Chapter 3

2384 Words
Madilim na ng makabalik si Kourtney sa kanilang bahay. Agad niyang naabutan ang auntie at pinsan na naghahanda ng hapunan nang makapasok siya sa loob. Napangiti siya at agad nagmano sa auntie niya na binati naman siya, habang iniabot kay Kimberly ang mga gulay na dala niya mula pa sa Bueno.   "Ginabi ka na?" tanong ng auntie niya.   "Opo, Auntie. Traffic kasi, nakalimutan ko na friday payday pala ngayon,” sagot niya saka natawa na lamang kahit na ang totoo ay na-stress siya sa traffic. Iginaya siya ng auntie niya na maupo na habang naghahanda pa ang mga ito. Hindi na siya tumutol dahil talagang napagod siya sa biyahe kahit nakaupo lang naman siya sa bus.   Pasalampak siyang naupo sa dining chair at tinignan ang mga ulam na nakahain. Pritong isda, ginisang gulay at sinigang na baboy. Muli siyang napangiti at inantay na maupo ang mga kamag-anak na kasalukuyang naglalagay ng baso, plato at utensils sa mesa. Nang makaupo ang mga ito ay sandali silang nagdasal ng pasasalamat saka nagsimulang kumain.   "Ang sarap talaga ng luto mo, Kimberly,” puri niya sa pinsan habang maganang kumakain. Ito ang laging nagluluto ng pagkain nila simula ng matuto ito. Isa itong freelance model kaya madalas na nasa bahay lamang. Nasa ikatlong kuha na siya ng kanin pero mukhang hindi pa rin siya nabubusog.   "Masarap dahil bihira ka makatikim ng totoong pagkain lalo na kapag nasa ospital ka,” sabi naman nito na ikinatawa niya lamang. Totoo ang sinabi ni Kim, halos sa araw-araw na naka-duty siya ay bihira lamang siya makakain ng totoong pagkain dahil kadalasan ay instant noodles at tinapay lamang ang kinakain niya saka more on tubig, good thing ay hindi naman siya nagkakasakit.   Napailing naman ang Auntie nila at nilagyan ng tubig ang baso niya.   "Thank you, auntie,” nakangiting wika niya dito.   Napabuntong hininga si Kim nang muling sumandok ng kanin si Kourtney. Binitawan niya ang hawak na kutsara at tinidor saka pinagmasdan ang pinsan. Hindi niya pinapakita pero natutuwa siya na maganang kumakain ng luto niya ang hard working niya na pinsan. Nag-aalala sila sa kalusugan nito lalo na kapag hindi nakakauwi sa bahay nila at sa ospital natutulog, kaya ang sinisiguro ni Kim na dalhan ito ng pagkain sa tuwing libre ang oras niya.   "Grabe ka Kourtney. Hinay-hinay sa pagsubo. Paano na lang kapag nakipag-date ka at makita na ganyan ka kumain? Edi turn off agad?" nag-aasar na sabi ni Kim habang nakangiti na pinagmamasdan ang pinsan na nagawa pang humigop ng sabaw.   "Hindi 'yan mangyayari,” nakangiting sagot niya na bahagya pang sumulyap sa pinsan.   "Ang alin? Ang makipag-date?" takang tanong ng pinsan niya na nakunot-noo pa.   "Hindi,” maikling sagot ni Kourtney at sumandok ulit ng kanin. Gutom na gutom siya dahil hindi naman siya kumain ng umalis siya sa Bueno.   "Eh ano?" tanong muli ni Kim na naguguluhan.   "Ang ma-turn off. Sa ganda kong ito, Kim? Bakit sila matu-turn off?" seryoso niyang sabi saka uminom ng tubig, bahagya niya pang inipit ang ilang strands ng buhok niya na kumawala sa pagkakatali saka nagpakurap-kurap.   Natawa ng malakas ang tiyahin sa tinuran niya habang napailing na lamang si Kimberly. Napatayo ito nang tumayo si Kourtney at matalim na tinignan.   "Hoy, maghugas ka!" malakas na sabi nito nang makita na tatakas na naman ang pinsan sa gawaing bahay.   "Sorry, Kim. Kailangan ako sa E.R ngayon,” seryosong sabi naman niya saka nagpasalamat sa Tita nila na nanonood lang sa kanilang dalawa.   "Ano? Di ba day-off mo?" tanong naman ni Kim at sinundan ng magsimula siyang maglakad.   "It's Friday Kim,” maikling sagot niya saka hinarap ito.   "Eh ano kung friday?" tanong pa ng nakasimangot na pinsan niya. Likas na talaga sa pinsan niya ang pagiging makulit at palatanong kahit na alam naman nito ang sagot.   Ngumiti lamang si Kourtney dito at tumalikod. Mabilis niyang tinungo ang kwarto at agad nag-shower, tumagal siya ng kalahating oras doon at nang makalabas ay agad siyang nagbihis ng peach na blouse at peach na slacks saka naglagay ng ilang damit sa backpack niya. Inayos niya ang mga gamit, at basta na lamang itinali ang basa pa na buhok. Nang ma-i-suot niya ang black boots na regalo pa sa kanya ng tiyahin ay agad siyang lumabas ng kwarto at nagdiretso sa pinto.   "Aalis na ako, Auntie!" malakas na paalam niya.   Narinig niya ang pagpapaalam nito ngunit pinili niyang hindi na lumingon. Nagtuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas sa building, at naglakad muli patungo sa bus stop, at dahil 'friday payday' inabot siya ng dalawang oras bago makarating sa ospital na usually ay thirty minutes travel lang mula sa kanila.   "Doctor Domingo!"   Napabuntong hininga siya at mabilis na tumakbo patungo sa locker room. Agad niyang kinuha ang white coat sa locker at nilagay ang mga pen sa bulsa at dressing scissor. Nilagay din niya ang stethoscope sa isang niya pang bulsa sa bandang kaliwa saka tuluyang isinuot ang mahabang white coat na lagpas ng legs niya. Kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng locker room at ang pagbungad sa kanya ng humahangos na nurse.   "Doctor Domingo! Kailangan ka sa E.R!" malakas na sabi nito. Mabilis siyang tumango at nilagpasan ang nurse. Tumakbo siya patungong E.R at sinalubong ang pasyente na tulak-tulak ng isang Emergency Response Team.   "How's the patient?" agad na tanong niya. Tumulong siya sa pagtutulak sa hospital bed at bumaling sa ERT.   "Galing siya sa motorcycle accident. Wala siyang external bleeding pero unconcious pa din. His blood pressure is 70 to 100. He also has minor scratches,” paliwanag naman nito sa kanya.   Mabilis siyang tumango at iginaya ito sa isang bakanteng bed sa E.R. Sandali niyang tinignan ang mga mata ng pasyente saka nilingon ang isang nurse na lumapit sa kanya. Akmang magsasabi pa lamang siya ng dapat gawin nang marinig nila ang malakas na pagtunog ng makina na nagmomonitor ng heartbeat ng pasyente. Mabilis na lumapit doon si Kourtney.   “Doc, cardiac arrest!” sigaw ng nurse. Tumango si Kourtney at agad ginupit ang t-shirt ng pasyente at tuluyan na hinubaran. Sandaling gumilid si Kourtney para mailayos ng nurse ang defibrillator machine sa gilid.   "We'll begin intubation. Set up IV lines and execute full drop." tumango ang nurse. Muli siyang napatingin sa pasyente saka huminga ng malalim. Sinimulan niyang i-CPR ang pasyente at nakahinga siya ng maluwag ng maging normal ang heartbeat nito. Agad na umalis si Kourtney sa gilid ng pasyente at binalingan ang nurse.   "Stick two pints of emergency pack RBC on him." muling tumango ang nurse saka ginawa na ang mga sinabi niya. Iniwan niya ang pasyente ng asikasuhin na ito ng nurse at pumunta sa bagong dating at tinignan din ito.   Mabilis na lumipas ang oras. Napabuntong hininga si Kourtney nang sumandal siya nurse station matapos i-encode ang ilan sa mga data ng naging pasyente niya. Tumingala siya at pumikit habang hinihimas ang batok.   "Doc Domingo? Tawag ka ni Doctor Baliwag, nasa oncall room siya,” dinig niyang sabi ng head nurse na kakarating lamang. Tumango siya at agad dumilat. Nilingon muna niya ang mga pasyente saka tumalikod at naglakad patungo sa oncall room. Agad niyang nabungaran ang senior doctor nang buksan niya ang pinto at pumasok sa loob.   "Doc Domingo? Last year mo na, ‘di ba?" bungad na tanong nito. Marahan siyang tumango at naupo sa tabi nito. Agad naman nilapag ng dalagang doctor ang instant noodles sa harapan niya.   "Pero pinag-iisipan ko pa kung mag-eenroll ako sa fellowship o magte-take nan g exam,” sabi niya saka bumuntong hininga. Tinanggal niya ang takip ng noodles saka nagsimula iyong kainin kahit na mainit pa.   "Ah. Akala ko last year mo na. Itatanong ko sana kung anong field of specialty ang gusto mong kunin,” sabi naman nito habang nakatitig sa kanya.   "Hindi pa ako nakakapag-decide. Basta between General Surgery at Cardiothoracic Surgery ang pinag-pipilian ko,” sagot niya at muling sumubo ng noodles.   Tumango-tumango ang dalagang doctor at hindi na nagtanong pa nang mapansin na wala sa mood ang kanyang kausap. Napabuntong hininga muli si Kourtney at nilapag ang instant noodles na puro sabaw nalang. Napatingin ito sa wristwatch niya at muling huminga ng malalim saka lumingon sa bintana ng oncall room nila kung saan kitang-kita niya ang unti-unti pagkalat ng liwanag sa kalangitan.   Hindi pangarap ni Kourtney ang maging isang doktor. Mas gusto niyang maging abogado at makipagtalo sa loob ng korte. Gusto niyang ipagtanggol ang mga inosenteng napaparusahan but she ended up saving the patient's lives. Hindi na masama ang propesyon na pinili niya pero hindi din niya maiwasan na mag-isip paminsan-minsan kasabay ng panghihinayang.   Ginawa niya ang lahat ng makakaya para mapunta sa kung nasaan man siya ngayon. She was always the top one of her class lalo na sa med school. Nanguna din siya nang mag-take siya ng board sa pre-med even sa NMAT. She studied so hard. Buong buhay niya ay inilaan niya, matupad lamang ang pangarap ng Papa niya. Her family was always proud of her achievements in life kahit na tatlo na lamang sila. Pero bakit siya hindi? Na-enjoy naman na niya ang pag-aaral ng medisina at talagang masaya siya sa tuwing nakakasagip ng isang taong nag-aagaw buhay, pero bakit sa tingin niya ay may kulang pa rin sa buhay niya?   Lunchtime nang lumabas sa E.R si Kourtney para magpahangin at gamitin na din ang tatlong oras niyang break. Tinanggal niya sa pagkakatali ang kanyang buhok habang naglalakad at sinuklay-suklay iyon ng kamay niya habang iniisip kung uuwi ba siya para makatikim ulit ng totoong pagkain o bibili na lamang ng pizza sa shop na katapat ng hospital. Huminga siya ng malalim at tumigil sa paglalakad. Inamoy-amoy niya pa ang buhok niyang hindi gaanong natuyo habang nag-iisip pa rin nang may mapansin siya sa harapan niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at tinitigan ito, pinagsingkit niya pa ang mga mata hanggang sa tuluyang maaninag ang nasa harapan.   "Bakit?" takang tanong niya ng mapansin ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang tinitignan o ano.   Nakita niya ang mataman na pagtitig sa kanya ng lalaki na lalong nagpakunot ng noo niya. Humakbang ito palapit sakanya saka sandaling sinulyapan ang hawak nitong maliit na papel at muling tumingin sa kanya.   "Doctor Kourtney Mary Domingo?" wika nito. Nakita niya ang pagdako ng mata nito sa gilid niya at nang sundan niya iyon ay nakita niyang nakatingin ito sa I.D na nakasabit sa bulsa ng coat niya.   "Yes, Mister Restaurant?" aniya na lamang. Huminga siya ng malalim ng mapagtanto na ito ang nakitan niya noong isang ara at nagging pasyente niya.   "What?" puno ng pagtataka na turan naman nito.   "Mr. Restaurant. ‘Di ba sa restaurant tayo nagkita? Ginamot ko ang kamay mo. Kamusta na pala? Nagdurugo ba? Baka kailangan ng tahiin. Let me see,” mahabang lintanya niya. Hindi agad nakagalaw ang binata ng hawakan ni Kourtney ang kamay niya at iangat ito. Tinitigan naman ng dalaga ang iilang sugat sa kamay nito na hindi pa rin naghihilom at walang kahit anong proteksyon.   "Dapat dinidikitan mo ito ng band-aids kung hindi ka comfortable sa gauze na nilagay ko. Or nilapitan mo ako kahapon, since nagkita naman tayo sa Bueno,” sabi niya pa habang sinusuri pa rin ang sugat.   Nag-angat ng tingin si Kourtney dito at ngumiti. Mabilis na binawi ni Red ang kamay niya at seryosong tinignan ang dalaga.   "I'm not here for that shits, doctor,” matigas na sabi nito na ikinakunot ng noo niya.   "Then what?" takang tanong ni Kourtney. Ano ba ang kailangan nito sa kanya maliban sa paggamot ng sugat nito?   "Is it you, right?" tanong nito matapos huminga ng malalim. Lalong kumunot ang noo ni Kourtney at napahalukipkip.   "Hindi about sa restaurant o sa Bueno ang tinatanong mo, right?" balik-tanong niya. Hindi pinansin ng binata ang sinabi niya at mataman siyang tinitigan mula ulo hanggang paa pabalik sa mga mata niya. Nakipaglaban ng titigan naman si Kourtney dahil gusto din niyang malaman ang sinasabi nito.   "It was really you. The medical student who went to my penthouse that night,” seryosong sabi nito. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Red nang makita ang pagkagulat sa ekspresyon ng kaharap.   Sandaling natigilan si Kourtney. Pilit na pinroseso ang mga salita na binanggit ng kaharap hanggang sa may ma-realize kasabay nang dahan-dahan na panlalaki ng kanyang mga mata.   "Wait! Don't tell me ikaw yon?" kagat-labi na tanong ni Kourtney na ikinatango ni Red habang pigil ang pag-ngiti.   "I am Frederick Sanchez, but everyone calls me Red, and that includes you," sabi pa niya. Nakita niya ang pag-iling ng dalaga ng paulit-ulit. Napansin din niya ang pagpula ng maputing pisngi nito at bahagya pang hinaplos ang buhok.   Agad na nag-iwas ng tingin si Kourtney sa binata na nasa harapan niya. Mahigpit siyang napahawak sa coat na suot habang pilit na tinatanggal sa kanyang isipan ang mga pangyayari na nakalimutan na niya dapat.   Kaya pala parang pamilyar ang lalaki sakanya nang makita niya ito sa Restaurant at sa Bueno kahapon. Kaya din pala parang uneasy siya dahil ramdam ng hormones niya ang connection nila before, or It was just her saying? Wala naman kasing ganoon sa mga napag-aralan niya lalo na sa science.   Huminga siya ng malalim at nakayukong hinarap ang binata. Ngayon ay nakatingin siya sa suot nitong black na sneakers.   "Excuse me,” dinig naman ni Red na wika ni Kourtney. Akmang magsasalita pa lamang siya nang mabilis itong tumakbo pabalik sa pinang-galingan nito kanina. Napailing-iling na lamang si Red at pasipol-sipol na naglakad palabas ng hospital.   Mission accomplished. He finally found the girl who was devirginized by him. She was the first ever woman na natikman niyang birhen at inosente kaya hindi naging madali para sa kanya ang kalimutan ito. May parte rin sa kanya na nakokonsensya dahil na din sa dahilan ng pagbigay nito ng sarili sa kanya kahit na alam niyang labag ito sa loob ng dalaga. Huminto siya sa paglalakad nang makarating sa labas ng ospital kung saan niya hihintayin ang driver niya na agad niyang pinadalhan ng text message. Akmang ibabalik na niya ang phone sa bulsa ng may maalala. Mabilis niya itong in-unlock at nagpunta sa gallery app, saka hinanap ang camera album na may nag-iisang picture na ilang taon na niyang iniingatan.   "I finally found you, sweet lips,” bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD