Umaga ng sabado. Pagkatapos ilagay lahat ni Kourtney ang mga gamit sa bag niya ay agad na sinara niya ang locker saka naglakad palabas ng locker room. Isinukbit niya ang duffle bag sa balikat saka itinali ang mahaba at magulo niyang buhok habang patuloy pa rin sa paglalakad. Kourtney is just wearing a plain white V-neck shirt na naka-tucked in sa suot niyang ripped jeans. Kakatapos lamang niya mag-shower at naghahanda ng umuwi matapos ang isang linggo na pananatili sa hospital. She reached for her phone through her jeans pocket nang marinig ang pagtunog niyon saka hindi maiwasan na mapangiti nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. My love “Good morning, Attorney!” masayang bati niya dito nang sagutin niya ang tawag. Tumayo siya sa harapan ng elevator nang mnakarat