Paalala: Ito po ay Book 2. Kung nais basahin, i-search lang po ang Living Under The Same Roof -- Book 1 at 'yon ang unang basahin. ^_^
KABANATA 1
BLAKE
Nasa isang bar ako ngayon at umiinom mag-isa. Gago kasi ‘ko, pati mga kaibigan ko inaway ko. Ang bilis kasi mag-init ng ulo ko. Alam ko naman na concern lang sila sa ‘kin kaya palagi nila akong pinagsasabihan kaya lang nang magpantig na ‘yung tenga ko sa kakasermon nila, bigla na lang akong sumabog. Ewan ko ba hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko. Hindi ko alam kung ano’ng gusto ko, kung ano’ng hinahanap ko, kung ano’ng kulang. Kaya magpapakalasing na lang uli ako ngayon para pag-uwi ko, matutulog na lang ako. Walang isipin. Walang lungkot. Walang sakit.
Nakakarami na rin ako ng inom nang may biglang tumabi sa'kin. Nasa may VIP area ako at nakaupo sa kulay pula na couch. "Hi, baby…" sabay kapit niya sa braso ko, at ipinatong niya ‘yung ulo niya sa balikat ko. Nakaharap ‘yung mukha niya sa 'kin kaya ramdam ko ‘yung init ng hininga niya, at amoy ko rin ‘yung pabango niya.
"Mela…"
"Ngayon lang ulit tayo nagkita tapos ganyan lang ang bati mo sa 'kin?" Umarte pa siyang nagtatampo. Si Mela, kapitbahay ko. I mean nakatira kami sa iisang condominium. ‘Yung unit niya katabi ng sa akin. Mula nang magising ako mula sa aksidente sa bahay na ‘ko umuuwi at ‘di na sa condo unit ko, kaya ngayon na lang kami uli nagkita.
"I’m sorry. Wala lang sa mood, ‘tsaka marami na ring nainom." Tinuro ko pa ‘yung bote ng Vodka na nasa table, na marami na ring bawas.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya.
"Yeah," sagot ko kasunod ng pag-inom uli ng alak.
"Can I join you? Mag-isa rin kasi ‘ko."
"Sure." Tinawag ko ‘yung waiter para humingi pa ng isa pang baso, ‘tsaka yelo.
Nag-inuman kami at masayang nag-kwentuhan. Sobrang lapit namin sa isa’t isa. Ang isang kamay nga niya nakapatong na sa kanang hita ko at nakaakbay naman ako sa kanya.
Tinapik niya ang ibabaw ng hita ko. "Blake, sayaw tayo," yaya niya sa ‘kin.
Umiling ako. "Ayoko. Hindi ako sumasayaw," pagtanggi ko.
"Sige na…" Habang hawak ang isang kamay ko, tumayo siya at hinatak niya ‘ko papuntang dance floor, kaya wala na ‘kong nagawa at sumama na ‘ko.
Hindi naman talaga ako sumasayaw kaya ‘yung galaw ko ang tipid, pero itong si Mela ang galing sumayaw. Mabilis ang bawat galaw niya na sumasabay sa tugtog. Kahit madilim sa loob ng bar, kita ko pa rin ang magandang mukha niya at magandandang hubog ng katawan.
"Galaw, galaw Blake. Baka ma-stroke," sabi niya at saka siya tumawa.
"Sabi ko naman sa 'yo hindi ako sumasayaw."
"Madali lang naman. Pero kung ayaw mo talaga, sasayawan na lang kita." Nginitian niya ‘ko. ‘Yung ngiting may ibig sabihin.
Kinuha niya ‘yung dalawang kamay ko at nilagay sa bewang niya at ‘yung mga kamay niya nilagay niya sa batok ko, at saka siya sumayaw. Nakadikit na sa ‘kin ang malulusog niyang dibdib na parang gusto nang kumawala sa suot niyang masikip na red dress. Sobrang lagkit ng pagkakatitig niya sa mga mata ko habang sumasayaw siya sa harapan ko. Pagkatapos ay tumalikod siya habang ‘yung mga kamay ko nakahawak pa rin sa bewang niya at saka siya gumiling, kaya ‘yung behind niya tumatama sa harapan ko. Hinawakan pa niya ‘ko sa mukha at lumingon sa ‘kin, at saka ako hinalikan sa labi na para bang wala kaming ibang kasama sa loob ng bar. Dala na rin ng espiritu ng alak at dahil sa lalaki ako, nagugustuhan ko lahat ng ginagawa niya.
Humarap na ulit siya sa 'kin at inilapit ‘yung labi niya sa tenga ko at bumulong. "Wanna continue this, somewhere private?" Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, dinilaan niya ang tenga ko. She’s very liberated. Minsan nang may nangyari sa 'min at mukhang mauulit ngayon.
Binayaran ko na ‘yung bill ‘tsaka kami lumabas ng bar. Hindi ako nagdala ng kotse dahil alam kong malalasing ako. Mahal ko pa buhay ko. Ayoko na ng isa pang aksidente. Baka lahat na makalimutan ko o baka naman pati sarili ko malimutan ko na rin.
Paglabas namin ng bar may nakaparang taxi kaya sumakay na kami agad. Pagpasok namin ng taxi, sinabi ko na sa driver ‘yung address. Si Mela mukhang hindi na makapaghintay dahil panay na ang himas niya sa hita ko, at hinahalikan na ‘ko sa leeg. Napapatingin tuloy ‘yung driver sa 'min sa may rear view mirror.
Malapit lang naman ‘yung bar sa condo kaya nakarating kami kaagad. Binayaran ko na ‘yung driver at hindi ko na hinintay ‘yung sukli at bumaba na kami ng taxi.
Pagpasok namin ng building binati pa kami ng security guard. Sa loob ng elevator kaming dalawa lang ang sakay at pagkasarado ng pinto, hinalikan agad ako ni Mela na ginantihan ko naman. Maganda si Mela, sexy, matalino, masarap kausap at magaling sa kama. Pero ang relasyon namin hanggang doon lang. s*x lang ang habol namin sa isa't isa.
Bumukas ang pintuan ng elevator. Nasa 28th floor na pala kami. Naghahalikan pa kami nang bumukas ito kaya nakita kami ng dalawang babaeng pasakay. Naghiwalay kami ni Mela. Pigil ang tawa namin habang napatakip naman ng bibig ang dalawang babae. Lumabas na kami ng elevator at pagkasarado ng pintuan, hinila agad ako ni Mela papunta sa tapat ng unit ko.
"Doon na lang tayo sa unit mo." sabi ko habang magkasugpong na ang mga labi namin.
"Wag na dito na lang. Gusto ko makita ‘yung room mo."
Ayoko sana, kasi wala pang nakakapasok sa unit ko maliban kay Mommy at kay Nay Sally, kaso makulit siya kaya pumayag na ‘ko. Pagpasok namin sa loob sinarado at ni-lock ko ang pinto.
Naghalikan uli kami, at inalalayan ko siya papunta sa couch. Ihiniga ko siya, at pumwesto ako sa ibabaw niya habang tuloy pa rin kami sa paghahalikan. Hinalikan ko siya sa leeg, pati na rin sa balikat. Hinila ko pababa ang tirante ng dress niya at mabilis kong tinanggal ang kawit ng bra niya. Habang subo ko ang isang dibdib niya, naglakbay na ang isang kamay ko pababa hanggang sa makarating ‘to sa loob ng kanyang mga hita kaya lalo niyang ibinuka ang mga ‘to. Napangisi ako nang mahawakan ko ang p********e niya na natatakpan pa ng tela. Basang-basa na siya.
"Blake…" sabi niya habang nakasabunot sa buhok ko.
Umalis ako sa ibabaw niya at hinubad ko ang suot kong polo. Sinabayan niya ako kaya hinubad na rin niya ang suot niyang dress. Mas nauna siyang natapos kaya inumpisahan na niyang tanggalin ang sinturon ko, tanggalin ang pagkakabutones ng pantalon ko at ibinaba na rin niya ang zipper nito. Ako na ang nagtanggal ng pantalon ko at pati na rin sapatos.
We’re almost naked at hindi na siya makahintay dahil himas na niya ang harapan ko na nakabukol na. Ibababa na sana niya ang boxer shorts ko pero pinigilan ko siya. Mamaya na ‘ko, siya na muna. Lumuhod ako sa sahig at hinila ko ang balakang niya para nasa gilid na ng couch ang pang-upo niya. Nakabuka na ang mga hita niya and I can smell her arousal kahit na natatakpan pa ng tela ang p********e niya na basang-basa na talaga. Hinawakan ko ang gilid nito at aalisin ko na dapat sa kanya nang may mag-flash na scene sa isip ko. Napatigil ako at napamura. Napahawak ako sa ulo ko at napatayo ako. ‘Yung p*********i ko na kanila lang ay buhay na buhay, biglang nanamlay.
"Blake? Why? Why did you stop?" nagtatakang tanong niya.
"I’m sorry. "
"What? What do you mean, you're sorry?!" Halata sa boses niya ang inis.
"Take your clothes. You can leave now. I'm sorry Mela."
"f**k Blake! Ginagago mo ba ‘ko?"
"I said I'm sorry! So can you please just leave?!"
Galit siyang tumayo mula sa couch at isinuot uli ang mga damit niya.
"f**k you Blake! f**k you!" Galit na galit siya sa 'kin. Alam kong nakakagalit naman talaga ‘yung ginawa ko, kaso ‘di ko na kayang gawin. Lumabas siya ng unit ko, at narinig ko pa ‘yung malakas na pagsarado niya ng pinto.
Napaupo ako sa couch at nailagay ko na lang ‘yung dalawang kamay sa likod ng ulo ko habang nakatukod ang mga siko ko sa tuhod ko at sumigaw na lang ako sa inis. "f**k! Palagi na lang bang ganito? Ano bang nangyayari sa 'kin? Ano bang ginagawa mo sa 'kin Tina?! Bakit ba ‘di ka maalis sa isip ko?! Masisiraan na ata ako ng ulo."
Napatigil ako kanina dahil nakita ko sa isip ko si Tina, on this same couch and we're having s*x. No, not s*x. We're making love is the right word. Nadala ko na ba siya rito? Hindi ko maalala. Kung dinala ko siya rito ibig sabihin mahal ko talaga siya dahil kahit isa sa mga naging girlfriends ko walang nakatapak dito. Hindi kabilang si Mela, dahil napilitan lang ako at wala akong balak na papasukin siya sa kwarto ko.
Tumayo ako at naglakad papasok sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet para kumuha ng damit pero sa halip na mga damit ko ang makita ko, puro damit na pangbabae ang laman nito. Tiningnan ko ang mga ‘to. Lahat nasa size ni Tina at may bra at panty pa. Sigurado ako sa kanya ‘to dahil lahat ng mga ex ko matatangkad at malalaki ang cup size.
Kung kanya lahat ng ‘to. Hindi lang kami simpleng mag-boyfriend-girlfriend. Para na kaming mag-asawa. Pumasok ako sa banyo, at may nakita akong dalawang toothbrush at sigurado akong hindi sa akin ‘yung isa.
Lumabas na ako ng banyo at napaupo na lang ako sa kama. Naisapo ko na lang ang kamay ko sa noo ko. "s**t. Ang gago ko."