TBW SERIES2: TWELVE

750 Words
Hindi nakausap ni Tyron ang babae ng sumapit ang pananghalian dahiL nagmamadali ito umalis sakay ng delivery truck kasama ang matanda lalaki at si Caloy at labis-labis ang pag-aalala niya dahil kasama nito ang dalawa traydor.Hindi naman niya matatawagan ang babae dahiL wala itong telepono. Panay ang mura niya.Damn it,sana inabangan niya ito at hindi siya umalis ng sa ganun napilit niya sumama sa mga ito.Wala na siya tiwala sa lalaki. "Tyron?" si Karen. Agad niya ito nilingon.Nasa harapan siya ng Kubong Opisina ni Debbie . "Anong ginagawa mo rito? Nakita kong umalis sina Ms Debbie," sabi nito. Tumango naman siya rito."Uhm,Oo,nahuli ako ng dating nakaalis na pala sila.."aniya. "Uhm,may problema ba? Parang kasi hindi ka mapakali?" sita nito sa kanya. "May celpon number ka ba ni Caloy?" "Oo,Bakit?" "Okay lang ba hingin ko ,uhm,importante lang," Agad naman nito binigay sa kanya ang numero ng lalaki bago pa man ito makapagsalita uLit,agad-agad na tinalikuran na niya ito. Nang makarating sa kubo niya agad niya tinawagan ang numero ni Caloy at iLang ring pa bago nito iyun sagutin. "Hello?" "Caloy,it's Tyron..." agad niya pagpapakilala. "Oh Tyron,ikaw pala? Napatawag ka?" May himig na pagtataka nito tanong . "Uhm,Oo,pasensya na hiningi ko kontak mo Kay Karen.." "Ah ganun ba,okay lang.." "Pwede ko bang malaman kung saan kayo papunta? Hindi ko kasi kayo naabutan kanina.." "Ahh,papunta kami sa isa namin sinusuplayan ng gulay,may problema kasi kaya ayun nagmamadali kami," anito. Tumango siya kahit hindi nito nakikita.Kahit papaano nabawasan ng kaba niya."Uh,ganun ba,salamat .." "Don't worry,she's safe with us,Kung nag-aalala ka sa kanya," may panunukso nito sabi. Naikuyom niya ang mga palad.Gusto niya ito murahin at sabihin na hindi safe ang dalaga sa mga ito. "Yeah,I know,pasensya na.." Agad na ito nagpaalam dahil pababa na raw ang mga ito ng sasakyan.Sigurado siya naririnig ng babae ang pag-uusap nila ni Caloy. Marahas siya napabuga ng hangin.Kailangan na niya maging bantay sarado sa babae. "Tao po.." anang ng boses ng isang babae. Agad siya lumapit sa pintuan ng kubo at isang maganda babae na may dalawa uri ng kulay ang kulay ng buhok nito. "Ikaw si Tyron,right?!"nakangiti sabi ng babae. " Ako yung kausap mo kagabi ,si Veron..kapatid ni Ate Debbie!"pagpapakilala nito. Agad siya napangiti rito ng maalala ito. Tahimik niya sinusundan ng tingin ang babae habang sinisipat nito ang kabuoan ng kubo. "hmm,seryoso ba siya,talagang dito ka niya pinatutulog?" bulalas nito maya-maya. Nagkibit siya rito ng balikat.Maganda ang babae maputing babae ito at morena naman si Debbie,Kulay abo ang mga mata nito at kulay itim naman ang Kay Debbie.Malaki ang pagkakaiba ng mga ito. Sumimangot ito ng tuktukin nito ang katre niya."Grabe,ni hindi ka man lang niya binilihan ng kutson?"reak nito sa hinihigaan niya. He chuckled."Sanay na ko,"aniya. "Tanong ko lang,natotolerate mo ba ang ugali niya?"pagharap nito sa kanya. " Uhm,actually, intimidating siya at antipatika,"matapat niya saad rito. Ngumisi ito.He like her personality,madali ito pakisamahan kahit ilang minuto pa lang niya ito nakakasama. "I'm sure matatameme ka na lang sa pagiging terror niya," anito. Gumanti siya ng ngisi rito.Pero hindi niya aaminin rito ang katotohanan nun mahirap na baka pagtawanan siya nito mukha pa naman ito alaskador base sa nakikita niya personality nito. Mataman na tinitigan siya ng babae na tila may inaarok ito sa mga mata niya.Bigla siya kinabahan sa klase ng pagtitig nito sa kanya. "Damn! Sabi na eh! Totoo ang hinala ko!"bigla nito bulalas pagkatapos siya nito titigan sa mga mata. Napamaang siya sa naging reaksyon nito.Nababasa ba nito ang isip niya? What the f**k?! "Uh,anong hinala mo?" pagkakaila niya kunwari na hindi niya ito nauunawaan. Lumaki ang pagkakangisi nito."You will know,Kuya Tyron"pagkindat nito sa kanya at sa pagkamangha niya tinawag siya nito Kuya. "Wala si Ate?" agad nito pag-iiba ng topic. Tumango siya. "Kamusta ang pag-iimbestiga mo?" pag-uusisa nito. Nagdadalawa-isip siya kung sasabihin niya ba dito o hindi pero sa huli pinili niya wag muna sabihin. "Okay naman..hindi magtatagal malulutas na ang kaso..sa ngayon classified ang pag-iimbestiga ko," Nakakaunawa tumango ito. "Alright,may tiwala naman kami mahahanap na ang pumatay sa magulang namin." Tumango siya rito. "Nananghalian ka na ba? Baka hapunin na ng balik ang Ate Debbie mo." "Hindi niya Pwede malaman na nagpunta ako rito," nakangiwi nito saad . "Bakit naman?"pagtataka niya. "Uhm,wala kasi nakakaalam sa mga taga rito na may iba pang kapatid si Ate Debbie...para yun sa safety namin walang makakaalam lalo na kung Malaya pa ang pumatay sa amin mga magulang baka madamay kami," saad nito. "Mabuti naman kung ganun,gusto ko ang ideya niya.." Ngumiti ito bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD