CHAPTER 1

1720 Words
"Aaaahhhhhh!" Nabalot ang buong lugar sa malakas kong sigaw na punong puno ng hinagpis, sakit, at poot habang kinakain ng apoy ang aking balat at laman. Tinutupok ng apoy ang buong paligid at kasama akong nilalamon ng apoy. Hindi na ako makahinga gawa ng usok, at isama pang naaamoy ko ang nasusunog kong laman. Bumagsak ang aking katawan sa sahig ng balkonahe, at hindi ko na alam kung ano ba ang mas masakit. Ang apoy na tumutupok sa natitirang buhay sa katawan ko, o ang nakikita kong papalayong imahe ng aking asawa, kasama ang kanyang kalaguyo. Paulit ulit akong sumigaw at humingi sa kanya ng tulong, nagmakaawa na iligtas niya ako kahit para nalang sa lahat ng mga pinagsamahan namin at nagawa kong tulong para sa kanya, pero walang pag-aalinlangan niya akong iniwan at hinayaang lamunin ng apoy kasama ang nasusunog na mansion, ang lugar kung saan akala ko ay bubuo kaming dalawa ng maraming masasayang ala-ala at sarili naming pamilya. "H-Harvey..." Mahina at huling tangka kong humingi ng tulong sa kanya, pero ang kahuli-hulihang naririnig ko ay ang masayang tawanan ng asawa ko at ng babae niya. Kinasusuklaman kita Harvey! Ginamit mo lang ako! Ginamit nyo lang ako ng mama mo! And I was so stupid to fall for your schemes! Unti-unti ng dumidilim ang paningin ko. Ayoko! Ayoko pang mamatay! I don't want to die like this! Not until I had my revenge! Gusto ko silang pagbayarin sa ginawa nila sa akin at kay papa. Nakadama ako ng panibagong lakas at determinasyon ng maalala ko ang ama ko. Kailangan ko pang iligtas si papa. Kailangan nya ako. Pinilit kong bumangon, pero tanging ang isipan ko nalang pala ang nag-iisip na may lakas pa akong natitira, dahil ang katawan ko ay tuluyan ng sumuko sa natamo kong pinsala. Wala na. Wala na kahit subukan ko pa. Nakikita ko ang sarili na nasusunog mula sa salaming railings ng balcony. I can't believe I'm experiencing this because of the man I love. 'I want revenge.' Iyon ang kahulihulihang bagay na pumasok sa isipan ko bago tuluyang dumilim ang paligid at bawiin ang buhay ko sa akin. "Lucyll, aba't bumangon ka na jan at malelate na tayo!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko matapos akong balutin ng kadiliman. Purong kadiliman pa din ang nakikita ko ngayon, kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin. "Lucyll!" Malakas na ulit ng boses at mas malapit na ito ngayon. "Kapag hindi ka pa bumangon jan ay ibabato ko na sayo itong alarm clock." Banta ng pamilyar na boses. "Ayan sinabi ko na kasing matulog ka ng maaga!" Sermon nito at inalog ang balikat ko. Napadilat ako ng maramdaman ko ng klaro ang pag-alog nito sa balikat ko. Nasusunog ang buo kong katawan kanina, at nalulusaw ang laman ko dahil sa apoy, hindi ba't dapat ay sakit ang mararamdaman ko sa ginawang pag-alog nito sa balikat ko? "P-Papa!" Napahagulgol ako ng makita ko ito at napabalikwas ng bangon para yakapin ito. "Papa ko!" Malakas kong ulit habang walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko. "Hoy kang bata ka! Anong nangyayari sayo ha?" Nagtataka nitong tanong sa akin. "Papa!" Ngumawa lang ako na parang isang bata. "Hoy Lucyll!" Binatukan niya ako at pilit na kumawala sa pagyakap ko sa kanya. Ayaw ko pa sanang bitawan si papa, pero dahil mas malakas siya ay nakabitaw ako. Nagtataka itong tumingin sa akin. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nanaginip ka ba ng masama?" Tanong nito. Humihikbi hikbi pa ako habang nakatingin sa kanya. Sana nga ay masamang panaginip lang ang lahat ng nangyari kanina. Pero anong ginagawa ni papa rito? Hindi ba't nasa kulungan siya dahil sa walang hiyang Harvey na yun? "Kung nahimasmasan ka na ay bumangon ka na jan at kumain. Ipinagluto kita ng paborito mong sinangag at tocino." Masayang sabi ni papa sabay talikod at mukhang aalis. "P-Pa──" Tatawagin ko sana ito at susundan dahil natatakot ako na mawala ito sa paningin ko, pero laking gulat ko na sa halip na ang nasusunog naming kwarto ng demonyo kong asawa sa mansion ang makita ko ay nasa loob ako ng aking kwarto sa apartment na nirerentahan namin ni papa. Ramdam ko ang pagbagsak ng bibig ko habang palabas ako ng silid at pumunta sa maliit naming sala. Ilang hakbang lang ay nakita ko si papa sa may kusina at naglalagay ng mga plato sa lamesa, at kita ko ang nakahain sa lamesa. Ang paborito kong sinangag na may pritong itlog pa sa ibabaw, tocino, at hiwang kamatis pang kasama. Panaginip ba to? Kasi si papa ang huling nasa isip ko bago ako namatay? "Ano pang tinatayo mo jan? Halika na!" Pagyaya nito. Pakonsuwelo ba ito sa akin ng Diyos dahil sa naging malagim kong kamatayan? Ang makita ulit si papa sa kahulihulihang pagkakataon sa isa sa mga masasaya naming alaala? Kung ganun, I'll make the most of it. "W-Wow, yung favorite ko! Papa anong okasyon at ipinagluto mo ako nito?" Biro ko rito at lumapit. Siguro ay simple at pang-araw araw na pagkain ito sa karamihan, pero para sa amin ni papa special na to kasi may kamahalan ang kilo, at dahil maraming bayarin at si papa lang ang sole provider sa sahod niya bilang isang janitor sa isang kilalang TV station ay kailangan naming magtipid. "Inaantok ka pa ba?" Nagtatakang tanong ni papa. "Syempre espesyal ang araw na ito dahil graduation ng nag-iisa at pinakamamahal kong anak!" Dugtong ni papa na nakangiti at proud na proud na nakatingin sa akin. "Graduation?" Ulit ko. "Anong oras ka ba natulog ha at parang wala ka sa sarili? Maghilamos ka na para mahimasmasan ka!" Utos ni papa at umupo na. Nagtataka man ay sinunod ko ang sinabi niya at lumapit sa lababo para maghilamos. Pakiramdam ko ay natauhan ako ng maramdaman ang malamig na tubig sa balat ko, pero puno pa rin ako ng pagtataka sa kasalukuyang sitwasyon. Umupo ako sa pwesto ko at pinagmasdan ang nakahain sa lamesa. Ipinagluto din ako ni papa paborito kong pagkain noong graduation ko. Ganitong ganito din ang ayos ng hapag kainan ng araw na iyon. "Nagbigay nga pala ng bulaklak na garland si aling Pasing kanina pagbili ko ng mantika sa tindahan. Congratulations daw sayo, anak." Masayang pagkwento nito at itinuro ang direksyon ng salamin namin malapit sa pintuan. Sinundan ko ng tingin iyon at namilog ang mga mata ko ng makita ang toga ko at ang bulaklak na garland na bigay ng matanda naming kapitbahay na sobrang bait sa amin ng ama ko. Graduation ko ngayong araw? Kahit pa ba kaparehong kapareho ang pagkain na hinanda ni papa, at ang garland na ibinigay ng kapitbahay sa mga nangyari noong college graduation ko ay parang hirap pa rin akong paniwalaan iyon. Masakit ang pagbatok ni papa sa akin kanina, at totoong totoo ang malamig na tubig na naramdaman ko sa mukha ko ng maghilamos kanikanina lang. Ibig sabihin, hindi ito isang panaginip. Hindi ako nananaginip. Ibig ba nitong sabihin ay nabuhay ako ulit at bumalik sa nakaraan? Pero parang napakaimposible naman ata. "Masaya ako at matutupad mo na rin ang mga pangarap mo anak." Masayang sabi ni papa. The exact same thing he told me before. 'Kung naririto lang ang mama mo ay siguradong proud na proud ito sayo ngayon, anak.' Kung tama ang iniisip ko sa kasalukuyan kong sitwasyon ay iyon ang susunod niyang sasabihin. "Kung naririto lang ang mama mo ay siguradong proud na proud ito sayo ngayon, anak!" Dugtong ni papa na nagpataas ng mga balahibo ko. Nabitawan ko ang kutsara sa sobrang pagkabigla at nalaglag iyon sa sahig. "Anak," Natatarantang tawag ni papa sa akin. "S-Sorry po," Nagmamadali akong yumuko para pulutin ang kutsara at para mapunasan ang luha at maikondisyon ang sarili na huwag umiyak. "N-Naalala ko lang kasi si mama. Sana, kasama pa din natin sya ngayon papa." Pagpapalusot ko, pero totoong gusto kong makasama sana si mama ngayon, kung hindi lang ito kinuha sa amin ng malalang karamdaman. "Sshhh, wag kang umiyak. Sigurado akong ayaw ng mama mo na makita kang umiiyak ngayon. Dapat ay masaya ka, Lucyll." Pagpapatahan ni papa sa akin. Tumango tango lang ako dahil baka tuluyan na akong humagulgol dahil sa pagkabigla at hirap pa ding iproseso ang kasalukuyang sitwasyon. Matapos kumain ay naligo na ako at nagbihis. I can't believe that everything I'm doing right now is the exact same thing I did before. Isinuot ko ang toga ko, at pagkalabas ng kwarto ay napangiti nalang ako ng makita si papa sa eksaktong damit na suot din niya noong unang beses ko itong naranasan. Hindi ako makapaniwalang bumalik ako sa Montchester University at uuliting muli ang pagtatapos ko sa kolehiyo. Wala na ngang duda, nabuhay akong muli. "Sinclair, Archer Luis V., Magna c*m Laude!" Mula sa pag-iisip ay napatingin ako sa stage nang marinig ang pangalang iyon. Isang pamilyar na matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang siyang umakyat sa stage. Tahimik lang na studyante si Archer, puro pag-aaral lang din ang inaatupag nito kaya nga para sa akin ay kakumpitensya ko siya sa Latin honors. No one knows his family background pero kahit na ganun ay halata namang mayaman ito dahil bukod sa magarang suot ay hatid-sundo ito ng magarang sasakyan araw-araw. But since I've already met him during my married life to Harvey on my first life, alam ko na ang sikreto nito. Even Harvey was shocked when we met him again after graduation, dahil ang tahimik na studyante ay anak pala ng kakompyansa ng Everest Entertainment sa entertainment industry. I need him. I need to get closer to him. Pwede kong magamit si Archer para sa paghihiganti ko kay Harvey. "Cavalier, Lucyll Naia M., Summa c*m Laude!" Sunod na inanunsyo ang pangalan ko. Umakyat kami sa stage ni papa para tanggapin ang parangal ko. Isinuot ko kay papa ang medalya ko bilang parangal sa mga sakripisyo niya para sa akin. Sabay kaming pumunta sa gitna para makuhanan ng litrato. Sa una ay nakangiti ako, pero ng may masilayang pamilyar na mukha sa mga graduates ay agad na nawala ang mga ngiti ko sa labi. Harvey Cua Everest. My cheating husband. Nagtama ang mga mata naming dalawa, bigla itong pumalakpak at ngumiti sa akin. Pinilit ko ang sarili na ngumiti rin sa kanya. Smile while you can, because I'll make sure to ruin you, Harvey Everest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD