For some reason ay parang familiar ang lalaki sa kanya na para bang nakita na niya ito sa kung saan at mukhang ganoon din ito base na rin sa mga titig nito. Hindi niya maikakaila na gwapo ang pasyente niya kanina gaya ng sinasabi ng pinsan niya na si Kim. Makinis ang balat nito at talagang kutis mayaman, may mapang-akit na mga mata, maninipis at mapupulang labi saka maganda rin ang built ng katawan nito. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit ganoon na lamang kung habulin siya ng babae kanina. Nakita niya din kung gaano katangkad ito base sa haba ng binti nito, tingin niya ay six-footer ang lalaki na may mataas na tingin sa sarili base sa pagkindat nito sa kanya. Sanay na si Kourtney sa mga lalaki na ginagawa ang lahat makuha lamang ang atensyon niya pero kakaiba ang lalaki kanina. Hindi niya maipaliwanag basta ay kakaiba talaga ito.
"Sayang, Mama. Sana pala ay nag-doktor na rin ako, eh ‘di sana ako ang gumamot doon sa gwapo at hindi si Kourtney,” dinig niyang wika ng pinsan niya na ikinailing na lamang niya.
Madilim na ng makauwi sila sa bahay na tinutuluyan nilang tatlo. Two-storey ang bahay na pagmamay-ari ng kanilang Auntie. Ukay-ukay store ang ibaba habang ang bahay na tinutuluyan nila ang ikalawang palapag. Iyon ang tanging business na pinagkukuhanan nila ng lahat ng pangangailangan, kahit ang mga pang matrikula noon ni Kourtney ay doon din nanggaling. Lalo na noong mga panahon na naubos na ang perang iniwan sa kanya ng mga magulang.
"Matutulog ka na ba agad, Kourtney Mary?" bungad na tanong sa kanya ni Kim nang makalabas siya ng banyo. Marahan siyang tumango at naupo sa kama niya.
"Off mo pa rin naman bukas, ‘di ba? Magpuyat tayo ngayon?" tanong pa ng pinsan niya na naupo din sa kama nito paharap sa kanya. Nakita niyang inilabas ni Kim ang laptop nito at ipinakita sa kanya ang folder kung nasaan ang mga latest movies na dinownload nito.
"Hindi pwede, Kim. Pupunta ako ng Bueno bukas,” agad na tanggi naman niya.
Sandaling natahimik ang pinsan niya sa narinig. Ang kaninang maingay at makulit na si Kim ay naging seryoso. Agad na sinara nito ang laptop at lumapit sa kanya.
"Bakit? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin naniniwala na aksidente ang nangyari sa mga magulang natin?" seryoso na tanong ni Kim.
Napabuntong hininga si Kourtney at napatingin sa nag-iisang picture frame na nasa ibabaw ng bed side table. Larawan ito ng mga magulang niya na nakangiti habang buhat-buhat naman siya ng ama. Kourtney was just seven years old at that time.
"Alam mo, Kourtney dapat ay nag-abogasya ka at hindi nag-medisina kung gusto mong patunayan sa sarili mo na hindi aksidente ang pagkamatay nila," sabi pa ni Kim. Naglakad ito pabalik sa kama nito at nahiga.
"Pangarap ni Papa ang magkaroon ng anak na doctor,” madiin niyang wika at napabuntong-hininga na lamang. Her Dad was one of the best heart surgeons sa Bueno noong nabubuhay pa ito habang detective naman ang kaniyang ina. She promised to herself na tutuparin niya ang pangarap ng ama sa kanya kahit na ano pa ang mangyari.
Napailing na lamang si Kim saka tumayo at nagtungo sa banyo. Mabilis naman na pinunasan ni Kourtney ang luhang lumandas sa pisngi niya habang nakatitig pa rin sa huling family picture nila ng mga magulang.
Kinabukasan, hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay bumiyahe na si Kourtney patungo sa Bueno. Limang oras lang ang biyahe nito mula sa Metro City kaya bago pa magtanghalian ay nasa bayan na siya agad. Sandali siyang naglibot-libot at bumili ng dalawang bouquet ng bulaklak at mga kandila. Nang masiguro na nabili na niya ang mga dapat bilhin ay agad na siyang sumakay sa tricycle at nagpahatid sa paanan ng bundok.
Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang paligid. Nakakabingi ang katahimikan ng lugar at ramdam niya ang malamig ang simoy ng hangin na tumatago sa suot niyang floral dress. Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya ang malawak na dagat hindi kalayuan habang nasa likod niya ang mataas na bundok. Muli siyang bumuntong hininga saka naglakad papalapit sa dalawang bato na magkatabi. Mabilis siyang naupo sa damuhan at inilapag ang mga bulaklak. Sinindihan din niya ang dalang kandila saka pinagmasdan ang mga letrang nakaukit doon.
Dr. Robert Lee Domingo Ph.D.
1965 – 1994
Det. Mary Santos Domingo
1969 - 1994
Napayuko siya at hinayaang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Maraming taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga nangyari. Alam niya kung gaano kamahal ng mga magulang ang isa't-isa kaya hindi siya naniniwala na nag-aaway ang mga ito sa loob ng sasakyan ng gabing maaksidente sila at nakabanggaan pa ang sasakyan kung nasaan ang mga magulang ni Kimberly. Pinalabas din na may kabit ang kanyang ina na lalong nagpagalit sa kalooban niya. Hindi niya alam kung ano ang meron sa pamilya nila noon, ngunit base sa na-i-kwento sa kanya ni Auntie Lina, alam niyang konektado iyon sa malaki nilang lupain sa Bueno na pilit kinamkam ng isang mayor matapos mamatay ang mga magulang nila ng pinsan at sapilitang palayasin sa lugar na iyon.
Nangako na siya kay Auntie Lina na hindi na uungkatin pa ang nakaraan para sa kapakanan nila ni Kimberly. Wala naman siyang balak na maghiganti, gusto lang niya makita ang tusong mayor na ayon sa nabasa niya ay balak pang tumakbo sa pagka-presidente ng bansa.
Napailing siya at napangiti nang mapakla. Maraming taon na ang lumipas para ungkatin pa ang nakaraan. Hindi rin siya sigurado sa maaaring kalabasan kung sakaling maghiganti siya. Saka alam niya na wala siyang mapapala kung gayong makapangyarihan ang taong gusto niyang kalabanin. Maayos naman na at masaya ang buhay nilang tatlo. Ilang taon na lamang ang bibilangin ay magiging specialist na siya, doon na lamang niya itutuon ang atensyon para matupad ang pangarap sa kanya ng yumaong ama.
"Frederick Sanchez! Umuwi ka sa bahay o kakaladkarin kita!"
"Ayoko! Ayokong makakita ng peste!"
Mabilis na pinunasan ni Kourtney ang mga luha nang makarinig ng ingay. Agad siyang tumayo at hinanap ang pinanggalingan ng mga sigaw.
"Red!"
Napakunot-noo siya nang makita ang dalawang matangkad na lalaki na naghahabulan sa dalampasigan. Ang isa ay mukhang enjoy na enjoy habang ang isa ay inis na inis na. Nakasuot ng pormal ang isa, white long sleeve polo, blue necktie, black slacks, black shoes at black coat na hindi nakabutones habang naka-v neck shirt at rugged jeans naman ang isang tuwang-tuwa.
"Red! Kapag tuluyan kang tinanggalan ng mana ni Dad ay ibibigay niya 'yon sa mga pesteng sinasabi mo!" dinig niyang sigaw ng lalaking nakapormal na kasuotan. Nakita niyang tumigil ang lalaki na naka-shirt at mukhang naging seryoso. Hindi na niya narinig pa ang pinag-uusapan ng mga ito kaya nagpasya siyang maupo ulit sa harap ng puntod ng mga magulang at tahimik na nagdasal. Pumikit siya at nag-usal ng panalangin.
"Miss, okay ka lang?" dahan-dahan na nagmulat si Kourtney nang maramdaman ang mainit na hininga sa pisngi niya. Dahan-dahan din siyang lumingon at mabilis na napaatras ng makita ang dalawang lalaki na kanina lamang ay pinakikinggan niya.
"Are you okay?" ulit na tanong ng lalaking naka-pormal na kasuotan. Sandali siyang napatulala sa nakangiting mukha nito. Hindi niya alam ngunit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Mabilis din na nakabawi si Kourtney at agad na tumango saka mabilis na tumayo. Tinignan niya ang dalawang lalaki at alanganin na ngumiti.
"That’s great! Akala naming ay napano ka na,” sabi pa ng lalaking nasuot ng pormal. Ngumiti na lamang siya muli at napatingin sa lalaking nasa likod nito. Seryoso itong nakatingin sa kanya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
She suddenly felt uneasy. She's so sure na ang lalaking naka-shirt ay ang pasyente niya kahapon sa restaurant. Possible bang hindi na agad siya nito nakikilala? Although, magkamukuha silang dalawa, pero sure siya na yung naka-shirt iyon.
"Thank you. I-uh think I have to go,” paalam niya saka mabilis na kinuha ang backpack niya. Tumango naman sa kanya ang lalaki kaya agad siyang naglakad papalayo.
Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maisipan niyang lumingon, at napabuntong hininga nang makita ang papalayong likod ng mga ito.
Pagkaling sa puntod ng mga magulang ay naisipan niya na magpunta sa dat nilang bahay. Malakas ang kabog ng dibdid ni Kourtney nang bumaba siya mula sa trcicyle. Huminga siya ng malalim bago harapin ang bahay na dati ay kanila.
Bigla siyang naging emosyonal kasabay nang panunubig ng mga mata niya nang makita na ang dati nilang simple bahay ay isa ng mansion na pinapalibutan ng nagtataasang pader. Wala na ang mga puno at mga halaman na magkakasama nilang tinanim ng mga magulang. Ibang-iba na ang lugar kung saan siya pinanganak at lumaki sa lugar na nakikita niya ngayon.
Dahan-dahan siya na naglakad paatras nang makita ang dahan-dahan na pagbukas ng malaking gate na bakal. Mabilis siyang nagtago sa malapad na poste nang makarinig ng ingay, kasunod ang pagbaba ng bintana ng sasakyan kung saan kitang-kita niya ang dalawang lalaki na nakita niya kanina. Nakaupo sa driver’s seat ang lalaking nakasuot ng pormal na damit na ngayon ay naka-long sleeve na lang habang nasa passenger’s seat ang isa na naging pasyente niya.
Hindi nagtagal ang sasakyan at agad din na pumasok sa loob ng malaking bahay. Hindi masyadong maintindihan ni Kourtney ang mga napag-usapan ng mga ito pero nabasa niya mula sa labi ng isang guard ang katagang “anak ni mayor”.