CHAPTER 3: Heartbreak Syndrome
DRAKE SEAN'S P.O.V
"So it's true that you gave your soulmate that 10k USD?" di makapaniwalang tanong ni Marquis sa akin kaya naman tumango lang ako habang naglalakad kami palabas ng gym dahil kakatapos lang naming magpractice kaya naman naramdaman kong tinapik ni Clyde ang balikat ko.
"I'm so proud of you bro! Sa wakas mukhang tinatamaan ka na rin sa soulmate mo," nakangising asar nito sa 'kin at di ko namalayang napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Well, it's not bad to fall in love with my soulmate, she's pretty and I can saw that she's brave. Plus, I really like her eyes, wala naman sigurong masama kung magustuhan ko siya isa pa soulmate ko naman siya kaya wala akong nakikitang masama dun, I just want to give her everything that I can give her because she deserve that," sabi ko naman at narinig ko naman na napa 'woah' sila sa sinabi ko kaya naman umiling na lang ako sa kanila at nagsimula ng maglakad.
Nang makita ko ang isang pamilyar na babae kaya naman agad akong naglakad papunta sa direksyon niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong napaubo siya at nang makalapit na ako ay nakita kong may dugo sa mga palad niya.
Matutumba na sana siya sa sahig nang maagapan ko siya bigla at saka ko siya hinawakan sa bewang niya at nang makita kong napatingin siya sa akin ay agad din siyang nawalan ng malay kaya naman agad ko siyang binuhat ng marinig kong may lalaking nagsalita.
"Who are you? Saan mo dadalhin si Faith?" seryosong tanong nito habang titig na titig sa akin kaya naman tumaas ang kilay ko.
"I'm her soulmate, so if you'll excuse us!" sabi ko saka ko siya tinakbo sa clinic at nang makarating kami doon ay agad naman siyang inasikaso ng nurse at matapos no'n ay nakita kong dumating rin ang school doctor at saka siya binigyan ng lunas.
"May I ask? Are you related to the patient?" seryosong tanong ng doctor sa akin kaya naman tumango ako.
"I'm her soulmate," sabi ko naman at nakita ko namang tumingin ang doctor sa hawak niyang papel saka bumaling sa akin at saka tumingin sa pasyente.
"I guess she's having a heartbreak syndrome because I can see the symptoms to her, and her mark is slightly fading," sabi naman ng doctor kaya naman napatingin ako sa soulmate ko na wala pa ring malay.
"Heartbreak syndrome? What's the meaning of that?" tanong ko at nakita ko namang huminga ng malalim ang doctor.
"Madalas makaranas ng heartbreak syndrome ang isang tao kapag ang taong nagustuhan o mahal nito ay nagkaroon ng ibang soulmate at ganun rin siya, pwede niyang ikamatay ang sakit na 'yan kapag hindi niya naramdaman na mahal niya ang taong dapat na mahalin niya which is yung soulmate niya dapat, at bukod pa do'n maaaring isa sa inyo ng soulmate mo ang mamatay kapag nag patuloy ang heartbreak syndrome na 'yan sa kanya," sabi ng doctor sa akin at nagulat ako ng hawakan niya ang kaliwang pulsuhan ko at nakita kong gulat itong napatingin sa akin.
"Yung mark mo nagkakaroon ng crack sa may puso na marka mo at nakikita kong nagfafade din ang letra sa loob ng mark mo, it's dangerous because while your soulmate is suffering to heartbreak syndrome pwede mo rin ikamatay 'to dahil wala sa 'yo ang loyalty ng soulmate mo at kapag nagtuloy-tuloy ito sigurado akong mas mauuna kang manganib kaysa sa kanya dahil may gusto ka na sa kanya di ba?"
"Mas delikado kapag ikaw ang makaranas ng heartbreak syndrome dahil soulmate mo mismo ang nananakit sa puso mo kaya habang may pagkakataon pa ay makipaglapit ka na sa kanya at hangga't maaari ay gawin mo ang lahat para matutunan ka niyang mahalin dahil di biro ang sakit na nararanasan n'yo dahil walang gamot na makakapagpagaling sa sakit na heartbreak syndrome maliban sa pagmamahal ninyo sa isa't-isa. At kapag sigurado na pareho niyong minamahal ang isa't-isa ay unti-unting babalik sa dati ang mga marka ninyo," sabi ng doctor kaya naman naramdaman kong ang bilis ng t***k ng puso ko.
Matapos ng ibang bilin ng doctor sa akin ay umalis din ito kaagad kaya naman napahinga ako ng malalim.
Ngayon alam ko na kung bakit nangyari sa kanya 'yun dahil sa lalaki kanina na nakausap niya kaya naman umigting ang panga ko at naikuyom ko ang kamao ko.
Posibleng siya ang nagugustuhan ng soulmate ko kaya siya nagkaganun kanina kaya naman sobrang galit ang nabubuo sa loob ko dahil sa nangyari.
Ewan ko ba pero may parte sa pagkatao ko na nasasaktan dahil nakita kong nasasaktan siya dahil sa ibang lalaki.
Kaya naman nagpasiya na ako na simula sa araw na 'yun ay babantayan ko na siya palagi at di ko hahayaan na makalapit pa siya sa lalaki na yun dahil delikado kapag nakita niya pa ang lalaki na 'yun isa pa ayokong may mangyaring masama sa kanya kaya mula sa araw na 'to ay gagawin ko lahat para makuha ang loob niya at makalimutan niya ang lalaki na 'yun.
***
Matapos ang klase ko ay agad akong bumalik sa clinic dahil matapos akong awayin ni Audrey kanina dahil mas gusto niyang maging soulmate ang Dylan na 'yun ay nagpasiya akong hayaan na lang muna na mapag-isa si Audrey kaya naman agad akong pumasok sa loob ng clinic ng makita kong nandun ang mga kaibigan niya kaya naman agad napabaling ang dalawa sa akin.
"Hello, you're Drake. I'm Sylvia, your soulmate's friend," sabi naman ng babaeng maiksi ang buhok sa akin.
"And I'm Hailey, nice to meet you." nakangiti namang turan sa akin ng babaeng kulot ang buhok.
"I'm Drake... Audrey's soulmate and I are glad to meet you," sabi ko kaya naman nakita kong inasar pa nila si Audrey bago sila nagpaalam na uuwi na kaya naman ng kami na lang ang naiwan ay huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Let's go home, ihahatid na kita sa inyo." sabi ko at nakita ko naman na seryoso siyang napatingin sa akin at muli akong inirapan.
"Mauna ka nang umuwi sasabay na ako kay Dylan pauwi," sabi niya kaya naman nag-igting ang panga ko ng banggitin niya ang pangalan ng lalaki na 'yun.
"Di ka na niya susunduin, nakita ko sila ng soulmate niya kanina na umalis na." sabi ko sa kanya at nakita ko namang nangilid ang luha niya kaya naman huminga muna ako ng malalim.
"Please let me send you home Audrey," malambing na sabi ko at nakita ko namang tuluyan na siyang napaiyak.
"Naiinis ako sa 'yo! Hindi sana mangyayari 'to kung di mo ako hinawakan nun, I hate you!" sigaw niya sa akin habang umiiyak kaya naman napabuntong-hininga ako sa ka lumapit sa kanya at umupo sa harapan niya saka pinunasan ang mga luhang nalalaglag sa mata niya gamit ang dalawang hinlalaki ko.
"Please let me into your heart. I'm deserving of your love because I am your soulmate." seryosong sabi ko at nakita ko namang napayuko siya habang tuloy pa rin sa pag-iyak.
"Hindi naman kita minamadali na magustuhan mo kaagad ako, but I just want to say that you need to face the reality now because this is the real reality, you need to learn how to love me from now because that's the right thing to do for the both of us, kasi kapag di mo kinalimutan ang lalaki na 'yun pareho tayong magsusuffer at yun ang ayokong mangyari sa atin pareho," sabi ko sa kanya at nakita ko namang nakikinig lang siya sa sinasabi ko kaya naman niyakap ko siya at saka hinalikan sa noo niya at saka ko napatingin sa marka ko.
Kung kanina ay maliit lang ang crack nun ay nadagdagan pa 'yun ulit at naramdaman ko rin ang pagkirot ng dibdib ko.
Ngayon alam ko na kung gaano niya kamahal ang lalaki na 'yun at mukhang mahihirapan akong gawin lahat para makalimutan niya ang lalaki na yun dahil mahal na mahal niya ang lalaki na 'yun.
"Okay fine, from now on I will court you... wala akong pakialam kung matagalan ka na makalimutan ang lalaki na 'yun basta ang mahalaga ay tuluyan mong makalimutan na mahal mo ang lalaki na 'yun, I will show you everything I can for you to see that I'm more than deserving for your love because unlike him I will never break your heart," sabi ko at naramdaman ko namang yumakap na siya sa akin pabalik saka siya marahang tumango sa akin.
Kaya naman matapos naming mag-usap ay inalalayan ko siya palabas ng clinic para makapunta kami sa parking lot at maihatid ko na siya sa pauwi sa kanila kaya naman ng makasakay na kami sa kotse ko ay nakita kong nakatanaw lang siya sa labas ng bintana habang bumabyahe kami pauwi sa kanila at maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nila at nagulat ako ng makitang nakatira lang sila sa isang maliit na bahay.
"This is your house?" takang tanong ko at nakita ko namang nahihiyang tumango siya sa 'kin.
"Unlike you, we're not rich," seryosong sabi niya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko at saka siya sinundan papasok sa loob ng bahay nila.
Napanganga ako dahil kahit maliit ang bahay nila ay malinis naman ito sa loob.
"Nay, tay nandito na po ako!" sabi naman ni Audrey at nakita ko ang dalawang matanda na babae at lalaki na lumapit sa amin.
"Anak sino itong bisita natin?" sabi ng nanay niya at nakita ko namang huminga ng malalim si Audrey bago bumaling sa akin at saka siya nagsalita.
"Si Drake Sean Davis po soulmate ko," sabi ni Audrey at nakita ko namang nanlaki ang mga mata ng magulang niya.
"Ikinagagalak naming makilala ka hijo," nakangiting turan ng ina niya kaya naman nagmano ako sa mga magulang niya saka nahihiyang ngumiti.
"Nice to meet you rin po," sabi ko at nagulat naman ako ng imbitahan nila akong kumain sa bahay nila at gaya ng inaasahan ko ay mabubuting tao rin ang magulang ni Audrey kaya naman napangiti ako ng marealize ko na maswerte akong maging soulmate ni Audrey.
---