KABANATA 32

1136 Words
KABANATA 32 TINA   Nakaharap ako sa salamin habang hawak ang dalawang hanger sa magkabila kong kamay. Ang isa may nakasabit na blouse habang ‘yung isa naman t-hirt. Mamamasyal lang naman kami ni Blake sa perya pero heto ako namromroblema sa susuotin ko. ‘Yung mas simple ba o ‘yung medyo sexy at babaeng-babae? Pinili ko ‘yung huli para iterno sa maong na pants ko at sandals. Blouse ito na butas sa magkabilang braso, may manipis na tirante at medyo maigsi pero hindi naman labas ang tiyan. Checkered ito na kulay pinaghalong white at peach. Naalala ko, na bakuna blouse ang tawag ni Mia rito. Siya rin ang nagbigay sa akin nito bago ako umalis ng Manila. Gusto raw niya na maganda pa rin ako at palaging mag-aayos kahit hindi kami nagkikita. Huwag ko raw kakalimutan lahat ng mga turo niya. Kaya pagkatapos kong magbihis, naglagay ako nang manipis na make-up, konting blush-on at liptint.   “Tina! Ang tagal mo naman d’yan ‘nak. Baka makatulog na si Blake rito sa paghihintay sa ‘yo!” sigaw ni Inay na sa lakas ng boses, mukhang nasa labas lang ng pintuan ng kwarto ko.   “Hindi naman po. Okay lang po,” narinig kong sabi ni Blake.   “Sandali na lang po!” sagot ko. Nagmadali na akong nagsuklay at ipinusod ang mahaba kong buhok. Humabol pa ako ng pag-curl ng pilikmata, para kahit walang mascara nakapilantik naman ang mga pilikmata ko. Halos patakbo akong naglakad palapit sa pintuan at nang buksan ko ito si Inay ang nabungaran ko.   “Nagpaganda pa,” bulong ni Inay sa ‘kin na ikinangiti ko.   Nabaling naman ang tingin ko kay Blake nang mapatayo siya. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa ‘kin.   “Alis na po kami,” paalam ko kay Inay at pagkatapos ay ibinaling ko pabalik kay Blake ang tingin ko. “Tara na?” Tumango naman siya kaya naglakad ako palapit sa kanya.   Nasa bukana na kami ng pintuan nang tawagin ni Inay si Blake, kaya sabay kaming napalingon. “Saan ka nga pala tutuloy pagkatapos ng lakad n’yo? Pwede ka rito sa bahay namin.” Napatingin ako kay Inay. Nakalimutan niya atang dalawa lang ang kwarto namin. Balak ba niyang pagtabihin kaming dalawa ni Blake? ‘Nay marupok po ‘tong anak n’yo!   Nagkatinginan kami ni Blake at parang nagpipigil ng ngiti ang mokong na ‘to. Mukhang iisa ang naisip namin sa sinabi ng Inay. “Tina, doon ka na sa kwarto namin ng Itay mo matulog mamaya. Kasya naman tayong tatlo sa kama.”   “O-okay po. Sige po ‘Nay. Okay lang po sa ‘kin.” Napatingin na naman ako kay Blake at nawala na ang ngisi niya, kaya ako naman ang nangitngiti ngayon. Napatakip ako ng bibig dahil baka mahalata ni Inay.   “Ano Blake? Dito ka na sa amin matulog.”   “Sige po. Thank you po.”   “O, sige. Papalitan ko na ‘yung kobrekama at mga punda ng unan ni Tina.”   “Kahit huwag na po,” sabi ni Blake pero mabilis nang umalis si Inay papunta sa kwarto nila kung nasaan ang cabinet na pinaglalagyan ng mga malilinis na bedsheet, kumot at punda.   “Bakit ayaw mong papalitan?” tanong ko sa kanya habang palabas na kami ng bahay.   “Para kaamoy mo pa rin ‘yung unan at ‘yon ang yayakapin ko mamaya pagtulog ko, na                     kunwari ikaw ‘yon.”   “Baka imbis amoy ko ang malanghap mo, natuyong laway sa unan ang makita mo. Tama lang na magpalit ng punda ang Inay,” pabirong sabi ko habang isinasarado ko ang pintuan.   “Payakap na lang ako ngayon.” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka niya ako pinaikot para iharap sa kanya. Nang magkatapat na kami hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa tagiliran niya. “Hug me… Please…”   “Blake, nasa labas tayo ng bahay namin ‘tsaka baka lumabas si Inay.”   “Hug lang naman ‘tsaka ramdam ko naman na boto ang Inay mo sa ‘kin. Akala ko nga payag siyang makatabi kita matulog,” nakangising sabi niya.   “Loko! Mga naiisip mo ha…” Napatingin ako sa gilid at parang labas sa ilong ang sinabi ko dahil kanina lang, gano’n din ang naisip ko.   “Hug mo na ‘ko,” may paglalambing na sabi niya. “O ako na lang ang yayakap sa ‘yo?” Tiningala ko siya. “Hug? Please?”   “Okay… Sige…” Nangingiti ako habang dahan-dahan akong yumayakap sa kanya. Nang lumapat ang pisngi ko sa malapad na dibdib niya, langhap ko ang pabango niya. Ang bango-bango niya talaga. Na-miss ‘ko ‘tong amoy na ‘to. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita at nakasama.   Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa ‘kin.  “I love you…” Mahinang bulong niya sa gilid ng ulo ko. Bakit sobrang lambing niya ngayon? Dahil ba ‘to kay Theo kanina? Wala naman siyang dapat ipagalala, dahil siya na ang pinili ko. Hindi ko nga lang sinasabi pa sa kanya.   “Blake…” “Yes?” sagot niya habang yakap pa rin ako. “Magpe-perya pa tayo…” sabi ko dahil mukhang wala na siyang balak bumitaw sa ‘kin. “Dito na lang ba tayo?” Natawa siya at humiwalay ng yakap sa ‘kin at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad papunta sa kotse niya. Hindi ko alam kung ligaw pa ba ‘tong ginagawa niya kasi ‘yung kilos namin parang kami na. Pinagbuksan pa niya ‘ko ng pinto bago siya sumakay. Pagkasakay niya ang tagal din niya ‘kong tinitigan kaya napatanong ako ng bakit. “You’re so pretty, as always. Everytime I look at you, mas lalo akong nai-in love sa ‘yo.” “Sino’ng nagturo sa ‘yo ng mga ganyang hirit? Si Tommy, si Pete o si Justin?” “Walang nagturo sa ‘kin. Ito talaga ‘yung nararamdaman ko at gusto kong malaman mo. You don’t know how happy I am today just to see you and be with you like this. ‘Yung limang araw parang isang buwan ang tagal para sa ‘kin. Gano’n kahirap ‘yung malayo sa ‘yo. Kaya nga ang saya ko ngayon na makakapag-spend tayo ng time together na tayong dalawa lang.” Kinuha niya ‘yung kamay ko at hinalikan. “Susulitin ko bawat segundong kasama kita.” “Kaya mag-drive ka na…” Nakangiti kong sabi at sa totoo lang kinikilig ako sa bawat sinasabi at ginagawa niya. “Yes boss!” Hinalikan niya uli ang kamay ko bago niya bitawan para magmaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD