ko siya sa braso at nginitian. “Susubukan ko na lang siya tawagan uli. Kung hindi ko pa rin siya makausap, ako na lang ang gagawa ng paraan para mapuntahan siya.”
“I’m sorry. Ano ba ‘yan?! Nakakainis naman! Happy ending na for Tina, naurong pa.”
“Don’t worry. Hindi naman ako titigil. I’ll find my way back to her.”
Bigla akong niyakap ni Mia, pero humiwalay rin siya agad at hinampas pa ‘ko sa dibdib. “Bwisit ka Blake! Kahit may konting inis pa ‘ko sa ‘yo, pinapakilig mo ‘ko! Huwag mo na sasaktan uli si Tina ha! Kakalbuhin kita! Papabugbog kita dito kay Kurt!” Tiningnan ni Mia si KJ. “Di ba Love?”
“Yeah…” Patango-tango pang sabi ni KJ pero nangingiti naman.