KABANATA 20

1346 Words
KABANATA 20 TINA Kaalis lang ni Theo kahapon. At dahil wala siya, dito ako sa resort magtratrabaho ngayon. Alam na ni Ma’am Liza ‘yung set-up na kay Theo ako magwo-work kapag nandito siya at sa resort kapag wala siya. Wala namang problema sa mga katrabaho ko, lalo na’t ayaw rin nilang magtrabaho kay Theo dahil may pagka-suplado raw. Hanga pa nga sila sa ‘kin, dahil nakakayanan ko raw ‘yung ugali. Hindi ko na lang sinabi sa kanila na kababata ko si Theo, para hindi nila isipin na may special treatment sa ‘kin. “Good morning Ate Grasya!” masayang bati ko. Siya ang naka-assign ngayon dito sa reception area. “Good morning din! Ang ganda ata ng gising.” “Palagi namang maganda ang gising ko. Si Emily? Wala pa?” Dapat kasi, dalawa sila rito. “Nilayasan ng yaya ng anak niya kaya male-late siya ng pasok dahil naghahanap pa siya ng pag-iiwanan sa anak niya.” “Ah.. gano’n ba. Kapag may nalaman ako na naghahanap ng trabaho at pwedeng mag-yaya, sasabihan ko siya.” “Good morning,” boses ng isang lalaki ang narinig ko sa tabi ko. Sobrang pamilyar kaya nag-aalangan ako na tingnan. "Good morning Sir! Welcome to Golden Villa Resort." Napatingin ako kay Ate Grasya. Kulang na lang makakita ako ng mga puso sa mga mata niya habang nakatingin sa lalaking katabi ko. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganyan sa guest dito sa resort. Iba 'yung ngiti niya ngayon.  "I'd like to book a room for a night ,please." Pamilyar talaga! Boses ni Blake ‘to eh! Dahan-dahan kong ipinihit ang tingin ko sa lalaking katabi ko. Abala siyang nakatingin sa phone niya na parang may binabasa. Nakatitig pa ‘ko sa kanya nang mapatingin siya sa ‘kin. “Tina…” Halatang nagulat siya na makita ako. Ako rin naman, hindi ko akalain na makikita ko siya rito. “Blake…” Naiilang ako. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Matipid na lang akong ngumiti. “I didn’t expect to see you here. Are you staying here? Do you work here?” Parang ang saya niya na makita ako. Ang dami niyang tanong at ipinaling pa niya ang katawan niya paharap sa 'kin. Bigla niya atang nakalimutan na si Ate Grasya ang dapat na kinakausap niya. “Dito ako nagwo-work. Sige, maiwan na kita. Nice to see you.” Tiningnan ko si Ate Grasya. “Ate ikaw nang bahala sa kanya.” Ibinalik ko ‘yung tingin ko kay Blake. “Enjoy your stay.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ‘ko sa kamay. “Wait. Pwede ba tayong mag-usap?” Nilingon ko siya. “Sorry. Oras kasi ng trabaho. Bawal.” Inilayo ko ‘yung kamay ko sa kanya na binitawan naman niya. “Okay…” Bakit parang nalungkot siya at pilit ang ngiti niya? “See you around.” Tumango na lang ako. Habang naglalakad ako palayo sa kanya nagririgudon ‘yung puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o natutuwa ako na makita siya. Napakagat labi ako. Ang gwapo pa rin niya. Hay… Ano ka ba naman Tina. Ang rupok mo pa rin, pagdating sa kanya. Move on! Hindi siya nandito para sa ‘yo. Nagulat nga siyang makita ka. Hindi niya alam na dito ka nagtratrabaho. Para na ‘kong sira na kinakausap ang sarili ko. Dumiretso na ako sa locker room at nagpalit ng damit at isinuot ang uniform ko. Bago ako lumabas ng locker room, sumilip muna ako at tumingin sa kaliwa't kanan ko. Wala si Blake. Buti naman. Ayoko siyang makita uli. Baka hindi ako maka-focus sa trabaho.  Katatapos ko pa lang maglinis ng isang kwarto nang makasalubong ko si Marjorie. “Tina, room 8 daw. Dala ka ng extra pillows. Dalawa.” “Sino ‘yung nasa room 8?” “Bagong guest na lalaki na mag-isa lang. Nakita kong pumasok sa room niya at Diyos ko, muntik nang mahulog ang panty ko sa sobrang gwapo. Totoo ang chikka ni Ate Grasya sa 'kin kanina.” Si Blake ata ‘yung tinutukoy niya! Bakit naman ako pa ang pupunta sa kwarto niya? Ayaw ko. “Ikaw na lang magdala ng unan.” “Ha? Eh, gustuhin ko man, pinapatawag ako ni Madam.” “Mamaya, pagkatapos kang kausapin ni Madam, saka mo dalhan ng unan.” “Bawal paghintayin ‘yung guest. Bilisan mo na. Kumuha ka na ng unan. Baka magreklamo pa ‘yon,” sabi niya sa ‘kin sabay alis. Wala na akong nagawa. Bitbit ang dalawang unan, nagpunta ako sa room 8 at kumatok. “Housekeeping?” Parang hindi pa ako sigurado sa sinabi ko kahit na palagi ko naman ‘tong sinasabi sa tuwing pupunta ako sa mga kwarto ng mga guests. Lakas maka-suspense nang dahan-dahang pagbukas ng pintuan. Mag-isa nga lang kaya talaga siya sa loob ng kwarto? Bakit kailangan niya ng extra na unan? Noong magkasama pa kami sa apartment kuntento na siya sa isa tapos ngayon gusto niya marami? Isang babae na mukhang nasa late 40s na ang humarap sa ‘kin. Hindi ito si Tita Lorie. Hindi ko ito kilala. Bagong girlfriend ba ‘to ni Blake? Nagbago na ba siya ng tipo niya? Mas gusto na niya ang may edad sa kanya? “Hello Ma'am. Ito na po ‘yung ni-request n’yo na pillows,” sabi ko. “I didn’t ask for that,” sabi ng babae at saka lumingon. “Darling! Did you ask for extra pillows?” “I didn’t!” sigaw ng lalaki na nasa loob na hindi kaboses ni Blake. Napatingin ako sa numero sa pintuan. Lumagpas na pala ako. Nasa room 9 ako! “Sorry po. Maling room po pala. Pasensya na po sa abala.” “It’s okay dear,” sabi ng babae at isinarado na nito ang pintuan ng kwarto nila. Naglakad na ako pabalik. Nasa tapat ng room 8 na talaga ako. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok. “Housekeeping.” Bumukas ang pintuan at niluwa nito ang naka-topless na si Blake, pero nakasuot pa naman siya ng pantalon. “I-ito na ‘yung unan mo.” Inabot ko sa kanya ‘yung mga unan para matakpan ‘yung malapad niyang dibdid at alon-alon niyang abs na matagal ko na ring hindi nakita. Diyos ko pong mahabagin, bigyan n’yo po ako ng lakas ng loob na paglabanan ang tukso na ‘to. “Thanks.” Kinuha niya ‘yung mga unan at tulad kanina nang paalis na ako, hinawakan na naman niya ‘ko sa kamay. “Can you stay? Kahit sandali lang?” “Sorry Blake. Bawal talaga kapag oras ng trabaho. Mahigpit sila rito. Baka mapagalitan ako.” “After ng work mo? Pwede na?” “Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos. Maraming gawain dito sa resort.” Palusot ko kahit na iisang oras lang naman ang palaging tapos ng trabaho ko. “It’s okay. I’ll wait. Do you have plans for dinner? Pwede mo ba ‘kong samahan? Mag-isa lang kasi ako.” Mukhang hindi niya ‘ko titigilan kaya napatango na ‘ko. “Okay.” Napangiti siya nang marinig ang sagot ko. Hindi ko maintindihan ‘yung kinikilos niya. Noong nasa Manila pa ako, panay ang layo niya sa ‘kin, ngayon naman pilit siyang lumalapit. “Thank you!” Parang akma pa niya akong yayakapin pero huminto siya. “Thank you. See you later.” Tumango ako, ngumiti at saka ako umalis. Nang medyo nakalayo na ako, lumingon ako at tumingin sa pintuan ng kwarto niya na sarado na. Hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko. May nararamdaman akong takot, pero may konting saya na makita siya. Nang maisip kong makakasama ko siya mamaya pagkatapos ng trabaho ko may konting pagtalon ang puso ko. May pananabik akong naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD