Episode 5- Di ko alam!

2256 Words
Hindi magawang pumasok ni Sofie sa loob ng ladies room dahil na rinig nyang nag uusap ang mama nya at mommy ni Four sa loob. Pinagagalitan ni Maam Venus ang mama nya dahil sa di nito pag kibo sa kanya. Sinasabi ng mommy ni Four na wala naman ng magagawa ang galit nila mas okay na daw na sa kanya na kasal si Four kesa daw sa ibang babae na kung saan na lang pinupulot ng anak nito. At least daw sa kanya kahit papano kampante na ang mga ito na matutulungan nya si Four in the near future. Na banggit pa ng ina ni Four na gusto sana nitong makatuluyan ng anak ay si Stefy kaso nga lang daw wala itong kakayanan na hawakan si Four sa leeg. Pumayag naman daw si Four na pakasalan sya so tangapin nalang daw ng mga ito ng bukal sa loob dahil mukhang maayos daw naman ang samahan nilang mag-asawa. “Kung si Toby kaya ang napikot mo ganyan ka pa rin kaya? Lumayas ka rin kaya at magtatago ng 2 months?” napalingon si Sofie kay Four na papalapit sa kanya. Napabuga naman si Sofie na sinalubong na si Four bago marinig pa ito ng mama nya. “Awat na muna Four, hindi naman sa lahat ng pag kakataon kaya kong saluhin ang mga patutsada mo.” wika nya na lalampasan sana ito pero pinigilan sya sa braso. “Nag excuse ka diba para mag banyo, so saan ka pupunta?” “Sa office nalang ako mag wiwiwi.” tamad na sagot nya pero nagulat sya ng hilahin sya ni four saka walang anuman na itinulak ang pinto ng ladies room pagkatapos itong kumatok ng 3 beses sakto naman palabas na pala ang mga ina nila na ngumiti pa sa kanilang dalawa. “Tagal nyo pong gumamit ng banyo, isang drum po ba inihi nyo.” biro ni Four sa dalawang ina nilang tumawa. Pinalo naman ni Venus sa balikat ang anak. “Ihing ihi na si Dukesa hindi makapasok kasi tagal nyo po. Mag kakasakit sa kidney ang asawa ko dahil sa inyo.” kunwari ay nag rereklamo na wika ni Four. “Tingnan mo Elize, di mo ba napansin ang laki ng pinag bago ng lalaking ito sapol ng makasal kay Sofie, si Sofia lang pala ang kailangan ko para umayos ang lalaki ito.” “Ma’ matagal na ako maayos? hindi ako lalaking magandang lalaki kung di ako maayos.” napangiti naman ang dalawang ina sa biro ni Four. Humarap naman si Four sa mama nya. “Wag na po kayong magalit kay Dukesa, na iintindihan ko naman po kung bakit nya ako pinikot. Naunahan lang nya ako dahil balak ko na din po sana pikutin ang unica nyo medyo nakakatakot lang kasi nag bubuga po kasi yan ng apoy kung alam nyo lang.” biro pa ni Four na tinawanan ng bahagya ng mama nya na nilingon sya. “Sige umihi ka na. Baka kami pa masisi ng asawa mo kapag nagkasakit ka sa bato.” wika pa ng mama nya. “Sakit sa bato hindi po ba masyadong exage po yun. UTI po muna bago Kidney.” wika pa ni Four na pinalo naman ng ina na tatawa tawa. “Puro ka kalokohan. Tayo na Elize baka na iisip na yung dalawa doon.” yaya ni Venus saka tumalikod. “Ano? gusto mo ba samahan pa kita sa loob. Huhugasan ba kita ng kipay mo.” napangiwi si Sofie saka inis na isinarado ang pinto ng banyo. “Bilisan mo ha.” sigaw pa ni Four sa pinto. “Bumalik ka na don.” “Hihintayin kita. Ayokong ma miss ka.” “Gago.” sagot ni Sofie. “gusto mo pasukin kita dyan lamukusin ko yang bibig mo.” “Mukha ka ng lamukusin. Ikaw ang lamukusin ko dyan.” “Kung halik okay lang naman di naman ako papalag.” “Ang halay mo talaga.” “Halik lang mahalay na agad? ano ka virgin.” “Bunganga mo Tobias Eaton.” inis na sigaw ni Sofie. “Arte mo kasi.” “Ang halay mo kasi.” “Anong mahalay sa sinabi ko. Halikan ka dyan.” “Siguro may gusto ka sa akin ano? Binabaligtad mo lang ako. Ikaw talaga siguro ang pumikot sa akin.” “Sumama na ba sa ihi mo ang utak mo?” “Hindi kasya.” “Hahahahah! bata nga kayang lumabas sa kipay utak pa kaya.” “Alam mo sure na talaga ako na may history ka ng tipus ng bata ka pa.” turan ni Sofie ng lumabas ng banyo at lingunin si Four na nakasandal sa pader. “May narinig ka na bang utak na lumabas sa kipay? May brain damage ka na talaga grabe malala na. Pagamot ka na.” ngumiti naman si Four. “Parang gusto kitang i kiss ngayon.” “Retarded ka.” “Pa kiss nga ng isa yung walang malisya.” di napigilan ni Sofie ang matawa ng lampasan ito na agad naman sumunod sa kanya. “Dali na isa lang saka wala naman malisya to.” “Mongoloid ka na retarded ka pa! Saan ka naka kita ng kiss na walang malisya.” “Aba marami! Kapag hinalikan ko si Mommy walang malisya yun.” “Ano ako mommy mo?” “Kiss lang naman ang hinihingi ko, hindi ang dede mong lumaki bigla dahil sa fullmoon.” ngisi ni Four na sandaling kumunot ang noo ni Sofie di nya magets ang joke nito. “Sus! Common sense…hindi kita mommy dahil kung mommy kita dede ako sayo. Gets mo na?” napapikit naman si Sofie. “Gusto mong dumede tara pa dedehin na kita parang atat ma atat ka sa kutsita ko e.” inis na mariin na bulong ni Sofie. “oh! no thank you… Sabihan mo nalang ako kapag meron ng lamang gatas yan. Baka kabagin lang ako sa sisipsi dyan.” ngisi ni Four sabay kindat nanaman na tinalikuran na sya. “Diyos ko panginoong ko! Hanggang kelan ko ba kakayanin ang pag subok na ito. - - - - - - - — - - - - - Kakatapos palang ni Sofie na mag palit ng damit na pang bahay ng tumunog ang cellphone nya. Si Four ang natawag ano naman kaya kailangan nito 7pm na hindi pa ba ito uuwi? nauna na syang umuwi kanina 5pm. Naiwan si Leo at si Four sa office dahil may tatapusin pa daw ang mga ito. “Hello.” “Labas ka kakaunin ka ni Valdez kain tayo sa market place.” kumunot ang noo nya? market place saan yun parang ngayon lang nya narinig ang pangalan ng restaurant na yun. “Wala akong pera.” “Libre ko na happy! Sa kuripot mo kelan ka ba nag ka pera.” “Anong isusuot ko?” “Natural damit.” sagot nito tumarak naman ang mata nya. “Alam kong damit anong damit?” “Bahala ka na. Kahit ano naman isuot mo pangit ka pa rin.” wika nito sabay nawala sa linya. “Demonyo ka talaga kahit kelan.” gigil na usal nya habang nakatingin sa screen ng phone. Napahawak sya sa puson. “Anak! Naririnig mo ba ako? Wag kang gagaya sa Daddy mo na iintindihan mo ba kundi kukurutin kita sa singit subukan mo lang mag mana sa daddy mo.” aniya napalingon pa si Sofie sa pinto ng makarating ng katok. “‘Ma’am nasa baba na po si Reymark pinakakaon daw po kayo ni Sir Four.” tumango naman si Sofie na napatingin sa repleksyon nya sa salamin. Naka pula syang malaking T-shirt na may malaking drawing ng teddy bear. Naka pajama na sya kaya hinubad nalang nya iyon at nag hanap ng rip denim short sa closet nya na madalas nyang suot kapag nasa bahay lang sya. Balak pa naman nyang mag upload ngayon sa t****k. Kailangan nyang gumawa ng maraming pera para sa kanilang mag-ina. Mahirap ng umasa sa tatay ng anak nyang retarded. Baka isipin pa nito anak nya sa ibang lalaki naku kilala nya si Four tiyak na pag-iisipan pa sya nito ng masama. ******* “Ayoko. Ikaw nalang kumain mag-isa.” halos matanggal na sa balikat nya ang braso nya sa pag hila sa kanya ni Four para palabasin sya ng kotse. Akala nya kung saan market place. Yun pala sa Market Palace. Isang 5 star restaurant sa makati na tanging mayayaman lang ang kumakain. Tapos nakapang bahay lang sya. “Tara na kasi ano naman kung ganyan ang suot mo. Believe me wala itong joke ikaw pa rin pinaka maganda sa lahat ng babaeng nasa loob.” “Puwede ba wag mo na akong utuin hindi mo ako mapipilit uuwi nalang ako.” “Sofia.” natigil ang pag hihilahan nila ni Four ng marinig nya ang boses ni Toby sa likuran ng asawa saka sumungaw ang ulo nito sa likuran ng kapatid kasama ang secret girlfriend nitong si Robina. “Sir Toby.” “Long time no see kailan ka pa umuwi?” “Ano dito nalang ba tayo mag kakamustahan.” tanong ni Four. “Tara Sofie sa loob.” “Ayoko nakakahiya naka pang bahay lang po kasi ako sir.” sagot nya nakita ni Sofie na may ibinulong si Robina kay Toby. “Meron daw backdoor dinning baka puwede tayo dun tara na.” napapikit naman si Sofie na kagat labi na napilitan na bumaba. Matalim naman ang titig nya kay Four. “I hate you.” bulong pa nya. “Wala akong pakialam kahit mag tanim ka pa ng galit sa akin or kahit mag garden ka pa. Bahala ka.” ani Four na inabot ang kamay nya at pilit pang pinag tatagop ang mga daliri nila. “Ano ba?” inis na wika nyang pabulong rito. “Gusto ko lang ipaalala sayo na ako ang pinakasal mo hindi si Toby. Mabuti ng hawakan kita baka magkamali ka ng hawakan kamay. Maipalibing kita ng buhay.” Halos naman itago na ni Sofie ang mukha sa buhok ng pumasok sila sa loob ng restaurant ramdam nya na maraming nakatingin sa kanilang mata, wala kasing ibang dadaanan papunta sa outdoor dinning na sinasabi ni Robina kaya walang choice. “Hahahha! Your cute.” wika pa ni Toby ng makalabas sila outdoor. “Cute? saan?” tanong pa ni Four na hinawakan sa balikat si Sofie saka ibiniling biling na parang may hinahanap. “hahaha! Yung teddy bear sa damit nya ang cute.” iling nalang ni Toby ng maupo na sila sa mesang pinag dalahan sa kanila ng water. “Ahh! mabuti naman nilinaw mo baka kasi di na ito makatulog mamaya.” “Sofie, buti kinakaya mo ang ugali nitong si Four.” tanong naman ni Robina. “Pakiramdam ko nga po hindi na ako aabot sa birthday ko. Wala pang 24hrs kaming mag kasama pakiramdam ko 50 years na ang na dagdag sa edad ko.” tumawa naman ang mag nobyo. “Talaga ba? Bakit ka kasi nag kamali ng pinikot? Edi sana si Toby ang asawa mo ngayon kung di ka nagkamali.” natigil sa pag tawa ang mag nobyo sa sinabi ni Four. Na alarma naman si Sofie, saka nag isip ng mabilis kung paano lulusutan ang pang bubuko sa kanya ni Four. “Paano ako mag kakamali masyadong perfect si Sir Toby kumpara sayo na parang sa impiyerno lumaki.” malakas naman tumawa si Toby ganun din si robina. Nakahinga sya ng matiwasay akala nya katapusan na nya. “Talaga ba Sofia, perfect ako kaya naman pala bagay talaga ako sayo Robi.” baling nito sa nobya na hinalikan pa sa labi. “selos ka no, gusto mo gayahin natin. Mas masarap humalik ang demonyong gaya ko.” bulong ni Four. “Tumahimik ka patay ka sa akin mamaya.” mariin bulong din nya rito. “Tell me, Sofie ano ba nagustuhan mo kay Kuya Four.” “Oo nga sofie, curious din ako?” tanong pa ng dalawa after ibingay ng mga ito ang order sa waiter ang mga ito na ang pinaorder ni Four ng pagkain nila. “Bakit kung makatanong kayo parang walang ka gusto gusto sa akin.” reklamo ni Four. “Syempre’ knowing sofie matagal na tayong mag kakasama pero di ko talaga iniexpect na kayong dalawa ang mag papaksal sa huli dahil hindi naman talaga kayo mag kasundo noon pa right Sofie.” tumango naman si Sofie. “Wow ha! agree ka talaga parang hiyang hiya ako sa ganda mong babae.” iling ni Four. “Ano nga sofie na gustuhan mo kay Four.” “Ang totoo hindi ko alam e.” “Hindi naman puwede na di mo alam, Tayong mga babae mabilis tayong ma in love sa isang lalaki kapag meron tayong nakitang kaibig-ibig sa kanila.” wika pa ni Robi. “siguro yung kabaliwan nalang nya. Bihira kasi sa lalaki yung guwapo pero retarded kung kumilos.” halos manakit ang tiyan ni Toby sa katatawa. Ngayon lang nya ito nakitang tumawa ng ganun at parang nakakataba ng puso na panoorin itong masaya. “Gusto mo dukitin ko yang eyeballs mo dukesa at ipalagay sa soup.” nabura naman ang ngiti ni sofie na niligon ang asawa na masama ang tingin sa kanya. “Isang titig pa kay Toby. Bubuntisin na talaga kita ngayon gabi.” mariin na bulong nito. buntis na ako gago! paano pa ako mabubuntis. Bulong nalang nya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD