Chapter 3

1502 Words
DESIREE Tatawagan ko na lang ang mama ko para ipaalam na dumiritso na ako sa pinapasokan kong trabaho. Masyado na akong gahol sa oras kung uuwi pa ako ng bahay. Kahit masakit ang paa ko dahil pagkakasabit ko sa pagbaba ko ng jeep ay pinipilit ko pa rin maglakad. Walang hiya naman kasi ang driver na ʼyon. Kita na hindi pa ako tuluyang nakababa pinaandar kaagad ang jeep. Nahihirapan akong ihakbang ang aking mga paa dahil bukod sa pagkasabit ko. Pinsel skirt pa itong suot ko pang-ibaba. Ito kasi ang uniform namin sa school. “Kung minamalas ka nga talaga,” himutok ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim at kinamalma ko ang aking sarili. Hindi puwedeng magpadala “Pero kalma, kalma ka lang Desiree. Madali kang tumanda niyan kapag magpaka stress ka. Kaya smile lang, huh!” tila hibang na kinakausap ko ang aking sarili. Pagkatapos inayos ko ang aking sabog na buhok dahil sa nilipad ito ng hangin kanina sa jeep. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Bingi naman yata ʼyong driver na sinasakyan ko dahil hindi man lang narinig kanina ang sigaw na para lang sa tabi. Kaya heto lumpagpas pa talaga ako. Tila salo ko lahat ng kamalasan ngayong araw. Sinilip ko ang aking suot na lumang hello kitty na relo. Binigay pa ito ni mama noong grade six pa ako. Regalo niya ito sa akin noong nakapagtapos ako ng elementarya. Nanlaki ang mata ko dahil limang minuto na lang ang natitira at male-late na ako. Kaya kahit masakit pinipilit kong tumakbo. Tanaw ko naman ang shop na papasukan ko. Nang malapit na ako inunahan ko na sa pagpasok na lalaking naglalakad din papasok sa coffee shop. “Hep, hep. Pasensiya na po kuya. Pero mauna na po,” saad ko sa lalaki. Binigyan ko siya nang matamis na ngiti at nag peace sign pa ako sabay tulak ko sa pintuan para makapasok sa loob. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapasok naramdaman ko na lang na may humablot sa kaliwang braso ko. Paglingon ko ay sumalubong sa akin ang madilim na mukha ng lalaki. Napanganga ako sa guwapong mukha nito. Tila ako nakakita ng isang International Artist matangos ang ilong, malabong ang paris ng kilay at kulay brown na mga mata. Napalunok ako sa aking sariling laway ng mapadako ang tingin ko sa kanyang manipis at mapupulang labi. Kung susumahin mag kahawig sila ng paborito kong member ng sikat na International boy band na street boys na si Nick Carter. Tila may limang milyong boltahe ng kuryenti ang naglakbay sa bawat himaymay ng aking katawan. Naghugis puso na yata ang aking mga mata dahil sa guwapong nilalang na ito. Ang puso ko ay tila umiinom ng sampung tasang kape dahil sa lakas ng pintig nito. Ang kaninang pagmamadali ko ay nakalimutan ko dahil sa guwapong lalaki na ito. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang makita ko ang pagkibot ng kanyang labi. Tila ako binuhusan nang isang balding malamig na tubig. Daig ko pa ang kumasa sa ice bucket challenge. Nagising ako sa aking kahibangan nang tumama ang puwit ko sa malamig na semento. Tinulak lang naman ako sa walang modo na lalaki. Mabuti na lang hindi napabukaka ang mga paa ko sapagkat maikling pinsel skirt pa naman ang suot ko. At hindi ko na patungan ng short ang suot kong panty kundi kita itong kayamanan ko. “Tssk, don't block my way, bansot!” saad ng lalaki sa madilim na anyo. Naningkit ang aking mata sa narinig. “Hoy! magdahan-dahan ka naman sa bunganga mo. Alam kong bansot ako kaya hindi mo na kailangan ipagsigawan pa!” balik kong sigaw sa kanya. Ngunit hindi na ako nito pinansin at tuluyan ng pumasok sa loob ng caffe. Ang bastos naman nang bunganga ng lalaking iyon. Sarap lagyan ng bomba. Dobleng kamalasan naman itong inabot ko sa araw na ito. “A-aray ko po, Inay. Ang sakit ng puwit ko!” mangiyak-ngiyak kong sambit. Maging baldado na yata ako nito dahil sa lakas ng pagkabagsak ko. Baka na damage na itong spinal cord ko. Guwapo sana ang lalaking iyon kaya lang napaka walang modo. Hindi marunong gumalang ng isang babae. Wala na akong magawa pa kundi ang tumayo kahit ang sakit ng paa at puwit ko. Daig ko pa ang matanda, dahil sa paika-ika kong paglakad. “Hay! Ang buhay parang life,” dinaan ko na lang sa biro ang lahat ng kamalasan ko. Pagkapasok ko sa loob ng shop hindi ko nakita ang lalaki. Saan kaya ito nagtungo? Bakit wala rito sa loob? “Paki ko ba sa lalaking iyon. Sana nga umalis na siya. Baka tumaas pa itong bp ko kapag nakita ko pa siyang muli,” kikibot-kibot ang labi ko habang naglalakad patungong locjer room para ilagay ang aking gamit. Tinuro na sa akin ni sir Lexus kung ano ang dapat kong gawin. Sabi niya mayroon naman din ako na isang kasama kaya hindi ako masyadong mahihirapan. Pagkalabas ko sa loob ng locker room na naabutan ko ang isa kong kasama. “Hi, ako pala si Desiree, bago pa lang po ako ngayon” agaw pansin ko sa babae. Halos magkasing edad lang din kami kong titingnan. . “Naku! Desiree, kanina ka hinahanap sir Vladi. Mukhang mainit naman ang ulo ni sir. Puntahan mo na nasa loob ng kanyang opisina,” saad nito sa akin. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko. “Sige salamat, ha. Puntahan ko na lang,” abot-abot ang kaba ang aking nadarama. Marahan ang ginawa kong pagkatok ng tatlong beses sa pintuan ng kanyang opisina. “Come in!” Kinakabahang binuksan ko ang pintuan at tuluyan ng pumasok sa loob. Hindi ko nakita ang kabuoan ng mukha ng aking boss dahil Naabutan kong nakatotok ang mga mata nito sa screen ng kanyang laptop. Kagat ko pa rin ang aking pang-ibabang labi, hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Ibinuka ko ang aking labi para sana magsalit ngunit naunahan na ako nito. “Ano? Tutunganga ka lang ba diyan?” tila kulob ang boses nito na dumadagundong sa apat na sulok ng kanyang opisina na nakapagpatalon sa akin. Nag-angat ito ng ulo gayon na lang pagkagulat ko nang makita ko ang mukha nito. Ang lalaking walang modo lang maman ang nakita ko. ‘OMG! siya pala ang boss ko?’ Mas lalong nagdilim ang anyo nang makita ako nito. Dumadagundong ang kaba ko ng ngumisi ito. “So, ikaw pala ang bagong hired ni Lexus?” seryoso na ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Ginawa ko lahat maging pormal sa kanyang haeapan kahit naiinis ako sa ginawa sa akin kanina. “Opo, ako nga, Sir,” medyo na matapang kong tugon dahil sa naiinis ako sa kanya. Ang kaninang kabang nararamdaman ko napalitan agad inis. Akala niya. “He didn't tell you, kung ano ang patakaran ko?” Hindi pa man ako nakahulma ng maisasagot ay kaagad itong muling nagsalita. “Ang pinaka ayaw ko ay ʼyung mabagal kumilos at hindi on time kung pumasok at higit sa lahat hindi ko gusto ang isang clamsy na katulad mo!” Naningkit ang mata ko sa aking narinig. Sumusobra naman yata itong lalaking ʼto hindi ako clamsy for his information. Siya kaya itong nagtulak sa akin para bumagsak ako sa sahig. “Mawalang galang na po, Sir. Hindi po ako clamsy. Ikaw kaya ang nagtulak sa akin kaya bumagsak ako. At lalong hindi ako mabagal. Hindi ko rin ugali ang ma-late. Kaya no worries kayo sa akin, Sir.” taas noo kong sabi sa kanya. “So, puwes patunayan mo ʼyang sinasabi mo. Dahil kong hindi, I won't hesitate to fire you!” “Fire agad, Sir? Hindi puwedeng warning lang muna! Masyado naman kayong harsh sa mga trabahante mo, Sir,” nakangisi kong saad. Na mas lalong ikinagalit nito. “Enough! Lumabas ka na baka hindi pa ako makapagtimpi sa iyo!” asik nito sa akin. “Bakit Sir? Ano po ang gagawin mo sa akin? Naku po, Sir. Huwag mong madalas mainit ang ulo. Sige ka...mas lalo ka niyang tatanda.” “Sabi ko labas! No one will talk to me like that!” lumabas na ang litid sa kanyang leeg dahil sa sobrang inis niya sa akin. Mukhang pinaglihi yata ito ng sama ng loob at ito ang resulta daig pa si Satanas kapag nagalit. “You know, umuwi ka na lang. Ayaw ko sa mga babaeng mahina ang pag-intindi!” Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa malakas napaghampas nito sa kanyang office table. “Eto, na po, lalabas na po,” Kung ano ang guwapo ng mukha niya ay kasing pangit naman din ang ugali nito. “Tse, guwapo sana kaso may sa demonyo naman ang ugali.” bulong ko sa aking sarili. “May sinasabi ka?” Woah! May sa demonyo nga! Narinig pa nito ang bulong ko. Mabilis akong umiling at tuluyan ng lumabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD