Chapter 7

912 Words
BHELLE: MATAPOS kong makalma ang sarili ay gumayak na rin ako papasok ng kumpanya ni Tyrone. Hindi para magtrabaho kundi para bumitaw na sa trabaho ko. Buo na ang pasya ko. Magre-resign na ako sa kumpanya niya bilang kanyang secretary. Hindi ko na kayang makasalamuha pa ang isang katulad niya. Lalong-lalo na ang pagsilbihan siya. May karapatan naman akong umalis. Lalo na at substitute lang naman ako doon. Pero dahil sa ilang beses niyang pamamahiya at pagpapahirap sa akin na namemersonal na? Wala ng rason para manatili ako sa kanya. Bahala siyang maghanap ng bagong secretary niya. Total magaling naman siya eh. Magaling mangpahiya, magparatang, mangutya at mang-insulto. Hindi ko na siya kinakaya. Tama na. Walang rason para magtiis ako sa isang boss na katulad niya. Kuyom ang kamao na lakas loob akong pumasok ng opisina nito. Naabutan ko naman siya sa kanyang swivel chair. Kunot ang noo na nakatutok sa kanyang laptop habang may mga folder na pinipirmahan sa harapan nito. Naramdaman naman nito ang pagdating ko at pagtayo sa kanyang harapan. Nangangatog ang mga tuhod ko na pilit kong pinapatatag at pinatapang ang itsura. Dahil kung palagi lang akong nagpapakumbaba? Palagi lang din niya akong tinatapak-tapakan. Hindi ako ipinanganak na ganon. Hindi ako basahan para sa ibang tao. Lalong-lalo na sa Tyrone na ito. Inilapag ko ang papel na nakatupi sa kanyang mesa at iniurong palapit sa kanya. Napasulyap naman ito doon. "Thank you for everything, Sir. This is my resignation letter. Thank you for accepting me in your company," buong-buo ang boses kong saad. Hindi naman ito umimik na parang wala lang siyang narinig. Bahagya akong yumuko para sa pagbibigay galang. Walang salita na pumihit ako patalikod dito. Dama ko namang napatitig ito sa likuran ko. Pero pinilit kong umakto ng normal. Taas noong naglakad ng diretso palabas ng opisina nito. Kasabay ng bawat hakbang ko ang pagtulo ng luha ko. Mapait na napangiti sa sarili. "Sana ito na ang huling beses na makita kita, Tyrone Del Mundo," piping usal ko na tuluyang lumabas ng opisina nito. LUMIPAS ang mga araw na naging tahimik ang buhay ko. Sa unit pa rin naman ni Zayn ako tumutuloy. Nag-iipon ng lakas para maghanap ng panibagong trabaho. Maaga akong gumising para maghanap na ng trabaho. Ayoko namang maging palamunin kay Zayn. Kabado ako na nagpapasa ng mga resume ko sa mga kumpanya na hiring. Kahit pagiging encoder ay pinasok ko na. Nagbabaka sakali na tawagan ako. Pero lumipas na ang isang linggo na puro pass ako ng resume ay wala ni isa ang naligaw na tumawag sa akin. Nauubusan na rin ako ng pag-asa. Maging pocket money sa kaka-print at plete para lang makapaghanap ng trabaho. Nakakapagtaka lang na lahat ng in-apply-an ko ay wala manlang nagiging bakante para sa akin. Kung tutuusin ay may four years degree naman ako. May maayos na track record. Pero parang hindi ako qualified sa lahat ng position?! Kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Alam kong mali ang mambintang pero. . . malakas ang kutob kong may humaharang para hindi ako matanggap sa ibang kumpanya. At hindi na ako magtataka kung tama nga ang hinala ko. Hinaharang ni Tyrone ang mga kumpanya na ina-apply-an ko para walang tumanggap sa akin. Naghihiganti ba siya na nag-resign ako sa kanya? Ang kapal naman ng mukha niya! Siya na itong mali, siya pa ang may ganang maghiganti! "Hindi ako makakapayag gawin mo sa akin ito, Tyrone. Hindi ako laruan para paglaruan mo lang ang buhay ko. Magtutuos tayo sa oras na mapatunayan kong. . . hinaharangan mo ako." Lumipas pa ang ilang araw ay wala pa rin akong maayos na trabaho. Kahit nga pagiging janitress, encoder at iba pang mababang posisyon sa mga kalapit na kumpanya na ina-apply-an ko ay hindi ako matanggap-tanggap. Hindi naman ako pwedeng bumalik kay Sir Dionne dahil may kasalukuyan itong secretary na pamangkin nito. Kaya nga ako ang ipinasa niya sa inaanak niyang kung alam ko lang na si Tyrone ay hindi ako pumayag mailipat! Napalapat ako ng labi na palakad-lakad dito sa loob ng unit ko. What if sa kumpanya na lang kaya ni Sir Dionne ako bumalik? Kahit hindi na bilang secretary nito. Kahit ano na basta may trabaho lang ako. Hindi ako pwedeng nakatengga lang dito sa syudad. Paano ang mga kapatid kong umaasa ang allowance at tuition fee sa akin? Malaki sanang katulungan ang dalawang kapatid kong nakasunod sa akin kung hindi lang sila maagang nag-asawa. At ngayon ay nasa probinsya na nagsasaka. Mas lalo tuloy kaming naghirap na hindi sila nakapagtapos bago nabuntis. Mariin akong napapikit na maalala si Tanner. Halos isang buwan na akong hindi nakapag papadala ng pera kay Nanay. Tiyak kong ubos na ang gatas no'n. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Nakakahiya na kay Benedict na kapatid ko na siyang katulong ko sa pagpapadala ng mga kailangan ng pamilya namin sa probinsya. Nanghihina akong napaupo ng sofa at napahilamos ng palad sa mukha. Bakit ba ako minamalas ng ganto? Ano bang nagawa ko para parusahan ng ganto? Kung tutuusin ay ako ang inagrabyado. Pero bakit. . . ako ang nagdudusa. Nasaan ang hustisya? Dahil ba mahirap lang ako kaya ganto na lang kung paglaruan ng mga matataas na tao? At ang masakit ay sa taong minsan kong pinagkatiwalaan at minahal ng higit pa sa sarili ko. Umagos ang luha ko na hindi ko na mapigilan pa. Para akong dinudurog sa puso. Hindi ko na alam ang gagawin. Nauubos na ang lakas ko para magpatuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD