Chapter 8

2106 Words
Athena POV... "Matagal na kitang gust--" "Athena..." "Zeus! Look si Apollo oh." Lumapit ako sa kanya at tinuro si Apollo. Tiningnan lang niya si Apollo ng walang buhay na tingin. "It's nice to see you, Apollo." Malamig na sabi ni Zeus. "Same to you, Zeus." Sabi ni Apollo. Teka ako lang ba o may kakaiba sa kanila, parang may parang kidlat kasi sa gitna nila na mukhang may balak na masama sa isa't isa. "Uhmm... guys?" Napatingin sila sa akin. "Mukhang miss niyo talaga ang isa't isa noh... kaya group hug!" Masayang sabi ko at ayun niyakap ko sila. At bumitaw sila agad. At biglang pumasok yung Doc. "Titingnan ko lang ang lagay ng pasyente." Sabi ng Doctor sa amin. Tumango naman kami. Nilapitan niya ang babae at tiningnan ang kalagayan nito. "Teka..." sabi ng doc. Dumating naman yung lalaki at tiningnan ang kanyang asawa. "Ano pong nangyari doc?!" Nagpapanik na sabi ng lalaki. "Your wife..." sabi ng doctor. "What happened?" Sabi ni Apollo. Nagpapanik na sila at tanging boses ng doctor ang kanilang hinihintay. Napayuko ako ayaw kong makita na iiyak sila. "Kailangan na namin siyang operahan ngayon dahil baka bukas mas lalong lumala ang puso niya at kinaresulta pa nito na bawian siya ng buhay." Napaluhod naman ang asawa nito. "Hindi!" Umiiyak na sabi nito. Napatingin saakin si Apollo na parang nanghihingi ng tulong. Tumango lang ako. Forward... Pinauwi ko si Zeus kahit ayaw niya. Alam na kasi nila plano ko at si Apollo naman inayos ang papeles niya na magre resign na siya bilang isang Aktor. At babayaran lang daw niya ang kontrata niya kasi di pa kasi tapos. At ako naghahanap ng tyempo para pagalingin ang kanyang asawa. Nakatingin lang ang lalaki sa asawa niya. "Alam ko na malakas siya... dapat maging malakas ka rin." Sabi ko sa kanya. Hinawakan lang nito ang kamay ng asawa. "Gaano mo siya kamahal?" Tanong ko sa kanya. "Mahal na mahal sobra higit pa sa buhay ko." Sabi niya. At sapat na yun para bumalik ang mahal niya. Teka bakit wala ang kaluluha niya dito? Di kaya.... Lumabas ako at hinahanap ko ang kaluluha niya pero wala at pumunta ako sa rooftop at tumingin sa langit. Sana di pa huli. "Pur!" Tawag ko. At may lumabas na isang babaeng puti ang sout at maladyosa sa mukha. 'Yes, your highness.' "Gusto ko pumunta sa purgatoryo." Sabi ko. 'Masusunod po.' Sabi niya at pumasok ako sa isang liwanag. Hanggang makaabot na ako sa purgatoryo. Naglakad kami at may mga kaluluha akong nakita na palakad lakad. 'Sino po ang hinahanap niyo?' Sabi ni Pur. "Si Mrs. Handson." Sabi ko alam ko na ang last name niya kahit di ko pa tanungin. 'Ayun siya, Your Highness.' Tinuro niya at ayun nga papasok na siya sa Judgement Room doon gaganapin kung saan ka ilalagay sa hell o sa heaven. Papasok na sana siya ng pigilan ko siya. "Di ka pa pwedeng pumasok." Sabi ko sa kanya. Nagulat naman siyang tingnan ako. "Di mo pa oras." Sabi ko. Hinarap ko yung nagbabantay sa Judgement Room. At kinuha ang libro na hawak nito na kinagulat niya at binura ko muna ang date ng kanyang kamatayan at iniba ko ang date nito. "Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nung nagbabantay ng libro. Hinarap ko naman siya. 'Siya ang Prinsesa ng kalangitan.' Paliwanag ni Pur. Napayuko naman yung may ari ng libro. "Pasensya po sa nagawa ko." Sabi niya. Tumango ako. "Di pa niya oras ngayon." Sabi ko. "Masusunod po." Sabi nila. At hinawakan ko kamay niya at ngumiti. "Alam mo balde na ang iyak ng asawa mo sa lupa." Sabi ko. Napayuko siya. "Wala kasi akong magagawa eh." Sabi niya. "Pwes, tutulungan kita." Sabi ko at bumalik na kami sa hospital. At pumunta sa room nito at pinagaling ko ang kanyang puso at ngayon pwede na siyang pumasok ulit sa katawan nito. Nakatingin ang kanyang kaluluha sa kanyang asawa. Tumango ako at napangiti siya at pumasok na sa katawan nito. At tapos na ang misyon ko dito kailangan ko ng umalis. Mamaya pa siya magigising dahil sa pagod pa ang kaluluha nito. "Alam ko na mabubuhay ang asawa mo. At kailangan ko ng umalis may lalakarin pa kasi kami. Paki kumusta ako sa asawa mo pag gising na siya." Sabi ko. Napatayo siya at nagbow. At di niya alam kung paano ibabalik ang magandang binigay ko sa kanya na ikalawang buhay. "Salamat kasi kahit di mo ko kilala tinulungan mo kami. Ikaw ang anghel ng buhay namin." Sabi niya. Napangiti ako. "Wala po yun... balang araw magkikita pa po tayo." Sabi ko at nagbow at nagpaalam na sa kanya. Masaya ako dahil natulungan ko siya. Paglabas ko nandun na si Zeus, Poseidon, Apollo at Liz na naghihintay sa akin. "Let's go." Sabi ko sa kanila. Napatango sila at lumakad na kami palabas ng hospital. Pagkalabas namin may sasakyan na naka abang saamin. "Dito tayo sasakay para di na tayo maglalakad." Sabi ni Apollo. Napanganga ako di na kami maglalakad! At may sariling sasakyan na kami! At malaki laki din ang sasakyang ito para sa amin. Pwede na nga kaming matulog nito. "Tara na!" Sabi ko at sumakay at ang magda drive ay si Poseidon at ngayon pinagitnaan ako ni Zeus at Apollo. "Saan ang susunod na distinasyon?" Tanong ni Poseidon. Napatingin kami sa mapa ni Liz. "Sa Cloud City." Sabi ni Liz. "Tara na sa Cloud City!" Masayang sabi ko. Sino kaya ang susunod? Habang nagbabyahe tahimik kami at tulog na tulog si Liz at si Apollo naman naka headset, then si Zeus nagbabasa ng libro at ako tumitingin lang sa daan ng may napansin akong kakaiba parang may liwanag. "Guys, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Sabi ko. Tumingin naman sila. "Bakit daan lang naman ang nakikita ko." Sabi ni Apollo. "May nakikita ka ba?" Tanong ni Liz. Palapit na kami. "May liwanag teka palapit na dito!" Sigaw ko at kinain na kami ng liwanag. At napamulat ako at nasa ibang lugar na kami teka nasaan ang sasakyan at mga gamit namin? "Ang sakit ng ulo ko grabe makaikot yun." Napahawak si Apollo sa ulo niya. "Nasaan tayo?" Sabi ni Poseidon. Napatingin kami sa paligid teka isang malaking gate at bigla itong bumukas at naghanda kami baka kung anong mangyari. May nakita kaming dalawang tao. "Wag kayong matakot nandito kayo sa Magic Academy." Sabi ng lalaki. Nasa Magic Academy kami! "Welcome new students." Sabi nung isang babae. "Teka hindi kami mag aaral. May hinahanap kami." Sabi ni Poseidon. "Oo nga. Tapos na akong mag aral. Mag aaral nanaman ako?" Naiinis na sabi ni Apollo. Hinawakan ko sila. Dahil ang lahat ng nangyayari ngayon ay nakatadhana. "Sumunod nalang tayo sa tadhana natin ngayon." Sabi ko at napabuntong hininga sila at tumango na. Nagkatinginan kami at pumasok na kami sa loob. Nakahawak lang ako sa damit ni Zeus sa likod at ng mapansin niya yun hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa harapan. Nakapasok na kami sa school at ang rami ng mga estudyante! May lumilipad habang nakasakay ng walis, at ang tanging hawak lang nila ay isang Wand. "Wizards." Sabi ko nalang. "Okey, magkakahiwalay ang kwarto ng babae at lalaki kaya mga lalaki sumunod kay Mrs. Santiago at mga babae sumunod kayo saakin." Sabi nung babae. Napatingin ako kay Zeus at tumango lang ito. "Magkikita pa tayo dito." Sabi niya. Tumango ako. Nang may naramdaman akong pamilyar na aura nakalimutan ko kung kanino yun. Itinuro na sa amin ang dorm namin at magkaparehas kami ni Liz ng kwarto. "Athena, bakit kaya tayo napunta dito?" Tanong ni Lizop. Bakit nga ba? "Di ko alam siguro may dahilan kaya tayo nandito." Sabi ko sa kanya. 'All students proceed to the black forest... doon gaganapin ang entrance exam.' Sabi ng speaker. Nagkatinginan naman kami at nagbihis may mga damit dito kaya no problem. Lumabas na kami at pumunta sa black forest may mga estudyante din doon. 'Ang gwapo nila!' 'Ano kaya name nila?' 'Perfect na sila!' Napapout ako habang nakatingin sa kanila. Nang makita ako ni Apollo bigla siyang tumakbo sa akin at niyakap ako. "Nandito ka na pala, Baby Athena." Sabi niya. Napangiti ako ng biglang lumapit si Zeus at kinuha ako kay Apollo. "Dito ka lang sa tabi ko baka mahawa ka sa sakit niya." Sabi ni Zeus. "Sakit ng isang gwapo?" Sabi ni Apollo. "Oi, nag aaway nanaman kayo. Mukhang magsisimula na kaya quiet lang mga bata." Sabi naman ni Poseidon at binawi ako sa dalawa. Tumango nalang kami at nakakunot pa din ang noo nung dalawa. 'Ngayon gaganapin ang Entrance Exam at ang kailangan niyo lang gawin ay dapat tumaas ang level niyo hanggang lvl 5. At illusion lang ang mga kalaban niyo dyan sa loob at kung masugatan kayo wag kayong mag alala mawawala yan once makalabas kayo sa Dark Forest.' Sabi naman ng Lalaki sa harapan. Illusion... 'At kung papasok kayo isa isa lang at taga limang minuto bago papasok ang isang student kuha? At depende sa lvl kung saan kayo ilalagay na room.' Sabi pa niya. Napatango lahat. 'Okey let the battle begins!' Sabi nung lalaki at pumasok na sila at sunod ako na. "Mag iingat ka." Sabi ni Zeus at pinat ako sa ulo ko.. Tumango ako at pumasok na. Ang dilim naman dito. *BOOOGGSSHHH!* Napatingin ako sa gilid ko nakakita ako ng napakalaking halimaw at nakita ko na lvl5 siya na halimaw so kung mapatay ko siya mapapasa agad sa akin ang lvl 5? Ang laki niya para siyang dragon at mukhang matigas ang balat nito. Nakakatakot mukha nito pero mas nakakatakot ang mga demons na nakakalaban namin. Tumakbo ako at sinuntok siya at mukhang di tumalab ang suntok ko. Kitams ang tigas nga ng balat. At natamaan ako ng kamay niya at lumipad ako sa isang puno. Malakas nga. Pero wala yan sa mga nakakalaban ko noon. Lumipad ako at sinipa ko mukha niya. At natumba naman siya at tumayo din at biglang bumilis ang galaw niya kaya naghanda ako sa susunod na atake niya. "Wrraaw!" Bigla siyang sumigaw kaya napatakip ako ng tenga at ayun sinuntok nanaman niya ako. "Tsk. Mukhang matalino ka ha... pero mas matalino ako." Sabi ko at napa isip ako... Mukhang matagal ko ng hindi nailalabas ang scythe ko ha. Tumalon ako at nakatayo ako ngayon sa isang sanga. Itinaas ko ang kamay ko. At nagcommand ako na ipalabas scythe ko. How i miss this! Tumakbo ako papunta sa kanya at inatake ko ang scythe sa kanya. At tumayo ako at naputol bigla ang katawan niya. At nasa akin na ang lvl5 niya. At mukhang ginanahan ako kaya ayun nakipag laban ako sa lahat ng halimaw doon. Napatingin ako sa timer. Mukhang 25 sec nalang at di ko na mabilang ang napatay ko. Nakita ko si Liz na naglalakad lang at nang makita niya ako napatakbo siya sa akin. "Athena. Nakakatakot sila." Sabi niya. "Wag kang mag alala nandito ako. Teka ilang lvl ang nakuha mo?" Tanong ko napailing siya. Ibig sabihin lvl0 pa siya. Napabuntong hininga ako at binigay ang ilang lvl ko sa kanya. Kailangan siyang mapunta sa section kung nasaan sila Zeus para ma protektahan siya nila. "Athena..." "Okey lang yun at tayo na." Sabi ko. Lumabas na kami at nakita namin sa malaking tv kung saan kami na room naka assign. Magkaklase nga sila sa Section A. At ako sa Section F eh sa lvl10 nalang ang naiwan sa akin. "Athena..." "Okey lang yun. May plano ako wag kang mag aalala sa akin. Don't worry." Sabi niya. 'All students proceed to your room at nasa room ninyo ang kapa na gagamitin ninyo. Red for Section A, Blue for Sec B, Green for Section C, Brown for Sec D, Yellow for Sec E and White for Sec F.' Sabi nung lalaki. At ngumiti ako sa kanya bago tumalikod di ko na pinuntahan sila Zeus baka pag galitan lang ako nun. Bago ako pumunta sa room ko pumunta muna ako sa kakahuyan doon muna ako tatambay. Gusto kong mapag isip isip kung ano talaga ang pinunta namin dito. Magic... Academy... Di kaya.... si Hera! Siya yung Mysterious Wizard sa amin. Siya ang kailangan naming mahanap dito! Bumaba ako ng puno nang may naramdaman akong kakaiba. Demons! Hinanda ko ang sarili ko palakas ng palakas ang aura ng demon hanggang sa.... May lumabas na nakaitim na kapa at di ko makita ang mukha niya. Yung parang shadow lang ang paningin sa kanya. Kasi naka hood kasi ng itim. Hinanda ko ang sarili ko baka kasi susugod siya. "Sino ka?" Sabi ko. Palapit ng palapit siya saakin ng biglang... Nanlaki nalang ang mata ko. ******** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD