Chapter 9

2144 Words
Athena POV... Napapikit ako ng biglang pinat niya ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. "Long time no see, Athena." Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya. Ang boses na yun! "Hades!" Masayang sabi ko at tinanggal niya ang hood niya sa ulo niya at siya nga! Nandito pala siya sa Magic Academy! Niyakap ko siya. "Namiss kita, Hades!" Sabi ko. "Same... nabalitaan ko na pumunta ka sa purgatoryo kaya alam ko agad kung saan kita hahanapin kaya dinala ko kayo dito sa Magic Academy." Sabi niya. Siya ang nagdala sa amin dito? "Talaga? Teka bakit ka pala nandito? Akala ko si Hera ang hahanapin namin dito." Sabi ko. Natahimik naman siya. "Si Hera ay nasa Dark Kingdom." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "A-anong ginagawa niya doon?" Tanong ko. "Kinuha siya ng mga dark Wizards at sa pagkaka alam ko ginawa siyang bait para sa White Wizard." Sabi niya. "Kaya nage ensayo lahat ng estudyante para mailigtas siya." Sabi pa niya. "Sisikapin ko ding lumakas para mailigtas si Hera!" Sabi ko. Napangiti siya. "Ihahatid na kita sa silid mo. Anong silid mo ngayon?" Sabi niya. "Ako eh... sa Section F lang naman." Nahihiyang sabi ko kaya napahinto siya. "Tama ba narinig ko." Sabi niya. Kitams kung si Zeus pa ang sinabihan ko ng ganyan siguro mas nakakatakot pa ang aura nun. "May dahilan ako." Sabi ko sa kanya. Napatango nalang siya. Hinatid niya ako sa Section ko habang naglalakad nakatingin lang sila saamin at ang iba gulat, inis, at selos. Eh nakahawak ako sa damit ni Hades eh baka mawala pa ako. "Bakit ganyan sila makatingin?" Tanong ko sa kanya. Kakaiba kasi ang mga tingin nila parang mangangagat. "Wag mo silang pansinin." Sabi naman niya hanggang makarating kami sa Sec F. "Hanggang dito nalang ako. Mag iingat ka." Sabi niya. Tumango lang ako at umalis na siya pagpasok ko. O.O Ganito ba ang Sec F? Ang kalat, ang g**o at ang iingay ng mga estudyante! Lumakad ako at umupo sa gilid grabe parang ayokong sumali sa kanila. "Ikaw..." pa slowmo akong tumingin sa kanila. Ako nga ang tinuro ng mga toh. "B-bakit?" Sabi ko. Lumapit yung isa sa amin. "Ikaw, ano ang kaya mong gawin?" Sabi nung isang babae na blonde ang buhok. Teka loading ako sa tanong niya. "Ha?... ang kaya ko lang gawin ay makipaglaban gamit ang scythe ko." Sabi ko sa kanya. "Wala kang wand?" Sabi nung isa. Umiling ako. Kailangan pa ba nun? "Ano? Isa ka lang Weapon User hindi ka isang Wizard?" Sabi niya. Napayuko ako. I don't need wand. Dahil kaya kong mag magic di gamit ang ganung bagay. "Tsk. Ang hina mo." Sabi niya. Napayuko ako. Di nila inisip same lang kami kaya sila nandito sa Section F. "Hey, wag nga kayong mang bully sa katunayan nga parehas lang tayo dito kaya nga ang mga kapa natin ay kulay puti. Dapat magtulungan tayo para di tayo maliitin ng mga ibang Section na malakas pa sa atin." Sabi nung isang babae. Ang galing niya. Napayuko yung iba at mukhang nakuha ang pinupunto nung babae. "Mukhang tama siya. Pasensya na." Sabi nung babae sa akin. Napailing ako at ngumiti. "Tama siya. Dahil classmates tayo magtulungan tayo." Sabi ko sa kanila. At agree naman sila sa sinabi ko. At may pumasok na babae mukhang nasa 30 ang edad ito siguro teacher namin. "Hello class! Ako nga pala ang guro niyo this whole year. I'm Anna. Nice to meet you my all students." Sabi ni Maam Anna. "Nice to meet you din po." Sabi namin. "Ang subject natin ay about Past, Present and Future. And first alam niyo ba ang Legendary Deadly Royals." Napatingin ako kay Maam Anna. "Diba sila yung mga traidor sabi ng mga magulang namin." Sabi nung isang lalaki. "Yun ang paningin ng mga tao sa kanila. Pero ang totoo niyan ang mga demons ang may gawa kaya nasira ang mga Deadly Royals sa mga tao." Paliwanag ni Maam. Tinaas ko kamay ko. "Maam, paano niyo nasisiguro na inosente sila." Tanong ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. "Dahil alam namin na hindi sila ang may kasalanan. At ang Deadly Royal sila ang sugo ng langit sila ang poprotekta sa atin." Paliwanag niya. "May isa pa akong tanong ma'am... buhay pa ba sila?" Tanong ko. Di agad siya nakapagsalita. Nakatingin ang lahat sa kanya. "Alam namin sa sarili namin na buhay sila. They are immortal." Sabi ni Maam. Umupo nalang ako. "Okey, magpapatuloy nako at ayun sa libro ng langit... ang Legendary Deadly Royals ang magliligtas sa atin sa hinaharap laban sa mga Demons." Proud niyang sabi. "Maam, sino ang mga malalakas sa kanila." Tanong nung isa sa mga kaklase ko. "The strongest are Zeus and Athena. Sila ang may mga powers na hindi mabilang kung ilan at silang dalawa ay magkaiba ang ugali si Zeus ay Seryoso at Pokerface palagi at si Athena ang kabaligtaran ni Zeus. Si Athena ay Childish at parating nakangiti." Sabi ni Maam. Opposite sides.. "Sana makita natin sila." Sabi ni Maam. Kung alam lang nila. Nakita na nila ako at si Zeus at nakita nila sa Entrance Exam. Marami pa siyang diniscuss tungkol sa Deadly Royals na alam ko naman yun. Forward... Class dismiss. "Uhmm.... salamat pala niligtas mo ko kanina." Sabi ko sabay bow. "Nako, tama lang yung ginawa ko. Ako nga pala si Happy." Sabi niya. "Autumn." Sabi ko. Yun muna ginamit ko alam ko naman yung di nila totoong pangalan ang ginamit din ng iba. "Sabay tayong kumain." Sabi niya. Tumango lang ako at dumiretso na kami sa canteen. Habang kumakain... "Ano palang power mo?" Tanong ko. "Casting." Sabi niya. Napatango nalang ako. "Sa mga nababasa ko sa libro at napapanood ko sa mga movie ang mga words sa casting ay pang latin." Sabi ko. Tumango naman siya. "Yun kasi ang ginagamit ng mga wizard noon mga latin kasi ang mga wizard noon kaya ayun latin ang casting namin." Sabi niya. "Ganun pala yun?" Sabi ko nalang. *c***k Plates* Napatingin kami sa likuran namin. "Di kayo nababagay dito. Kayong mga Section F mga mahihina kayo!" Sigaw nung naka Blue na kapa ibig sabihin ClassB. Umiyak nalang yung binully nila. "Kitams paiyak iyak ka pa jan!" Sigaw nung isa kaya di ako nakatimpi nilapitan ko siya at pinatayo. "Okey ka lang?" Tanong ko. Tumango naman siya at hinarap ko yung lalaki at tiningnan siya ng mata sa mata. "Bakit mo ginawa yun!" Sigaw ko sa kanya. "Anong pake mo? Loser!" Sigaw nung isa. "Tsk.. tinawag mo sarili mo?" Sabi ko kaya napahinto siya. "Ano sabi mo?" Sabi niya at lumapit sa akin at nilagay niya ang hintuturo niya sa noo ko. "Kayo wag na kayong magsalita kung mahihina lang kayo....." bigla ko siyang sinuntok sa tyan. At ayun nakahiga na siya sa sahig habang namimilipit sa sahig. "Aaahhh!" Siya. "Mahina? Oo mahina kami sa paningin ninyo pero di magtatagal lalabas din ang mga kapangyarihan namin. At kaya kami nasa Section F dahil nag aaral pa ang ibang kaklase ko kung paani gamitin sa mabuti ang kapangyarihan namin. Di parehas sayo na ginagamit mo sa pangbu bully ang rango mo. Di ka ba nahiya? Pinapatulan mo ang mas mahina sayo?" Sabi ko ayokong may binubully kasi kaya nagkaka ganito ako. Nahihirapan siyang tumayo at inilabas ang wand niya. "I don't care!" Sigaw niya. At magka cast siguro siya at may lalabas na sanang ilaw sa wand niya ng bigla itong naputol. Nanlaki ang mata ko teka sino may gawa nun? Wind Blade... napatingin ako sa may pintuan ng Canteen si Zeus. At napayuko ako ayokong mapagalitan na naman. Nakakatakot pa naman ang mukha nun. Tahimik ang lahat sa loob ng canteen. "A-anong nangyari sa Wand ko!" Sigaw nung lalaki. "Uso pa pala ang bully dito?" Narinig kong sabi ni Apollo. "Ikaw!" Lalapit sana siya kay Zeus ng di siya makagalaw. At nilapitan siya ni Zeus at tiningnan ng nakakatakot. "You're the Loser." Sabi niya at bigla nalang nahimatay ang lalaki. 'Ang cool niya!' 'Ang gwapo pa!' Mukhang kailangan ko nang magback out dito. Umatras ako ng... "At saan ka pupunta....." Nanigas ako dahil sa boses niya. "...Autumn" Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya nasa harapan na niya ako. "Zeus..." mahinang sabi ko. Bigla niya akong binuhat na kinagulat ng lahat. Napahawak naman ako sa leeg niya baka mahulog ako. Tiningnan niya sina Poseidon. Tumango lang sila. At bigla kaming nagteleport. At napunta sa isang magandang kwarto ang laki! Inilapag niya ako sa higaan at lumuhod sa harapan ko para magkapantay kami at tiningnan lang niya ako mata sa mata. "Magpaliwanag ka, Mahal." Bigla akong namula. Wag kang ganyan Zeus nakakakilig eh... "Uhmmm..." anong sasabihin ko. Bigla siyang bumuntong hininga. Teka nga! Bakit kasi may Mahal pa eh! "Gumagawa ka na naman ng galaw mo na di ko nalalaman. Ang tigas talaga ng ulo mo. Napapalapit ka parate sa mga kaguluhan." Sabi niya at biglang tumayo at humiga sa gilid ko. At itinakip niya ang braso niya sa mata niya. "Kung di mo na ako kailangan... lalayo na ako sayo. Pwede ka nang umalis mukhang di mo na ako kailangan." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "Zeus..." Bigla nalang niya akong tineleport at napunta ako sa kwarto ko. Gulat na gulat padin ako. Anong sabi niya? Di ko na siya kailangan? Nagkakamali siya I need him so much! Napayuko ako ganun ba ako? Palagi akong gumagawa ng kinapapahamak ko? At palagi siyang nandyan sa tabi ko palagi. "I'm sorry, Zeus." Iyak kong sabi. Sa kakaiyak ko nakatulog ako. 3rd Person's POV... "Nararamdaman ko na ang Legendary Deadly Royals ay nasa Magic Academy." Sabi ng pinuno ng mga Demons. Nalilito ba kayo sa mga nangyayari? Ang demon sila yung mga Demons na parang halimaw at ang lugar ni Hades na Underworld ay para yun sa mga kaluluhang namatay na. At ang Underworld at ang mga Demons ay magkalaban. "Kailangan nating pumunta sa Magic Academy kailangan natin silang makuha at maging kasapi sa atin." Sabi nung pinuno. "Paano kung may barrier ang school?" Sabi nung isang Demon. "Ako na ang bahala." Sabi niya. Athena/ Autumn POV... Her Dream... 'Anak...' napatingin ako sa tumawag saakin. "Mama?" Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa may trono. Siya si Athena ang Goddest of War. 'Anak, mag iingat ka. Wag mong pabayaan ang sarili mo.' Sabi pa niya. Tumango ako. "Alam ko po, Ma." Sabi ko. 'At tungkol kay Zeus, sana sundin mo siya dahil kayo din ang poprotekta sa mga sarili niyo at matalo ang mga kalaban na susugod sa inyo.' Sabi pa niya. Napayuko ako kasi kasalanan ko kung bakit siya galit ngayon at sinasabi pa niya na di ko na daw siya kailangan. "Pero galit siya." Sabi ko. 'Nagalit siya dahil ganun ka niya gustong protektahan kasi parati mo siyang pinagtutulakan. Kaya ikaw ang gumawa ng paraan para magkabati kayo.' Sabi ni Mama. Tama siya ako hahanap ng paraan. "Sige po. Naintindihan ko na po. Importante siya sa buhay ko kaya gagawin ko ang lahat mapatawad niya po ako at hindi niya alam na kailangan ko talaga siya sa buhay ko." Sabi ko. Ngumiti lang si Mama at nilapitan niya ako at niyakap niya ako. 'That's my daughter. Follow your heart.' Sabi niya sabay halik sa noo ko. Tumango ako at ngumiti. Napamulat ako at nasa kwarto pa din ako ngayon. Napaupo ako sa higaan ko nag iisip kung ano ang gagawin ko para mapansin ulit ako ni Zeus. Tumakbo ako papunta sa school at pumunta ako sa building ng Section A. Naglalakad ako at nakatingin lang ang mga students saakin. 'Anong ginagawa ng estudyante ng SecF dito?' 'Oo nga.' Nasaan ba ang room nila? Naglalakad ako ng may humarang saakin. "At bakit ka nandito sa puder namin?" Sabi nung isang babae. "Ah..may hinahanap ako. Saan ang room nila Ze... i mean Tyrome?" Sabi ko. "At kaano ano ka ni Prince Tyrome?" Nakapamewang na sabi nung babae. "Kaibigan niya." Sabi ko. "Umalis ka na dito. Sayang lang ang oras mo dito." Sabi niya at tinulak tulak niya ako. Paalis. "Kailangan ko siyang makausa...." *BOOOGGGSSHH* Napatingin kami sa labas. May mga Demons! Paano sila nakapasok dito? At nabigla ako ng nakatingin ang isa sa kinatatayuan ko. 'Naamoy ko ang dugo mo.' Kinausap niya ako sa isip ko. Napaatras ako nagpanik lahat ng estudyante ginamit ang mga magic nila pero no effect ang mga yun sa Halimaw na ito. Tumakbo ako papuntang baba ang iba sumakay sa kanilang mga walis. Nang makababa nako sa ground floor pinalibutan ako ng mga Demons. 'Ikaw nga! Ang isa sa kanila.' Sabi nung Demon. Di ako makagalaw. Nanginginig ang katawan ko di ko alam kung bakit. I need Zeus... Hinawakan na ako ng mga panget na toh. Di ako makalaban dahil kumikirot pa din ang puso ko dahil kay Zeus. I need him! "Z-zeus..." iyak kong sabi. "Zeus!!!!" Sigaw ko. *BOOOOGGSSHH* ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD