“I like her, but she doesn’t feel the same way...” Napabuntong hininga si Rick saka hinayaan na sumubsob ang mukha niya sa bar counter. Pumikit siya ng mariin para pigilan ang emosyon na nagsisimulang umusbong dahil sa mga naiisip niya. “I badly wanted to see her…” “I can’t focus on my work because all I could think is her…” “I missed her so much…” Napailing na lamang si Atty. Ruiz at napainom sa whiskey na hawak niya habang pinapanood ang kapwa abogado na kasalukuyan ng nakasubsob sa bar counter at paulit-ulit lamang ang sinasabi. “Lasing na siya agad? Parang ilang oras pa lang ang nakalipas ah?” gulat na sambit ni Kim nang lumapit muli siya sa dalawa. Hindi na ito nakasuot ng mini skirt, white long sleeve polo shirt at apron kundi ay white shirt at black jea