CHAPTER 4: Quest
DRAKE SEAN'S P.O.V
Kinagabihan matapos kong ihatid si Audrey sa bahay nila ay agad din akong bumalik sa mansyon at saka maagang natulog kaya naman kinaumagahan ay maaga akong nagising at pagkabangon ko sa higaan ay tulad sa nangyari no'n ay muling may lumabas na hologram sa marka na nasa kaliwang pulsuhan ko.
COMPLETE THE QUEST:
MISSION: You need to know what's your soulmate's biggest fear in life. If you got the correct answer on the 7th day when the quest ends, you could choose a skill or ability to help you get closer to your soulmate, and if you don't get the correct answer when the investigation ends, your soulmate will face the consequences. Your mission will begin now!
(Reminder: You can't ask your soulmate for the answer!)
Kumunot ang noo ko matapos kong mabasa ang lumabas mula sa hologram na nagmula sa pulsuhan ko.
Kailangan kong malaman kung anong kinatatakutan ni Audrey ng hindi siya tinatanong kaya naman agad akong kumilos para maligo at magbihis ng uniform ko at matapos no'n ay agad akong bumaba nang makita ko ang butler ko na si Javier.
"Young master, nakahanda na ang agahan n'yo," magalang na sabi ni Javier sa akin kaya naman napahinga ako nang malalim.
"No need, I'm going to school now." seryosong sabi ko at nakita ko naman na nalungkot ito kaya naman bumuntong-hininga ako saka siya tinapik sa balikat.
"Javier, don't worry too much about me, okay? I'm an adult now, and I can handle myself," after I told him that I left the mansion and drive my car to school.
Nang makarating ako sa school ay maaga pa kaya naman agad kong narinig ang mga usapin sa paligid ng mga estudyante.
"Uy! May natanggap din ba kayong quest tungkol sa soulmate n'yo?"
"Meron! Kaso hindi ko alam kung malalaman ko ba yung sagot sa tanong,"
"Ako rin! Hindi ko alam paano ko malalaman kung ano bang pangarap ng soulmate ko,"
"Pero alam n'yo ba nalaman ko na posible daw pagpipilian natin na ability or skill kapag natapos natin yung quest ay una malalaman natin sa pamamagitan ng favorability level kung ilang percent nang in love sa atin 'yong soulmate natin?"
"Ano naman iyong isa?"
"Iyong isa namang ability or skill ay malalaman mo kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang soulmate mo sa 'yo sa tuwing makakatanggap ka ng warning o pera,"
Dahil sa mga narinig kong usapin sa paligid ay na-realize ko na iba-ibang quest pala ang binigay sa amin.
At dahil sa narinig kong sinabi ng isang studyante na posibleng makuha namin na ability ay gusto ko tuloy pag-igihan kung paano ko malalaman ang pinaka-kinatatakutan ni Audrey.
Iniisip ko pa lang na kailangan ko pang makipaglapit sa mga kaibigan niya para malaman ko kung anong kinatatakutan niya parang sumasakit na ang ulo ko.
I don't like communicating with other people. Kaya hindi ko rin alam kung sa paanong paaraan ko kakausapin ang mga kaibigan ni Audrey para sabihin nila sa akin ang kinatatakutan niya.
Agad akong naglakad papunta sa building department namin at nakita ko naman na marami pa rin ang mga nag-uusap tungkol sa quest.
Kaya naman nang makapasok ako sa loob ng classroom namin ay agad kong nakita si Marquis at Clyde.
"Morning, Drake!" nakangising bati sa akin ni Clyde kaya naman napa-poker face ako sa kanya bago naupo sa desk ko.
"What quest did you get?" agad naman na tanong sa akin ni Marquis habang nakaakbay sa akin kaya naman agad kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko.
"Well, it's not an easy quest. I need to know what's my soulmate biggest fear in life," at dahil sa sinabi ko ay natahimik silang dalawa.
Kaya naman agad na kumunot ang noo ko at narinig ko namang napabuntong-hininga sila.
"Ow, man! I knew it this is not an easy quest, tsk!" frustrated na sabi ni Clyde habang nakahawak sa ulo niya.
"Yeah, you're right! Ayos lang naman sa akin kahit hindi ko alamin ang sagot sa quest ko kaso alam ko na hindi rin magiging maganda kapag napahamak ang soulmate ko dahil hindi ko sinubukang sagutin yung quest," seryosong sabi naman ni Marquis.
Kaya naman napailing na lang ako saka napatingin sa labas ng classroom namin.
"What's quest did you two have?" seryosong tanong ko naman at nakita ko namang nagkatinginan pa ang dalawa.
"My quest is to know what kind of love my soulmate wants! That's why I'm telling you that this isn't an easy quest," parang nayayamot pa na sabi ni Marquis kaya naman mahina akong natawa.
"Mine is to know who breaks my soulmate's trust in men," parang nawalan ng buhay na sabi naman ni Clyde kaya naman napabuntong-hininga ako.
Napapikit din ako nang mariin dahil isang linggo lang ang kailangan namin para malaman ang sagot sa quest namin.
"Drake may naisip ka na bang plano para sa quest mo?" tanong naman sa akin ni Clyde kaya naman kumunot ang noo ko at saka ako nag-isip.
"Hmm, I'm planning on hanging out with my soulmate friends to make an interview about my soulmate," seryosong sabi ko at nakita ko namang nagkatinginan si Clyde at Marquis.
"Wow, good for you!" tila naiinis na sabi naman ni Marquis kaya naman napailing ako.
"Kung gusto n'yong magawa ang quest n'yo hanapin n'yo munang dalawa ang soulmate n'yo para mas mapadali ang quest n'yo," seryosong sabi ko naman sa kanila at natigilan naman sila.
"Oo nga noh, wala tayong ideya kung sino ba 'yong soulmate natin Clyde! That's why I'm planning to go with you, Drake," nakangising sabi naman ni Marquis sa 'kin.
"Whatever, as if I can do something to stop you from coming with me later," seryosong sabi ko naman at nakita ko naman na nag-apir pa ang dalawa.
Maya-maya pa ay pumasok na ang professor namin at bago ito magturo ay pinaliwanag muna nito ang tungkol sa quest naming lahat para sa mga kanya-kanya naming soulmate.
"Good morning class, siguro naman ay aware na kayong lahat sa quest na in-assign sa bawat isa sa inyo? Ipapaalala ko lang na lahat kayo ay kailangan gawin ang quest dahil kung hindi mabigat ang magiging kaparusahan na matatanggap ng soulmate n'yo..." paliwanag ng prof namin.
"... Since may quest kayong kailangan tapusin ay bibigyan ko na lang kayo ng homework at saglit na lang ako magdi-discuss para makaisip pa kayo ng solusyon tungkol sa quest n'yo," dagdag pa ni Prof.
Kaya naman nagpokus na muna ako sa lecture namin habang ang dalagang kaibigan ko naman ay abala sa kanya-kanya nilang sarili.
Matapos ang ilang klase namin ay nag-ring na rin ang bell na ibig sabihin ay maaga kaming dinismiss sa klase kaya naman agad akong lumabas ng classroom.
Pagkalabas ko pa lang ng room ay marami na kaagad na kababaihan ang nagkakagulo sa tapat ng room namin.
Kaya naman nahirapan akong hawiin ang mga grupo ng kababaihan na humaharang sa amin nila Marquis at Clyde at matapos no'n ay nagmamadali akong pumunta sa room nila Audrey.
Sakto naman na kakalabas pa lang nila ng room at nakita ko namang nagulat pa si Audrey kaya naman napatikhim ako.
"Uhm, are you free right now girls?" mahinang tanong ko at saka pa ako napalunok dahil ito ang unang pagkakataon na nagtanong ako sa mga babae.
Nakita ko namang nagkatinginan pa silang tatlo bago muling bumaling sa akin.
"Well, kind of?" sagot naman no'ng kaibigan ni Audrey sa akin na si Sylvia kaya naman bahagya akong napangiti.
"Then can you come and join me for a drink? Uhm, I know this is a bit awkward for all of you but I have a few questions for the both of you," seryosong sabi ko naman bago ko tinuro ang dalawang kaibigan ni Audrey.
Nakita ko naman na napatulala pa si Audrey dahil sa sinabi ko at nakita kong nagtaka pa ang dalawang kaibigan niya bago ito napabaling ulit sa akin.
"Well be joining you guys so let's go?" agad naman akong napakunot ng noo nang makita ko si Clyde at Marquis na nasa likuran ko na kaya naman napabuga ako sa hangin.
"Okay then..." tila hindi pa sigurado na sagot ng isang kaibigan ni Audrey kaya naman napapikit ako nang mariin.
"Follow us," sabi naman ni Marquis sa mga kababaihan bago kami nagsimulang maglakad lahat.
Kaya naman nang magsimula na silang maglakad ay bahagya akong nagpahuli para makasabay ko si Audrey at saka ko siya tiningnan.
Malungkot pa rin ang ekpresyon niya kaya naman naikuyom ko ang kamao ko.
"Are you still thinking about him?" seryosong sabi ko at nakita ko namang napa-iwas siya nang tingin kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Remember what I told you yesterday? I'm serious about it. I'm going to court you for real so please stop thinking about him," seryosong sabi ko at nakita ko naman na natigilan siya at nakita ko pa kung paanong galit niya akong tinapunan nang tingin.
"Hah! Easy for you to say because you still haven't fallen in love with someone!" singhal niya sa akin kaya naman nagulat ako sa inasta niya kaya naman agad ko siyang hinawakan sa braso niya.
"I-- yeah! You're right about me still haven't fallen in love yet. Still, soon I will, and it's because of you, so please be good to me," seryosong sabi ko at nakita ko naman na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko bago ako tuluyang iniwan.
---