“Saan ka galing?” Sandaling natigilan sa dapat sanang pagpasok ni Rick sa opisina niya nang makita ang kapatid na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Huminga siya ng malalim at imbes na sagutin ay pinakita dito ang cup ng iced americano na binili niya sa katapat na coffee shop. Nagtungo siya sa couch at inilapag doon ang bag saka nilabas ang laptop nito sa center table. Kinuha niya ang cellphone niya at pinadalhan ng text message ang secretary niya, Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng tatlong beses na pagkatok mula sa pinto kasunod ang pagtulak ng pinto at iluwa ang sekretarya niya. Nakangiti itong lumapit sa kanya at iniabot ang makapal na papel na hiningi niya. “Thank you,” mahinang wika niya dito. Agad naman na nagpaalam ang sekretarya saka lumabas ng office niya.