“Kourtney!"
Mula sa pagkakatungo sa front desk ay nag-angat ng tingin si Kourtney at hinanap kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Napangiti siya nang makita ang pinsan na si Kim at agad itong nilapitan.
"Kim!"
Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap na para bang matagal silang hindi nagkita. Natawa ang magpinsan nang maghiwalay at napailing na lamang.
"Anong oras matatapos ang shift mo?" tanong nito sa kanya.
Umiling si Kourtney biilang tugon kay Kim at bahagyang napatingin sa relong pambisig nito.
"Wala na. Off ko na ngayon. Bakit ka pala nandito?" aniya saka tinitigan ang kaharap.
"Nag-aya ng dinner sa labas si Mama. Syempre kasama ka kaya sinundo kita,” nakangiting sagot ng pinsan niya saka lumingkis pa sa braso niya at natawa pa nang makita ang backpack niya na bitbit niya na.
"Mukhang ready ka na?" nakangiti na tanong pa nito.
"Nag-text sa akin si Auntie eh," aniya saka sumabay na sa paglalakad ni Kim matapos magpaalam sa mga nurse na nasa reception.
Pagkalabas nila ng hospital ay tinanggal niya ang kamay ng pinsan sa braso niya saka hinubad ang coat na suot-suot niya pa pala. Kapwa sila natawa sa napagtanto. Mabilis niyang sinuksok ang white coat sa backpack saka mabilis na naglakad patungo sa bus stop. Mabilis naman siyang hinabol ni Kim na bahagyang napatunganga nang may dumaan na gwapong doktor.
"Kourt! Kilala mo ba yung doktor na yon?" tanong nito nang magkatabi sila sa dulong upuan ng bus. Agad na umiling si Kourtney at kinuha ang cellphone sa bag niya.
"Bakit hindi? Doctor ka sa hospital na ‘yon, di ba? Imposibleng hindi mo kilala lahat ng doktor!" parang iritable pa na wika ng pinsan niya. Hindi nito matanggap na hindi kilala ni Kourtney ang gwapong doctor na nakasalubong nila.
"Eh sa hindi eh, dapat ba kilala ko ang lahat ng doctor na nagtatrabaho sa hospital? Saka correction, resident doctor pa lang ako, hindi pa ganap na doctor,” pagtatama naman niya dito habang nakatingin pa din sa cellphone nito na kasalukuyang may binabasa na article.
Para kay Kourtney ay hindi pa siya ganap na doctor hangga’t hindi pa siya nakakapasa sa exam para sa mga specialist kahit na lisensyado na siya.
"Parehas lang naman 'yon! Ang dami mong alam!" wika pa ng pinsan niya. Hindi na lamang siya nagkomento at binasa ang mga bagong headlines sa news website.
'Mayor Randy Sanchez of Bueno, North Aldwyne is thinking of joining the Presidential race.'
"Randy Sanchez?" mahinang wika niya saka sandaling nag-isip.
"Mayor Randy Sanchez?" tanong naman sa kanya ng pinsan na mukhang narinig ang sinabi niya. Marahan siyang tumango saka muling binasa ang article.
"Anong meron sa kanya?" tanong pa nito. Agad na umiling si Kourtney.
"Wala naman. Nabasa ko lang na tatakbo daw siya bilang Presidente. I’m not sure,” paliwanag niya saka ibinalik ang cellphone sa kanyang bag. Hindi na niya narinig pa na nagsalita ang pinsan, at nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakatitig ito sa isang lalaki na nakaupo sa harapan nila.
"Ang gwapo niya, cousin, no?" kinikilig na wika nito na ikinailing na lamang niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nawawala sa sarili ang pinsan sa tuwing nakakakita ito ng gwapo. Walang scientific explanation.
Mabilis nilang nahanap sa mall ang restaurant kung saan naghihintay ang Auntie ni Koutney na si Mercelina o Auntie Lina, kapatid ito ng Papa niya na sobrang bait. Ito ang kumupkop sa kanila ni Kimberly at itinuring na totoong anak. Matandang dalaga ang Auntie nila, sabay na namatay ang mga magulang ni Kourtney at Kim sa isang aksidente kaya ito na ang naging guardian nila at sumusuporta sa kung ano ang naisin nila sa buhay. Kim used to call their Auntie, Mama dahil wala itong nakagisnang ina simula ipanganak.
"Kamusta ang trabaho mo sa ospital, Kourtney?" tanong ng Auntie niya nang magsimula na silang kumain. Sandali na uminom ng orange juice si Kourtney at ngumiti sa tiyahin.
"Masaya po, Auntie. Medyo nakakapagod lang pero masaya. Ang sarap sa feeling kapag nakakapagsalba ako ng pasyente na nag-aagaw buhay, lalo na iyong mga mahihirap na katulad natin," nakangiti niyang wika. Fulfilling para kay Kourtney ang makasalba ng buhay kaya ginagawa niya ang lahat mabuhay lamang ang pasyente niya.
Napangiti ang auntie niya sa narinig. "Sa E.R ka pa rin naka-assign, ‘di ba?" tanong nito na ikinatango niya.
"Opo. May mga M.A pa rin pero nakakaya naman and it was fun. Challenging at masaya dahil habang tumatagal mas marami akong natututunan. Mababait din po ang ang mga seniors naming. I mean, ‘yung iba,” pagku-kwento pa ni Kourtney na sinundan ng halakhak.
"M.A?" takang tanong ng auntie niya matapos ang kanyang mahabang lintanya.
"Majority assholes, Mama. ‘Yung mga over at hindi ma-take na pasyente. Mostly sila ‘yung mga maaarte at maiingay sa E.R,” natatawang sagot naman ni Kim. Napailing naman si Kourtney habang natawa rin ang Mama nila.
Naputol ang tawanan ng tatlo nang makarinig sila ng pagkabasag ng kung ano. Agad silang lumingon doon at nanlaki ang mga mata ni Kourtney nang makita niya ang dugong umaagos mula sa kamay ng lalaki na hawak pa rin ang baso na nakalapag na sa mesa. One table away lang ito mula sa kinaroroonan nila.
Tatayo na sana si Kourtney para saklolohan ang lalaking may dumudugong kamay nang mapatigil siya dahil sa narinig.
"You said you love me!" sigaw ng umiiyak na babae.
"I already told you, Lucy. No strings attached because we are just a f**k buddy,” Inis na wika ni Red. Pasimple siyang luminga sa paligid at napabuntong hininga ng makitang nakuha na nila ang atensyon ng lahat ng nasa lugar na iyon. Hindi na siya magtataka kung may makarating na video sa kapatid at ama niya tungkol sa nangyayari ngayon.
"Red!" umiiyak na sigaw pa ng babae.
Inis na binitawan niya ang basong may laman na juice na dapat sana ay isasaboy sa mukha niya. Sawang-sawa na siyang umuwi ng basang-basa ang damit. Kabisado na rin niya ang mga ganitong pangyayari kaya natuto na siya.
"Look, Lucy. I know you are just making a scene, but damn, I don't need you anymore! Nakakasawa ka na at isa pa, hindi ka naman talaga magaling," nakangisi niyang sabi. Nakita niyang lalong namula ang mukha ng babae dahil sa kahihiyan. Nakita niya na akmang kukunin na sana nito ang isa pang baso na may laman na tubig sa kabilang mesa nang may pumigil sa braso nito.
"Pasensya na sa istorbo ngunit kailangan kong mabigyan ng first aid ang kamay ng boyfriend mo. Hindi na sana ako mangingialam, but as a resident doctor, tungkulin ko ang mang-gamot ng kahit sinong nangangailangan ng paunang lunas,” mababang tinig na paliwanag ni Kourtney.
“What the—hey b***h how dare you?!” sigaw ng babae. Muli sana itong sisigaw ulit ng mapatigil matapos itapat ng dalaga ang ID nito sa mukha niya.
"I'm a fourth year resident doctor at Ybaniez Hospital. Please, excuse me," hindi na nito hinintay pa ang sasabihin ng maarteng babae na kaharap. Mabilis na lumapit si Kourtney sa lalaking sugatan at tinignan ang kamay nito.
"Please sit down, mister," aniya sa lalaking nakatitig lamang sa kanya. Nang hindi ito kumilos ay siya na ang nag-upo dito. Tinanggal niya ang mga nakapatong sa mesa saka sinapinan ng white towel bago doon ipatong ang braso ng lalaking sugatan. Kinuha niya mula sa backpack niya ang first aid kit at nagsimulang linisan ang sugat nito. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang bubog na bumaon sa balat nito.
Napatitig si Red sa magandang babae na ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maalis ang paningin sa maamo nitong mukha. Ramdam niya ang hapdi sa bawat pagdampi ng bulak sa balat niya. Ngunit hindi niya nagawang dumaing, dahil baka ma-turn off ang babae na kasalukuyang gumagamot sa kanya.
Makinis ang mukha nito at maputi. Magulo ang pagkakatali ng buhok nito na mukhang hindi nagsuklay. Simple lang din ito at walang make-up ngunit talagang maganda. Mapupula din ang mga labi nito na tila nag-aanyaya sa kanya na halikan ito.
"Tapos na.,” dinig niyang wika nito.
Napatingin siya sa kamay at nakitang nakabalot na ito ng puting gaza. Nilibot niya ang paningin at doon napagtanto na pinalilibutan na sila ng iilang staff at costumer ng restaurant na iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na makita si Lucy.
Muli niyang tinignan ang babae. Ngayon ay nakatayo na ito habang inaayos ang mga ginamit kanina. Simpleng blouse na puti at black jeans ang suot nito. Maputi ang mga balat nito at kitang-kita niya ang panloob nito na bulak-lak-in. Lalo tuloy siya naging interesado sa doktora na ngayon lang niya nakilala.
"Huwag mo munang babasain ang kaliwa mong kamay, mister. Kung dumugo ulit ay pumunta ka na sa ospital. First aid lang ang ginawa ko para matigil ang pagdurugo," nakangiting wika nito. Doon niya nakita ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Nanatiling tahimik si Red at nakatulala lamang sa magandang dalaga.
"Mauna na ako," anito pa na ikinatango niya. Pinanuod niya lamang ng tumalikod ito at naglakad papalayo sa kanya, doon niya napansin ang malusog na pang-upo nito. Huminga siya ng malalim at marahan na pinilig ang ulo. Nag-iwas siya ng tingin nang makitang naupo ito sa isang table kung saan may dalawang babae. Napatingin na lamang siya muli sa kamay at napangiti na lamang.
"Sir?" biglang bumalik sa kasalikuyan si Red nang marinig ang pagtawag sa kanya ng manager ng restaurant na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan.
"What?" iritableng tanong niya rito. Napansin niyang siya at ang manager na lamang ang nasa table na iyon dahil bumalik na sa kanilang ginagawa ang mga empleyado kanina.
“Pasensya na po pero kailangan ko po kayo makausap para sa damage ng ilan sa property at—“ hindi na niya pinatapos ang anuman na walang kwentang sasabihin nito. Bigla ay nakaramdam siya ng inis.
"What?! Hindi mo ba nakita itong kamay ko? Paano kung wala ang doktor na iyon? Mamamatay akong naubusan ng dugo dahil puro panonood lang ang kaya niyong gawin?!" malakas na wika niya.
"Pero, sir—“ inis na bumuntong hininga si Red. Balak pa sana na magdahilan ng manager pero mas pinili na tumahimik na lamang dahil nakikita niya ang iritableng mukha ng kaharap.
"Talk to my lawyer,” pinal na wika niya saka muling bumuntong hininga. Kinuha niya ang wallet sa likod ng pants niya at inilabas ang business card ng abogado niya saka ibinigay sa manager na nakatunganga sa harapan niya.
"Call him and tell him what you told me. Alright?" sabi niya pa rito. Nang hindi sumagot ang manager ay tinalikuran na niya ito. Bahagya siyang sumulyap sa lugar kung nasaan ang doktora at napangiti siya nang makita itong nakatingin sa kanya. Mabilis niya itong kinindatan saka kumaway at tuluyang naglakad papalayo.
"Mukhang type ka niya, Kourtney! Ikaw na talaga ang maganda!" bulaslas ni Kim nang makita ang pagkindat at pagkaway ni Red sa pinsan.
Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sa tinuran ng pinsan at piniling hindi na lamang magkomento.
"Kunsabagay, maganda ka naman talaga kaya nga lahat ng classmate natin nong highschool ay gustong manligaw sayo,” sabi pa ni Kim. Nakapalumbaba pa ito na tumitig kay Kourtney na para bang kinakabisa ang itsura ng magandang pinsan.
Matalim niyang tinignan si Kim na ngumiti pa sa kanya. Narinig niya ang pagtawa ng Auntie niya kaya lalo siyang napasimangot.
Kasalanan niya ba kung masyado siyang passionate sa propesyon niya para gamutin pa ang nagdurugong kamay ng lalaki kahit obvious naman na playboy? Kasama sa oath nilang mga doktor na huwag pumili ng pasyenteng gagamutin, at hindi exemption ang mga kagaya ng lalaki na iyon. Also, naaawa siya sa babae dahil sa pagpapahiya ng lalaki dito, pero wala naman siyang magagawa. In the first place, choice ng girl na maging ganoon siya. Kasalanan niya at nagpakatanga siya.
"Nakita mo ba Mama ‘yung mga tinginan ‘nong gwapo kay Kourtney? Feeling ko talaga tinamaan sa kanya yon eh,” pang-aasar pa ni Kim na lalong nagpasimangot kay Kourtney.
Muli siyang napabuntong hininga. Nakaramdam siya ng pagkailang sa mga titig ng lalaki sa kanya kanina. Hindi siya sigurado kung naramdaman nito ang panginginig ng mga kamay niya. Hindi niya alam kung bakit uneasy siya. Lalo na nang magdikit ang mga balat nila. Kung alam lang ng auntie at pinsan niya kung gaano kalakas ang kabog ng puso niya kanina.