KABANATA 2
BLAKE
"Blake, gising na." Boses ng babae ang narinig ko. Niyugyog pa niya ‘ko sa braso. Pagmulat ng mga mata ko, si Tina ang nakita ko. "Gising na. Tapos na ‘ko magluto. Kain na tayo," nakangiti niyang sabi sa ‘kin. Ano’ng ginagawa niya rito sa condo ko? Paano siya nakapasok? "Halika na! Bangon na! Gutom na ‘ko!" Hinawakan niya ‘ko sa kamay at hinahatak ako mula sa kama, kaya tumayo na ‘ko.
Sa totoo lang ‘di ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Nagulat ako na nandito siya, pero masaya ako.
"Ba't naman ganyan ang itsura mo? Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko o masyado ka lang nagagandahan sa 'kin?"
Ang sagot sa tanong niya, ‘yung pangalawa. Maganda naman kasi talaga siya. Nakatayo kaming pareho habang magkaharap. Nilagay niya ‘yung dalawang kamay niya sa may batok ko. Tumapak siya sa ibabaw ng paa ko at saka siya tumingkayad para halikan ako sa labi. Pwede bang siya na lang ang kainin ko? Napangiti ako sa kalokohang naisip ko.
Hinawakan ko siya sa bewang at inangat ko siya. Mukhang alam na niya ang gusto ko dahil itinaas niya ang mga binti niya papulupot sa tagiliran ko. Siya naman ang hiniga ko sa kama habang tuloy lang kami sa paghahalikan. Na-miss ko siya. Sobra. Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita kaya hindi talaga ako makapaniwala na nandito siya.
"I missed you. I’m sorry. Dito ka na lang."
"I missed you too Blake," sabi niya habang nasa ilalim ko siya at nakatitig siya sa mga mata ko.
Mabilis kong hinatak ang suot niyang pang-ibaba. Wala akong itinira. Hinawakan ko ang pagitan ng mga hita niya. Basa na siya kaya ibinaba ko ang harapang parte ng suot kong boxers at mabilis kong ipinasok ang kahabaan ko sa kanya. "Oh, s**t!" Ilang babae na ang nakatalik ko, pero iba siya. Iba ang pakiramdam kapag nasa loob niya ‘ko. Mainit, madulas at sinasakal niya ‘ko nang sobra. Kung hindi matindi ang concentration ko, mabilis akong sasabog. Mabilis akong nag-urong-sulong sa ibabaw niya habang nakabaon ang mukha ko sa leeg niya.
"Blake!" sigaw niya habang mahigpit ang pagkakayakap niya sa ‘kin.
Hingal akong tumigil pagkatapos kong sumabog sa loob ng lagusan niya. "Tina, I love you."
Bigla akong nagising mula sa isang magandang panaginip. Pagtingin ko sa ibaba, I have a boner and a wet boxers. "s**t! Hanggang panaginip, gusto ko pa rin siyang angkinin."
Kahit saan ata ako magpunta susundan pa rin ako ng mga alaala ni Tina. Kahit dito sa condo ko na hindi ko naman maalala na sinama ko siya, wala pa ring takas. Biglang may mga nagpa-flash sa isip ko na hindi ko sigurado kung totoong nangyari o hindi. May strawberry ice cream cake pa akong naalala. Hindi ko alam kung kumain ba talaga ako ng gano’n kasama siya o dahil lang ‘yon sa alaala ko na pagkain namin ng strawberry ice cream noong bagong taon. Bigla ko tuloy naalala ‘yung gabing ‘yon. Tanda ko pa rin ‘yung lambot ng labi niya, ‘yung kinis ng balat niya, even her taste and her smell. Inaalala ko lang ang mga ‘yon, pero iba na ang epekto sa ‘kin. Gusto ko uli marinig kung paano niya isigaw ‘yung pangalan ko. Gusto kong makita kung paano siya manginig sa ilalim ko habang habol hininga siya at nag-uurong-sulong ako sa pagitan ng mga hita niya.
Ako ang lumayo pero heto ako, parang masisiraan sa pag-iisip sa kanya. Ngayon nare-realize ko na nagkamali ako. Hindi ko siya dapat itinulak palayo. Wala akong ibang dapat sisihin kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon kundi ang sarili ko. I was too busy burying my self in pain sa pagtanggi ni George sa ‘kin without realizing na nasa tabi ko lang ‘yung babaeng dapat pinagtutuunan ko ng pansin. I was so blinded by my brokenness na hindi ko nakita na ‘yung puso niya ang unti-unti kong dinudurog. Akala ko I was doing her a favour by distancing my self from her pero mali ata ako dahil mas nasaktan ko siya. My last memory of her, was her crying habang nagpapaalam sa ‘kin. Dapat pinuntahan ko siya. Dapat pinigilan ko siya. Kung ginawa ko ‘yon, hindi ako miserable nang ganito. Nawala ang mga alaala ko noon kasama siya, pero pwede naman kaming gumawa nang bago na magkasama. Bakit ba hindi ko naisip ‘yon? Ang tanga lang.
Akala ko ‘yung feelings ko towards her was just an infatuation dahil maganda siya, mabait, matalino, masayang kasama, pero hindi, it’s deeper that that. I love her. Hindi ko siya ipagtutulakan palayo para maging masaya siya kahit sa piling ng iba, kung hindi ko siya mahal. Inisip ko ‘yung magpapasaya sa kanya, pero mali ‘yung naging paraan ko.
Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong makausap kaya umuwi ako sa ‘min.
"You look so down,” sabi ni Mommy habang nakahawak sa balikat ko. Nasa sala kami at tumabi siya ng upo sa akin.
"I miss her."
"Who? George?"
"No. Tina." Tumingin ako kay Mommy at bigla na lang tumulo ‘yung luha ko. "I missed her so much that I feel so lost, empty and lonely." Halos gabi-gabi akong umiinom. In denial ako noong una pero ngayon na nare-realize ko na ‘yung totoong nararamdaman ko para sa kanya, galit ako sa sarili ko.
Pinunasan ni Mommy ‘yung luha ko. "May ibibigay ako sa ‘yo." Tumayo siya at naglakad papanik. Pagbaba niya, tumabi uli siya sa ‘kin at may ibinigay. "Binigay sa ‘kin ‘yan ni Tina, bago siya umalis. Sabi niya ako, raw ang bahala kung kalian ko ibibigay sa ‘yo ‘yan and I think this is the right time. Baka sakaling mapunan nito ‘yung emptiness na nararamdaman mo. Baka ito na ‘yung paraan para mahanap mo ‘yung tamang daan papunta sa kaligayahan mo."
Wallet at susi ang binigay ni Mommy sa ‘kin. Alam kong sa 'kin 'yung wallet, pero ang akala ko, nawala ko 'to dahil hindi ko na nakita sa mga gamit ko noong magising ako pagkatapos ng aksidente. Pati nga 'yung lumang cellphone ko, wala na rin. Pagbuklat ko ng wallet ko, picture namin ni Tina ang nakita ko. Ngayon ko lang ‘to nakita. Sa picture halatang masayang-masaya ako kasama siya. Mukha akong sobrang in love. "Susi sa apartment n’yo ‘yan. Puntahan mo, kahit wala siya."
***
Bawat hakbang ko palapit sa apartment, kinakabahan ako at pinagpapawisan ang mga palad ko. Alam kong wala naman akong dadatnan na tao, pero hindi ko pa rin mapigilan ‘yung kaba ko. Binuksan ko ang pintuan gamit ang susing hawak ko. Madilim sa loob at sobrang tahimik. Binuksan ko ang ilaw at pumasok ako sa loob at isinarado ko ang pintuan. Halos tulad pa rin ‘to noong una kong makita. Hindi ko naman kabisado lahat ng gamit na nandito dahil isang beses lang akong pumunta rito, base sa alaala ko. Napatingin ako sa kama at isang scrapbook ang nakapatong sa gitna nito kaya naupo ako at kinuha ‘yon. "Iniwan niya rin ba ‘to para sa ‘kin?"
Isang tanong ang nabasa ko nakasulat sa unang pahina. Alam kong sulat kamay ko ‘ito. “What’s the best time of the day?" Napakunot ang noon ko. "Bakit ko tinatanong ‘to?"
Bawat pahina puro pictures naming dalawa na hindi ko maalala na kinunan ko. Habang tinitingnan ko ang mga ‘to, basta na lang tumulo ang mga luha ko. Paano ko nagawang kalimutan ‘yung mga bagay na ‘to? Kung hindi ko siya pinagtulakan, ganito sana kami ngayon.
Sa last page nandoon ‘yung sagot sa tanong ko. "It’s waking up every morning beside the girl I love the most." Hindi ako makapaniwala na ganito pala ako ma-in love nang sobra. Wala ‘kong ginawan nang ganito, kahit si George. Napabuntong-hininga ako. How I wish na sana magawa ko uling gumising sa umaga na katabi siya.
Maliban sa sagot sa tanong sa last page, nakadikit din rito ‘yung picture na katulad ng nasa wallet ko, isang card na may nakasulat na I love you at ‘yung singsing ni Tina na katulad ng sa ‘kin. Hindi ko na ito suot sa daliri ko pero nakalagay naman sa kwintas na suot ko. Mula nang ibigay niya sa ‘kin ‘to, palagi ko na ‘tong suot sa leeg ko. Hinawakan ko 'yung singsing na nasa kwintas ko. Naiyak ako na puno ng pagsisisi.
Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bulsa pero napamura ako nang maalalang wala pala akong number ni Tina, kaya tinawagan ko si Mommy dahil sigurado akong alam niya. Pagka-send niya sa ‘kin ng number ni Tina, tinawagan ko ‘to agad, pero cannot be reached. Hindi naman siguro siya nagpalit ng number. Naisip ko na baka na-drain ‘yung battery ng phone niya at baka nagcha-charge pa siya, pinalipas ko muna ang isang oras pero hindi ko pa rin siya ma-contact kaya sa tuwing matatapos ang bawat klase ko, sinusubukan ko siyang tawagan pero wala pa rin talaga.
Papasok ako ng canteen para mag-meryenda nang makita ko ang mga kaibigan ko na masayang nagkwekwentuhan. Napatingin si Pete sa ‘kin pero mabilis siyang umiwas ng tingin. Naglakad ako palapit sa kanila. Kung aayusin ko buhay ko, uunahin ko na sila dahil si Tina hindi ko pa rin ma-contact hanggang ngayon. Naupo ako sa tabi ni Tommy.
“Puro lalaki kami rito, bakit nandito ka? Gusto mo ‘yung napapalibutan ka nang maraming babae ‘di ba?” inis na sabi ni Pete.
“Pete…” saway ni Tommy, kaya pumalatak si Pete. Inis man pero wala na itong sinabi.
“Gusto ko lang mag-sorry sa inyo sa mga nagawa at nasabi ko. Mali ako. Ang dami kong ginawang mali. Sana mapatawad n’yo ‘ko at maging kaibigan ko pa rin kayo.”
“Nasa matinong pag-iisip ka na ba talaga?” tanong ni Justin.
"Sa totoo lang, hindi ako sigurado."
"Ha?" sabay-sabay pa silang tatlo.
Ang ingay ng mga lalaking nasa likuran ko at may sumigaw pa. "Dana!" Hindi ko na lang pinansin kahit naiingayan ako pero nang may sumigaw ng, "Tina!" Awtomatikong pumihit ang leeg ko patingin sa likuran ko.
"’Yung Tina, na ine-expect mong makita, wala d’yan Blake," sabi ni Tommy.
Napaharap uli ako sa kanila. "Alam n’yo bang walang araw na hindi siya laman ng isip ko."
"Sa dami ng babae mo, naiisip mo pa si Tina?" tanong ni Justin.
"Sa dami ng babae na nakita n’yong kasama ko, kahit isa do’n wala akong nakarelasyon."
"Maniniwala akong wala kang nakarelasyon sa mga ‘yon pero sigurado ako may naka-s*x ka sa mga ‘yon," sabi ni Pete.
"Wala din. Ilang beses kong sinubukan, pero bigla ko siyang naalala. ‘Yung dragon ko, nalalanta bigla."
Tawanan silang tatlo.
"Ang tindi naman pala ng kapit ni Tina d’yan sa putotoy mo, este d’yan sa puso mo," natatawang sabi ni Tommy.
"Since the accident, I only did it with Tina at hanggang panaginip siya pa rin. Ilang beses na nga akong nagising na may tent sa pagitan ng mga hita ko. Sa panaginip na nga lang ako nilalabasan."
"Ang tawag d’yan karma."
"Tama si Pete. Sorry ah, pero gago ka kasi Blake. Mahal na mahal ka ni Tina," sabi ni Tommy.
"Pakiramdam ko kasi I don’t deserve her. Hindi niya deserve maging rebound. ‘Tsaka that time I was so broken."
"Broken? Kung broken ka ano pa si Tina? Si Tina ang totoong depenisyon ng broken. Ang daming pinagdaanan nung tao. Ikaw, si George lang ang iniisip mong nawala sa ‘yo, pero kay Tina ang dami. Iniwan mo siya, na-stroke ang tatay niya kaya kailangan niya tumigil sa pag-aaral tapos nawalan pa siya ng baby."
"Baby? Ano’ng baby ang sinasabi mo Pete?"
"Baby n’yo Blake. Buntis siya nang maaksidente ka. Nang araw din na ‘yon, nakunan siya."
"What?!"
"Totoo ‘yon Blake. Dapat may baby na kayo ni Tina."
"Bakit ngayon n’yo lang sinabi sa ‘kin ‘to?!" Kinuha ko agad ‘yung phone sa bulsa ko para subukang tawagan uli siya.
"’Yon kasi ang gusto ni Tina, kaya tikom ang bibig namin sa ‘yo."
"Paano niya nagawang kimkimin lahat ng ‘yon?" Hindi ako makapaniwala. Sa likod ng mga ngiti niya sa tuwing kaharap niya ‘ko, may mabigat pala siyang pinagdadaan na dapat kasama niya ‘ko. "s**t! Bakit ba ‘di ko siya ma-contact. Subukan n’yo nga siyang tawagan. May number ba niya kayo?"
"Wait. Subukan ko." Nilabas ni Tommy ang phone niya. "Cannot be reached."