CHAPTER 7 AND 8

4103 Words
#Duplikado SIYETE     Nakatayo ako sa terrace, nakangiti habang nakatingin sa malawak na hardin na kaygandang pagmasdan dahil na rin sa ang daming halaman at mga bulaklak. Sa gitna nito, nakatayo ang malaking mansyon kung saan dito ako nakatira ngayon.     Kahit sa panaginip, hindi ko inakala na dito ako titira, na magiging ganito kaganda ang buhay ko.   Milya-milya ang layo ng buhay ko noon sa buhay na meron ako ngayon.     Mas lalo akong napangiti nang maramdaman ko ang may kahigpitang pagyakap niya sa akin. Amoy na amoy ko ang kanyang bango na kaysarap langhapin.     Naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. Ang kanyang mga kamay na nakapatong sa bandang tiyan ko ay bahagyang gumagalaw at humahaplos sa akin. Napakasarap sa pakiramdam ng kanyang ginagawa.     “Lunch is ready... Halika na at kumain na tayo.” Bulong niyang sabi sa akin. Napakaganda sa pandinig marinig ang kanyang boses. Malalim at buong-buo.     Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ko siya. Malapit pa rin ang distansya namin sa isa’t-isa kaya naman mas nakikita ko ang angking kagwapuhan niya. Kung may mga prinsipe lamang na tunay na nag-eexist sa mundo, masasabi kong isa siya sa mga iyon.     Tall, dark and handsome. Ganyan ko siya isasalarawan. Sobra akong nagagwapuhan sa kanya. He’s close to perfect. Mas lalo pang nagpadagdag sa kagwapuhan niya ang salamin sa mata na suot niya. Imbes na magmukha siyang nerd, mas lalo lamang siyang naging gwapo sa paningin ko. Iba rin pala ang taglay na kagwapuhan ng isang purong Pilipino na kagaya niya, bukod sa gwapo, umaapaw pa sa s*x appeal.     Napangiti siya. Nakita ko ang perfect set of white teeth niya na nagpaganda sa ngiting sumilay sa may kanipisan nitong natural na mapulang labi.     “Huwag mo nga akong titigan ng ganyan... Alam mo naman na nanghihina ako kapag ginagawa mo ‘yan sa akin.” Sabi niya. Ang saya ko. Sobrang saya na naging ganito ang buhay ko.     Napangiti ako. Hindi ko akalain na ang isang gaya niya ay magiging asawa ko. Asawa na makakasama ko habambuhay.   Habambuhay... Natawa ako sa likod ng isipan ko. Habambuhay nga bang magiging ganito ang buhay ko? Kung alam ko naman na ang lahat ng ito’y hiram lamang?       Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa hawak kong salamin. Nasa loob ako ngayon ng isang malaking kwarto kung saan puti ang namamayaning kulay sa paligid. Nakaupo ako sa ibabaw ng kama at sa paligid naman ay makikita ang mga aparato at kagamitan na makikita lamang sa isang ospital.     Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita... Ako ba talaga ito?     “Nagustuhan mo ba ang bago mong mukha?” tanong niya na ikinatingin ko sa kanya. Nandito rin si Jerold sa loob at nakangiti sa akin. Kasama niya si Doctor Montelibano na siyang nag-alis ng benda sa buong mukha ko at nakangiti rin sa akin. Natapos na ang operasyon at nanatili ako dito ng halos tatlong buwan para magpagaling at ngayon ay nakita ko na ang produkto ng kanyang ginawa sa akin.       “Bakit mukha ni Alexander Tan?” tanong ko. Hindi ko naman kasi akalain na ang magiging mukha ko ay kaparehong-kapareho ng sa paborito kong model. Duplikadong-duplikado talaga.     “Hindi mo ba nagustuhan? Sa pagkakaalam ko kasi, hinahangaan mo siya. Hindi mo ba gustong maging siya?” sabi at tanong ni Jerold.    “Hindi naman sa ganun... Pero akala ko, bagong buhay... bagong mukha... pero bakit ang mukha niya ang ginawa niyo sa mukha ko?” tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwala.   “Dahil ang buhay niya ang siyang gagampanan mo ngayon.” Sabi ni Jerold.    “May sarili siyang buhay... ang mukha ko... pagmamay-ari niya... Hindi pwedeng dalawa kami...”     “Wala na siya.” Sabi kaagad ni Jerold. Nangunot ang noo ko at nagkasalubong ang magkabilang kilay dahil sa pagtataka.    “Kaya huwag ka ng mag-alala pa dahil sa mundong ito, ikaw na lamang ang may ganyang mukha.” Sabi pa nito.     “Teka... Ano bang ibig mong sabihin? Wala na siya? Bakit? Nasaan na ba siya?” tanong ko.     Nabanaag ko ang kalungkutan kay Jerold, kahit kay Doctor Montelibano.     “Alam ng lahat na nagbakasyon sa ibang bansa si Alexander... pero ang totoo... naaksidente siya na kanyang ikinasawi.” Sabi ni Jerold na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat. Totoo? “Ako at si Doctor Montelibano lamang ang nakakaalam na wala na siya... Kahit ang asawa niya, walang alam sa totoong nangyari sa kanya.” Sabi pa nito.     Hindi ako makapagsalita. Pilit kong inaabsorb sa utak ko ang mga sinasabi niya.    “Kaya ang mukha niya ang ginawa sayo... Dahil gusto ko... manatili pa rin siyang buhay para walang gulo... Walang makaalam sa totoong nangyari sa kanya. Gusto ko na ikaw ang aako sa buhay na iniwan niya.” Sabi ni Jerold. “Ikaw na si Alexander Tan... ang buhay niya ay magiging buhay mo... ang pagiging asawa niya sa kanyang asawa ang nakatakdang mangyari sayo.” Sabi pa nito. Ito ba ang kapalit?     “Pero Jerold... Wala ito sa pinag-usapan natin... Akala ko magbabago lamang ang buhay ko pero hindi ko naman akalain na aako ako ng ibang buhay para mabago ang sa akin.” Sabi ko.     “Wala nang atrasan ito Rhaven... Nasa iyo na ang mukha niya at kailangan mong magpanggap na siya.” Sabi ni Jerold.     Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Ano ba itong napasukan ko?     “Kung iniisip mo ngayong umatras... huwag mo ng gawin sa halip, umabante ka na lang at gawin ang dapat.” Sabi ni Jerold.     Hindi pa rin ako nagsalita. Ginusto kong magbago ang buhay ko... pero hindi ko gustong mang-angkin ng ibang buhay.     “Bibigyan pa kita ng tatlong araw para magpahinga... pagkatapos, sisimulan na natin ang pagsasanay mo para maging si Alexander Tan.” Sabi ni Jerold.       Hindi na nga ako nakaatras pa. Dala ko na ang mukha ni Alexander na sa hinagap ay hindi ko inaasahan. Oo, gusto kong maging siya pero sa sarili kong paraan, sa sarili kong mukha, sa sarili kong buhay.     Nagsimula ang pagsasanay ko para maging siya. Mula sa kilos, pananalita at pati na rin sa pananamit. Sa totoo lang, sobrang hirap na hirap ako pero as time goes by, nakayanan ko, na-duplicate ko siya sa tulong nang magaling na paggabay sa akin ni Jerold.     Tinuruan din ako ng mga self defense para maipagtanggol ang sarili ko. Araw-araw, wala akong tigil sa pagsasanay. Kasabay din nun ay ang pagwo-work out ko para na rin maging magkasing-katawan kami ni Alexander.     Lumipas ang isa’t kalahating buwan... Wala na si Rhaven sa aking katauhan... naging si Alexander Tan na ako.     Sa tuwing titingnan ko ang sarili ko sa salamin, kahalo nang paghanga sa aking sarili ay ang hindi na rin pagkilala sa tunay na ako. Ibang-iba na ako. Gwapo, matipuno, makinis, malakas. Ibang-iba sa dating ako.     Tinanggap ko lamang ang lahat dahil wala na akong takas.   - - - - - - - - - - - - - - - - -     “Dyan ang bahay nila.” Sabi ni Jerold sa akin. Magkatabi kami ngayon sa likod ng kanyang kotse dahil may driver siya na siyang nagmamaneho.     Napatingin ako sa labas ng bintana at tiningnan ang kanyang itinuturo. Hindi ko maiwasang mamangha dahil dito pa lamang sa labas, nakaganda na nang nakikita ko. May gate naman siya pero ‘yung gate kasi, mataas man siya pero nakikita pa rin ang nasa loob.     “Hindi naman bahay... Mansyon ‘yan.” Sabi ko.     “Exactly... Mansyon... Pinangarap mo naman siguro na tumira diyan di ba?” tanong niya. “Simula ngayon, diyan ka na titira kasama ang asawa mo.” Sabi pa niya.     Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Mukhang magkikita na kami ng asawa ni Alexander. Sa totoo lang, nakita ko naman na ito sa litrato pero sa personal ay hindi pa.     “Manong... Pakibaba na ‘yung maleta ni Alexander at ilagay mo sa gilid ng gate.” Utos ni Jerold sa driver na agad namang tumalima.    “So paano... Alam mo na ang mga gagawin mo... Hindi ka na si Raven ngayon kundi ikaw na si Alexander Tan.” Sabi sa akin ni Jerold. “Mag-ingat ka sa bawat kilos mo... huwag kang magpapahalatang ibang tao ka.” Sabi niya pa sa akin.     Napatango na lamang ako.    “Bumaba ka na.” Sabi ni Jerold. “Kontakin mo na lamang ako kung may kailangan ka o kung gusto mong makipagkita sa akin.” Sabi pa nito.     Napabuntong-hininga ako. Bumaba ako sa kotse niya.     Naghintay muna ako sa labas ng gate hanggang sa umalis na ang kotse ni Jerold.    Muli akong napabuntong-hininga. Kinuha ko ang maleta na dala ko at hinila iyon papunta sa maliit na gate na nasa gilid.     “Good afternoon po Sir... Hindi ho kayo nagpasabi na darating na pala kayo e di sana may nagsundo po sa inyo.” Sabi ni Manong guard sa akin ng pagbuksan niya ako.     Tipid akong napangiti.     “Ok lang ho Manong.” Sabi ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob.     Dahan-dahan akong naglakad. Patingin-tingin sa paligid. Kung maganda na sa labas ang mga nakita ko dito, mas maganda dito sa loob. Ang presko ng hangin dahil na rin sa ang daming mga halaman at bulaklak sa paligid ng malawak na hardin. Sa gitna ay nakikita ko ang Angel Fountain at sa kalapit naman nun ay isang malaking mesa na may mga upuan.     Halatang-halata sa akin ang paghanga. Hindi ako makapaniwalang dito na ako titira simula ngayon.     Sa pagtuntong ko sa malaking mansyon ay nanlaki ang mga mata ko, paano naman kasi, sa pagbukas ko ng malaking pinto, sumalubong sa akin ang mga taong sa tingin ko ay trabahador dito, nakapila sila sa magkabilang gilid kung saan sa gitna ay makakadaan ako.     “Welcome Back Sir Alexander.” Sabay-sabay nilang wika saka nag-bow. All i can say is, WOW!     Nag-aalangang napangiti ako.     Napatingin ako sa dulo, nakita ko ang isang matangkad at morenong lalaki. Seryoso ang mukha at nakatingin sa akin ang mga mata niyang may salamin pero kahit na ganun ang emosyon ng kanyang mukha, aminado akong gwapo pa rin siya. Pormal na pormal ito dahil sa kasuotan.    Siya ba ang asawa ni Alexander na magiging asawa ko?     Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Sa totoo lang, kabadong-kabado ako at anytime ay babagsak ako dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. Mabuti na lang at nakokontrol ko pa ang sarili.   “Hindi ka man lamang nagpasabi na darating ka na.” Malumanay niyang sabi ng makalapit ako. Napatingin ako sa kanya. “Kumusta ang bakasyon mo?” tanong pa niya.     “Ok lang... Nag-enjoy... Sorry din... Ayoko rin kasing makaabala kaya hindi na rin ako nagpasundo.” Sabi ko. Kahit ang boses ni Alexander, nagagaya ko. Ewan ko ba kung paano ko ito nagawa.     “Asawa kita kaya hindi ka abala para sa akin.” Sabi niya.     Tipid akong napangiti. Sa unang tingin ko sa kanya, mukha naman siyang mabait... Ano kayang dahilan kung bakit nagawang lokohin ni Alexander ang asawa niya?     “Yaya... Kunin mo kay Alex ang maleta niya at dalhin sa kwarto namin... pakiayos na rin.” Utos niya na kaagad namang sinunod.     “May nakahanda ng tanghalian sa dining area... Kumain ka na. Sorry at hindi kita masasabayan dahil may meeting pa akong dapat puntahan.” Sabi niya.     Napatango ako.     Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong halikan sa labi. This is the first time na may humalik sa labi ko at sa harapan pa ng lahat! Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya.     Smack lamang ang ginawa niya pero tila nawala ang katawang lupa ko.     “Gulat na gulat ka naman... Mag-asawa tayo kaya lagi natin itong ginagawa pero sa reaksyon mo... parang unang beses ka lang mahalikan.” Sabi niya. Nakakunot ang noo.     “A... Sorry... ang tagal ko rin kasing nawala kaya medyo... hindi na sanay.” Sabi ko. Hoo! Ang hirap magpanggap kahit na sinanay naman ako.     Napatango siya sa sinabi ko.     “Ok... I have to go. Ikaw na muna ang bahala dito.” Sabi niya. Napatango na lamang ako.     Umalis na siya sa harapan ko at nilagpasan ako. Naglakad na siya palabas. Nakasunod naman ang tingin ko. Kahit nakatalikod siya, masasabing ang gwapo pa rin niya.     Napabuntong-hininga ako.     Siya si Dylan Andrew De Galvez, 29 years old. Isa sa sought after bachelor at one of the successful businessman ng bansa. Sa edad na 23, siya na ang namahala ng kanilang malaking kumpanya na namana niya sa kanyang mga magulang na sa kasamaang palad ay namayapa na dahil sa isang aksidente.     Ayon sa kwento sa akin ni Jerold, malaki ang kumpanyang pagmamay-ari niya kaya talaga namang mayaman siya. Siya ang Chairman at CEO nito.     Tungkol naman sa pag-iibigan nila Alexander at Dylan, walang masyadong naikwento sa akin ni Jerold maliban lamang sa nagkakilala ang mga ito sa isa mga fashion show na sinalihan ng una. ‘Yun lang, hindi ko na alam kung paano sila nadevelop sa isa’t-isa hanggang sa maging mag-asawa.     Umalis na ang mga trabahador sa mansyon at bumalik sa kanya-kanyang gawain. Naiwan ako dito sa gitna kung saan manghang-mangha ako habang tinitingnan ang buong paligid ng mansyon. Grabe! Sobrang laki at sobrang ganda. Ang mga gamit, masasabing hindi basta-basta makikita sa kung saan-saan. Halatang pinasadya kahit na yata ang mga appliances.     Hindi talaga ako makapaniwala na magiging buhay ko ang buhay ng aking iniidolo at makakasama ko ang lalaking kahati ng kanyang puso.   #Duplikado OTSO     Kumain na ako ng tanghalian kaya naman ngayon ay naisipan kong maglibot-libot sa buong paligid ng mansyon. Grabe, sobrang laki at lawak talaga ng tirahan na ito. May dalawa itong palapag, ang unang palapag, doon makikita ang living room, kitchen na may dirty kitchen pa, dining area na mas malawak pa sa apartment, sa unang palapag rin makikita ang mga kwarto kung saan pwedeng pasukan para maglibang gaya ng entertainment room, gaming room, music room, library at iba pa. Sa gitna nga ng living room, nakasabit sa dingding ang napakalaking wedding picture nila ni Alexander, kapwa nakangiti at kita ko sa kanilang mga mata ang saya. Wala talaga akong makitang dahilan kung bakit nagawa ni Alexander na lokohin ang asawa niya at hanggang ngayon ay niloloko pa rin siya dahil walang kaalam-alam si Dylan na hindi na ang asawa niya ang kasama niya ngayon dahil wala na ito. Bakit kasi hindi na lamang sabihin ang totoo? Hays!     Sa ikalawang palapag naman ay makikita ang maraming kwarto, sa bilang ko, lagpas kinse iyon at sa totoo lang, nakakalito din dahil hindi ko alam kung saan ako matutulog sa mga iyon. Sa itaas din makikita ang mga banyo, nasa bandang dulo iyon.     Sa likod naman ng mansyon ay makikita ang infinity pool, kamukha lang rin ito ng hardin sa harapn ‘yun nga lang, may pool sa gitna. Nakakarelax din manatili sa lugar na iyon.     Inabot rin ako ng ilang oras sa paglilibot sa buong mansyon at medyo napagod rin ako kakalakad. Para nga akong namasyal sa isang malaking mall na matatagpuan sa Pasay.     Pagdating naman ng gabi ay dumating na si Dylan. Kung fresh siyang umalis kanina para sa meetings niya, fresh pa rin siya pag-uwi. Parang hindi man lamang napagod. Para siyang isang prinsipe na kaagad pinagsilbihan ng mga katulong kagaya ng pagkuha sa mga gamit na dala niya at pagpapaalam sa kanya na nakahanda na ang hapunan.     Ngayon ay magkatapat kaming nakaupo. Nakahain sa dining table ang sari-saring pagkain. Nakahilera ang mga iyon at akala mo isang batalyong tao ang kakain e kaming dalawa lang naman. Kung pwede ko nga lang sabihin na saluhan na din kami ng mga katulong at trabahador dito sa mansyon, ginawa ko na para lamang maubos ang mga pagkaing nakahanda pero ayoko namang pangunahan siya.     Napatingin siya sa akin. Inayos ang pagkakasuot ng salamin, ang tangos ng kanyang ilong kaya naman may pagkakapitan iyon.     “So kumusta naman ang pagbabakasyon mo ng ilang buwan?” tanong niya habang hinihiwa ang steak na nasa plato niya.     “A... E... Ok naman... Nakapagpahinga ng todo.” Sabi ko.     Napatango siya.    “Mabuti naman kung ganun.” Sabi niya. “Dapat sana ay kasama ako sa bakasyon mo ang kaso, hindi naman ako pwedeng mawala ng ganun katagal dahil sa trabaho.” Sabi pa niya. Napabuntong-hininga ito. “Sorry kung hindi kita nasamahan.” Huling sabi pa niya.     “Ok lang... Mas mahalaga naman kasi ang trabaho.” Sabi ko.     Napangiti siya.    “Siguro nalibot mo na ang halos lahat ng lugar doon no?” tanong niya.     Napatango lamang ako.    “Hayaan mo... Sa susunod... sa New York tayo pupunta at mamasyal ng magkasama.” Sabi niya.     Tipid lamang akong napangiti.     Natahimik kaming dalawa. Kumain na lamang muna kami.    “By the way... Babalik ka pa ba sa modelling?” tanong niya sa akin na muli kong ikinatingin sa kanya. “Nasabi mo kasi sa akin nung nakaraan na gusto mo ng umalis.” Sabi niya pa.    “A... E...” wala akong maapuhap na sasabihin.     Napangiti siya.     “Mukhang nagbago ang pasya mo a... Ok lang naman sa akin kung hindi ka tumigil sa pagmomodelo, alam ko naman na nasa puso mo ‘yan at bilang asawa mo, lagi lang naman ako nakasuporta. Hindi naman kasi porket asawa mo ako ay dapat pigilan kita sa mga nais mong gawin.” Sabi niya.     “A... Hindi... Buo na ang desisyon ko na umalis sa pagmomodelo.” Sabi ko. I need to dahil ayoko rin namang magmodel, oo, idol ko si Alexander at gusto kong maging siya pero bigla kong naisip na hindi kasi ako kumportableng humarap sa camera kahit na iba na ang mukhang meron ako.     “Ikaw ang bahala.” Sabi niya.     Nagpatuloy kami sa pagkain.     Natapos kaming kumain. Nauna na si Dylan papunta sa kwarto niya para maligo at magbihis na rin habang ako, ninais ko muna na tumambay sa terrace.     Grabe, unang araw ko pa lamang pero nahihirapan na ako, Oo, naihanda ako sa ganito pero kahit pala naihanda ako, mahirap rin palang magpanggap lalo na sa kagaya ni Dylan na sa tingin ko naman, sobrang bait.     Napabuntong-hininga ako. Umalis ako sa terrace at naglakad papunta sa hallway kung saan makikita ang mga kwarto.    “Saan kaya ako dito matutulog?” tanong ko sa sarili ko. Sa dami ng kwarto, nahihirapan akong mamili.     Nagmini-mini minemo ako, salit-salitan kong itinuro ang mga pinto ng kwarto at kung kanino huling maturo ang hintuturong daliri ko ay doon ako papasok at matutulog.   Sa kaliwang bahagi, pangatlong pinto ang huling naturo ng daliri ko kaya doon ako matutulog. Nilapitan ko ang kwartong iyon at pipihitin ko na sana ang doorknob para mabuksan iyon pero napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko.    Napatingin ako, nakita ko si Dylan na nakatayo sa hindi kalayuan, nakahalukipkip ang magkabilang braso habang seryosong nakatingin sa akin.     “Anong gagawin mo diyan?” tanong niya.     Bahagya akong natulala sa ayos niya. Paano naman kasi, nakasuot lamang siya ng sando at boxer short saka tsinelas. Kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang mga braso at hubog na hubog ang maganda niyang katawan at sa kanyang ibaba, namumukol ang kanyang p*********i na nasa loob ng kanyang boxer at sa tingin ko naman ay hindi pa matigas pero tila nagmamayabang na.     “Tinatanong kita... Anong gagawin mo diyan?” tanong niya.    Bumalik ako sa katinuan. Lintik!     “A... E... Matutulog na... dito ako matutulog.” Sabi ko.     Umismid siya.     “Ayaw mo akong makatabi sa pagtulog?” tanong niya na ikinagulat ko. “Doon ang kwarto natin o.” Sabi pa niya sabay turo sa isang kwarto na nasa kanan at bandang dulo.     Lintik! Naihanda ako sa lahat ng pagpapanggap na ito pero sa parteng ito... ang makatabi siya sa pagtulog ay hindi. Kinakabahan tuloy ako.     “Halika na at sabay na tayong pumasok sa kwarto.” Sabi niya. Naglakad na siya at naunang pumunta sa kwarto daw namin.     Napahinga ako nang malalim. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.     Nakita ko na siyang pumasok sa kwarto. Muli akong napabuntong-hininga. Wala na akong magagawa sa pagkakataong ito, hindi ako pwedeng tumanggi dahil magtataka naman siya kung bakit.     Naglakad na ako papunta sa kwarto.     Sandaling nanatili pa ako sa labas bago ko pihitin ang pinto saka pumasok.     Nakita ko siya na nakaupo sa office desk nito na mayroon sa loob ng kwartong ito. May binabasa siya na hindi ko alam kung ano.     Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto. Grabe, ang laki, ang lawak. Akala ko nga apartment na ito e. Kumpleto pa sa gamit na pawang mamahalin.     Napatingin ako sa kama, sobrang laki. Siguro ok na rin na magtabi kami kasi malaki naman iyong kama.     Napatingin siya sa akin. Inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.     “Maglinis ka na ng katawan mo at magbihis ng pantulog.” Sabi niya.     Napatango ako.     Nilibot ko ulit nang tingin ang kabuuan ng kwarto. Sa bandang kanan, may nakita akong hallway na papunta sa kung saan, medyo umusog ako ng konti para makita ko kung anong nasa dulo nun, nakita ko naman at nahinuha kong banyo iyon.     Sa kaliwa naman ay may nakita pa akong hallway, medyo malapit ito sa kinaroroonan ko kaya naman nakita ko ang nasa dulo, nakabukas ang pinto kaya napansin ko kung anong meron sa loob, mga cabinet at mga nakasampay na damit. Closet.     Napabuntong-hininga ako. Sa closet muna ako pumunta para kumuha ng masusuot ko sa pagtulog at twalya. Hindi ko na inalam kung kaninong damit ang nakuha ko kasi hindi ko naman alam dito kung ano ang mga damit ni Alexander dahil hindi naman ito nasabi sa akin ni Jerold. Bahala na.     Lumabas ako sa closet at tinungo ang banyo. Nilagay ko sa isang table na nasa loob ng banyo ang mga dala ko, humarap ako sa salamin, tiningnan ang sarili.     Napahawak ako sa sarili kong mukha, ang kinis, malayong malayo sa balat ko dati. Kung tutuusin, sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng ganitong buhay iyon nga lang, alam kong hindi talaga akin.     Hinubad ko na lamang isa-isa ang mga suot kong damit hanggang sa wala na akong saplot. Kahit ang katawan ko, ang laki ng ipinagbago, mas lumaki, nagkahubog at kuminis din ang balat. Ang hindi lang nagbago ay ang laki ng p*********i ko na average size naman pero may katabaan.     Nilibot ko ang tingin ko sa banyo, kahit ito, ang laki. May sariling bath tub at shower room.     Pumunta ako sa shower room. May estante doon na naglalaman ng mga gamit panligo, mga mamahaling brand ang nandoon. Grabe, napakayaman talaga.     Nagsimula akong maligo. Kuskos dito, kuskos doon.       Ilang minuto ang lumipas ay natapos din ako. Sa loob na ako nagpunas at nagbihis. Tshirt at boxer short ang sinuot ko. Mabuti na lang at kasya sa akin, ibig sabihin, magkasingkatawan kami ni Alexander. Oo nga pala, mabuti na lang at hindi nila napansin ang tangkad ko dahil medyo mas mababa ako kumpara sa kanya pero sana hindi nga nila mapansin.     Sinampay ko na lamang ang twalyang ginamit ko sa sampayang nakita ko sa loob ng banyo bago lumabas.     Naabutan ko siya na nakaupo na sa kama at nakasandal ang katawan sa head board. Napatingin siya sa akin at napangiti.     “Namiss mong isuot ang damit ko a.” Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Ibig sabihin, damit niya pala ito? Kunsabagay, hindi ko napansin na magkasingkatawan nga pala kami.     Napangiti ako nang nag-aalangan saka napakamot sa ulo.     “Halika na at matulog na tayo.” Sabi niya sabay tap ng kama, sa kanyang tabi.     Napatango na lamang ako, it’s now or never kahit na kinakabahan.     Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama, nang makarating ako, dahan-dahan akong pumatong sa kama, sa bandang kaliwa.     “Masyado ka namang malayo.” Sabi niya at nanlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat dahil bigla niya akong hinila at niyakap. Ngayon, yakap-yakap na niya ako habang ang katawan ko ay nakadaiti sa kanya.     “I miss you.” Bulong na sabi niya sa akin habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko.     Kabang-kaba ako. Grabe, ano ba itong ginagawa niya?     “A... E... Matulog na tayo.” Sabi ko sa kanya. Ayoko ng ganito, hindi ako handa.     Inihiga niya ako sa kama ng hindi inaalis ang pagkakayakap sa akin, nahiga na rin siya.     “I love you.” Bulong niya sa akin habang nakayakap pa rin.     Kabadong-kabado ako. Hindi ako sumagot sa sinabi niya.     Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko mula sa likod ang kanyang katawan, napapadikit pa nga sa bandang pwetan ko ang kanya.     Ilang sandali lamang ay narinig ko na siyang humihilik ng mahina, mukhang tulog na dahil medyo lumuwag na rin ang pagkakayakap niya sa akin.     Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya, nagtagumpay naman ako. Umalis ako sa kanyang tabi at tumayo. Humarap sa kanya para makita ko siya na nakatihaya na ng higa.     Napabuntong-hininga ako. Malaya ko siyang tiningnan. Gwapo rin pala siya kapag walang salamin sa mata, ang amo ng mukha. Hindi naiwasang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan, napakagat-labi pa ako ng bumaba pa ang tingin ko sa kanyang boxer. Grabe, wala akong maipintas sa kanya.     Napakaswerte ni Alexander na magkaroon siya ng ganitong asawa, sayang nga lang at mukha hindi ito ang gusto niya at ngayon, habambuhay na niyang hindi ito makakasama pa.     Inayos ko siya ng higa,  inusog ko rin siya ‘yung tipong malayo ang distansya sa pagitan naming dalawa.     Matapos iyon ay dahan-dahan na akong humiga muli sa kama. Nakatitig ako sa kisame. Ang kaninang sobrang kaba ay medyo nawala na, ‘yun nga lang, hindi ako dalawin ng antok. Ano ba naman ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD