Past one A.M ng madaling araw, kakatapos lamang mag-rounds ni Kourtney at Avery kasama ang professor nila. Hindi masyadong abala ang hospital kaya nagkaroon sila ng libreng oras. Nag-aya si Avery na magpahangin sa hospital garden, agad na sumama naman si Kourtney dahil wala naman siyang ibang gagawin. “Sayang at hindi natuloy ‘yong farewell party ni Dr. Baliwag,” wika ni Avery habang naglalakad sila ni Kourtney. Napatawa naman si Kourtney sa narinig. “Natuloy ‘yong party niya, hindi lang tayo nakapunta,” natatawang sagot naman ni Kourtney. “Bakit kasi biglang hindi na pumasok ‘yong mag-asawa? Kulang tuloy tayo ngayon. Tayo na nga lagi sumasalo ng night shift kasi nakakahiya naman sa kanila,” reklamo pa ni Avery. “Hayaan mo na, baka may personal issues lang ‘yong dala