Walang nagawa si Kourtney kundi kausapin ang auntie nila at kumpirmahin na siya ang nag-organize ng birthday party ng pinsan niya at sinabi na sa bar iyon gaganapin para maiba naman. Hindi naman nagdalawang-isip na pumayag ang auntie nila at sinabi lang na mag-ingat sila. Pagkatapos makipag-usap ni Kourtney sa auntie niya at kinausap niya muli ang pinsan at sinabi ang mga iilang kondisyon niya dito dahil pinagtakpan naman niya ito. “Una, kasama kitang uuwi at bawal ka na sumama sa kahit sino. Maliwanag ba?” wika niya na mabilis naman na ikinatango ni Kim. “Pangalawa, huwag akong ibubugaw o ipapakilala sa kahit na sino. Pupunta ako roon para sa iyo hindi para maghanap ng ka-date o bagong kakilala o kung ano pa man ang tawag doon,” wika niya pa na muling ikinatango ng pinsan. “