Chapter 6

1545 Words
BHELLE: NAPAKALAS ako dito na nagpahid ng luha. Ibinato lang naman kasi ni Tyrone sa trash can ang pinag-ubusan niya ng gatas. Napalingon kami sa kanya nang pagak itong natawa na nagpamewang pa habang nang-uuyam na naman ang mga mata nitong nakamata sa amin ni Zayn. "What a beautiful view," nang-uuyam nitong saad na may kasamang pag-iling. "Stop acting like you're the victim here, Tyrone. Pwede ba? Umakto ka ayon sa edad mo," ani Zayn na napaakbay sa akin. "Alam mo bang pinagsawaan ko na ang babaeng 'yan, hmm? Hindi mo naman sinabing. . . mahilig ka sa mga tira-tira, dude," pang-uuyam pa rin nito. "Shut the fvck up, Tyrone!" may kadiinang asik ni Zayn dito na pagak na natawa. "Well. . . bagay naman kayo. Pareho kasi kayong. . . mga oportunista," saad nito. "Kung bagay man kami ni Bhelle? 'Yon ay dahil. . . compatible kami at pareho ng nadarama, dude. Isipin mo ang gusto mong isipin. Pero hwag na hwag mong. . . iinsultuhin ang fiancee ko sa harapan ko," ani Zayn na may kadiinan bawat salita nito. LALONG nalukot ang mukha ni Tyrone sa narinig na sinaad ni Zayn dito. Iginiya ako ni Zayn sa sala na inalalayang maupo sa sofa. Nanginginig na kasi ang katawan ko dala ng nerbyos. Hindi ko naman kasi akalaing nandidito pala si Tyrone! "Hey, relax. You're shaking," bulong nito na hinahaplos ako sa likod. "Z-Zayn, bakit ba kasi nandidito siya?" pabulong tanong ko. Napakibit-balikat naman ito na napahinga ng malalim. Maya pa'y sumunod si Tyrone sa amin na pabalang naupo sa harapan namin ni Zayn. Nagdekwatro pa ito na matamang kaming pinakatitigan. Naniningkit ang mga mata na napasulyap sa kamay ni Zayn na nakaakbay sa akin. Hindi ko naman ito maalis. "Anyway. . . what are you doing here, Tyrone? Kailan ka pa nagkaroon ng dublicate key ko dito?" tanong ni Zayn na ikinanguso nitong pinapakibot-kibot pa. "I have my own ways. Isa pa. . . anong ginagawa ng gold digger na 'yan dito? Don't tell me. . . ibinahay mo na siya," saad nitong ikinanigas ko sa kinauupuan. Naramdaman naman ni Zayn ang reaction ng katawan ko sa sinaad ng pinsan nitong nang-uuyam ang tono at tingin sa akin. Napakuyom ako ng kamao. Pigil-pigil ang sarili kong pagsalitaan ito ng hindi maganda. Siya pa rin ang boss ko. At ayoko namang maging bastos sa harapan ni Zayn. "Watch your mouth, Tyrone. Hindi gold digger ang fiancee ko. Hwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Ayokong magkasamaan tayo ng loob, dude," ani Zayn. "Tss. Naalala ko lang dati. Ang bilis ng panahon, noh? Bestfriend mo siya dati. Pero ngayon ay fiancee mo na. Ano nga ulit 'yong kasabihan nila patungkol sa mga cheaters na pilit tinatakpan ang pagkakamali?" anito na nang-uuyam ang boses. Napanguso ito na napapahimas sa baba. Hindi ako makakilos o makaapuhap ng tamang sasabihin. "Oh. . . I remember it. Time is the ultimate truth teller. Am I right?" makahulugang saad nito na napakahilaw ng ngisi sa mga labi. "Tumigil ka na," ani Zayn. Napangisi lang naman ito na muli akong pinasadaan ng nang-iinsultong tingin. Hindi ko tuloy maiwasang mangliit sa sarili ko sa ginagawad niyang tingin na pinaparamdam nito kung gaano ako kaliit kumpara sa kanila. "Kung sabagay. Sooner or later? Lalabas din ang totoong kulay niyan. And when that time comes? Isa lang ang masasabi ko sa'yo. I told. . . you so," pang-uuyam pa rin nito. "That won't happen, dude. Dahil kilalang-kilala ko na. . . ang mahal ko. Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Don't tell me. . . hindi ka pa nakaka-move on?" balik pang-uuyam ni Zayn ditong malutong na napahalakhak. "Ako? Hindi pa nakaka-move on? Oh c'mon, Zayn. She's just my bedmate before. No especial feelings involved. Naging. . . parausan at laruan ko lang siya noon." Nanigas ako na napayuko sa sinaad nitong walang kapreno preno ang bibig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinaad nito! "Ginawa niya lang pala akong parausan dati? Kaya ganun-ganun na lang na iniwanan niya ako matapos pagsawaan at nakuha ang lahat-lahat sa akin?" piping usal ko na tumulo ang luha. Napatayo si Zayn na napakuyom ang kamao. Nanginginig ako sa kinauupuan na hindi makakilos. Pero prenteng nakaupo lang naman si Tyrone sa harapan namin na hindi manlang mabakasan ng pagkabahala na makitang nagalit si Zayn sa sinaad nitong pangungutya sa akin. Sa pagkatao ko. Nanatili akong nakayuko na hinayaang tumulo ang luha. Para akong pinipiga sa puso na bedmate lang pala ako sa kanya noon. Akala ko pa naman ay totoo ang mga pinakita at pinaramdam nitong pagmamahal, pag-aaruga at kalinga sa akin. Wala lang pala ang mga 'yon sa kanya. At napakalaki kong hangal na umasang maaayos pa namin balang araw ang gusot sa pagitan naming dalawa. Na makakabalik pa kami sa dati. Na mahal niya pa ako. . . katulad ng nararamdaman ko para dito. Pero hindi. Isang malaking sampal sa akin ang sinaad nito mismo. Na harap-harapang sinabi kung naging ano niya lang ako. Bedmate pala. Parausan. Dinaig ko pa ang mababang uri ng babae sa pinagbasehan nito. Dahil ang mga bayarang babae ay nagpapabayad kapag binibigay ang sarili sa iba. Habang ako ay libre lang na ipinagkakaloob noon sa kanya ang sarili ko ng paulit-ulit. Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal. At akala ko ay ganoon din siya sa akin. Pero ngayon ay siya na mismo ang nagsabi. . . hindi niya ako kailanman minahal. "I said, watch your mouth, Tyrone! Hwag mo akong sagarin!" singhal ni Zayn dito na punong-puno ng galit ang tono. Hindi ako makaangat ng mukha. Hiyang-hiya ako kay Zayn na narinig niya pa ang sinabing iyon ni Tyrone. Alam ni Zayn kung gaano ko kamahal si Tyrone noon. Lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng ganap sa amin ay kinukwento ko sa kanya. Sobrang saya ko sa tuwing kinukwento ko dito ang nadarama ko para sa pinsan nito. At kita namang masaya din ito para sa amin noon ni Tyrone. Napaka-close nga nila noon na nagtutulungan para i-surprice ako sa mga monthsarry namin. Palagi silang magkakuntsaba para pakiligin ako. Pero ngayon. . . ? Ano nga bang nangyari sa amin? Paano kami humantong sa ganito? Ayokong sabihin ito pero. . . nagsisisi akong minahal ko pa siya. Sana hindi na lang. Sana hwag na lang. Gusto ko na siyang kalimutan. Hindi ko na kaya pang maalala ang pinagsamahan naming dalawa. Gusto ko na lamang burahin sa ala-ala ko ang nakalipas naming dalawa. Na minsan sa buhay ko ay minahal ko ang isang Tyrone Del Mundo. PAGAK itong natawa na napapailing. Nang-uuyam ang tinging ginagawad sa akin na parang ang liit-liit kong nilalang. Hindi ko na nga siya kilala pa. Hindi ko na makita ang Tyrone Del Mundo na minahal ko noon sa kanya. "Get the hell out of here, Tyrone. Bago ko pa makalimutang magpinsan tayo," may kadiinang banta ni Zayn dito. Pabalang itong tumayo na nandoon pa rin ang ngisi sa mga labi. Hindi ako makatingin dito. Pero dama ko ang mga mata nitong nakatutok sa akin na nang-iinsuto. "Just a friendly advise, dude. Mag-ingat ka sa babaeng 'yan. Peperahan ka lang din niyan katulad sa ginawa sa akin," anito na parang may malaki akong atraso ditong pinanghuhugutan nito. Parang hari itong naglakad palabas ng unit. Naupo naman si Zayn pagkalabas ni Tyrone na hinawakan ang kamay kong naninigas at nanlalamig na. "Hey, hwag kang paaapekto sa kanya, okay? Alam mo naman sa sarili mo kung sino at ano ka," pag-aalo nito. Tumulo ang mga luha kong pinahid nito. Malungkot ang kanyang mga mata na bakas ang awa at simpatya sa mga iyon. Napahikbi ako hanggang sa napahagulhol na ikinayakap nito sa aking ikinulong ako sa kanyang bisig! Hinahagod ang likuran na panay ang halik sa ulo ko habang pinapatahan ako. Para akong pinipiga sa puso. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ako pa ang nakagawa ng mali sa aming dalawa? At ang pagpaparatang niya sa akin na gold digger ako? Saan naman kayang lupalop ng mundo niya nakuha iyon? Ang kapal ng mukha niyang paratangan ako ng ganun gayong wala naman akong kinukuha sa kanya kahit piso! "Sana hindi ko na lang siya nakilala, Zayn. Sana hindi ko na lang siya minahal. Pinagsisisihan kong. . . minahal ko ang taong 'yon. Nagsisisi akong minahal ko pa siya. Wala siyang kasingsama," bulalas ko na parang batang nagsusumbong dito. "Kalimutan mo na lang siya, Bhelle. Ayokong nasasaktan ka ng ganto. Wala siyang karapatan saktan at durugin ka ng ganito. I'm sorry," maalumanay at puno ng pait nitong saad. Mapait akong napangiti na umiling at nagpahid ng luha. "Tama ka. Hindi siya worth it para iyakan ko. Ito na ang huling beses na mapapaiyak niya ako. Pagkatapos nito? Para na siyang hangin sa paningin ko. Nararamdaman, pero hindi nakikita," aniko. Ngumiti itong hinaplos ako sa ulo. "That's my girl, Bhelle. Dahil ang bestfriend ko ay matapang, matatag at hindi mahina," nakangiting saad nitong ikinangiti ko na ring napasandal muli dito. Hinahaplos naman ako nito sa ulo na panaka-nakang hinahagkan. Kahit paano ay napapawi nito ang sama ng loob kong dala ng magaling niyang pinsan. Mabuti na lang at ibang-iba si Zayn sa lalakeng iyon. Nagsisisi talaga akong minahal ko pa ang taong iyon. Nagsisisi akong. . . nagtiwala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD