TBW SERIES2: ELEVEN

908 Words
Nang makabalik si Debbie agad siya nagtungo sa opisina na dating ang ama niya ang gumagamit at ngayon siya na ang gumagamit.Dalawang araw siya hindi bumalik rito,well,dahiL gusto niya iwasan ang lalaki.Hell,yeah,at nalaman niya tumawag ito sa kapatid niya ng makauwi sila sa kanila kung hindi lang niya sinamaan ng tingin ang mapanuksong kapatid hindi pa siya nito titigilan sa pagtukso tungkol sa lalaki na may hinala ito na ang lalaki ang mate niya. Ipinilig niya ang ulo at pinokus ang atensyon sa financial report.Napangunot-noo siya na napunang lalo bumababa ang kita ng Farm gaya ng mga nakalipas na taon.Nagdududa na siya sa sarili kakayahan kung taLaga nahahawakan niya ng mabuti ang pagpapatakbo ng Farm.Pati ang iLang kliyente nila na sa kanila kumukuha ng supplies ay nagbabalak ng bitawan sila. "Magandang umaga,Hija..kamusta ka na?"pagbati ni Sec.Hernandez. " Mabuti na ho,Salamat,"tugon niya rito. "Mukha atang hindi naman?" pabiro sita nito. "Dahil siguro rito?" itinaas niya sa harapan nito ang hawak na report na ito ang nag-aayos. "Ahh,Naku,hija..hayaan mo makakabawi rin tayo,"alo nito sa kanya. "Ganyan rin po ang sinabi niyo noon nakalipas na mga taon at ngayon," matapat niya tugon rito. Bumuga ito ng hangin."Hayaan mo,hija..nakikipag-ugnayan na ako sa mga kliyente natin,"anito. "Paano kung ako na lang kumausap sa kanila,para lalo ko maunawaan kung ano ho problema sa pamamalakad ko," bigla niya suhestyon rito kasi ang matanda ang humaharap sa mga kliyente nila na sa kanila kumukuha ng supplies. Bigla natigilan ang matanda at tila ito nagpanik sa ideya niya iyun.Malaki ang respeto niya sa matanda tulad ng iba kaya hindi niya ginagamit ang kakayahan niya makapagbasa ng isip rito at ganoon din si Caloy na alalay niya. "Uh,h-hindi na,hija..ako na bahala sa bagay na yan,madadagdagan pa ang stress mo at hindi gugustuhin iyun ng mga magulang mo at nangako ako sa sarili ko na gagabayan kita,aba sa tagal ng pagtatrabaho ko rito eh,gamay ko na ang mga ugali ng mga kliyente natin!" litanya nito. Yeah,hindi na niya kinontra ang matandang lalaki pero may kung ano siya ibang nararamdaman sa naging reaksyon nito. I smell something fishy from him bigla alingawngaw ng inner wolf niya. Hindi niya pinansin ang inner wolf niya,malaki ang tiwala at respeto niya sa matanda lalaki. Nang malaman ni Tyron na nakabalik na si Debbie agad-agad niya ito pinuntahan sa opisina nito.Bago yun isang mapanuri tingin ang humarap sa kanya. "May kailangan ka ba kay Debbie?" sita nito sa kanya. Naikuyom niya ang mga palad.Damn you,oldman! Alam ko ang baho mo! sigaw niya sa isip. "Gusto ko lang sana makausap siya," kalmante niya saad. "Abala siya ngayon at ayaw niya inaabala siya,hintayin mo sumapit ang pananghalian saka mo lang siya pwede kausapin," istrikto nito sabi. Pinigilan niya ang sarili na sumabog sa inis para sa matanda lalaki kung hindi lang ito triple ang tanda sa kanya baka pinagsalitaan na niya ito o di naman kaya bigyan ng babala tungkol sa nalaman niya lihim nito pero hindi niya gagawin yun ayaw niya masira ang plano niya. "Ganun ho ba," aniya at tumitig sa nakasarado pintuan. Wala siya choice kundi gawin ang sinabi ng matanda lalaki.Nakasalubong naman niya si Caloy na agad na ngumiti at bumati sa kanya.Agad na binalot ng poot ang dibdib niya,may hinala siya na ito ang bumaril Kay Dave! Na dapat sana ay para Kay Debbie! Hindi lang naging malinaw ang pag-uusap nila ni Dave tungkol sa gunman dahil hindi maganda pinag-uusapan iyun sa telepono. Ang tigas ng pagmumukha nito lumapit-lapit Kay Debbie ! "Hey!" anito. "Pwede ka bang makausap?"seryoso niya sabi. "Uh,sige..ayos lang," agad nito pagpayag. Inaya niya ito sa ibang lugar kung saan niya pwede ito kausapin na wala makakaabala.Dinala niya ito sa kubo niya. Nagtataka man ito nanatili na lang ito walang imik hanggang sa simulan niya ang pag-uusap nila. "Gaano ka na nagtatrabaho rito? Bilang assistant ni Debbie?" agad niya pagtatanong rito nang makaupo ito sa upuan kahoy na katabi ng mesa at siya naman ay nakatayo sa bintana.Hindi siya sigurado kung kaya niya manatili malapit rito dahiL Wala siya gusto gawin dito kundi ang saktan ito hanggang sa magmakaawa ito sa kanya. Pero may mga plano siya at kailangan niya magdahan-dahan. "Hmm,Limang taon na rin mula ng mamatay sina Sir Jack at Ma'am Elie,sila ang nagpaaral sa akin sa kolehiyo at nakagraduate na ko nung bigla kong nabalitaan patay na ang mag-asawa mula ng mangyari iyun hindi na ako umalis rito nang dumating si Ms.Debbie dito ko na pinili mag trabaho," mahabang sagot nito. "Kung ganun..malaki na ang tiwala sayo ni Debbie bilang kaibigan niya at katrabaho?" maingat niya sabi na may bahagya may diin habang sinasambit ang mga salita iyun. Nangunot ang noo nito."Hmm,Oo,siguro..hindi kasi ganun ka-open si Ms.Debbie ,medyo tahimik at intimidating siya boss,"pagtawa nito sa dulo. Tumango-tango siya.At least,tulad niya pareho sila ng impression nito sa babae. "Pwede ko bang malaman kung bakit mo tinatanong ito?" anito na tila may duda sa biglaan niya pakikipag-usap rito. "Uh,hindi kasi ko ganun kaclose sa kanya,magdadalawa linggo na rin ako rito pero di ko pa siya ganun kakilala," pagdadahilan niya. Tumango naman ito."Ah,ganun ba..so,may iba ka bang intention sa kanya kaya ka nagtatanong ng tungkol sa kanya?"nakangisi nito anang. Nagkibit-balikat siya."Actually,enteresado ako sa kanya kaya nga ako nandito para mapalapit sa kanya,"aniya. Nasaksihan niya ang pagtalim ng mga mata nito na agad din naman nawala ng ngumiti ito na may halong panunukso. "Akala ko naman si Karen na ang kursanada mo," anito. Nagkibit lang siya ng balikat rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD