CHAPTER 9 AND 10

4270 Words
#Duplikado NUWEBE     Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napangiti ako saka napatitig sa kisame. Late na ako nakatulog pero sa totoo lang, sobrang sarap ng aking tulog dahil na rin sa lambot ng kama na hinihigaan ko.     Napatingin ako sa kabilang side ng kama. Hindi ko naiwasang madismaya dahil wala na siya. Siguro pumasok na siya sa trabaho kaya maagang bumangon saka umalis.     Napabuntong-hininga ako. Nadismaya man ako pero hindi ko rin maiwasang humanga sa kanya, ibig lamang kasing sabihin nun ay sobrang sipag niya dahil maaga siyang nagising at pumasok. Kahit na ang yaman yaman na niya ay hindi niya hinahayaan na hindi magawa ang mga dapat niyang gawin.     Nagpasya na akong bumangon at umalis sa kama. Pumunta ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush, matapos iyon ay pumunta naman ako sa closet para magpalit ng damit. Nahirapan pa nga akong mamili kung ano ba talaga sa mga ito ang damit ni Alexander pero mabuti na lamang at dahil sa mapanuri kong mga mata ay na-distiguish ko na kung ano nga ba ang kay Dylan at kung ano ang kay Alexander. Sa kabilang side na cabinet ay mga damit ng una habang ang sa kanan naman ay sa huli. Doon ako kumuha ng damit na maisusuot.     Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. May sumalubong sa akin na katulong at nagsabing nakahanda na ang almusal. Napangiti ako.    “Si Dylan?” tanong ko kahit na alam ko naman na kung nasaan siya.    “Maaga hong umalis para pumasok Sir.” Sabi ng katulong na tinanungan ko.     Napatango na lamang ako.     Pumunta ako sa dining area. Pagkapasok ko doon, hindi ko na naman maiwasang magulat dahil sa aking nadatnan. Katulad kagabi sa hapunan, ganun din karami ang mga pagkain ngayong almusal ang kaibahan nga lang ay mga pagkaing almusal ang mga nakahain. Infairness sa kanila, alam na alam nila kung kailan dapat ihanda ang mga ito.     Napabuntong-hininga na lamang ako saka naupo sa hapag-kainan at mag-isang kumain ng almusal.   - - - - -  - - - - - - - -     “Kumusta ang unang araw mo sa mansyon?” tanong sa akin ni Jerold na katawagan ko ngayon. Nasa loob ako ng isa sa mga kwarto, mahirap na, baka may makarinig pa sa aming pag-uusap.    “Ok naman... Medyo nangapa pa rin ako kahit na nagsanay naman ako at tinuro mo ang lahat sa akin.” Sabi ko.     “Makakasanayan mo rin ‘yan... Just enjoy your stay there.” Sabi niya.     Tipid akong napangiti.     Nangunot ang noo ko saka nagsalubong ang magkabilang kilay dahil parang may naririnig akong kakaiba mula sa kabilang linya. Hindi ko lamang madistinguish kung ano.     “May kasama ka ba diyan?” pagtatakang tanong ko.     “A... Wala... Bakit?” tanong niya. Kasabay nun ay nawala ang kakaiba kong naririnig.     “A... Ok.” Sabi ko na lamang. Ayoko rin na mag-usisa pa.     “Oo nga pala... Sa susunod na araw ay magkita tayo... May ibibigay ako.” Sabi niya.     “Ano naman iyon?” tanong ko.    “ATM cards at bank account ni Alexander Tan.” Sabi niya.     “Bakit mo sa akin ibibigay ‘yan? Sa kanya kaya...”   “Sayo na ito simula ng tumira ka diyan sa mansyon.” Sabi kaagad ni Jerold. “Dito mo ilalagay ang mga perang meron ka at ibinibigay sayo ni Dylan.” Sabi pa nito.     “Nagbibigay si Dylan ng pera?” pagtatakang tanong ko. May sarili namang pera si Alexander a.     “Natural mag-asawa sila... Kung alam mo lang, milyon ang ibinibigay ng asawa mo... Hindi rin siya nakikielam sa kinikita ni Alexander noon at isa pa, lahat ng meron si Dylan, magkahati kayo... Kaya nga ang swerte mo dahil sobrang yaman mo rin kagaya niya.” Sabi ni Jerold.     Hindi ako makapaniwala.     “Kaya ikaw... tanggap ka lang ng tanggap a... Pambili mo rin ‘yan ng mga gusto mo.” Sabi pa ni Jerold.     “Pero... Hindi na ba kalabisan ito? Nanloloko na tayo ng tao... pati ba naman pera niya?” tanong ko.     “Huwag ka ngang makonsensya diyan... Ginusto mo rin naman kung nasaan ka na ngayon. Naging madali nga lang sayo ang pagyaman e kaya ingatan mo. Tandaan mo, ikaw na ang asawa niya kaya kahit na hindi ikaw ang tunay, may karapatan ka dahil ikaw ang nandyan.” Sabi ni Jerold. Bakas ang pagkainis.     Napabuntong-hininga na lamang ako.     “O siya... Magkita na lamang tayo. Itetext ko sayo kung kailan at saan.” Sabi niya na ikinatango ko na lamang.   - - - - - - - - - - - -  -     Lumipas ang mga araw at medyo nakakasanayan ko na ang pagtira sa mansyon at ang makasama si Dylan. Sa totoo lang, medyo naiilang din ako sa kanya dahil sobrang lambing niya. Kapag nandito siya, walang oras na hindi niya ako nayayakap at nahahalikan. Naalala ko na naman ang unang beses na hinalikan niya ako sa labi. First kiss ko ‘yon kaya sa tingin ko kailanman ay hindi ko na iyon makakalimutan pa.     Sa lagi kong tanong sa aking sarili kung ano ba talaga ang dahilan ni Alexander Tan kung bakit niya niloko ang asawa noon, wala akong makitang dahilan. Bakit? Kasi si Dylan, siya iyong tipo ng lalaki na pinapangarap ninuman. Masipag, maalaga, malambing higit sa lahat ay mapagmahal. Bonus na nga ‘yung itsura niya e. He’s close to perfect kaya hindi ko maintindihan ngayon si Alexander kung bakit niya nagawa iyon. Kung nasaan man siya ngayon, gusto ko siyang makausap kung bakit mas pinili niyang magloko kaysa mag-stick to one na lamang sa asawa niya.     Napabuntong-hininga ako. Ngayon ko napatunayan na kahit anong buti ng taong nagmamahal, hindi pa rin malayong saktan at iwan. That’s reality.     Medyo nagulat na lamang ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Tipid akong napangiti. Amoy pa lamang niya, kilala ko na.     “Ang hilig mong tumambay dito sa terrace.” Sabi niya. Ipinatong pa ang baba sa balikat ko.     “Presko kasi dito.” Sabi ko. Medyo nasasanay na rin ako sa yakap niya... na sana nga ay hindi dahil baka kung saan mapunta itong pagiging sanay ko.   “Presko naman sa lahat ng parte ng mansyon dahil may aircon.” Sabi niya.     Tipid akong napangiti.     “Iba pa rin ang natural na hangin.” Sabi ko.     Napatango na lamang siya. Mas humigpit ang yakap sa akin kaya ramdam ko mula sa likod ang lapat na lapat na katawan niya, kahit ang ibaba niya, dumidikit sa bandang bewang ko. Malambot pa pero ramdam na ramdam ko.     “Halika na at matulog na tayo.” Sabi niya.     Napatango na lamang ako. Binitawan niya ako sa pagkakayakap niya saka sabay na kaming pumunta sa kwarto.   - - - - - - - - - - - - - - -  - - - -     Malalim na ang gabi, naalimpungatan ako kaya bitin ang tulog ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Magaalas-tres na ng madaling araw.     Napatingin ako sa lalaking katabi ko, tulog na tulog na siya habang nakayakap pa sa akin. Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Ang sarap din pa na may katabi sa pagtulog.     Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Dylan ng dahan-dahan at umalis sa kama. Lumabas ako ng kwarto saka bumaba.     Tanging mga ilaw na galing na lamang sa lampshades ang nagbibigay liwanag sa paligid kaya medyo madilim. Sobrang tahimik na rin at tanging mga huni na lamang ng mga insekto o kung ano mang hayop ang siyang maririnig. Sa totoo lang, medyo nakakatakot pala kapag malaki rin ang bahay.     Inalis ko ang takot sa akin saka nagmamadaling pumunta sa kusina at nilapitan ang ref para kumuha ng tubig. Kinuha ko ang pitsel at kumuha rin ako ng baso na nasa loob rin ng ref na sobrang laki at doon ko sinalin ang tubig.     Habang umiinom ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Medyo madilim, sobrang tahimik... baka... napailing-iling ako.     Bigla akong napatingin sa kabilang side, para kasing may dumaan. Nanayo tuloy ang balahibo ko. Hindi ko na lamang pinansin at ipinagpatuloy ang pag-inom.     Napatingin pa ako sa labas ng kusina, ewan ko ba kung namamalikmata ba ako pero parang may dumadaan sa dilim na hindi ko makita.     “Ano ba ito... Mukhang minumulto yata ako.” Sabi ko. Nagmamadali akong ilagay ang pitsel sa ref at ‘yung baso ay sa lababo. Kung may tubig lang ‘yung ref na nasa kwarto namin, doon na lang sana ako kukuha kaso wala e, nakalimutang lagyan.     Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kusina. Patingin-tingin sa palgid dahil baka dumaan na naman iyong nakikita ko. Hindi ko kasi masyadong maaninag dahil bukod sa may kadiliman nga, ang bilis pa nito.     Tayong-tayo ang... balahibo ko. Bigla kasing lumamig sa paligid. Ibang klaseng lamig kaya alam kong hindi galing sa aircon iyon.    Bigla kong naalala si Alexander Tan. Naku! Baka minumulto na niya ako kasi inagaw ko sa kanya ang buhay niya. Huwag naman sana.     Bigla akong napatingin sa madilim na parte. Nanlaki ang mga mata ko. Paano naman kasi... may nakita akong nakatayo doon. Hindi ko masyadong maaninag dahil sobrang dilim.     Mabilis akong umiwas nang tingin at patakbong umakyat sa hagdan, nagmamadaling makapasok sa kwarto.     Napahinga naman ako ng malalim at napasandal sa kakasarado ko pa lamang na pinto ng kwarto. Grabe, aminado naman ako na may takot ako sa multo pero sa buong buhay ko, ngayon lamang ako naka-experience ng ganito at sa ganito pa kagandang mansyon.     Napatingin ako kay Dylan na nakatihaya na ng higa sa kama. Tipid akong napangiti. Kahit papaano ay nawala na ang takot ko nang makita ko siya.    Pero ‘yung takot na kanina ay naramdaman ko, napalitan ng mainit na pakiramdam, paano naman kasi, napatingin ako sa ibabang bahagi niya kung saan mistulang naging tent ang suot niyang boxer. Ibig sabihin, tayong-tayo ang kanya!     Masasabi kong malaki dahil iyong ulo, halos lumabas na sa butas ng boxer nito.     Napaiwas ako nang tingin. Grabe! Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama ng hindi tumitingin sa kanya, pagkatapos ay kinuha ko ang kumot at ipinatong sa kanya para hindi ko na makita ang nakatayo.     Muli akong napatingin sa kanya, ayos na rin na natakpan ko siya ng kumot kahit na kitang-kita ko pa rin ang pagkakatayo ng kanya.     Umiwas ako nang tingin. Dahan-dahang nahiga sa kama at tumalikod ng higa mula sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Alam ko naman na normal lang ang ganun sa mga lalaki lalo na kapag umaga, kahit ang sa akin ay ganun din pero hindi ko lang talaga maiwasang magulat.     Hay! Sa loob lamang ng ilan minuto, ang daming nangyari, tumayo ang balahibo ko dahil sa takot at nag-init ang pakiramdam ko dahil sa nakatayong pag-aari ni Dylan.     Napapikit na lamang ako ng mga mata at pinilit matulog.   #Duplikado DIYES     Nasa loob ako ngayon ng condominium unit ni Jerold. Tinext niya kasi ako na pumunta dito para ibigay ang mga dapat niyang ibigay. Maingat akong nagpunta dito para wala ring makakita at makahalata.     “Sandali lang at kukunin ko.” Sabi ni Jerold. Napatango ako.    Umalis siya at pumunta siya papasok sa isang kwarto.     Naiwan naman ako dito sa sala niya. Nililibot ang paningin sa kabuuan ng unit niya. Malaki ang tirahan niya, halatang lalaki ang nakatira dahil na rin sa namamayaning kulay na puti at gray. Kumpleto sa gamit at sa bilang ko, may tatlong kwarto dito. May sariling kusina at banyo.     Ilang sandali lamang ay bumalik na din sa akin si Jerold. May hawak-hawak na ito.     “Ito...” sabi niya pagkalapit sa akin saka inabot ang isang pitaka. Tinanggap ko naman iyon saka binuksan. “Wallet ‘yan ni Alexander... naglalaman ng pera, ATM at credit cards saka mga ID’s na rin niya na magagamit mo.” Sabi pa niya.     Nakatingin lamang ako doon. Makapal ang wallet dahil sa nilalaman.     “Kung sakaling hanapin mo naman ang mga documents mo kagaya ng birth certificate, o kung ano pa man... May kopya ng mga ‘yun sa mansyon.” Sabi pa niya.     Napatingin ako sa kanya saka napatango. Sa totoo lang, sa lahat ng gamit na meron si Alexander, ito lang ‘yung binigay niya. ‘Yung mga damit na nakalagay sa maleta na binigay niya at dala-dala ko sa pagtira sa mansyon ay binili niya para sa akin.     “Ano? Ok na ba?” tanong ko.     Napatango siya.     “Lagi kang mag-ingat sa bawat kilos mo... Siguraduhin mong walang makakahalata sayo lalo na si Dylan.” Sabi niya. Napatango ako.     “Ikaw lang ba ang mag-isang nakatira dito?” tanong ko.     Napatango siya.     “I used to live alone.” Sabi niya. Napatango ako.     “Oo nga pala... Congrats... Nalalapit na ang graduation mo.” Sabi ko. Kahit papaano naman kasi ay may balita pa ako sa mga nangyayari sa dati kong school na pinapasukan dahil iniistalk ko ang page nito sa sss.    Tipid siyang napangiti.     “Salamat.” Sabi niya. Napabuntong-hininga ako.     “Sayang lamang... Sana gagraduate na rin ako.” May panghihinayang na sabi ko.     “Huwag kang manghinayang dahil ikaw... may kinabukasan ka na kaagad kahit hindi ka naka-graduate.” Sabi ni Jerold.     Tipid lamang akong napangiti.     “Simula ba nung mawala ako... may mga naghanap sa akin?” tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.     Napailing si Jerold.    “Sorry to say this pero kung ano ang posisyon mo sa eskwelahan kung saan parang hangin ka lang... ganun pa rin hanggang ngayon. Wala silang naging pakiealam kung nawala ka na at hindi ka na nakikita pa.” Sabi nito.     Napatango ako. Umiwas nang tingin. Hindi ko maiwasang hindi malungkot.     Gusto ko sanang ikwento ang nangyaring katatakutan kagabi na sa isip-isip ko ay may kinalaman kay Alexander dahil baka nagmumulto na ito sa akin pero mas pinili ko na lamang na sarilinin ito. Kahit kay Dylan, hindi ko na lamang ikwekwento pa.    “Sige... Alis na ako.” Sabi ko.     Napatango si Jerold.   - - - - -  - - - - - - - - - -  -     Muli akong bumalik sa mansyon. Sa pagpasok ko, sumalubong sa akin si Dylan na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.     “Saan ka nanggaling?” tanong niya.    “A... Pumunta ako sa agency ko para magpaalam na.” Pagsisinungaling na sabi ko. Mabigat man sa loob ang magsinungaling pero kailangan.     “Pinayagan ka naman ba na umalis na? Sa pagkakaalam ko ay may kontrata kang pinirmahan sa kanila.” Sabi ni Dylan.    Tipid akong napangiti. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Jerold nung isang araw nang magkausap kami sa telepono.     “Balak ko na sanang umalis sa agency na may hawak sa modelling career ko.” Sabi ko sa kanya.     “Sure ka na ba diyan?” tanong ni Jerold mula sa kabilang linya.     “Oo.” Sabi ko.     “Ok... Ako ng bahala... May mga kakilala ko doon na pwedeng pakiusapan i-terminate ang kontrata mo. Balitaan kita kung ayos na.” Sabi nito.     At iyon nga, isang araw lamang ang lumipas ay nag-text sa akin si Jerold na ok na daw ang lahat, hindi na ako hawak ng agency na iyon. Pumunta na lamang ako doon para sa mga pipirmahan na kaagad ko namang ginawa at presto, hindi na ako isang model ngayon at wala ng may hawak sa akin. Wala na ngang paliwanag na hiningi e basta naging madali na lamang ang pagkalas ko sa kanila.     Mabuti na lamang at naasikaso ko ‘yun kaagad at least, may idadahilan pa rin ako.     “Pinayagan na nila ako... Nakapirma na rin ako ng mga documents na nagpapatunay na terminated na ang mga kontrata ko.” Sabi ko.    Tipid na napangiti si Dylan.    “Good... Mas mabuti na rin na lagi kang nandito.” Sabi niya.     Napatango ako.    “By the way... Magbihis at mag-ayos ka... may pupuntahan tayo.” Sabi niya.     Nangunot ang noo ko saka nagsalubong ang magkabilang kilay.     “Saan?” pagtataka kong tanong.    Napangiti siya. Ayan na naman siya sa kanyang ngiti.     “Basta.” Sabi ni Dylan. “Sige na... Bilisan mo ang kilos.” Sabi pa nito.     Napatango na lamang ako saka siya sinunod.       Natapos akong maligo at magbihis. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin na nasa kwarto naming dalawa. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil na rin sa nagugustuhan ko ang ayos ko. Iba talaga kapag gwapo ka saka makisig, lahat na lamang ng damit na isuot ay nababagay.     Plain round neck shirt lamang ang suot ko pang-itaas na pinatungan ko lamang ng leather jacket na may pagka-dark brown, itim na jeans at sneakers. Dahil sa naturuan naman ako ng fashion ay madali ko iyong naiapply sa sarili.     Inayos ko paitaas ang buhok ko gamit lamang ang kamay. Mas lalo akong napangiti sa angking kagwapuhang taglay ko.     Mula sa repleksyon sa salamin, nakita kong bumukas ang pinto at pumasok si Dylan na nakaayos na rin. Hindi ko maiwasang hindi matulala dahil sa sobrang kagwapuhan niya ngayon. Malayong-malayo ang itsura niya kapag naka-casual lamang siyang kasuotan.     Dark blue ang suot niyang polo shirt, itim ang jeans na medyo hapit at sneakers. Ang ayos ng kanyang buhok ay pormado dahil ang hati ay nasa gilid, ‘yung parang hairstyle na malimit makita sa mga lalaking nasa eskwelahan. As usual, suot pa rin niya ang kanyang eyeglasses na lalong nagpa-gwapo sa kanya.     Napangiti siya habang papalapit sa akin.     “Are you ready?” tanong niya.    Napatango ako.     “So... Let’s go.” Sabi niya.     Napatango ako.     Nilahad niya ang kanyang kanang kamay, napatingin ako doon saka sa kanya na mistulang naghihintay sa susunod kong gagawin. Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin kaya naman hinawakan ko na rin ang kamay niya. Pinisil niya pa ang akin nang hawakan ko rin iyon. Ang lambot ng kamay niya a, halatang hindi nagamit ng matindi sa trabaho.     Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto at tinungo ang parking lot kung saan nandoon ang kanyang kotse na siyang sasakyan namin papunta sa kung saan.   - - - - -  - - - - - - - - -     Halos tatlong oras ang naging byahe namin bago kami nakarating sa lugar na ito. Nasa tapat kami ngayon ng isang resto na tila inspired sa mga resto na nasa France dahil sa angking disenyo nito. Grabe, ang ganda at mukhang mamahalin talaga.     Itinabi lang ng konti ni Dylan ang kotse saka kami bumaba. Para akong isang prinsesa dahil sa klase ng pagtrato niya, ultimo paglabas ay pinagbuksan niya pa ako ng pinto at hinawakan sa kamay. Ganyan din kanina nung bago ako sumakay sa kotse.     “Dapat pala nagsuot tayo ng pormal na damit... Pang-pormal pala itong pinuntahan natin.” Sabi ko sa kanya. ‘Yun ang sa tingin ko.     “Ok lang ‘yan... Halika na at pumasok na tayo.” Sabi niya sa akin na tinanguan ko na lamang bilang sagot.     Magkahawak kamay kaming pumunta sa tapat ng resto saka pumasok.     Bumungad sa aking mga mata ang napakagandang itsura ng resto dito sa loob. Grabe, sobrang ganda! Ganitong-ganito ang itsura at ambiance ng mga resto sa France. Bakit ko alam? Kasi nakikita ko sa mga pictures. Mahilig din kasi akong tumingin-tingin ng mga pictures ng iba’t-ibang kultura ng mga bansa sa libro at sa internet.     Malawak ang resto kaya nakapagtataka lamang na isa lang ang mesa na nasa bandang gitna, nakaayos na ito sa paraang kahit sino ay magugustuhan. Sa paligid ay nagkalat ang kulay puti at pulang petals ng mga rosas at may mga lobo pa. Ang bango dito sa loob. Hindi lamang iyon, wala pang tao dito sa loob kundi ‘yung mga staff lang at syempre kaming dalawa ni Dylan.    “Bakit tila walang customer ngayon... tayo lang yata.” Bulong ko kay Dylan.     Napangiti siya.     “I rented the whole resto for this special day.” Sabi niya. Namangha naman ako.     “Nirentahan mo?” tanong ko. Napatango siya. “E di mahal ito.” Sabi ko pa.    “Huwag mong alalahanin ang pera... ang mahalaga, mai-celebrate natin ng maayos at masaya ang espesyal na araw na ito.” Sabi niya. “Halika na at maupo na tayo.” Sabi niya pa.     Napatango na lamang ako. Lumapit kami sa mesa saka naupo ng magkatapat. Nagsimula namang tumugtog ng romatikong himig na pumailanlang sa buong restaurant.     Hindi na kami nag-order pa ng pagkain dahil kusang lumabas ang mga waiters at inilagay sa mesa namin ang mga pagkain. Sunod-sunod nga na pagpapasalamat ang ginawa ko.     Nang matapos sila ay napatingin ako kay Dylan. Nakangiti siya na nakatingin sa akin.     “A... Ano bang meron ngayon at naging espesyal ang araw na ito at nagrenta ka pa ng buong resto?” tanong ko.    Sa puntong iyon, nawala ang ngiti niya. Ewan ko kung namamalikmata ba ako pero kasabay ng pagkawala ng kanyang ngiti ay ang pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata.     “Nakalimutan mo?” tanong niya. Seryoso. Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, kinakabahan ako.     Tipid siyang napangiti.     “It’s our anniversary today... 3rd wedding anniversary.” Sabi niya na ikinalaki ng buka ng mga mata ko. Gulat na gulat ako. Lintik! Sa dami ng itunuro sa akin ni Jerold, bakit ito hindi niya nasabi sa akin?     “I’m sorry.” Sabi ko. “Nakalimutan...”     “Don’t be sorry... I understand.” Sabi niya kaagad. Naku naman! Sa totoo lang, narealize ko nitong mga araw na dapat hindi ko siya masaktan sa kahit anong paraan, bakit? Dahil hindi niya iyon deserve. Kung hindi magawa ni Alexander, ako ang gagawa.     Pero eto ako... walang kaibahan sa tunay niyang asawa.     Napabuntong-hininga siya.     “I know that our relationship is on the rocks... I’m just pretending that we’re ok... that all happenings is ok but deep inside  I know It’s not.” Sabi niya. “Ginagawa ko ang lahat para ma-save ang kung anumang meron tayo.” Sabi pa niya.     Hindi ako makapagsalita.     “I’m not the perfect husband... but I know to myself that I am perfectly loving you.” Sabi pa niya. Napabuntong-hininga. “Sorry for being imperfect for you... sorry for not being a husband at all times... I’m sorry for the lost.” Sabi pa niya.     Napailing-iling ako.     “Hindi... Wala ka dapat ika-sorry... Ako ang dapat kasi ako ang nakalimot... Hindi mo naman kailangang maging perpektong asawa para sa akin e... Sapat na nandyan ka sa tabi ko... na kasama ko. Kung ano ka... tanggap ko iyon dahil wala namang perpektong tao sa mundo... kahit ako, may pagkukulang... parehas lang tayong may pagkukulang pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na natin mapupunan iyon, marami tayong pagkakataon para gawin iyon, punan ang kakulangan ng isa’t-isa at mahalin ang bawat isa.” Sabi ko.     Napangiti siya sa sinabi ko. Grabe, iyon pala ang pakiramdam niya kay Alexander. Siguro ramdam na nito noon ang panlalamig pero hindi lamang siya nagsasalita at nananatili pa rin siya, inaayos ang dapat ayusin.     “Thank you... Hindi ako nagkamali sa desisyon ko na ayusin ang pagsasama nating dalawa... Hindi ako nagkamali sa desisyon na hindi ka pakawalan kahit na ramdam kong gusto mo na.” Sabi niya.     Napailing ako saka napangiti. Hinawakan ko ang kanan niyang kamay na nakapatong sa mesa saka bahagya iyong pinisil. Nagkatitigan kami sa mga mata.     “Iyon ang huwag na huwag mong gagawin... dahil sa oras na sumuko ka... ako naman ang hindi. Lumaban ka... lalaban din ako.” Sabi ko. Ewan ko kung saan ko nakukuha ang mga sinasabi ko, basta lumalabas na lamang sa bibig ko at alam ko na galing iyon sa puso ko.     Humigpit rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.     “It’s our anniversary pero ang drama nating dalawa.” Natatawa niyang sabi sa akin.     Natawa din ako.     “Ikaw kasi e.” Sabi ko.   “Anyway... Let’s eat bago pa tuluyang lumamig ang pagkain.” Sabi niya.     Napatango ako.     Sabay naming kinain ang mga pagkaing nakahain. Grabe, sobrang sasarap. Ngayon lamang nadampian ng ganitong mga pagkain ang dila ko.     Habang kumakain ay napapatingin kami sa isa’t-isa. Nagsimula ang kwentuhan ng kung ano-ano, madalas nakakatawa. Magaan at masaya rin pala siya kausap.     Matapos kumain ay inaya niya akong sumayaw. Inilahad niya sa akin ang kamay niya.     “Hindi ako marunong sumayaw.” Sabi ko na nanatili pa ring nakaupo.     “Please.” Sabi niya. Naghihintay.     Napabuntong-hininga na lamang ako. Hinawakan ko ang nakalahad niyang kamay saka tumayo mula sa inuupuan.     Pumunta kami sa bandang gitna. Nag-iba ang romantikong tugtugin, mas naging sensual.     Inilagay niya sa kanyang leeg ang mga kamay ko habang siya naman ay hinawakan ako sa bewang at bahagyang nilapit pa sa kanya. Dikit na dikit ang aming mga katawan at ang aming mga mukha ay ilang pulgada na lamang ang distansya.     Dahan-dahan lang kaming sumayaw, para kaming halaman na sumusunod lang sa hangin pero magkagayunman, sobrang saya. Hindi naalis ang tingin sa bawat isa. Mas humihigpit ang hawak ko sa kanya at ganun din siya sa akin.     Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nakakalasing kahit hindi ako umiinom.     Ngayon ko lamang unang naranasan na maisayaw. Natatandaan ko nung high school ako, umattend ako ng JS Prom pero kahit isa, walang nakipagsayaw sa akin, mapababae man o lalaki. Takot na takot sila sa itsura ko.     Pero ngayon... Halos lahat ng first ko... kay Dylan ko naibigay.     “I love you. Happy anniversary.” Bulong niyang sabi sa akin na nagpalakas sa kabog ng dibdib ko. Tila may sumaya sa kaloob-looban ko at ang mga tila insekto sa tiyan ko ay nagwawala sa sobrang kakiligan. Ito na ba ang tinatawag na... Hays!    “I love you too.” Sabi ko. Hindi totoo. Alam ko.     Dahil hindi pwede.       “May isang pakiusap pa ko sayo.” Sabi ni Jerold sa akin. Kakatapos lamang ng operasyon sa mukha ko at ngayon ay dalawa lang kaming nandito sa loob ng kwarto ng hospital.    “Ano iyon?” pagtatakang tanong ko.     “Lahat nang pagpapanggap... pwede mong gawin... Kahit ang pagmamahal sa kanya... pwede rin namang maging totoo ang pagpapanggap mo pwera lang sa isang bagay... iyon ay ang tunay mo siyang mahalin.” Sabi ni Jerold.     “Pero bakit?” pagtatakang tanong ko.     “Dahil hindi pwede.” Sabi niya.     Ang usapan naming iyon ang siyang pumipigil sa akin na mahulog sa kanya. Hindi pwede at alam ko rin namang hindi talaga dahil ang buhay na kasama siya ay isang hiram lamang. Hindi ako ang tunay niyang asawa, hindi ako ang tunay niyang mahal.     Kung mahuhulog ako sa kanya, ako rin ang masasaktan sa huli. Ngayon pa lamang, iniisip ko na ang pwedeng kahinatnan ng lahat ng ito at negatibo iyon kaya hangga’t maaga pa, kailangang iligtas ang sarili. Huwag na siyang masaktan... ganun din ako.     Pero pwede ba iyon?     Natapos ang romantikong tugtugin. Huminto kami sa paggalaw pero hindi pa rin kami kumakalas sa pagkakalapit.     Nanlaki na lamang ang mga mata ko dahil dahan-dahang lumalapit ang kanyang mukha sa akin.     Sa isang iglap, kinatagpo ng aking labi ang kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD