Natigil sa pagkain si Kourtney nang marinig ang pagtunong ng cellphone niya. Kasalukuyan siyang nasa cafeteria at mag-isa na kumakain dahil magkaiba sila ng shift ni Avery. Ibinaba niya ang hawak na kutsara saka mabilis na sinagot iyon ng makita tawag iyon mula sa emergency room. “Hello this is Kourtney Domingo,” sagot niya. “Patient Juan Dela Cruz, age 45 and is suffering from chest pain. One of the bystanders discover him lying at the cold ground and immediately call 911. We suspected that he has an angina,” paliwanag naman sa kanya ng intern na doctor. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang tray niya saka naglakad patungo sa gilid ng counter kung sana nilalagay ang maruruming tray na nagamit nila. “Please perform an ECG, chest x-ray and chest CT. I’m on my way,” mabilis na