TBW SERIES2: TEN

596 Words
Hindi nagpakita sa Farm's area ang binata dahil ngayon lang nito natanto na nasaktan niya ang babae na pilit niya ginigiit sa sarili na makakamove on din ito pero naisip niya makakabuti kung iiwasan muna niya ito ng sa ganun mapadali sa babae na matanggap ang katotohanan. Namalayan na lang niya nasa Kubo/office room siya.Nakasara ang pinto at malamang wala pa rin ang babae.Siguro mag-iikot-ikot na lang muna siya pero bago pa man siya makalayo roon may naulinigan siya pag-uusap sa may banda likod ng kubo at dahil kakambal na niya ang pagiging macurious na tao,walang ingay na nakinig siya sa pag-uusap iyun. "Sumablay ka na noong una,Caloy...wala ka pa ba balak ituloy ang plano?" pagalit na saad ng may edad na lalaki. Nabosesan niya ang boses iyun.Si Mr.William Hernandez at si Caloy..Anong pinag-uusapan ng mga ito? Anong Plano? "Naghihintay pa ako ng tamang pagkakataon,ninong..alam niyo naman mula ng mangyari iyun naging maingat na siya at dagdag pa ang Tyron na yun,masyadong pakalat-kalat hindi ako makaporma kung saan ako pupwesto sa lugar na ito," may pagkainis na saad ni Caloy. "At tungkol sa Tyron na yan,sino ba siya? Bakit bigla siya sumulpot rito?" galit na tanong ng matanda. "Walang sinasabi si Ms.Debbie,ang alam ko lang dinala siya rito ni Ms Debbie para magtrabaho," may pagkadisguto tugon ni Caloy. "Pwes,alamin mo at kailangan na natin maisagawa ang plano masyado na naaatrasado ang plano kung hindi lang bigla sumulpot ang anak ng mag-asawa iyun malamang matagal ng napasaakin ang Farm na ito!" Puno ng galit na umalis roon si Tyron bago pa man malaman ng mga ito na naroroon siya. Tama si Dave..tama ang duda nito sa matandang iyun! May kinalaman ito sa pagkamatay ng mag-asawa at ang Caloy na yun ay kasabwat nito! Fuck them! Ito ang pinagkakatiwalaan ng dalaga pagkatapos mga traydor pala,sabi na nga ba niya masama ang intuition niya sa Caloy na yun! Agad-agad na kinontak niya si Dave ng makarating siya ng Kubo. "Tyron?" "f**k,Dave! You're right! That old man is badass! Pati ang Caloy na yun! I've heard them talking about the owning this Farm!" nanginginig sa galit niya saad. "May sinasabi pa sila na sumablay sila sa unang plano nila kaya nagiging maingat ngayon si Debbie? May nangyari na bang hindi maganda Kay Debbie?" "Kamuntik ng mabaril si Debbie at ako ang sumalo nun para sa kanya," "What. The. f**k?" mulagat niya sambit. "Kailan nangyari yun?" aniya ng makabawi sa pagkagulat. "Hindi na importante yun,buhay pa naman ako ang mahalaga malaman ni Debbie kung sino ang mga suspek," tiim-bagang usal ng kaibigan sa kabilang linya. "I don't think so na paniniwalaan ako ni Debbie kapag sinabi ko sa kanya ito na walang ebendensya," saad niya rito. Alam niya hindi dahil naalala niya ang naging reaksyon nito ng makita nito ang information paper ng matanda at hindi nito nagustuhan iyun lalo pa kasabwat pa si Caloy na malapit pa rito.Fuck them! Ngayon malulutas na ang kaso saka naman siya nahihirapan ngayon .The f**k! "That's right,mabuti pa subaybayan mo muna sila..kilala ko si Debbie,hindi madali iyun paniwalain," sang-ayon nito. "Sige,ako na ang bahala.." Aniya. "Nagkausap na ba kayo? Tinawagan mo ba si Veron?"bigla nito tanong. Marahas siya napabuga ng hangin." Oo,tumawag ako pero hindi ko kinausap si Debbie,Wala siya sa kanila ng tumawag ako,"dismayado saad niya. "Ganun ba,sige..mag-iingat ka,Dude..alertuhin mo lang ako kaagad kapag kailangan mo ng backup," paalala nito sa kanya. "Oo,dude..salamat," aniya. Ngayon kailangan niya pagkaisipan kung paano niya mahuhuli ang dalawa lalaki.Mariin niya naikuyom ang mga kamao. "Well,that's great,kayo na mismo ang nagpadali sa trabaho kong ito.." tiim-bagang niya saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD