Athena POV...
I need him...
Hinawakan nako ng mga demons.
"Zeus..." mahinang sabi ko.
"Zeus!!" Sigaw ko.
*BOOOOGGGSHSHH*
Napatingin kami sa halimaw bigla itong sumabog.
Naghanda ang mga humawak sa akin.
"Put her down." Malamig na sabi ni Zeus.
"Zeus!" Masayang sabi ko pero di niya ako pinanasin.
Nalungkot naman ako. Mukhang di na nga niya ako mapapatawad. Ganun na ba ang galit niya saakin?
Di ko siya pinagkatiwalaan... gusto niya akong iligtas dahil sa mga kagagawan ko. Ako na nga ang ililigtas ako pa ang nag iinarte.
"Wag mo na akong iligtas..." nagulat siya sa sinabi ko.
"Siguro inisip mo na kagagawan ko nanaman ito kaya may nakapasok na mga halimaw dito." Sabi ko sa kanya. Napayuko ako. Kahit masakit ganito ang gusto ko diba? Diba? Di ko siya kailangan.
"Tumakbo ka na. Ako na bahala dito. Ikaw na mismo ang nagsabi na di na kita kailangan." Sabi ko. At tumingin sa Demons kahit nakakatakot ang itsura nito.
"Kunin niyo na ako. Wala na akong kwenta dito." Malamig na sabi ko di na ako ito. Ayoko na. Ayokong sabihan niya ako na di na niya ako gusto.
Ibang Athena na ang nandito ngayon.
Tiningnan ko si Zeus. Gulat na gulat lang itong nakatingin saakin. Nginitian ko siya sa huling pagkakataon.
"Sana mapatawad mo pa ako." Sabi ko sa kanya at pumikit na at mukhang magte teleport na atah kami. Kahit gusto ko pa siyang yakapin mukhang di na ito mauulit pa.
"Athena!" Sigaw ni Zeus at pagmulat ko nakita ko na nakayakap siya saakin at patay na ang dalawang halimaw.
"Z-Zeus..." gulat kong sabi. Umiiyak siya habang nakayakap saakin. Di ako makapaniwala na nakayakap siya sa akin.
"Wag mo na ulit gagawin yun... please di ko kaya. Wag mo na ulit akong iwan. Wag kang sumama sa kanila." Sabi niya habang nakayakap sa akin.
Napapikit ako at pinabayaan na tumulo ang luha ko.
"Pinapatawad mo na ako?" Nanghihinang sabi ko. Tumango siya at hinalikan ako sa noo.
"Gusto ko lang iparamdam sayo na nandito lang ako sa tabi mo handang promotekta sayo." Sabi niya at hinalikan pa niya ang noo ko.
"Oo na. Di ko na uulitin ang ginawa ko." Sabi ko.
Napangiti siya at inayos ang buhok ko.
"What happened?" Napatingin kami sa Dean. Inalalayan ako ni Zeus na tumayo.
"Nakapasok ang mga Demons dito." Sabi ni Zeus. Nagulat ang Dean sa sinabi ni Zeus.
"Nako! Hindi maaari yun! Kailangan na nating maghanda. Ano naman ang pakay nila." Sabi ni Dean.
"Di namin alam." Sabi ni Zeus.
"Nakita ko ang mga galaw mo kanina, Mr. Tyrome. Ang galing mo sa pakikipaglaban mukhang sanay na sanay ka na. Ikaw ang magleleader sa mga Section A." Sabi ni Dean.
"Okey po." Sabi niya.
"Mauna na po kami." Sabi ni Zeus at binuhat ako bigla at nagteleport na kami.
At ngayon nandito na naman kami sa kwarto niya. Pinahiga niya ako sa higaan niya at humiga din siya.
Tiningnan niya ako.
"Sana ikaw nalang parateng makikita ko pag gumigising ako araw araw." Sabi niya. Namula naman ako.
Kaya napatakip ako ng kumot sa mukha. Ayokong makita na mukha nakong kamatis nito! Ang weird niya paiba iba ng mood!
Bigla niya akong niyakap.
"Dito ka muna." Sabi niya. Tumango ako ang bibilis ng t***k ng mga puso namin.
"Zeus, mukhang tayong mga Deadly Royals ang hinahabol ng mga Demons kanina." Sabi ko sa kanya.
"I see... nalaman na nila na nandito na tayo sa Magic Academy. Don't worry di ko na hahayaang mangyari yun."sabi niya.
"Nakakatakot ang mga itsura nung mga demons kanina. Ibang iba sa mga nakakalaban natin noon. Di sila nag inform na upgraded pala ang mukha nila."
"Sila ang Type B na demons malalakas sila. Ang mga nakakalaban natin ay mga Type D yun sila." Naintindihan ko na kung ano.
"Magpahinga ka na." Sabi niya. Tumango ako. At yumakap ako sa kanya. Di ako makapaniwala na yakap yakap ko ang lalaking pinapangarap ko lang noon.
Forward...
Room...
"Okey class! Let's proceed to the Element Room." Sabi ni Maam. Tumango naman kami. Element room?
Ngayon ko lang yun narinig kaya dumiretso na kami doon.
May nakita kaming parang glass na lalagyan at wala naman itong laman.
"Ang gagawin niyo ngayon ay kung anong sasabihin ko na elements dapat makikita natin sa loob ng glass na yan. Kuha" sabi ni maam. Tumango naman sila. Hala paano yun? Eh wala naman akong wand eh.
Pinapasok na ni Ma'am isa isa sa loob at tinawag na ni Ma'am ang mga students at huli ako.
"Autumn." Tawag ni Ma'am. Nako wala akong wand.
"Nasaan ang wand mo?" Tanong sa akin ni Ma'am. Agad naman akong napailing.
"Wala po." Sabi ko nalang.
"Ah baka magic user ka talaga kaya wala kang wand." Sabi ni Ma'am.
Napayuko ako.
"Okey let's start! Ipakita mo ang apoy." Sabi ni maam. Apoy...
Tiningnan ko ang loob at pinalabas ang malakas na apoy sa loob nun.
"Good. Then hangin." Sabi niya. Naging hangin naman ito.
"Good. Okey you may go now." Sabi ni Maam. Ganun lang yun?
At lumabas nako.
Naglalakad ako ng biglang may tumawag.
"Athe... I mean Autumn!" Napatingin ako kay Liz.
"Liz! Kumusta?" Masayang sabi ko.
"Okey lang. Malalakas sila hindi kagaya sa akin.. pasensya ka na dahil dapat ako dyan sa kinatatayuan mo ako dapat ang binubully nila hindi ikaw." Napangiti ako at umiling.
"Okey lang noh. Kumusta ang training niyo?" Tanong ko.
"Super dupper nakakapagod. Pero alam ko na kung paano mag self defence." Sabi niya. Good.
"Mabuti yun. Sabay tayong kumain?" Sabi ko. Tumango naman siya. Maglalakad sana kami ng makarinig kami ng sigawan.
Teka ano yun?
'May mga halimaw!'
Sigawan nila.
Nanlaki ang mata ko.
"Lahat ng estudyante dumiretso sa gym! Ligtas doon!" Sigaw ng mga guro.
"Liz, pumunta ka sa Gym. Susunod lang kami." Sabi ko. Tumango nalang siya at tumakbo ako papunta sana sa mga halimaw ng may pumigil saakin.
"Saan ka pupunta. Pumunta kayo sa Gym." Sabi ng Dean. Tumingin ako sa kanya.
Nakikita ko sina Zeus nakikipaglaban.
Mukhang marami ang mga kalaban. Aatake sila na hindi namin nalalaman....
"Kailangan kong tulungan ang mga kasamahan ko." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Kasamahan?" Sabi naman niya.
Bumitaw siya sa pagkakahawak saakin at lumipad ako papunta kina Zeus.
"Zeus, Poseidon, at Apollo!" Sigaw ko.
"Athena." Sabi nila.
Bumaba na ako.
"So sisimulan na natin?" Sabi ko. Tumango sila.
Ipinalabas na nila ang mga sandata nila. Ang kay Zeus ay Lighting Sword, Poseidon ay yung tinido.... i mean trident, kay Apollo ay ang Shield Wings niya at saakin ay ang Scythe ko.
At sumugod na kami ng biglang may itim na usok ang dumating. Bigla akong nakaramdam ng kasayahan dahil nandito siya.
"Ano yan?" Apollo.
"Makikisabay siya saatin... Hades!" Masayang sabi ko.
"Hades?!" Gulat na sabi nila at tiningnan lang niya kami.
At inilabas ang latigo niya.
"Let's Go!" Sigaw ko at sumugod nako at tumakbo ako at tumalon sa taas at pinutol ang ulo ng ng isang Halimaw.
Hanggang sa maubos na namin ang mga halimaw may iba na umatras dahil sa takot.
Napaupo kami sa sahig dahil sa pagod.
"Okey ka lang?" Sabi ni Zeus. Tumango lang ako at tumabi siya saakin at inayos ang buhok ko na magulo atah. At pinunasan ang pawis ko na kinangiti ko.
"Anong ibig sabihin nito?" Napatayo agad kami nandito kasi si Dean sa harapan namin. Oh? Hala nakita ni Dean ang galaw namin.
"Dean!" Gulat na sabi namin.
"Sino ba talaga kayo? At kakaiba ang mga galaw at iba't ibang kapangyarihan? Walang gamit na mga wands.... isang tanong isang sagot kayo ba ang Legendary na Deadly Royals?" Nagkatinginan kami mukhang wala na atah kaming kawala nito.
Sabay tango. Nanlaki ang mata niya sa narinig. Napakagat naman ako ng labi at napakapit sa damit ni Zeus.
"Uhmm... pwede pong wag muna sabihin sa iba?" sabi ko kay Dean at napatingin naman siya sa akin.
"Makakaasa kayo. Di ako makapaniwala nakaharap ko ang mga malalakas na Gods and Goddess." Sabi ni Maam. Ang adviser ko?!
Napatago ako sa likod ni Zeus.
"Di ko alam na kasali pala ang estudyante ko doon." Sabi ni Ma'am. Nakita pala ako.
Napatingin ako sa kanya.
"Pasensya na po kung naglihim po ako sa inyo." Sabi ko sabay bow.
"Naintindihan namin. At bakit nasa Sec F ka ang mga kasama mo nasa Sec A? Di ka ba nakakuha ng points sa Entrance Exam?" Sabi ni Dean.
"Meron naman po... may dahilan naman po ako kung bakit ako nagpa Sec F." Sabi ko. Mukhang naintindihan naman niya.
"I see... gusto niyo ba ilagay ko kayo sa isang Bahay na kayo ang magkakasama?" Sabi ni Dean.
"Hindi na po. Wag niyo na po kayong mag abala sa amin." Sabi ni Poseidon.
"Kung yan ang gusto niyo. Sige ipapaliban muna natin ang mga klase.... ah, binigyan ko nalang kayo ng hideout and no buts.. okey?." Sabi ni Dean. Napatango nalang kami.
Napabuntong hininga kami.
"Mukhang may nakakaalam na." Sabi ko.
"Sa susunod mag iingat na tayo." Sabi ni Apollo.
"Dito ka rin pala Hades." Napatingin kami kay Zeus.
Tumango ito.
Hala nagkakaharap pala ang God sa Underworld, Sea at Heaven. Ngayon ko lang napansin?
Tumango lang si Hades. At tumalikod.
"Uhmm... Hades, anong Section ka?" Tanong ko.
"Section A." Sabi niya. Di naman halata eh wala kaya siyang kapa.
"Ah... okey! Magkikita muli tayo diba bibisitahin lang kita." Sabi ko. Tumango siya at umalis na.
"Di ko akalain tatlo nalang." Sabi ni Apollo. Tumango ako.
"Guys!!" Sigaw ni Liz.
"Liz!" Masayang sabi ko.
"Okey lang ba kayo?" Sabi niya. Tumango kami.
"Pasensya na kung wala akong magawa... napaka useless ko." Sabi nya. Hala ka....
"Okey lang yun... wag kang mag alala. Kahit wala kang malakas na kapangyarihan. Alam ko na malakas ka, matalino ka." Sabi ko. Napangiti siya at niyakap ako.
"Salamat. Sa susunod sasabihan ko ang mga tao na mali ang sinabi ng mga demons sa kanila." Sabi niya.
"Makakaasa kami." Sabi ni Zeus.
Tumango lang ito.
Forward...
Nakaupo ako sa may bench dito sa labas ng dorm namin. Di ako makatulog kaya dito muna ako mag upo upo.
Nilanghap ko ang sariwang hangin ng Academy.
Nang may napansin akong aura na nakatingin saakin. Kaya napatingin ako kung sino yun.
"Sino ka?" Sabi ko. Lumabas naman siya sa madilim na parte ng mga puno. Isang lalaki?
"Yoh. Autumn... or should i say Athena." Nakangiti niyang sabi. Teka sino toh?
"Sino ka?" Sabi ko.
"Nakalimutan mo na agad ako? Ang sakit sa heart ha." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya.
"Di ako nagbibiro." Sabi ko.
"Ikaw naman seryoso mo naman... ako toh si Xylo." Sabi niya. Xylo? Napatingin ako sa boung anyo niya.
Lalaking yellow ang buhok, magkasing tangkad lang kami, at then nakasout ng damit na puti.
"Pwede bang diretsuin mo na ako." Naiinis kong sabi.
"Hay, ako lang naman ang nagmamay ari ng kapangyarihang nasa sayo ngayon. Ako ang pinakaunang gumamit niyan at ... ah mas gumwapo pala ako kaya di mo ko agad nakilala." Teka siya na ba talaga ito?
"Sinong di makakalimot ilang taon ka di nagpakita?" Masungit kong tanong. Ganito talaga kami mag uusap parang barkada lang. Eh ganun ang ugali nito eh.
Sila ang mga unang Gods noon at pinasa saakin. Sila ay nakatira ngayon sa isang lugar na sila lang ang nakakaalam nagpapakita lang sila sa mga katulad ko.
"Ano naman ang dahilan mo kung bakit ka nandito?" Alam ko kahit may pagkasira ulo toh may importante siyang sasabihin saakin.
At yun biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Magiingat kayo sa darating na Fiestival ng school ninyo, dahil may magaganap na isang malaking kaguluhan at sasakupin ng kadiliman ang liwanag, may isa na gagawing bitag laban sa inyo. Wag na wag kayong susuko lumaban kayo gamit ang mga binigay naming kapangyarihan. Binigay namin yan sa inyo dahil alam namin na kayo ang karapat dapat sa kapangyarihang yan. Alam ko na kaya mo yan... Athena." Sabi niya. May magaganap?
"I will, gagawin namin lahat." Sabi ko. At ngumiti siya at pinat ako sa ulo.
"Aasahan ko yan... tutulungan namin kayo matalo lang ang kasamaan." Sabi niya at nawala na lang bigla.
Hahandaan ko yan.
Pupuntahan ko sana sila Zeus sa dorm nila nang makita ko na nandito na pala sila.
"Kinausap rin kayo?" Sabi ko sa kanila tumango naman sila.
"Kailangan nating mag ensayo ng maigi pati ang mga wizard dito. Poprotektahan natin sila." Seryosong sabi ni Zeus. Tumango sila at ako napaisip ako kung sino yung bait na sinasabi niya.
Di kaya..
"Athena..." tawag ni Apollo. Napatingin ako sa kanila.
"Di kaya..."
"Si Hera." Sabi ni Hades. Napatingin sila kay Hades.
"Si Hera ang gagawin nilang bait laban sa atin." Paliwanag nito.
"Kailangan nating sabihin kay dean kung anong mangyari para makahanda ang lahat." Sabi ni Apollo.
"Sige." Sabi ni Zeus.
******
LMCD