KABANATA 8

1296 Words
KABANATA 8 TINA   Tulak-tulak ko ‘yung cart na pinaglalagyan ng mga bedsheet, punda at blanket at papunta ako sa kwarto nang Theodore na ‘yon. “Cute ng pangalan niya na Theodore, parang chipmunks, kaso ‘yung ugali naman hindi cute. Hindi rin siya masarap kurutin kundi masarap siyang sakalin.” Bubulong-bulong ako nang biglang bumukas ‘yung pintuan ng kwarto niya. “Ay palaka ka!” Kung may hawak siguro ako baka naisampal ko na sa kanya. "Sabi na’t nand’yan ka na. Come in.” Ang lakas naman ng pakiramdam niya o nang pandinig niya? Narinig niya kaya ‘yung binubulong ko kanina? Hindi naman siguro, kasi kung narinig niya malamang may pambwisit na naman siyang sinabi. Iniwan ko ‘yung cart sa labas at pumasok na ako sa kwarto niya. Ang chipmunk, ang ganda nang pagkakahilata sa gitna ng kama. “Sir—.” Naputol ‘yung sasabihin ko dahil nagsalita siya. “Can I have a beer?” “Okay po.” Naglakad ako papunta sa refrigerator at binuksan 'to. “Ilan po Sir?” “Isa lang.” Ikinuha ko siya ng isang beer at naglakad ako papunta sa kanya. “Ito po Sir.” Inabot niya ‘to at saka nag-utos na naman. “Pakuha na rin ‘yung chips.” Kinuha ko naman ‘yung potato chips na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Ito po Sir.” “Pakibuksan. May hawak kasi ako.” Hmp! Pwede naman niyang ibaba muna ‘yung beer para mabuksan niya ‘yung chichirya niya pero inutos pa talaga! Pero dahil siya ang boss ko, sumunod na lang ako. Binuksan ko para sa kanya. “Ito na po Sir.” Pagkakuha niya, may sunod na utos na naman siya. “Pakilakasan ‘yung aircon.” Nasa tabi lang niya ‘yung remote pero ako pa ‘yung inutusan. Pero sige lang, para hindi ako matanggal sa trabaho, susundin ko siya at lahat ng gusto niya gagawin ko. “Okay na po Sir?” “Yeah. That’s enough.” “Okay po.” “Pakuha naman ng tissue.” Kinuha ko ‘yung isang box ng tissue at inabot ko sa kanya. “Thanks.” Aba, marunog pala siya magpasalamat? Naghihintay pa ‘ko nang susunod niyang iuutos nang tumayo siya at naglakad papunta sa banyo. Salamat naman at umalis na siya sa kama. Magagawa ko na rin ‘yung ipinunta ko talaga sa kwarto niya. Abala ako sa ginagawa kong pag-aalis ng kobrekama nang bigla siyang lumabas ng banyo na walang ibang suot kundi boxer shorts! Kanina naman naka t-shirt at pantalon siya ah! Naitakip ko bigla sa mga mata ko ‘yung hawak kong kobrekama. Ayoko nang mga ganitong eksena! Ayoko nang mga pa-abs na ‘yan! Minsan na ‘kong nadali ng ganyan! Ayoko na! “Sir, huwag naman po kayo nambibigla! Pwede po magdamit muna kayo bago lumabas ng banyo?!” “Sorry. Nakalimutan kong kumuha ng damit at nakalimutan kong nand’yan ka.” Nakalimutan niya nga kaya talaga, o nananadya siya? Bwisit! “Kapag natapos ka sa ginagawa mo at hindi pa ‘ko lumalabas, huwag ka munang aalis ha? Mag-uusap pa tayo.” “Okay po.” Naibaba ko lang ‘yung kobrekama nang marinig ko na magsarado ang pintuan ng banyo. Matalim ang titig ko sa nakasaradong pintuan. “Bwisit kang chipmunk ka! Ano ba kasing pinaplano mo? Ang dami mong pakulo.” Bubulong-bulong na naman ako habang bwisit na bwisit ako sa kanya. Tapos ko nang gawin lahat ng ni-request niya at hinihintay ko na lang siya lumabas ng banyo. Nakapalumbaba ako sa lamesa at bumabagsak na ‘yung ulo ko sa antok. Napakatagal naman kasi niya sa banyo. Parang babae kung maligo. Sobrang kapal ba ng libag niya sa katawan at ang tagal niyang magkaskas. May lakad ba siya? May importanteng tao na kikitain? Hindi kaya tumae pa siya? Ano ba ‘yan! “Cristina!” Bigla akong napatayo. “Po?! Po?! Sir? Po?!” Pinagtawanan niya ‘ko. Bwisit talaga ‘to! “I like you. You’re very alert.” Gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko. “Thank you po, Sir,” pilit ang ngiti na sabi ko. "Sabi ko kanina, lahat gagawin mo para hindi kita tanggalin sa trabaho mo ‘di ba?” “Yes po.” “Kaya gagawin kitang P.A. ko." "P.A. po? Personal Assitant?" "Yeah, P.A., Personal Alalay." Anak ka ng… Alalay? Bastos na ‘to! Mas maganda pakinggan ‘yung assistant eh. "Alalay?!" "O, bakit? Alam mo Cristina. Mabait naman ako." Sino may sabi? "At madali din akong pakisamahan." Weh… ‘Di nga? "Magiging personal alalay…" talagang gusto niya ‘yung word na alalay ah. "lang naman kita for two weeks o basta hanggang nandito ako sa resort." "Sir, madami po akong trabaho rito sa resort, kaya sa tingin ko po ‘di ko po magagawa ‘yung gusto n’yo." Totoo naman ‘yung sinabi ko. Kaya nga nangailangan sila ng dagdag na tao dahil maraming trabaho tapos kukunin niya ako para maging alalay niya? Boss ba talaga siya rito? Dapat alam niya kung ano ang makakabuti sa resort nila. "No need to worry about that, kasi hindi mo na kailangan gawin ‘yung mga trabaho mo rito sa resort. Ang kailangan mo lang gawin ay asikasuhin ako at ‘yung sweldo mo, dodoblehin ko." "Pero Si—." "Tritriplehin ko." Wah! Seryoso siya do’n? Tripleng sweldo? "Sigurado ka Sir?" Nagtatapon ba siya ng pera? Yaman naman niya masyado. "Yeah, I'll triple your salary." “Paano po ‘yung trabaho ko? Sino po ang gagawa?” “I’ll hire additional employees.” "Okay po. Papayag na po ako sa gusto n’yo, basta wala po kayong illegal na ipagagawa sa 'kin ah at ‘yung kaya ko lang gawin." Natatawa siya sa sinabi ko. "Ano’ng akala mo sa 'kin drug lord? Miyembro ng sindikato? You're funny Cristina." "Mangako po muna kayo." "Ako ba ang may kailangan ng trabaho o ikaw?" "Ako po." "Bakit ikaw ang may kondisyon?" "Kung ‘di po kayo mangangako, sige po patanggal n’yo na lang po ako sa trabaho dahil hindi po ako papayag sa gusto n’yo." "Matapang ka. Sige, nangangako ako. Walang illegal na gawain at ‘yung kaya mo lang." Natawa na naman siya. Nasisiraan na ata ‘to ng ulo. "Ok, deal." "Magpalit ka na ng damit. Ayoko ng naka-uniform ka." "Ngayon na po?" "Malamang. Samahan mo ‘ko. Nagugutom na ‘ko." Kakain? Kailangan ba talaga kasama pa ako sa pagkain niya? Ano naman kaya ipapagawa niya sa 'kin habang kumakain siya? Susubuan ko siya? Baka pakainin ko pa siya ng kutsara! "Sige na. Alis na. Bilisan mo. Meet me in the lobby." Grabe naman makapagpaalis 'to! Bwisit talaga! "Sige po Sir. Alis na po ako." Tinalikuran ko na siya at palabas na ako ng pintuan nang makarainig ako ng, "Psst…" Kanina grabe kung makapagpaalis, ngayon naman kung makasutsot, akala mo tumatawag ng aso. Napaka-gaspang talaga ng ugali! "Gandahan mo damit mo." Ano akala niya sa 'kin may bitbit na wardrobe? Gusto ba niya naka-long gown pa ako?! Ay, bahala siya! Wala naman akong ibang damit kundi ‘yung suot ko kanina pagpunta ko rito sa resort. Kung ano isuot ko makuntento siya! Hmp! Sa inis ko, umalis na ‘ko at hindi ko na siya nilingon pa. Hay, sana lang tama ‘yung ginawa kong pagpayag sa pagiging P.A. niya. Iisipin ko na lang ‘yung sweldo. Isipin ko na lang makakaipon ako agad. Hindi ako papatalo sa chipmunk na ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD