KABANATA 26

3287 Words
KABANATA 26 BLAKE “Done!” Pagkababa ko ng ballpen at pagkasarado ko ng notebook, binitbit ko na ‘yung laptop at naupo sa kama ko. Bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko na nasa study table. Gusto ko na uli makausap si Tina. One hour na rin naman ang nakakalipas. Siguro tapos na siyang mag-dinner. Tinawagan ko si Tina pero hindi niya sinagot. Tulog na kaya siya? Pero medyo maaga pa naman. Hindi pa kaya siya tapos kumain? Baka naman inaasikaso niya ang itay niya. Istorbo ata ako.  I was about to end the call nang makita ko ang maganda niyang mukha sa screen ng laptop ko. Kusang umangat ang mga gilid ng labi ko nang makita ko siya. “Pinaghapunan mo lang ako. Hindi mo man lang ako binigyan ng oras na maghugas ng pinggan,” reklamo niya pero nakangiti naman siya. “I missed you…” malambing na sabi ko. “Blake, isang oras pa lang ang lumilipas.” “Saglit ka lang mawala sa paningin ko, miss na kita agad. Pagkatapos nga natin mag-usap kanina parang gusto kita uli tawagan.” Halatang nagpipigil siya ng ngiti. Mukhang kinilig siya sa sinabi ko. Pero totoo naman lahat ng ‘yon. Hindi ko naman sinabi para lang pakiligin siya. ‘Yon talaga ang nararamdaman ko. At mukhang may epekto sa kanya. Nakaisang puntos ata ako palapit sa matamis niyang oo. “Mamaya na tayo mag-usap. Tatapusin ko lang muna ‘tong paghuhugas ko ng pinggan. After ten minutes, tawag ka uli.” “That’s too long. Hindi na. Dito na lang ako. Hihintayin na lang kita matapos. Sige lang. Tuloy mo lang ‘yang ginagawa mo.” “Papanoorin mo ‘ko maghugas ng pinggan?” “Yeah, okay lang. Kahit nga panoorin ka matulog, ayos lang sa ‘kin. Kaya kong gawin.” Parang kaninang umaga lang. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Hindi ko naman pagsasawaang titigan ang mukha niya. Kahit saang anggulo ng mukha niya maganda. Gising man siya o tulog, maganda pa rin siya sa paningin ko. “Sure ka?” “Yes, kaya ituloy mo na ‘yan.” “Okay, sige. Ilalagay ko na lang dito sa dulo ng lalabo ‘tong cellphone para hindi mabasa ng tubig. Buti na lang mahaba ‘tong lababo namin. Natatakot akong masira ‘tong cellphone. Mukhang ang mahal pa naman nito. Magkano bili mo?” sabi niya habang inaayos ‘yung phone. “Nang binili ko ‘yan, hindi ko nakita ‘yung presyo. Ang nakita ko lang, ‘yung dahilan kung bakit ko bibilhin. Walang katumbas na halaga ‘yung makausap ka at makita palagi.” “Ang galing mong lumusot ha." Pinaningkitan niya ako ng mata, habang nakaduro sa 'kin ang hintuturo niya.  "Pero kahit hindi mo naman sabihin ‘yung brand ng cellphone na ‘to, alam kong mamahalin. Nakakatakot tuloy ilabas. Hinding-hindi ko ‘to dadalhin sa palengke. Doon kasi ako nawalan ng cellphone. Mainit sa mata ng mga magnanakaw ‘yung ganito,” sabi niya kasabay ng pagbukas ng gripo at pagdampot ng isang pinggan. Nag-umpisa na siyang maghugas ng pinggan. “Tina…” “Uhm?” Tiningnan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa mga hinuhugasan. “Pagbalik ko d’yan ng weekends, may trabaho ka sa resort?” “Wala, pero hindi ako sure. Baka nandito na si Theo no’n. Off ko talaga ng weekends. Kaya lang ako nasa resort noong nandito ka kasi kulang kami sa tao dahil may absent kaya pinakiusapan ako na mag-duty. Kay Theo kasi talaga ako nagtratrabaho, kung matatawag man ‘yong trabaho. “What do you mean?” “Pamilya ni Theo ang may-ari ng resort. Nang umuwi siya rito ginawa niya ‘kong assistant, pero wala naman akong ibang ginagawa maliban sa samahan siya kung saan niya gusto pumunta. Mas dapat nga atang tawag sa ‘kin chaperone.” Does it mean, palagi silang magkasama? Napapikit ako at napahinga nang malalim. Naalala ko kung gaano sila kalapit sa isa’t isa. Kung makayakap at makaakbay ‘yung lalaking ‘yon kay Tina, akala mo boyfriend na. “Ano’ng ginagawa n’yo? Saan kay nagpupunta?” Kalmado ko pa ring tanong. “Kahit ano’ng maisipan niya. Kahit saan niya gusto, pero hindi naman kami lumalayo kasi alam niya na may sakit ang Itay. Minsan nga, nandoon lang kami sa bahay. Madalas ‘yon magyaya sa tabing-ilog. Doon kasi ang tambayan namin noon. Minsan naman sa bahay nila. Nagpatulong kasi siya na ayusin ‘yung kwarto niya.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Bahay? Kwarto?” Naisama na niya si Tina sa bahay at naipasok pa sa kwarto? Pasimple lang pero mukang ang bilis ng lalaking ‘yon ah! Hindi ko gusto ‘yung naririnig ko, pero pinilit kong kumalma. “Oo. Pininturahan kasi namin ‘yung kwarto niya. Hindi pa nga kami tapos eh. Sasamahan ko rin siya pumili ng gamit.” Gamit sa bahay? Sa kwarto? Ano sila newlywed? Parang ayoko nang isipin ang mga susunod na possible pang mangyari. “Tina, will you work for me instead?” “Ha?!” Naibaba niya ‘yung hawak niyang baso at napatingin siya sa ‘kin. “Sa ‘yo? Ano namang magiging trabaho ko para sa ‘yo?” “Tutor? Parang dati.” “Blake, malapit ka na grumaduate. Kailangan mo pa ba talaga ng tulong ko? Kaya mo na ‘yan. Nalusutan mo nga si Mr. Madera eh.” “Work for our company na lang. You can work from home pa.” “Wala naman akong laptop Blake.” “Our company will provide everything; laptop, Wi-fi.” “May karapatan ka bang bigyan ako ng trabaho? Papayag ba Dad mo? ‘Tsaka hindi pa ‘ko graduate Blake. Ano’ng ipapakita kong transcript at diploma?” “Si Dad? Papayag ‘yon. Hindi mo kailangan magpasa ng kahit na ano. We own the company. No one will question my Dad’s decision.” “Ayoko Blake. Unfair ‘yon.” “Isipin mo na lang OJT mo ‘yon pero may salary and benefits.” “Blake, okay naman ‘yung trabaho ko kay Theo.” “Matalino ka Tina. Ayaw mo ba ng trabaho na mas magiging productive ka? ‘Yung trabaho na magagamit mo ‘yung pinag-aralan mo.” “Pag-iisipan ko ha? Nakakahiya kasi kay Theo. Noong panahon na kailangan ko ng trabaho, ang laking tulong niya sa ‘min.” “Okay. Hindi naman kita pipilitin. I’m just giving you an option,” and reason para mapalayo sa lalaking ‘yon. Iniisip ko pa lang na araw-araw silang magkasama habang nandito ako sa Manila, nag-iinit ulo ko. “Pero bakit ganyan ‘yung mukha mo?” “Ha? Why? What’s wrong with my face?” kunot-noo na tanong ko. Nangingiti siya. Nahalata ba niyang nagseselos ako? Natutuwa ba siyang nagseselos ako? Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip nagkibit-balikat lang siya at bumalik sa paghuhugas ng pinggan.   ***   “Blake, magkano ni-load mo rito? Medyo matagal na rin tayong magkausap. Kapag naubos ‘to, hindi na tayo pwedeng mag-usap nang ganito. ‘Yung ipanglo-load ko, ipambibili ko na lang ng gamot ni Itay,” sabi niya habang nakahiga siya sa kama. Tapos na siyang maghugas ng pinggan at nasa kwarto na siya. Ako naman nakahiga nang patagilid habang nakaharap sa laptop. “Walang kaubusan ‘yan.” “Bakit kayo rin may-ari ng telecom company?” Natatawa niyang tanong. “Nope.” “Naka-postpaid ba ‘to?” Nanlaki ang mga mata niya. “Blake, baka pagdating sa ‘kin ng bill, ang laki ng bayaran ko ha!” “Bakit naman kita pagbabayarin? Huwag mo na problemahin ‘yan. Ako’ng bahala.” “Anong ikaw? Ikaw magbabayad? Ayoko. Ibabalik ko na sa ‘yo ‘to.” “Ito na lang ‘yung paraan ko para makausap at makita ka palagi, huwag mo naman ipagkait sa ‘kin. Kung malapit lang ‘yang sa inyo, araw-araw kitang pupuntahan, kaso ang layo at may pasok pa ‘ko sa school. Weekends lang kita kayang puntahan. Tina, hindi ako makukuntento sa text lang o sa boses lang. Gusto kita makita. Pagbigyan mo na ‘ko. Please.” “Pero Blake…” “Kapag galing kay Theo tinatanggap mo. Kapag galing sa ‘kin, ibabalik mo?” “Hindi sa gano’n pero kasi, monthly ‘to. Itong cellphone pa nga lang ang mahal na. Balak mo bang makipagtagisan ng regalo kay Theo?” “Ano-ano bang binigay niya sa ‘yo?” Sabihin niya lang sa 'kin, tutumbasan ko talaga o hihigitan ko pa. “Hay naku! Kapag binigyan ba niya ‘ko ng lollipop, bibigyan mo ‘ko ng marshmallow?” “Siya na lang ‘yung marshmallow. Hindi naman ako malambot. Ako na lang ‘yung lollipop.” “Blake, puro ka kalokohan!” “Kaya huwag mo na tanggihan ‘yung binibigay ko. Umpisa pa lang ‘yan. Masanay ka na.” “’Yan na naman ‘yung pagiging gastador mo. Dati 25k pesos na kama ang binili mo, ngayon naman ito.” “Yung nasa apartment na kama?” “Oo.” “Kaya pala matibay.” Pilyo akong napangiti. Mukhang na-gets niya ‘yung ibig kong sabihin. “Blake! Napaka mo!" "Ano?" maang-maangan ko. Kunwaring inosente. "Kung nand’yan lang ako—.” “Iki-kiss mo ‘ko? Hug? Sarap naman!” May pilyong ngiti pa rin ako sa labi. Kung nandito nga siya, ‘yon ang gusto kong gawin. “Hindi! Tatampalin ko ‘yang nguso mo,” sabi niya pero natatawa na rin siya. “Tina…” “Ano…?” “I miss you. Gusto ko na mag-weekend.” Seryoso akong nakatingin sa kanya nang mag-ring ‘yung phone ko, pero hindi ko pinansin. “Hindi mo ba sasagutin ‘yon?” “Ayoko. Istorbo.” “Baka importante. Sagutin mo.” "Mamaya na lang. Tatawag naman uli 'yang kung importante." "Blake, sagutin mo. Baka sina Tommy 'yan." “Okay. Wait." Tumayo ako para kunin 'yung cellphone ko na nasa ibabaw ng table. "D’yan ka lang ha?” “Opo.” Nang kunin ko ‘yung cellphone, nakita kong si Mela ‘yung tumatawag. Nawala sa isip ko na tawagan siya kanina pagdating ko dito sa bahay. Wala kasing laman ang isip ko kundi si Tina. “Akala ko hindi mo na sasagutin. Magtatampo na sana ako.” “Sorry, hindi ko nasagot ‘yung call mo kanina. I was driving,” sagot ko habang paupo sa kama pabalik sa tapat ng laptop. “It’s okay.” “Bakit ka nga pala tumawag kanina?” “Wala lang. Gusto lang kita makausap. Nasa’n ka ngayon? Are you home?” “Yeah, pero Mela I can’t stay on the phone.” “Why?” “Kausap ko si Tina.” Napatingin ako kay Tina at nakita kong seryoso ang mukha niya at nakataas ang isang kilay niya. Nagseselos ba siya? Naalala ko, nag-meet na nga pala sila ni Mela and she was mad like a kitten base sa kwento ni Mela. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari that day, para magalit siya.  Ngumiti ako at sumenyas sa kanya na sandali lang. “Is she there with you? Kayo na uli?” “No. Not yet.” Napatingin uli ako kay Tina. She looks annoyed. Mukhang ayaw niya na kausap ko si Mela. “Mela. I have to go. Let’s talk some other time.” “Hindi pa naman ako inaantok. Can you call me later, after n’yo mag-usap?” Humikab na si Tina. Hindi ko alam kung inaantok na talaga siya o umaarte lang para ipakita sa ‘kin na naiinip na siya. “I really have to go. Tomorrow. Let’s talk tomorrow. Okay?” Nagmamadali kong sabi. “Okay.” Nilapag ko sa kama 'yung cellphone at umayos ako ng higa sa kama, paharap sa laptop. “Antok ka na?” tanong ko. “Medyo. Pagod ako sa work. Ikaw baka pagod ka sa byahe. Tulog na tayo.” Parang ang sungit ng tono niya. Galit ba siya? “Antok ka na talaga?” “Oo, ‘tsaka nangangawit na ‘kong hawakan ‘tong phone.” Naiba ‘yung pwesto ng camera, mukhang ipinatong niya sa gilid niya. “Hindi pa ‘ko inaantok. Babantayan na lang kita habang natutulog ka.” “Okay,” mabilis niyang sagot at tinalikuran ako. “Tina… Harap ka naman sa ‘kin. Alam kong maganda ‘yang buhok mo, makintab at mahaba pero ‘yung mukha mo ‘yung gusto ko makita.” “Ayoko. Matulog ka na lang din.” “Galit ka ba?” “Hindi. Bakit ako magagalit? Kausap mo lang naman si Mela.” Napangiti ako. Nagseselos nga ata siya. “Wala pa kaming isang minuto nag-usap.” “Ewan. Hindi ko naman inorasan.” “Tina… Harap ka na sa ‘kin.” “Matutulog na ‘ko.” Napangiti ako nang umarte siya na humihilik. Kinuha ko ‘yung phone ko at nag-text ako doon sa isa pa niyang phone. Marami akong pinadalang messages kaya sunod-sunod ang naging pagtunog no’n. Napilitan siyang kunin ‘yung phone na nasa tabi lang pala niya. Mahigit sampung text message na puro I love you ang nakalagay ang sinend ko sa kanya. Nang makita na niyang sa ‘kin galing ‘yung text napalingon siya sa ‘kin. Pinaningkitan niya ‘ko ng mata. Sinabihan ko siya ng I love you at tuluyan na siyang humarap sa ‘kin. “Magkaibigan lang kami ni Mela.” “Hindi ko naman tinatanong,” sabi niya pero ayaw naman akong tingnan. “Tina, look at me." "Matulog na kasi tayo. Bukas na tayo mag-usap uli." "No. Look at me first. I will not end this call na ganyan ka."  "Anong ganito? Inaantok lang naman ako. Ikaw ba hindi ka pa inaantok?" "No. Kaya tingnan mo muna 'ko." "Bakit kailangan ka pang tingnan?" "Fine. Pakinggan mo na lang ako... Mela is just a friend. Tina, I love you and you will always be my priority. Ikaw at ikaw ang palaging pipiliin ko. Wala ka nang magiging kahati dito sa puso ko. I would rather die than let you experience again the pain that I’ve caused you before. Binigyan mo ‘ko ng second chance at hindi ko ‘to sasayangin. May chance na ‘kong pumunta sa paraiso, hindi na ‘ko babalik sa impyerno. Naging miserable ako nang mawala ka. Ayoko nang balikan ‘yung mga araw na ‘yon.” Tiningnan na niya ‘ko pero tahimik lang siya at walang sinabi. “Tina, I love you with my whole being. Always remember that.” Biglang may tumulong luha sa mata niya na mabilis niyang pinunasan. “Bakit ka umiiyak?” Hindi siya sumagot at umiling lang. "Please, don't cry. Hindi ko alam kung para saan 'yang luha mo." Hindi pa rin siya nagsalita. “Pagod ka na ba talaga? Sige na, tulog ka na. Pero please, huwag mo na ‘ko talikuran.” Napangiti na siya uli, kaya nabawasan ang pag-aalala ko. Tumango rin siya at nagpunas ng luha. “I love you…”     TINA Paggising ko, nakapatay na ‘yung phone ko. Naubusan na siya ng battery dahil nakatulugan ko na habang tamihik lang kami ni Blake na nakatitig sa isa’t isa. Ito naman kasing si Blake, nag-drama kagabi. Napaiyak tuloy ako. Nagselos kasi ako kay Mela. Hindi ko naman kasi alam na nag-uusap pa rin sila ng babaeng balloon na ‘yon at mukhang naging close pa sila dahil tinatawagan pa niya si Blake sa phone. Kinuha ko ‘yung cellphone para i-charge. Nang buksan ko ‘to may tatlong messages agad na dumating. Lahat galing kay Blake.   Good morning! Nakaligo na ‘ko and I’m currently eating my breakfast. Bacon and eggs. Kain ka rin bago pumasok sa work. Papasok na ‘ko sa school. I’ll call you after my first class. I love you.   Nauna ata akong nakatulog sa kanya pero mas nauna pa siyang nagising. Medyo malayo kasi ang bahay nila sa school kaya siguro maaga siyang umalis. Good morning. Kagigising ko lang. Galingan mo sa school. Kapag hindi ko nasagot ‘yung tawag mo, nasa trabaho ako. Alam mo na, baka mapagalitan ako ni Madam. Kumukuha na ‘ko ng damit at tuwalya panligo nang mag-ring ‘yung luma kong cellphone. Si Theo naman ang tumatawag. “Cristina! Nasaan ka? Kumusta ka d’yan? Okay ka lang ba? Wala kang sakit? Wala kang pinoproblema?” “Theo, kalma. Ang dami mong tanong. Nandito ako sa bahay. Okay lang naman ako. Ang aga mo namang tumawag.” “Napaginipan kita kaya paggising ko, tinawagan kita. Huwag ka munang pumasok sa resort ngayon ha? Tutal pumasok ka naman noong weekends. Nasabi sa ‘kin ni Liza.” “Kulang ang tao sa resort. Hindi pumasok si Judith and ‘yung asawa niyang si Gary. Parehong trinangkaso. Ano bang napaginipan mo? Bakit ayaw mo ‘ko papasukin?” “Na-kidnap ka raw. Nagbabayad ako nang malaking ransom pero ayaw tanggapin ng kumuha sa ‘yo. Nakita kitang nakakulong sa cage at iyak ka nang iyak.” “Theo, paano naman ako maki-kidnap? Hindi naman kami mayaman. Wala lang ‘yang panaginip mo. Kung gusto mo palagi na lang akong magte-text sa ‘yo para hindi ka mag-alala.” “Okay. Dalasan mo ah. Tatawagan din kita.” “Kung saan ka mapapanatag. Sige na, ba-bye na. Mag-aayos pa ‘ko. Ayokong ma-late at baka masermonan na naman ako ni Madam.” “Pinagalitan ka niya? Bakit?” Teka, paano ko sasabihin sa kanya na dahil kay Blake? “W-wala ‘yon. Simpleng bagay lang. Ako naman ‘yung nagkamali. Huwag mo na intindihin ‘yon.” “Sigurado ka? Ayoko nang pinapagalitan ka nila. Pinag-duty ka na nga kahit off mo eh.” “Theo. Maliit na bagay lang ‘yon. Wala lang ‘yon sa ‘kin. Huwag mo ‘kong bigyan ng special treatment. Ayoko. Kung nagkamali ako, dapat lang na mapagalitan ako.” “Sa Thursday babalik na ‘ko d’yan. Pero baka gabi na ‘ko dumating. Magkikita tayo Friday na.” Bumuntong-hininga siya. “Miss na kita.” “Tina!” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Inay, sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Tinawag niya uli ang pangalan ko at kumatok pa siya. “Tinatawag na ‘ko ni Inay. Baka may iuutos sa ‘kin. Sige na. Mamaya na tayo uli mag-usap.” “Okay. I love you! Bye!” Ano ba ‘to? Dalawang lalaki ang nagsasabi sa ‘kin ng I love you. Ang hirap naman ng ganito. Hindi ito katulad ng sitwasyon ko noon kay Andre na sigurado akong hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin ko. Mas malalim ang pinagsamahan namin ni Theo. May naramdaman din akong connection na hindi ko naramdaman noon kay Andre. Pero mahal ko pa rin si Blake. ‘Yon nga lang natatakot pa rin ako. Narinig ko nga lang ‘yung pangalan ni Mela kagabi, naalala ko lahat ng mga babaeng nakita kong kasama ni Blake noon. Pati ‘yung paghalik niya kay Nica, naalala ko rin. Ang hirap. Ano bang dapat kong gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD