CHAPTER 5

2255 Words
CHAPTER 5: Fear of Abandonment DRAKE SEAN'S P.O.V Nang makarating kami sa Detiaft Town ay agad naman kaming nagparada ng mga sasakyan namin nila Marquis at Clyde habang sakay naman isa-isa ang mga girls. Nang makalabas kami sa sasakyan ay agad naman kaming pumasok sa kilalang Tipsy Crown Bistro kung saan puro mayayaman lang ang nagpupunta. "Dito ba tayo mag-iinom? Hindi ba mahal dito?" seryosong tanong naman ni Sylvia kaya naman nakita kong napatingin sa kanya si Clyde at saka inakbayan ang babae kaya naman nanlaki ang mga mata naming lahat sa sunod na ginawa ni Sylvia sa kanya. Siniko siya ni Sylvia sa sikmura niya kaya naman napaubo siya at napabitaw sa babae at nagulat na lang ako nang marinig kong tumawa si Marquis. "Don't you dare touch me again, you jerk!" dinig kong banta naman ni Sylvia kay Clyde bago naunang pumasok sa loob ng bistro. "Are you okay Clyde?" seryosong tanong ko kay Clyde at nakita ko namang marahan siyang tumango habang nakahawak sa sikmura niya bago sumunod sa amin papasok. Nang makapasok kami sa loob ay pumunta kami sa second floor at saka naupo sa VIP seat at saka nag-order sa waiter ng drinks. Magkakatabi ang mga girls habang kaming mga lalaki naman ay magkakatabi kaya naman nang ilapag ng waiter ang drinks namin ay agad naman na nagsalita si Hailey. "Let me get straight to the point. What do you need to us and you even invited us for drinks?" Napabuntong-hininga naman ako at napabaling ako kay Clyde nang maramdaman kong tinapik ako nito sa balikat ko saka ito nagsalita. "Before we answer your question, let me know what's your quest first," nakangising sabi naman ni Clyde kaya naman nagkatinginan ang tatlong babae. "Well, it's none of your business, Mr. simpleton," malamig naman na sabi ni Sylvia kay Clyde at nakita ko pang napanganga si Clyde dahil sa sinabi ng babae at hindi ito makapaniwalang tinawag pa siya nitong Mr. Simpleton. "Pfttt... Hey, you two, stop fighting, okay? Baka mamaya kayo pala ang magsoulmate hindi n'yo lang alam tapos away kayo nang away na dalawa," pang-aasar naman ni Marquis. "Yuck! Can you not say something disgusting? It would be better for me to die than for him to be my soulmate, ugghh eww!" diring-diri naman na sabi ni Sylvia kaya naman hindi ko na napigilan na matawa nang mahina. "You! Who are you to insult me?! Don't you know that girls dying to date me and to be my soulmate?!" tila napipikon naman na sagot ni Clyde kay Sylvia at nakita ko namang inirapan lang ito ni Sylvia kaya naman napailing na lang ako. Nang mapabaling ako kay Audrey ay nakita kong tahimik lang itong nakikinig sa usapan nila habang nakatutok ito sa phone niya kaya naman nagbukas ako ng isang beer at saka inabot sa kanya iyon. "Drink this. We're here to enjoy ourselves so stop staring at your phone," seryosong sabi ko naman at hindi naman ako pinansin ng mga kaibigan ko dahil abala sila sa pag-uusap. Nakita ko namang tinanggap iyon ni Audrey at nagdalawang-isip pa siya bago tinabi ang phone niya at nagsimula na ring uminom gaya namin kaya naman nang makita kong tumayo si Sylvia ay nagpaalam naman itong magsisigarilyo lang sa smoke area kaya naman agad akong sumunod sa kanya. "Why did you follow me here?" tanong niya sa akin ng hindi man lang bumabaling sa direksyon ko. Nakita kong naglabas siya ng sigarilyo sa bulsa niya at saka iyon sinindihan gamit ang lighter. "I'm sorry for following you, but I just wanted to ask something about Audrey," seryosong sabi ko sa kanya at saka ako lumapit sa kanya. Nakita ko namang bumuga muna siya sa hangin saka humarap sa akin. "What is it?" seryosong sabi niya kaya naman nang mapatingin ako sa marka ko ay agad akong humarap sa kanya. "May alam ka ba sa bagay na pinakakinatatakutan ni Audrey?" Nakita ko namang tumaas pa ang kilay niya saka muling humithit sa sigarilyo at saka muling nagbuga ng usok saka muling nagsalita. "Well, for us her friends wala rin kaming masiyadong ideya tungkol sa kanya. Audrey permanently hides something from us, and she's not an expressive type of person," seryosong sabi naman ni Sylvia sa akin kaya naman natigilan ako. "What are you two talking about?" agad naman kaming napabaling ni Sylvia sa likuran nang marinig namin na may nagsalita at nakita naman namin si Hailey na kakarating lang sa smoking area. "Well, he's asking me what's Faith's biggest fear in life," seryosong sabi naman ni Sylvia at nakita ko namang naglakad si Hailey palapit sa kaibigan niya at saka nito pinagkabit ang dalawa nitong braso nito. "Hmm, I think I have an idea what she fears the most," nakangiting sabi naman ni Hailey sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko. "Faith's first love is her childhood best friend, Dylan. At sa lahat ng mga alam namin tungkol kay Faith ni minsan ay di pa namin siya nakitang natakot sa kahit anong klaseng bagay except for one thing..." paliwanag ni Hailey at nanatili lang akong nakikinig sa kanya. "... I saw her scared expression when she saw Dylan in love with his soulmate, and I think what Faith fears the most is abandonment, her fear of abandonment. I think that's what she fears the most because she always says that she wants Dylan to keep her. I think her fear of abandonment by Dylan triggered her heartbreak syndrome," seryosong dagdag pa ni Hailey kaya naman naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Hindi ko alam pero naiinis ako sa Dylan na tinutukoy nila dahil ito ang unang pagkakataon na susubukan kong manligaw at magmahal at gusto kong gawin at maranasan 'yon kay Audrey pero dahil sa nalaman ko para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ngayong nalaman ko kung gaano kahalaga ang lalaki na 'yon kay Audrey ay parang nasasaktan ang ego ko dahil para sa akin ay mas deserving ako kaysa sa lalaki na 'yon. "You're asking us about this because of your quest, right?" sabi naman ni Sylvia sa akin kaya naman marahan akong napatango at nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa balikat ko at saka ako tinitigan ng seryoso. "Don't you dare give up on her now. This is your chance to get closer to her because you're her soulmate, so do your best to win her love. Got it?" sabi sa akin ni Sylvia bago ako nito tinapik sa balikat ko bago ito muling pumasok sa loob. "Sylvia is right, Drake; we're doing this not for you but our best friend. I've seen enough when she's hurt because of Dylan, so I hope you help her heal her heart again. Good luck for winning over her heart, and I hope you succeed." nakangiting sabi naman ni Hailey bago ito sumunod kay Sylvia kaya naman naikuyom ko ang kamao ko. Tama sila nang sinabi sa akin. Hindi ako magpapatalo sa lalaking 'yon dahil hindi pa naman huli ang lahat at may pag-asa pa ako para makuha ang loob ni Audrey at gawin ang lahat para mahulog din ang loob niya sa akin. Agad akong bumalik sa loob at nagulat ako nang makita kong katabi na ni Marquis si Hailey at si Clyde at Sylvia kaya naman tumabi ako kay Audrey at nakita ko namang patuloy pa rin siya sa pag-inom sa boteng hawak niya at hindi man lang ako nililingon. "Why are you sitting beside me?!" galit naman na tanong ni Sylvia kay Clyde at nakita ko naman na kumunot ang noo ni Clyde. "Got a problem with that?! Can't you see there's no seat available," "Ugh! F*cking sh*t head!" naiinis na sabi ni Sylvia at nakita ko namang napanganga si Clyde sa sinabi ni Sylvia. Considering Clyde's personality, hindi siya sanay kapag may babaeng hindi tinatablan ng kagwapuhan niya kaya naman alam ko parang natalo siya sa isang sugal dahil hindi man lang nagkakainteres si Sylvia sa kanya. "I want to go home..." bored naman na sabi ni Audrey kaya naman napalingon ako sa kanya at nakita kong ganun din naman sila Hailey. "Para hindi ka ma-bored Faith maglaro na lang tayo ng spin the bottle na truth or dare?" nakangising sabi naman ni Hailey kaya naman agad akong napangiti dahil sa ideya niya. "I'm in," sabi ko kaagad at nakita ko namang nagkatinginan si Clyde at Marquis. "Okay lahat tayo kasali ah! Kung sinong maturo ng bottle's head siya ang tatanungin ng truth or dare at kapag ang ilalim ng bote naman ang tumama sa isa 'yon naman ang magtatanong, game?" paliwanag ni Hailey kaya naman tumango lang kaming lahat maliban kay Sylvia. Ibinaba muna namin ang mga bucket na na-order namin at saka naglagay si Hailey ng bote sa gitna ng table at saka iyon sinimulang paikutin at nang huminto ang bote ay tumama ang ulo kay Sylvia at kay Hailey naman tumama ang ilalim ng bote. "Syl, Truth or Dare?" nakangising tanong ni Hailey at nakita niya naman tumaas ang kilay ni Sylvia kaya naman huminga muna ito nang malalim bago sumagot. "Truth," "May crush ka ba kay Clyde?" ngising tanong ni Hailey at nakita ko namang hindi makapaniwala si Sylvia sa tinanong ni Hailey. "Are you nuts?! Of course not! Never!" At dahil sa sinagot ni Sylvia ay kitang-kita ang pagkadismaya ni Clyde kaya naman nagkatawanan kaming lahat. "Defensive much," natatawang sabi naman ni Audrey sa tabi ko kaya naman napatitig ako sa kanya nang makita ko ang magagandang ngiti niya. "Shut up, Faith!" naiinis naman na sabi ni Sylvia kaya naman agad na inikot ni Sylvia ang bote at nagulat ako nang huminto ang bote kay Marquis at Audrey. "Truth or Dare?" seryosong tanong ni Audrey kaya naman nakita ko namang sumeryoso si Marquis bago ito sumagot. "Dare," "Hold hands with Hailey," sabi ni Audrey at nakita ko namang napabaling si Marquis kay Hailey at nakita ko pang nagkatitigan ang dalawa. "May I?" tanong ni Marquis kay Hailey at nakita ko pang nag-blush ang babae bago ito tumango at hinawakan ang kamay ni Marquis at matapos no'n ay nagulat kaming lahat. Parehong napabitaw si Marquis at Hailey sa kamay ng isa't-isa dahil bigla na lang silang namilipit sa sakit sa pulsuhan nila at nang tumigil ang pagkirot no'n ay pareho silang napatingin sa pulsuhan nila na may mga marka at gaya sa nangyari sa marka namin ni Audrey ay napalitan din ang marka ni Hailey at Marquis nang puso at nasa loob no'n ang initials nila. "Oh my god!" tila hindi makapaniwalang tili ni Hailey dahil sa nangyari sa kanila ni Marquis at nakita ko pang tumakbo si Hailey palabas nang bistro kaya naman agad itong hinabol ni Marquis nang mahimasmasan na ito sa nangyari. "Tang*na soulmate pala ni Marquis 'yong isa sa kaibigan n'yo?!" hindi makapaniwalang sabi ni Clyde at nakita ko pang kumunot ang noo ni Sylvia kay Clyde. "Hey, dimwit, what's the letter in your mark?" seryosong tanong ni Sylvia at nakita ko naman na napatingin si Clyde sa marka niya at nakita kong nanlalaki ang mga mata nito na napatingin kay Sylvia. "What about you?" ganting tanong naman ni Clyde at nakita kong tiningnan din ni Sylvia ang marka niya at nakita kong pareho pa silang hindi makapaniwalang nagkatingan na dalawa. Agad naman na tumayo si Sylvia at saka dinuro si Clyde bago ito nagsalita. "Don't you f*cking dare to touch my hand you, imbecile!" Matapos sabihin ni Sylvia 'yon ay nagmamadali rin itong naglakad palabas ng bistro at narinig ko namang tinawag pa ito ni Clyde saka ito sumunod sa babae kaya naman mahina akong natawa dahil na-realize siguro nila Clyde na baka sila ang mag-soulmate dahil sa letter na nasa marka nila. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong napansandal si Audrey sa balikat ko kaya naman napangiti ako nang marahan dahil nakita kong nakatulog na ito kaya naman matapos ang ilang minutong paghihintay sa mga kasama namin ay nagpasiya na lang akong i-uwi si Audrey sa mansyon dahil ako lang din naman ang tao do'n. Kaya naman agad kong binuhat si Audrey papunta sa parking lot at saka ko siya sinakay sa sasakyan at matapos no'n ay nag-drive ako papunta sa mansyon at nang makababa ako sa kotse ay agad naman akong sinalubong nila Javier at ng mga kasamabahay namin. "Young master, sino 'yang kasama n'yong babae?" tanong ni Javier kaya naman agad kong binuhat ko si Audrey papasok sa mansyon. "She's my soulmate," nakangiting sabi ko at nakita ko namang napatingin si Javier sa mga kasama niyang kasambahay at yumuko lang siya sa akin ng wala na siyang ibang sasabihin. "Bring her clothes to my room at gusto kong palitan n'yo ang damit niyang suot at saka n'yo labhan para maisuot niya bukas," sabi ko naman sa kasama ni Javier na maid at tumango naman ito bilang tugon sa utos ko saka ako umakyat sa second floor at pumunta sa kwarto ko. Agad kong nilapag si Audrey sa kama ko at matapos no'n ay nagpasiya akong mag-shower na at saka ako nagbihis ng pajama ko. At sakto paglabas ko ng banyo ay napalitan na rin ang damit na suot ni Audrey kaya naman nag-alarm ako para mas maaga akong magising kay Audrey at saka ako humiga sa long sofa. Ayoko naman na isipin niyang may nangyari sa amin dahil nandito siya sa mansyon kaya naman kahit na lagpas na ang paa ko sa sofa ay pinagkasya ko na lang ang sarili para makahiga ako ng maayos. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD