#Duplikado TRENTA’Y UNO Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nakatulog din pala ako kahit papaano. Inadjust ko muna ang paningin ko saka tiningnan ang oras sa orasan na nakasabit sa pader. Maga-alas onse na pala ng umaga. Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa kabilang side ng kama. Wala na si Dylan. Tipid akong napangiti. Hindi ko maiwasang maging masaya pa rin dahil sa nangyari kagabi. Kahit papaano ay nasulit ko ‘yung mga oras na nagtabi kami, na inalagaan ko siya. Napatingin ako sa gawi ng banyo. Nakarinig kasi ako ng lagaslas ng tubig senyales na may tao doon. Bigla akong kinabahan, ibig sabihin ay nandyan pa rin si Dylan? Hindi ba siya pumasok? Natulala ako, naputol lang iyon ng muli akong mapatingin sa gawi ng banyo at nakita ko na siyang palabas, n