Magkasama na pumasok sa supermarket si Kourtney at Rick. Ngiting-ngiti pa si Kourtney habang kumukuha ng cart dahil gustong-gusto niya talaga ang nag-go-grocery at bumibili ng mga gamit sa bahay, wala lang talaga siyang time. Una nilang pinuntahan ay ang toiletries section. May mga dala si Kourtney ngunit gusto niya pa rin bumili bilang pang-reserba at para na rin may gamitin siya kapag sa hospital siya nag-s-stay. Huminto siya sa harapan ng mga shampoo saka kinuha ang brand na gusto niya at sandaling binasa ang nasa likod niyon. Tumayo naman sa gilid niya si Rick saka ito na ang humawak sa pushcart. “Hindi ba ‘yong pink iyong ginagamit mo?” tanong sa kanya ni Rick. Marahan na tumango naman si Kourtney saka inilagay ang hawak na bote ng shampoo. “Ayaw mo ‘nong mga strawbe