DESIREE
Mataman kong tinitigan ang aking hawak na cellphone. Halos mapudpud na ang keypad nito dahil sa saka pindot ko upang silipin ang oras.
Quarter to five, malalim buntonghininga ang pinakawalan ko dahil sa inip na inip na ako. Kailangan kong makapapunta ng maaga sa pagtatrabahuhan kong coffee shop. Alas singko e medya ang in ko. Ka bilin-bilinan pa naman ni sir Lexus sa akin na ang number rule ay bawal ma-late. Pero mukhang kasisimula ko pa lang masisisanti na agad ako.
Mahina kong pinipitik ang aking mga daliri sa arm chair ng aking upuan havabg tuwid na nakatingin sa unahan kung saan nagde-discuss ang aming proffesor. Maging ang takong sa suot kong sapatos ay tinutuktok ko na sa semento upang maibsan ang inip na aking nadarama. Mukhang wala yatang balak na e-dismiss kami ng maaga ni Mrs. Villaruiz ang huling subject teacher namin.
Lihim akong nagdadasal na sana pauwiin na kami. Grabe naman itong guro namin laging lagpas sa oras kung pauuwiin kami. Naiinip na akong maghintay.Wala naman akong naiintindihan dahil lumilipad na ang isi ko. Kahil kailangan ko ang trabaho na ito. Gusto kong makatulong kay inay sa financial dahil kahit na may scholarship ako may binabayaran pa rin kaming mecellaneous fee sa paaralan namin. At ayaw kong sayangin ang pagkakataon na ito dahil sa ilang buwan na akong nag-iikot upang maghanap ng trabaho ngayon lang may tumanggap sa akin dahil karamihan ng ina-aplayan ko ay ayaw tumanggap ng working student.
Kami lang dalawa ni Inay ang magkasama sa buhay. Binawian ng buhay si Itay noong grade one pa lamang ako. Malakas ang buhos ng ulan noon at madilim na pero hindi pa rin dumating si Itay maghapon kasi itong nagtatanim sa bukid samantalang si inay ay nasa bahay.
Kinaumagahan nakita na lang namin si Itay na wala ng buhay. Natamaan ito ng kidlat. Labis kaming nagdadalamhati. Nahihirapang tanggapin ni Inay ang pagkawala ng Itay ko. Kung kaya nagpasya siyang umuwi muna rito sa Maynila. Ngunit ramdam kong hindi kami tanggap ni Lola Esme.
Kaya napilitan kaming umalis sa bahay ng magulang ni Inay at napiling mangupahan sa isang maliit na silid. Talagang kasya lang kaming dalawa ni Inay at ang mga iilang gamit namin. Binuhay ako ni Inay sa pagtatrabaho niya sa isang factory malapit sa inuupahan namin. At iniwan niya ako sa kapitbahay namin na matandang dalaga na si Ante Conching.
Minsan na itanong ko kay Inay kung bakit ganoon na lamang ang trato ni Lola Esme sa amin? Parang hindi niya ako apo dahil palagi niya akong pinapagalitan. Si Inay naman kita ko kung paano siya maliitin ng lola pero dahil sa bata pa ako hindi ko lubos nauunawaan ang mga pangyayari.
“Inay, bakit galit sa atin si Lola Esme? Hindi po ba ang nanay ay hindi pinapabayaan ang kanyang anak?” inosenti kong tanong kay Inay. Tumikhim muna ang Inay bago tumingin sa akin ng diretso. Nasa first year high school na ako noon. Kaya alam kong maiintidihan ko ang sasabihin ni Inay.
“Anak, bata ka pa. Hindi mo pa maiintindihan ang lahat,”
“Inay naman twelve na nga ako. Tapos matalino naman ako kaya alam kong maiintindihan ko na
kung ano man ang sabihin ninyo,” tugon ko kay Inay. At dahil sa kakulitan ko na pa kuwento si Inay sa akin.
“Ganito kasi ito anak. Labing walong taong gulang pa lamang ako noon. May nanliligaw sa akin na isang anak mayaman. Gustong-gusto siya ng mama at papa dahil sa bawat dalaw niya sa amin may dala itong pasalubong. Sabi ng mga magulang ko kapag siya ang mapangasawa ko hindi lang ako magbubuhay reyna kundi pati sila aangat rin ang kanilang buhay. Mahirap lang kami kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng mga magulang ko na makapangasawa ako ng mayaman,”
“Mahal mo po ba ang nanligaw sa iyo na mayaman Inay?” putol ko kay Inay.
“Mabait siya anak, hindi siya mahirap mahalin pero sadyang hindi para sa kanya tumibok ang puso ko kundi nasa kay Itay Lando mo. Seventeen pa lamang ako noon nang magsimula ang lihim naming relasyon. Kaya ganoon na lamang ang galit ng mama at papa noong nalaman nila na si Itay Lando mo ang kasintahan ko. Pilit nila kaming pinahihiwalay, mas lalong nagagalit sila sa akin nang nalaman nila na nagdadalang-tao ako anak, at ikaw ʼyun. Noong nalaman ng Itay mo na buntis ako tinanan niya ako at dinala sa probinsiya nila,” kita ko ang pangingilid ng luha ng mga mata ni Inay. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ni Itay. Malungkot itong tumingin sa akin ay niyakap ako nang mahigpit.
“Desiree anak, ikaw na lang ang nag-iisang alaala ng itay mo sa akin. Mahal na mahal kita, anak,”
“Hoy, besh! Bakit nakatulala ka riyan? Kanina pa umaalis si Mrs. Villaruiz kaya umuwi na tayo,” untag sa akin ni Valerie ang nakapagpa balik sa akin ng diwa ko.
“Ha? Ganoon ba? Naku! Besh, mauna na ako sa iyo. Hindi ako puwede malate sa pinapasukan kong trabaho. First day ko pa naman ngayon.”
“Nahala sige mauna ka na, besh. May dadaanan pa ako.”
Halos magkadapa-dapa na ako sa ginawa kong pagtakbo makalabas lang agad ng gate sa paaralan namin. Kaagad akong nag-aabang ng ng masasakyan. Punuan pa naman ang jeep ngayon agawan ang mga pasahero ng pagsakay lalo na sa mga ganitong oras. Nahihirapan akong sumakay, hindi na lang akong umuwi ng bahay dahil siguradong sesanti ang labas ko kapag ma le-late ako.
Wala na akong ibang choice kundi ang sumampa sa pintuan ng jeep na tumigil sa harap ko. One ride lang naman malapit lang kaya keri ko ang sumampa hanggang sa makarating ako sa coffees shop na pagtatrabahuan ko. May dalawang studyanting lalaki ang kasama ko nakasampa ngayon sa jeep. Pasipol-sipol pa ang mga ito. Inarapan ko sila ng aking mata ang mga assuming ng mga ito. Kung hindi lang ako nagmamadali hindi ako mapilitang sumampa. Akala siguro nila natutuwa ako makasama sila. May mga lalaki naman sa loob ng jeep pero napaka ungentleman nila ayaw mag give way sa kagaya kong babae.
May narinig pa akong may kumakantiyaw sa akin sa kabilang jeep na nasa likuran namin.
“Miss, baka malaglag ka diyan. Sayang ang beauty mo kapag nagalusan. Dito kana sa akin!” sigaw ng isang driver ng jeep.