KABANATA 19

1161 Words
KABANATA 19 BLAKE “Akala namin hihimatayin ka kanina Blake!” sabi ni Pete. “Hoy! Hindi ah! Bakit naman ako hihimatayin? Kinakabahan ako, pero prepared naman ako kaya nasagot ko lahat ng tanong sa ‘kin.” Katatapos lang kasi ng defense ko kanina at pasado ang grade na nakuha ko. Nasa canteen kami ngayon at katatapos lang namin kumain maliban kay Justin. Dapat ililibre ko sila sa labas dahil pasado ako, pero dahil may pang-gabi na klase sina Pete at Justin, sa weekends na lang. “Yabang!” sabi naman ni Justin na kumakain ng cupcakes. Bigay ‘yon ni Katarina sa kanya kanina. Hindi man lang kami inalok at siya lang ang mag-isang kumakain ng cupcake. Bilin daw kasi ni Katarina sa kanya, ubusin niya ‘yon. “Paanong hindi yayabang? Dalawa sa tatlong panel kanina, paborito siya,” sabi ni Tommy na nakaupo sa tabi ko. “Isang ngiti lang ni Blake, kinikilig na si Ms. de Castro sa kanya. Tapos si Mrs. Chua naman siya ang pinaglilihihan. Gusto maging kamukha ni Blake ‘yung magiging anak.” “Si Mr. Madera lang naman ang gumisa sa ‘yo kanina.” “Paanong hindi siya gigisahin? May crush si Mr. Madera kay Ms. de Castro,” sagot ni Tommy sa sinabi ni Pete. “Mga loko kayo! Hindi ako pumasa sa pa-cute lang ha. May utak ako. Pinaghirapan ko ‘yung thesis at defense ko,” reklamo ko kahit natatawa 'ko sa mga pinagsasabi nila. “Uwi na ‘ko. Kayo, magsipasok na kayo sa mga klase n’yo,” sabi ko sa kanila habang isa-isa kong binibitbit ang mga gamit ko. Habang naglalakad ako sa parking lot, nag-ring ‘yung phone ko.  “Hello, Mela.” “Blake! Where are you?” masaya ‘yung tono ng boses niya. “Sa school. Why?” “Pauwi ka na?” “Yeah.” “Meet me sa condo.” “Ngayon na? Why?” “‘Di ba ngayon ‘yung defense mo? I’m sure you passed. Let’s celebrate! Nagluto ako.” “I failed. Katakot-takot na sermon na naman ang maririnig ko nito.” Malungkot na sabi ko. “Really? I’m sorry…” Biglang lumungkot ‘yung boses niya. “You can still come over. You can talk to me. Wanna watch a movie? To get things off your mind.” Pigil ang tawa ko habang nagsasalita siya. Sineryoso niya ‘yung sinabi ko. “Hey! I was just joking! I passed!” “Blake! I hate you!” sigaw niya habang tatawa-tawa ako. “Naloko mo ‘ko do’n ah. Ready na ‘kong umiyak for you, tapos hindi pala totoo,” natatawa na niyang sabi. “I’m sorry. Sige, pupunta na ‘ko d’yan. See you in a bit!” “Okay. Ingat. Bye.” Pagdating ko sa condo ni Mela, inis na inis siya sa ‘kin. Kulang na lang ipukpok niya ‘yung sandok na hawak niya sa ‘kin dahil pinagtatawanan ko ‘yung pagda-drama niya kanina sa phone. “Swear! Muntik na 'ko maiyak kanina! Naisip ko na baka mag-away na naman kayo ng daddy mo,” sabi niya habang kumakain na kami. “Thanks for your concern and thank you for these. Ang sarap mo talagang magluto,” sabi ko bago ako sumubo ng pagkain. Beef salpicao at fish fillet ang niluto naman niya ngayon para sa ‘min. “Madami akong niluto, pagdala mo ‘yung parents mo, para matikman din nila ‘yung luto ko. Masarap din ba magluto ang mommy mo?” tanong niya kaya naalala ko si Tina. Sobrang giliw na giliw si Mommy kay Tina lalo na dahil masarap ito magluto. Si Mommy kasi hindi masyadong magaling sa kusina. Na-miss ko tuloy ‘yung Caldereta ni Tina na may gata. “Si Mommy? Masarap siya mag-adobo, pero hindi siya masyadong marunong magluto. Ilang putahe lang ang alam niyang lutuin. Mas madalas pa siya sa garden kesa sa kusina namin.” “Kapag na-meet ko ‘yung mom mo, isusumbong kita.” “Hindi ‘yon magagalit. Hindi ko pa nga nakitang nagalit ‘yon. Hindi ko pa rin sila nakitang nag-away ni Dad. Hindi ko alam kung hindi lang nila pinapakita sa ‘kin o sadyang sobrang bait lang talaga ng Mommy ko.” “Now I really wanna meet your mom. Super opposite sila ng nanay ko na palagi na lang may negative na nasasabi tungkol sa ‘kin.” “Wanna watch a movie? To get things off you mind.” Inulit ko ‘yung tanong niya sa ‘kin kanina sa phone. Biniro ko siya para mapangiti siya uli. “Blake! Hindi mo pa rin ako titigilan?! Baka hanggang panaginip, marinig kong sinasabi mo ‘yan.” “Pinapatawa lang kita. Pero, we can really watch a movie after nating kumain.” “I like that. I have popcorn and chips d’yan. May bagong movie rin akong nakita sa Netflix. Let’s watch it.” Pagkasabi niya ng word na popcorn, may biglang nag-flash sa isip ko. Kami ni Tina sa apartment namin, nanunuod kami sa laptop ko habang may malaking bowl na puno ng popcorn ang nakatabi sa ‘min. Nakatitig ako sa kanya habang kilig na kilig siya sa pinapanood niya. “Bakit natahimik ka d’yan at bakit nangingiti ka?” “May naalala lang ako.” Kumusta na kaya siya? Gusto ko uli siya makita. Kahit may kasama siyang iba, okay lang. Basta makita ko lang siya. Si Mela ang kasama kong nanunuod ng movie pero ‘yung isip ko lumilipad na papuntang Bicol. Pinaplano ko na kung kailan ako aalis, kung ano’ng oras, kung ano’ng mga dapat kong dalhin. Pag-uwi ko mamaya maghahanap din ako kung saan ako pwedeng mag-stay na mas malapit sa bahay nina Tina. Kesa magpakalunod ako sa alak, pupuntahan ko na lang siya. ‘Yung alak panandaliang pagkalimot lang ang dulot sa ‘kin pero kung haharapin ko ‘yung katotohanan na may iba na siya, baka sakaling matanggap ko na at unti-unti kong mapalaya sa sakit ‘yung sarili ko. Abala ako sa pag-iisip ng mga plano ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Mela sa braso ko. Napangiti ako habang nakatingin ako sa mukha niya. Ang daldal niya kanina, pero ngayon, mahina na siyang naghihilik. Dahan-dahan kong inangat ang ulo niya para maiangat ko naman ang braso ko. Nang maiangat ko na ang braso ko, ipinatong ko ang ulo niya sa dibdib ko para mas maayos siyang makatulog at magagawa kong igalaw ang mga braso ko. Dahan-dahan kong kinuha ang remote control na hawak niya at pinatay ko na rin ‘yung TV. Isinandal ko ang ulo ko sa couch at ipinikit ko ang mga mata ko na si Tina pa rin ang nasa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD