CHAPTER 2

1223 Words
Isang engrandeng party ang ginanap kinagabihan ng graduation namin. Ganito din ang nangyari sa nauna kong buhay. I remember that I don't want to attend the graduation ball dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa maluhong party na ito, but when I learned na maraming mga naglalakihang kompanya ang nag-iiscout rito ay nilakasan ko ang loob ko at kinalimutan ang hiya. Montchester University is a prestigious business school for the elite. Puro anak ng mayayamang negosyante at politiko ang nandito, And the only reason I was able to graduate here is because I landed a full scholarship thanks to the foundation owned by Everest Entertainment where my papa works. And yes, it's the company owned by my mother-in-law, o dapat ko pa ba syang tawaging mother-in-law matapos ng lahat ng ginawa nila sa akin ng anak niyang si Harvey Everest? Kung hindi lang dahil kay papa na sobrang saya para sa akin ay hindi ako aattend sa party na to. Pwede ko sana siyang isama rito, pero night shift siya ngayon sa trabaho kaya hindi siya nakasama. Nakaupo lang ako ngayon at mag-isa habang inaalala ang mga susunod na mangyayari. At this moment, sigurado akong... "Lucyll," Pagtawag sa akin ng pamilyar na boses. Nagngingitngit man sa galit ay sinikap kong nakangiting humarap sa tumawag sa akin. "Ma'am Arlyne," Tumayo ako para batiin ang babaeng lumapit, kasama ang isang binata. "Maraming salamat po ma'am sa lahat ng naitulong ninyo sa akin, kung hindi dahil sa foundation ninyo ay hindi ko makakamit ang lahat ng ito." Mga katagang nasabi ko na rin noon. "I should be the one thanking you for the honor you gave the Everest Entertainment, hija. You made us all proud. The first scholar of our foundation to achieve Latin honors. Napakahusay mo!" Sinikap kong hindi mawala ang mga ngiti ko nang yakapin niya ako. That's the exact same thing she did and said in my first life. "Thank you po, ma'am." Masayang sagot ko para hindi ito makahalata ng kahit na anong hostility mula sa akin. "I was thinking, Lucyll, gusto ko sanang bigyan ka ng trabaho sa Everest Entertainment." Agad niyang sabi. I was expecting that, and in my first life, walang pag-aalinlangan ko iyong tinanggap on the spot. Sobrang saya ko pa nga ng sandaling iyon. Kakagraduate ko palang pero isang malaking kompanya na agad ang kukuha sa akin, and not just any company, kundi isang kilalang TV station pa. But I wasn't that stupid naive girl anymore. Now that I know the truth, hindi niya ako mapapaikot pa. "Pag-iisipan ko po ma'am." Kitang kita ko ang pagbabago sa itsura nito. Her smile vanished at ilang segundo bago niya naikondisyon ang sarili at naibalik ang ngiti. I know she's insulted because it's natural that I accept the offer lalo pa at sila ang nagpaaral sa akin. But I wanted to hurt her ego even just a little para makaganti man lang dito. Since I got reborn the same day as my college graduation, I didn't get enough time to think about what I will do next. But only one thing is certain, I will make these two suffer for the things they did to me and my father. Napatingin ako sa lalaking nasa tabi niya. He's standing there like an idiot with the same shock expression as her mother. "O-Of course, take your time, hija." Nagtitimping sagot nito. "Oh, by the way, this is my son. Harvey Everest." Siguro ay napansin niyang nakatingin ako sa anak nya kaya ipinakilala niya na ito. "Nice meeting you, sir Harvey." Kinuyom ko ang mga kamay dahil wala akong ibang nakikita kundi ang kataksilan nito sa akin. I wanted to smack him, throw the cake I'm eating on his face, and curse at him. But that will ruin all my plans for revenge, kaya kailangan kong umarte na masayang makilala ito. "Napakaformal naman ng sir mo Lucyll. Parang hindi tayo naging magkaklase. Harvey nalang." Nakangiti niyang sabi. "Sige po sir." Sagot ko. "Hhmm?" Pagpapacute nitong sabi at sobrang sarap talagang sapakin. "I-I mean Harvey." Pinakitaan ko rin siya na parang nahihiya ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko na siyang sugurin. Hindi maalis sa isipan ko habang nakatingin sa kanya ang mga huling sandali ko sa nauna kong buhay. Ang imahe nitong papaalis kasama ang kabit niya habang tumatawa, while I die in agony. Bakit ba hindi ko ito naisip man lang dati? Sa buong college life namin ay hindi ako nito pinansin, and all of a sudden after the graduation ay bigla nalang itong sumusulpot nalang lagi sa buhay ko. He even said that it's destiny, pero lahat yun ay parte pala ng plano nilang mag-ina para paikutin at gamitin lang ako. "Maiwan ko na muna kayong dalawa, I'll have to greet some guests." Saad ng ina ni Harvey. "Sana ay mapag-isipan mo ang alok ko, Lucyll." Bilin pa nito. "Opo." Magalang kong sagot kahit ang totoo ay wala akong balak na tanggapin ang alok niyang trabaho. Saktong pag-alis nito ay ang pag-uumpisa ng bagong tugtugin, at mukhang gusto iyon ng marami dahil biglang dumami ang mga taong pumunta sa dance floor. "May I?" Tanong ni Harvey sabay alok ng kamay niya. "Sure." Naiinis man pero sigurado akong parte na ito ng plano nilang mag-ina na paniwalain at paikutin ako para makuha nila ang gusto. Kaya naman ibabalik ko sa kanila iyon, lalong lalo na sayo Harvey. Sigurado akong iniisip nito ngayon na nahulog na ako sa patibong ng kagwapuhan niya. Nag-umpisa kaming sumayaw, at pinagtitinginan kami ng mga tao. "Don't mind them." May pag-aalalang sabi nito, pero hindi niya na ako mauuto sa mga salita niyang iyan. I don't really care about the intensity of their stares anymore. Pero dahil gusto kong isipin niya na isa akong mahina at madaling mapaikot na babae ay aarte ako katulad ng dati. "D-Dapat siguro ay hindi ako ang isinayaw mo. Marami namang magagandang babae riyan." Nagpakita ako ng pag-aalinlangan na makipagsayaw sa kanya. "But you are the prettiest of all, Lucyll." Hinawakan niya ang kamay ko at iginabay papunta sa leeg niya, at hinawakan naman niya ang bewang ko, at sumayaw kami sa ritmo ng musika. I want to roll my eyes at him, but I have to act that I was captivated by his words. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang matapos na ang music para makaalis na sa pagkakahawak niya. Naiinis akong makita sa ekspresyon nito na para bang nagtagumpay na siya sa balak niya. When I saw him smile, I lost all my wits, and I just wanted to start my revenge there and then. Sa wakas ay natapos na ang music, at mula sa eleganteng tugtog ay napalitan na ng modernong musika senyales na umpisa na ng totoong party para sa mga graduates. The music is loud and wild, kaya naman ang ginawa ko ay hinila ang tali ng buhok ko at hinayaan ko iyong lumugay, and I started dancing like everyone else, wild and seductive, habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. "Let's dance!" Maharot na pagyaya ko rito habang iniindak ang bewang, I even pulled him closer to me, and I even sensually touch his earsI know it shocked him because I never behaved like this before. Yes, I'm seducing Harvey Everest. Ang manloloko kong asawa. Gagawin ko rin ang ginawa niya sa akin dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD