KABANATA 22

1226 Words
KABANATA 22 TINA Kinabukasan, kahit saan ako magpunta nakikita ko si Blake. Kung hindi ko lang alam na nandito talaga siya, iisipin kong nagha-hallucinate na ako at aparisyon lang ang nakikita ko. Nang maglinis ako sa may pool area, nandoon din siya. Nakaupo sa isa sa mga beach bed at nagbabasa. Gusto ko nga siyang batuhin ng dala akong dust pan dahil baligtad ‘yung librong hawak niya. Nang naglilinis naman ako sa isa sa mga kwarto ng kaaalis lang na guests, panay ang daan niya. Awtomatiko akong napapatingin sa may pintuan sa tuwing dadaan siya dahil sobrang bagal niya kung maglakad at paminsan-minsan ay nahuhuli ko pa siyang nakasilip. Ngayon naman na nagla-lunch ako kasama nina Emily at Marjorie, nandito rin siya at kumakain. Pinili ko ngang maupo sa upuan na nakatalikod sa kanya para hindi kami magkatinginan. “Tina, ano’ng ganap niyang ex mo? Panay ang tingin dito,” tanong ni Emily. “Nakatingin siya?” “Oo. Kanina pa pasulyap-sulyap dito.” “Ewan ko ba d’yan. Kanina pa nakasunod sa ‘kin, hindi naman ako kinakausap. Pero kahapon naman magkasama kami. Hinatid pa ‘ko sa bahay namin.” “Puntahan mo. Palipatin mo rito sa table natin,” sabi naman ni Marjorie. “Ha? Huwag na. Kusa namang lalapit ‘yan, kung gusto niya. Baka iba lang talaga ang trip niya ngayong araw. Ganyan talaga ‘yan. Ginagawa kung ano’ng maisipan.” “Tina…” tawag sa ‘kin ni Emily kasabay nang mabilis na kalbit sa kaliwang braso ko. “Bakit?” “Palapit siya rito.” “Sino?” tanong ko habang pasubo ako ng pagkain. “’Yung ex mo…” “Hi…” sabay na sabi nina Marjorie at Emily kaya kusa nang pumihit ang leeg ko patingin sa kanan ko kung saan naupo si Blake kahit na wala namang yumaya sa kanya na maupo sa table namin. Nakasubo pa sa bibig ko ‘yung hawak kong kutsara. “Hi,” nakangiting sagot ni Blake habang sa ‘kin nakatingin. Tinanggal ko ‘yung kutsara sa bibig ko pero hindi ako makapagsalita dahil puno ng pagkain ‘yung bibig ko. “Bakit ka nandito? Ano’ng kailangan mo kay Tina? Gaano kayo kayaman? Ilang zeros ang laman ng bank account mo? Pwede ka bang maging ninong sa binyag, sa kumpil at sa kasal ng anak ko?” sunod-sunod na tanong ni Emily kaya muntik na ‘kong masamid habang itong si Blake natawa lang. “I just wanna ask Tina, to have dinner with me again tonight, after her duty. Hindi ko alam kung ano'ng net worth ng parents ko. ‘Yung zeros sa bank account ko hindi kasing laki tulad ng iniisip mo. ‘Yung parents ko ang mayaman, hindi ako. And yes, pwede akong maging ninong sa binyag, kumpil at kasal ng anak mo.” “Single ako at ready to mingle may plus one nga lang, pero magaling ako magluto, maglaba, mamalantsa, maglinis at higit sa lahat, magaling ako sa kama at very flexible ako.” “Diyos ko Emily ‘yung bibig mo. Ako nahihiya sa ‘yo,” sabi ni Marjorie. “Tina, maiwan na namin kayo,” sabi pa niya sabay hatak kay Emily palayo sa ‘min. “Mr. Garcia, seryoso ako sa offer ko!” pahabol pa ni Emily, bago tuluyang kaladkarin ni Marjorie palayo. “Palabiro talaga si Emily. Huwag mong seryosohin.” “It’s okay. May mas malala pa ‘kong narinig kumpara sa mga sinabi niya.” “Totoo?” “Yeah.” “Tulad ng?” “Too vulgar, kaya I better not say it.” “Sabihin mo na. Kainis ka. Binigyan mo pa ‘ko ng iisipin.” Curious ako. Hindi niya kasi nakwento sa ‘kin ‘to dati. Nilapit niya ‘yung bibig niya sa tenga ko at ibinulong ‘yung mga sinasabi niyang vulgar words na ‘yon at biglang bumagsak ang panga ko. Hindi ko akalain na may magre-request sa kanya ng mga gano’n. “Seryoso?!” Tumango siya. “May pinagbigyan ka naman ba?” “Wala. Pero kung ik—.” Bigla siyang tumigil. “I mean, ‘yung dinner; payag ka ba na samahan uli ako? Pauwi na kasi ako mamaya.” “Okay lang.” Dinner lang naman ‘tsaka huli na ‘to dahil pauwi na pala siya. Hindi ko alam kung kailan ‘to mauulit. Kung makikita ko pa ba siya. Kung babalik pa ba siya. Hindi naman masamang pagbigyan ang sarili. Hindi ko nga lang alam kung tama ba ‘yung pagpayag ko. Pinapasaya ko ‘yung sarili ko pero pagkatapos, masasaktan lang uli ako. Hay… Martir na nga ako, masukista pa. “Thank you!” tulad kahapon ang saya na naman niya nang dahil sa pagpayag ko. Kaya ako lalong naguguluhan eh. Bakit ba kasi siya ganito? May nabubuhay na pag-asa tuloy dito sa puso ko. “Blake, tapos na pala ‘yung break ko. Mamaya na lang ha?”sabi ko sa kanya nang mapatingin ako sa orasan na nasa pader. “Okay. Hintayin uli kita sa lobby ha?” *** Sabi niya hihintayin na lang niya ako sa lobby, pero ang mokong nakasunod pa rin sa ‘kin. Nagpla-plansta ako ng mga punda at padaan-daan siya sa labas ng laundry room kaya iniwan ko muna ‘yung ginagawa ko at nilabas ko siya. “Blake! Wala ka bang ibang gagawin? Ang laki nitong resort. Marami kang pwedeng puntahan. May dalawang oras pa bago ‘yung uwian ko. Maglibot-libot ka muna. Nandito ka para magbakasyon ‘di ba? Bakit binabantayan mo ‘ko?” “Nalibot ko na lahat kahapon. Dito na lang ako. Tulungan na lang kita.” “Hindi ka naman marunong mag-plantsa. Tanda mo dati, nasunog mo ‘yung t-shirt mo.” “Talaga?” “Oo. Nakalimutan mo n—.” Bigla akong natigilan. Wala nga pala siyang alaala ng mga pinagsamahan namin sa apartment. “Oo. Nangyari ‘yon,” halos pabulong na sabi ko. “I’m sorry. Ang dami kong hindi maalala, pero naalala ko ‘yung nangyari sa condo.” Hala! Meron?! Ano kaya ‘yung naalala niya?! ‘Yung mahahalay na eksena ba?! Nag-init bigla ‘yung mukha ko at nakalimutan ko atang huminga! Ano ‘yung naalala niya?! Bakit may pag-ngiti? Ano'ng ibig sabihin no'n?! “May naalala din ako sa apartment. We’re watching a movie on my laptop and we’re eating popcorn.” Okay. Wholesome 'yon, pero 'yung ngiti niya talaga kanina may something!  Pero kailangan pa ba naming pag-usapan 'yung nakaraan? Kailangan pa bang balikan? “Bakit ka nagso-sorry? Blake, hindi mo naman kailangan piliting maalala ‘yung mga nangyari noon. May panibagong buhay ka na ngayon at hindi na ‘ko parte no’n.” Tinitigan niya ako na parang may gusto siyang sabihin. “Yeah. You’re right,” sabi niya habang nakangiti, pero ngayon parang napipilitan na lang. Napahawak siya sa batok niya. “Uhm… Maglalakad-lakad na lang muna siguro ako sa labas. Sorry for bothering you,” sabi niya sabay talikod. “Blake, ano ba talagang ipinunta mo rito?” bulong ko habang nakatingin ako sa kanya na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD