CHAPTER 3

2069 Words
(Flashback) "Lucyll," I'm alone in the table and just enjoying the best cake I ever had when someone called my name. "Ma'am Arlyne," Agad akong tumayo ng makita kung sino. "Maraming salamat po ma'am sa lahat ng naitulong ninyo sa akin, kung hindi dahil sa foundation ninyo ay hindi ko makakamit ang lahat ng ito." Agad akong nagpasalamat ng makita ang boss ni papa, at ang may-ari ng foundation na nagbigay sa akin ng full scholarship sa Montchester University. Kaya naman hindi ko sinayang ang pagkakataong ibinigay nito at nag-aral ng mabuti. Nagbunga naman ang lahat dahil nakamit ko ang pinakamataas na karangalan at naging Summa c*m Laude. "I should be the one thanking you for the honor you gave the Everest Entertainment, hija. You made us all proud. The first scholar of our foundation to achieve Latin honors. Napakahusay mo!" Abot tenga ang ngiti ko sa papuri na sinabi nito. "Thank you po, ma'am." Kulang nalang ay magtatatalon ako sa tuwa sa pagpuri nito sa akin. "I was thinking, Lucyll, gusto ko sanang bigyan ka ng trabaho sa Everest Entertainment." Nang sabihin iyon ni ma'am Arlyne ay hindi ko na napigilan ang saya at napatalon na sa tuwa. "Talaga po ma'am? Naku maraming maraming salamat po!" Sagot ko. "Does this mean you're accepting my offer?" Tanong nito. "Of course ma'am!" Magdadalawang isip pa ba ako? Si ma'am Arlyne Everest ang may-ari ng Everest Entertainment, isa sa mga pinakasikat na TV station sa bansa, though sinasabi ng marami na nalalamangan na sila ng VS Entertainment dahil tinanghal ito as the best TV station for five consecutive years ay masasabi kong namamayagpag pa din naman ang Everest Entertainment. And to be able to work in Everest Ent. napakalaking karangalan na sa akin iyon. Bukod sa makakabawi na ako sa tulong na natanggap ko mula sa foundation nila ay makakasama ko pa si papa sa trabaho, at kapag stable na ako roon ay pwede ng huminto si papa sa pagtatrabaho at makakabawi na ako sa lahat ng sakripisyo nito para sa akin. "Congratulations Lucyll." Napatingin ako ng biglang magsalita ang binatang kasama ni ma'am Arlyne, at dahil sa hiya ay napayuko ako. "Oh, by the way Lucyll, I'd like you to meet my son. Harvey Everest." Pagpapakilala ni ma'am Arlyne dito. Ang totoo ay hindi na nito kailangan pang ipakilala ang binata dahil wala naman atang hindi nakakakilala rito. Bukod sa anak ito ng may-ari ng TV station ay minsan na din itong lumabas sa mga serye sa TV, nakita na rin itong lumabas sa mga magazine bilang modelo, but that's it. He didn't pursue an acting career. "Nice meeting you, sir Harvey, and thank you po sa pagbati." Nahihiya talaga ako. Napakagwapo niya, at ang tangkad pa. Napakakisig talaga nito. "Napakaformal naman ng sir mo Lucyll. Parang hindi tayo naging magkaklase. Harvey nalang." Nakangiti ito ng sabihin iyon at bumilis ang tíbok ng puso ko dahil sa sobrang kagwapuhan nito. Hindi ako makapaniwalang kinausap niya ako. "Sige po sir." "Hhmm?" His time he smiled at para akong matutunaw ng ngitian niya ako. Isang bagay na kahit kailan ay hindi nangyari sa apat na taon ko sa Montchester University. "I-I mean Harvey." Ulit ko dahil natawag ko nanaman siyang sir. "Maiwan ko na muna kayong dalawa, I'll have to greet some guests." Sa sobrang hindi nakapaniwala na kinausap ako ni Harvey ay halos makalimutan kong nariyan pa nga pala si ma'am Arlyne. Nang makaalis ito ay siya namang pag-umpisa ng panibagong kanta at dumami ang mga tao sa dance floor. "May I?" Nagulat ako ng bigla nitong ilahad sa akin ang kamay at niyayaya akong sumayaw. "S-Sure." Halos mautal ako ng abutin ang kamay niya at tanggapin ang paanyayang sumayaw. Pagpunta palang namin sa dance floor ay tinitigan na kami ng lahat. I could hear our female classmates in disbelief na kasayaw ko ngayon si Harvey. Nanliit tuloy ako dahil nakarinig pa ako ng mga panlalait at hindi daw bagay na makasayaw ko ang isang Harvey Everest. "Don't mind them." Pagtawag ni Harvey sa atensyon. "D-Dapat siguro ay hindi ako ang isinayaw mo. Marami namang magagandang babae riyan." Gusto ko nalang sanang bumalik sa kinauupuan ko kanina para hindi na ako pag-usapan pa nila. "But you are the prettiest of all, Lucyll." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at iginabay papunta sa leeg niya, at sunod ay ipinusisyon niya ang mga kamay sa bewang ko, and he led the dance. Hindi ako marunong sumayaw pero napakagentle at patient ni Harvey sa akin, na kahit naapakan ko ang paa niya ay hindi siya nagalit at sa halip ay tumawa pa and made a joke about it. At kahit nang matapos na ang sayaw namin ay sinamahan niya ako sa table kung san ako nakapwesto kanina, sa halip na makipagsayaw sa tugtuging mas moderno kung saan halos lahat ay nag-enjoy sa pagsayaw sa mapang-akit at malayang galawan. We spent the whole night together, at iyon na ata ang pinakamagical na nangyari sa buhay ko. "Hoy!" Nagulat ako when papa snapped his fingers in front of my face. "Papa naman eh!" Angal ko. Naudlot tuloy yung pag-day dream ko sa nangyari noong Graduation Ball. "Aba't kanina pa kita tinatawag! Ang sabi ko tingnan mo at nasa news ka!" Pagkasabi nun ni papa ay nagulat ako nang makita ko ang sarili sa TV. "Oh my god!" Halos idikit ko ang mukha sa screen para lang mapanood ko iyon. "The graduates of Montchester University enjoyed their graduation ball, a night to remember before they embark on a new journey in life." Naabutan kong sabi ng news anchor sa showbiz segment ng Tonight at Six, ang news program ng Everest Entertainment sa gabi, at ang nakaflash na video sa screen ay ang pagsayaw namin ni Harvey sa dance floor. Nakafocus lang sa amin, at nakaflash din ang mga pangalan namin sa screen na may title pa na... 'The heir of Everest Entertainment and the genius flower of Montchester University.' My jaw dropped when I saw that. Nakakahiya naman! Genius talaga? Eh sinuwerte lang naman ako kasi wala naman akong ibang ginagawa kundi ang mag-aral lang ng mag-aral. Pang ilang ulit na akong lumabas sa TV this past three days after graduation. Nainterview na din ako sa iba't ibang TV station, pero mostly ang pinagbibigyan ko ay ang Everest Entertainment dahil na din sa pakiusap ni papa dahil bukod sa boss niya ang may-ari, ay benefactor ko naman si ma'am Arlyne Everest. Simple at sandali lang naman ang mga interview, like pagbati dahil ako ang Summa c*m Laude, next plans, mga payo sa kapwa scholars. I don't even know what the hype is all about, at ngayon ay lumabas pa itong clip ng pagsasayaw namin ni Harvey. "Parang bagay sila ano?" Mas lalo akong napanganga sa sinabi ng isa sa mga news anchor. "Oo nga!" Gatong naman ng isa pang news anchor. Nagulat ako ng biglang namatay ang TV, at paglingon ko ay hawak ni papa ang remote at inoff pala iyon. "Papa, nanonood pa ako eh." Napakamot ako ng ulo. "Huwag mong ipapasok sa ulo ko yang mga narinig mo ha!" Agad na sabi ni papa. "Matuto tayong lumugar anak, oo ayos lang ang mangarap, pero may mga bagay na hindi na dapat inaasam. Iba sila, at iba tayo." Paalala nito. "Alam ko naman yun papa, hindi naman po ako mangangarap ng isang bagay na alam kong imposible kong makuha, at kahit pa may posibilidad, alam ko naman po ang lugar ko." Sagot ko sa kanya. Sinsero naman ako sa sinabi kong iyon kay papa, pero hindi ko alam kung bakit simula ng graduation ay lagi na kaming pinagtatagpo ng landas ni Harvey. Nagkita kami sa isang cafe, and I ended up eating with him. Hindi ko nga alam kung anong nangyari at bigla kaming nagviral dahil nang ipost ni Harvey sa social media niya ang picture namin na magkasama ay pinagfiestahan iyon, and the next thing I knew ay content na kami ng mga content creators. Buti nalang at hindi marunong si papa ng mga social media apps na yan kaya hindi niya nalaman. Nagkita din kami sa grocery store and after nun ay hinatid niya ako pauwi. Pinagchismisan ako ng mga kapitbahay dahil dun kaya nasermonan nanaman ako ni papa, pero hindi ko na dinibdib kasi kapag nakakakita ako ng mga articles tungkol sa aming dalawa ni Harvey ay abot-abot langit ang saya ko. 'Are you busy?' Nagulat ako sa message na nagpop sa phone ko, at galing iyon kay Harvey. Napabalikwas ako sa kama at tuwang tuwa na nagreply rito. 'Hindi naman. Bakit?' Sagot ko. 'Wanna go out?' Reply nito. 'Now?' Reply ko naman. 'Yeah, I just thought that maybe we should make the most of it habang hindi pa tayo busy. Lalo ka na.' Sagot nito. At dahil night shift ulit si papa ay hindi na ako nagdalawang isip pang sumama. Dinala ako ni Harvey sa isang high end bar, medyo disappointed ako dahil akala ko ay kaming dalawa lang, but it turns out kasama din namin ang mga best friends niya sa Montchester University. Pero kahit na ganun ay masaya pa din ako, buong magdamag kasing nasa akin lang ang atensyon niya, and his friends, na hindi din ako pinapansin at kinakausap noon, started to tease us. Though medyo offensive ang panunukso nila dahil hindi daw nila akalain na bagay daw pala ang isang ugly duckling that doesn't belong to the group sa katulad ni Harvey, but surprisingly, ipinagtanggol ako nito and he even apologize to me dahil sa ginawa ng mga kaibigan niya. Because of that ay bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang saya. Pero kinabukasan nun ay nagulat nalang ako ng lumabas nanaman kami sa social media na magkasama, and it even landed on some news programs kaya nalaman ni papa at napagalitan nanaman ako. Pero kahit na ganun ay natutuwa pa din ako sa mga naglalabasang articles dahil sa mga titles ng mga content nila tulad nalang sa 'Young Heir falls in love' at iba pang mga katulad na title. Hindi ko inaasahan na mas lalo pa kaming maging close ni Harvey dahil after two weeks ay nakatanggap ako ng message mula mismo kay ma'am Arlyne na naghihintay na ang magiging trabaho ko sa kompanya nila. Binigyan ako ni ma'am Arlyne ng trabaho sa Creative Team ng Everest Entertainment. At ang nakakaloka sa lahat, si Harvey ang siyang Creative Director namin. "I didn't expect na dito ka ilalagay ni mama, I mean ni Mrs. Chairman." Pabulong niyang sabi ng banggitin ang posisyon ng mama niya. "H-Hindi ko nga din inaasahan eh." Nahihiya kong sagot sa kanya. Nakasama ako sa binuong team para magbrainstorming ng mga ideya na pwedeng gawin sa isang malaking collaboration program na mangyayari between Everest Entertainment at VS Entertainment. Sa narinig ko ay malapit na ang contract signing nito, kaya abala na ang lahat lalong lalo na ang creative team ng bawat station. Simula ng nagtrabaho ako sa Everest Entertainment ay hindi na ako nilubayan ng mga chismis at panlilibak mula mismo sa loob ng team namin dahil malapit si Harvey sa akin. Ako kasi parati ang tinatawag at hinihingian niya ng opinyon patungkol sa mga suggestions ng team na binuo para sa collaboration. At kahit ipaliwanag ko na dahil komportable lang si Harvey sa akin dahil magkakilala kami at magkaklase noon ay hindi sila naniniwala. Pero kung mayroon mang naiinis ay mayroon din namang kinikilig sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong nakakakilig sa amin dahil trabaho naman ang madalas naming pag-usapang dalawa ni Harvey, at kahit minsan ay may nararamdaman ako na para itong nagpapahiwatig sa akin ay hindi ko nalang binibigyan ng kahulugan dahil parati ring bilin ni papa simula ng magtrabaho ako rito na iwasan ko raw lalong lalo na ang mahulog rito. Pero mahirap pala pigilan ang puso. Tuluyan ng nahulog ang loob ko kay Harvey lalo na ng maging mas open na siya sa panunuyo sa akin. Ang pasimple niyang pagdadala ng iced coffee sa table ko ay nasundan na ng mga pabulaklak, hanggang sa niyaya na niya akong makipagdate sa kanya. Para akong nasa mga ulap sa sobrang saya nang yayain niya ako ng date. At lahat ng mga pag-aalinlangan ko ay tuluyang naglaho nang aminin na niya na nahulog na ang loob niya sa akin. Dahil dun ay hindi na din ako nag-alinlangan na sabihin kay Harvey na nagugustuhan ko na din siya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD