Sir Afro: Are you going?
Kinagat ko ang labi habang nakatingin sa text ni Sir Afro. Bukas ay friday na at hinihintay na lang niya ako sa confirmation kung pupunta ako.
I still don't want to open up with my brother.
Sobrang overprotective niya sa akin.
"Give it a try Shan" ani ni Bianca.
Kinukuha ko kasi ang kanilang opinion regarding this matter.
Nasa gym kami ngayon dahil PE class. Kakatapos lang ng aming activity at nagpapahinga kami ngayon.
"Same with me. Kung ako sa'yo grab the opportunity!" Jesica added.
"Pero kasi ang tagal ko ng hindi nag-compete at nagdadalawang isip ko i-pursue dahil sa kuya ko"
Bianca put her hands on my shoulder. "Then, why not attend the orientation first? Tapos kapag naging okay sa'yo 'yong orientation at desidido ka na, tsaka mo na lang ipaalam. Hindi ba't gusto mo mag-pageant?"
It was a good idea so I consider it.
Tama, I'll need to attend the orientation and ako na ang bahala kung magpapatuloy ako hindi.
"Thank you Bianca. You help me a lot"
"See? That's so easy kaya. Anyway...nauuhaw na ako. May tubig ka pa Shan?"
Umiling ako. "Kakaubos ko lang din"
"Ikaw Jesica?"
"Ubos na din"
"Let's buy water"
Tatayo na si Bianca nang pigilan ko.
"No. We don't need to walk. I'm still tired" kinuha ko ang cellphone at nagtext kay Faven.
Ako: I need water. 3 please? Muah.
Ako: Oh, buy us some snack too Faven. Thank you so much *kiss emoticon*
Faven "Amnesia" Madrigal: K
"Your bodyguard is a life saver huh?" Bulong sa akin ni Jesica na nakikibasa ng text message.
"Ofcourse" pinatay ko ang cellphone nang may ngiti sa aking labi.
"But your text is so flirty. Ikaw ah?" Hinampas ako ni Bianca.
"Pero mukhang inosente si Pogi" Bianca added. "Is he like that?"
I sighed. "Yes. He usually wear his pokerface. Minsan lang siya maglabas ng emosyon."
That's bothering me also. Hindi ba obvious na nilalandi ko siya? Nagugulat siya pero dinededma niya. Pati nga mga text ko dinededma niya.
"Okay lang 'yan Reishan" Jesica said. "You can make him like you too"
"I will. He's mine"
I'm claiming it.
Habang nag-hihintay ay panay si Faven ang aming topic. Well, nakwento ko na sa kanila kung bakit gusto ko si Faven at sabi nila parang tadhana daw.
Mala-fairy tale daw.
Parang isang prinsesa na niligtas ng kaniyang prinsipe.
"I see his body girls" untag ko.
Mahina kaming umiirit.
"Ay naninilip"
I chuckled. "No. It's was an accident. He's so hot"
Muli kaming umirit.
"Tell us more..."
Pinagdikit ko ang mga tuhod habang naglaro naman ang aking mga daliri sa aking buhok. Malawak ang aking mga ngiti at magsisimula na sana ako magkwento nang tumama ang mata ko sa labas ng Gym.
"Is that Pogi?" Tanong ni Bianca na mukhang napansin din ang aking pagtingin doon.
"Yes...." nagngitngit ang mga ngipin ko nang makitang may kausap siyang babae.
"Omo! Si Ruby ba 'yon?"
My hands automatically clenched. "Yes, I think she is" sagot ko.
Ang tutulis ng mga mata ko habang nakikita kong nag-uusap sila sa harap pa talaga ng gym.
"Ano kayang pinag-uusapan nila?"
Anong pakay ng freak na babaeng 'yon kay Faven?
"Baka nakikipag-flirt si Ruby?"
Lumingon ako kay Jesica na puno ng galit ang aking mga mata. "Gawin niya lang, hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin"
"Chill" Bianca chuckled. "Marami pa siyang ligo para pumantay sa'yo pero may nasagap akong chismis kanina. Hindi ko lang confirm talaga"
"What is it?" My eyes settled at Faven. Sinasamaan ko siya ng tingin kaso hindi lumilingon.
"Break na daw sila ni Jefferson eh"
"So he's hitting with my bodyguard now?" Naiinis kong sambit.
"Maybe"
Hindi ko kinaya. Otomatikong gumalaw ang mga paa ko kahit pagod pa ako sa ginawa namin sa PE class.
Malalakas ang pagtapak ko sa sobrang gigil. Nanlilisik ang mga mata ko kay Ruby habang papalapit.
At nang maaninag na ako ng bruhilda ay mabilis itong nagpaalam at kumaripas ng alis.
Lumingon ako kay Faven na parang walang nangyari. He only lend me his hand holding a plastic bag of water and snacks.
I crossed my arms over my chest. Masama ko siyang tinitigan.
"Anong sinabi sa'yo ng bruhildang iyon?"
Hindi ko inabot ang plastic bag kaya naman siya na ang nagbitbit no'n.
"Nothing" tipid niyang sagot.
"Sabihin mo sa akin. Anong pakay ng babaeng 'yon Faven?" Mas pinalisik ko ang mga tingin ngunit wala akong nakuhang sagot.
"Kapag hindi mo sinabi sa akin, magtatampo ako"
Hindi pa rin siya sumagot.
"Fine! Hindi kita papansinin!"
"Your water and snack-"
"Ibigay mo kay Ruby!" Inis na sambit ko bago ko siya iniwan doon at bumalik kina Bianca at Jesica.
"Oh? What happened?"
"Lq kami"
"Lq daw. Quarel lang kaya"
Tinaasan ko ng kilay si Jesica. "Ako ang masusunod"
Bianca chuckled. "Hayaan mo siya magdelulu" ani nito kay Jesica kaya napanguso ako.
They are so mean!
"Anyway, nasaan na ang tubig at snacks natin? Uhaw na talaga ako"
"Sinabi kong ibigay niya kay Ruby"
"What the? Edi tayo pa bibili niyan?!" Reklamo ni Bianca.
"Yes. Gano'n na nga. May reklamo?!"
They sighed but they can't do anything. Tumayo na sila at sumama sa akin papuntang canteen para bumili ng tubig at wala akong pake kung nagrereklamo sila sa tabi ko.
Kahit pag-uwi ay hindi ko pinansin si Faven. I'm so serious about earlier!
Gusto ko malaman kung ano talagang pinag-usapan nila ni Ruby.
That freak....
Anong pakay niya sa bodyguard ko?
Tinitigan ko ang aking kuko.
Pakiramdam ko ay makakalmot ako ng wala sa oras.
Parang wala lang kay Faven ang pagtatampo ko. Kahit masama ang tingin ko sa kaniya ay wala siyang nararamdaman. Pokerface lang siyang nagdadrive pauwi.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala siyang pake. Akmang pagbubuksan niya ako ng pinto nang pigilan ko siya.
"I can do it alone!" Giit ko bago ako lumabas ng kotse. Sinarado ko pa iyon ng malakas at wala akong pake kung mabasag ang salamin o kaya ang pinto ng kotse.
Padabog akong pumasok ng bahay ng hindi siya nililingon at wala rin naman siyang pake.
So buong araw akong bad-trip.
Buti na lang at nagtext sa akin ulit si Sir Afro kaya nakalimutan ko saglit ang pagtatampo ko kay Faven.
Sir Afro: Ano na Ms. Santiago? Are you up to it?
Malugod ko iyong nireply-an na may ngiti sa labi.
Ako: I will come!
Sir Afro: Good to know that. I'm looking forward to see you tommorow
Ako: Same with me. Goodnight sir!
Nakangiti kong pinatay ang aking phone at bigla akong na-excite sa mangyayari bukas. I hope that it will end well.
Pero saglit lang ang excitement ko dahil pumasok na naman sa isipan ko ang mukha ni Faven.
Tss. Hindi ako magpapasama sa kaniya bukas. LQ kami!
Kinabukasan ay maaga akong gumising. I need to go earlier because I'm planning to skipped school today. Hindi ako pwede maabutan ni Faven dahil lq nga kami.
I'm wearing a pink halter crop top and I partnered it with a maong mini skirt. Ni-high clean ponytail ko ang buhok. Nilagyan ko ng hair spray para hindi masira ang pagkakaayos ko.
Minake-up-an ko ang sarili. Mas glam look ang ginawa ko para angat na angat ang face ko. After preparing, I wear my five inches heels. To finish my look, kinuha ko ang mini sling bag at sinukbit iyon sa aking katawan.
Natapos ako ng eksaktong ala singko ng umaga. Buti at wala ang family ko ngayon dito kasi kung hindi, I'm dead.
I sneaked out quietly in our house. Nang magtagumpay ay mabilis akong umalis.
I don't have a driver license pa so I decided to take a taxi papunta sa venue.
"Nasaan ka na Ms. Santiago?" Tanong sa akin ni Sir Afro sa phone.
"Malapit na ako sa venue. Medyo napaaga nga ako. Is it okay to go there already?"
"Ofcourse! Marami na rin ang mga naandito"
"Great! I'm on my way"
Almost one and a half hour akong bumabyahe hanggang tumigil ang sasakyan.
"Dito po 'yong address?" Tanong ko kay Manong driver habang tinitingnan ang pinagtigilan namin.
It doesn't look like a venue to me.
Isang abandonadong junkshop itong pagbababaaan ko.
"Opo. Diyaan po tayo tinuro madam eh"
"Are you really sure?"
"Opo"
"Wait lang po kuya"
Muli kong tinawagan si Sir Afro. Kaagad naman itong sumagot.
"Bakit dito ako binaba sa abandonadong junkshop Sir?" Tanong ko kaagad pagkasagot niya.
"Don't worry Ms. Santiago. Diyaan ang meeting spot. Diyan namin kayo kakaunin. Naandiyan ka na ba?"
"Y-yes"
May kaunting kaba na lumukob sa aking puso. It doesn't feel right.
"I will....back off. Hindi na ako pupunta Sir Afro-"
"You can't back out now"
Nabitawan ko ang cellphone nang biglang may pumaligid sa aming apat na armadong lalaki. Kaagad na tinaas ng driver ang kaniyang kamay nang tutukan siya ng baril.
Hindi ako makahinga at otomatikong nanginig ang buo kong katawan sa aking nakikita.
This can't be happening.
I need to call for help.
Sakto ay biglang nag-ring ang aking phone at nag-register ang pangalan ni Faven.
Bigla akong nabuhayan ng loob. Akmang kukuhain ko iyon nang biglang bumukas ang pinto sa aking tabi at sinalubong ako ng isang armadong lalaki at mabilis na akong nahablot.
Kaagad akong nanlaban. I only need to answer his call and I will be save.
But I failed.
May biglang tinakip sa akin ang lalaki dahilan para mahilo at nagsimula akong antukin.
Umalpas ang luha sa aking mata at bago ako mawalan ng malay ay nakapokus lang ang mata ko sa pangalan ni Faven sa cellphone ko.
I should have called you.
Sana pinasama na lang kita Faven.
Sana hindi na lang ako nagtampo.
At bago pa ako mawalan ng malay, I prayed that he will come and save me once again.
And I know he will.