Episode 6- Barang

2518 Words
“Mga titigan mo din kanina eh, kasama ni Toby yung girlfriend n’ya pero kung titigan mo si Toby parang wala dun si Robina.” sermon ni Four habang nasa daan na sila pauwi. “Ano bang pinag sasabi mo d’yan? hindi ko tinititigan si Toby at ikaw, talagang balak mo pang sabihin na nag kamali ako ng pinikot. Nag-iisip ka ba? ‘Di mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ni Ma’am Robina.” “Mabuti na yung alam nyan kung sino ang kaaway.” Inis na napalingon si Sofie kay Four. “Alam mo kung wala kang pakialam sa damdamin ng ibang tao puwes ako meron.” “Ows! talaga ba? hindi sana tayo kasal ngayon kung may pakialam ka sa damdamin ng ibang tao.” sikmat naman ni Four sa kanya. “Konti nalang iisipin ko na nag seselos ka at na iingit ka lang.” malakas naman tumawa si Four na akala mo e nakakaloko. “Ako mag seselos at maiingit? Puwede ba hindi uso sa akin yun. Kung puwede naman kitang ipa-barang o ipakulam.” “Mongoloid ka talaga.” “Don’t worry it’s a tie.” irap na sagot nito. Gusto pa sanang makipag-away ni Sofie kay Four pero nag ring ang phone nito. Nakita pa nya ang pangalan ni Stefy sa screen pero kinancel lang nito pero muli uli yung mag ring ng ilang beses pa na panay ang cancel ng asawa. “Bakit ayaw mong sagutin ang girlfriend mo?” masama naman ang tingin ang pinukol nito sa kanya. “Wala naman kaso sa akin kung makipag relasyon ka pa rin sa iba.” Halos mag isang linya ang kilay at labi ni Four ng lingunin si Sofie. “Para ano para gawin mo rin. F*ck you! wag mo lang subukan na makipag relasyon sa iba habang kasal ka sakin sinasabi ko sayo. Hindi ka pa man namamatay. Susunugin ko na kaluluwa mo dito sa lupa. Na iintindihan mo ha! Sophia!” napangiwi naman si Sofie, kung makasigaw ito kala mo may isang kilometro ang pagitan nilang dalawa e nasa backseat lang naman sila ng kotse nito habang pauwi sa bahay nila. “Oo! maka mura ka parang ikaw nag papalamon sa akin. Emplayado mo lang ako/ Asawa pero wala ka pa rin karapatan i fu*k you ako.” “O bat na ninigaw ka? Boss mo pa rin ako kahit kasal tayo.” “Sino ba unang sumigaw diba ikaw. Alam mo bang umuugong na tenga ko kakasigaw mo. Daig mo pa kindergarden na nag tatantrums.” “Stop! Ayoko ng makipag-away sayo ma uubos ang positive energy ko.” wika pa nito na kulang nalang supalpalin ng malaking kamay nito ang mukha nya. “Ikaw tong putak ng putak tas ako patitigilin mo.” “Valdez ihinto mo ang kotse baba si Dukesa.” “Po.” alanganin pang tanong ng driver na napakamot ng ulo. “Sira ka ba gabi na at nasa loob na tayo ng subdivision. Wala na akong masasakyan dito” “Di ko problema yun. Pakihinto ang kotse.” Utos pa ni Four. “Sige ibaba mo ako dito. Tatawagan ko si Sir Toby. Im sure tutulungan ako nun.” masama ang tingin ang pinukol ni Four sa kanya. “Valdez.” “Po?” “ideretso mo na ng impiyerno tong sasakyan. Bago pa ako maging mamatay tao.” anggil ni Four saka parang batang tumagilid ng upo para ‘di s’ya makita. Gusto sana matawa si Sofie pero pinigilan na lang n’ya. Kung ‘di lang talaga n’ya kilala si Four iisipin talaga n’ya na nag seselos ito napaka childish ng mga asta nito kapag nakita ito ng magulang tiyak mapapagalitan nanaman ito pero hanggang pagalit lang naman ang parents nito dahil sa tigas ng mukha ni Four kahit mismong magulang nito suko kaya pinababayaan nalang ito sa gusto. Pahiga na lang sana si Sofie ng makitang may pumipihit ng doorknob ng pinto n’ya kaya napatingin bangon s’yang lumapit sa pinto saka na may-awang habang iniintay ang pagkatok. Tama lang talaga na pinalagyan n’ya ng lock sa loob ng kuwarto n’ya dahil wala talaga s’yang tiwala sa mongoloid n’yang asawa. Kanina umaga ibinilin n’ya sa katulong na makikilagyang double lock ang pinto ng kuwarto n’ya sa loob at wagi naman. Akala ata ng Four na ito basta basta nalang ito pupuwedeng papasok sa kuwarto nya. Masyadong mataas ang pangarap. Nang makatiyak na di makakapasok si Four sa loob ng kuwarto nya nakangiti na syang bumalik sa kama. Hindi naman siguro nito gigibain ang pinto para lang makapasok. Inabot nya ang phone para tapusin na nya ang bago n’yang video na i uupload. Halos ilang weeks din syang hindi naka pag upload sa t****k dahil di pa nya na eedit lahat ng ginawa nya. Bago sya natulog naka pag upload na sya ng video. Tiyak bukas pag gising nya lumolobo nanaman ang views at pera iyon para sa kanya. ******* Nag bibihis na si Sofie para pumasok ng makarinig ng katok sa pinto. Na ikinalingon nya, nang una mahina lang ang katok pero later malakas na at sunod sunod pa. Napasimangot na lumapit roon si Sofie saka pinuksan. Hindi na nakalock ang doorknob ibig sabihin talaga ginamitan nanaman ni Four ng masterkey ang pinto nya. “Ano?” paangil na bungad nya ng buksan ang pinto. Kung naka simangot s’ya naka simangot rin ito na galit na itinulak ang pinto n’ya kaya napa atras s’ya ng bahagya ng pumasok ito at tingnan ang likod ng pinto. “Really.” usal nito na itinuturo ang lock na ipinakabit n’ya. “O bakit? may problema ka sa lock ko?” “Anong tingin mo sa akin rarapin ka while your sleeping?” ano ako rapist?” anggil ni Four. “Aba malay ko ba? mabuti ng sigurado kesa —— Hoy!” bulalas ni Sofie na talaga naman ikinagulat nya ng bigla nalang lumapit si Four at hilahin s’ya sa bewang palapit sa katawan nito. Kung di n’ya naiurong ang mukha nya at naituon ang mga kamay sa dibdib ni Four malamang magkalapat na din ang mga nguso nila. “Hindi kita kailangan gahasain dahil kaya kitang kunin sa paraang ikaw mismo ang mag bibigay ng katawan mo sa akin. And beside it’s your obligation to fullfill my needs, alam mo naman siguro yon.” pakiramdam ni Sofie aatakihin na sya sa puso sa sobrang bilis ng t***k ng puso nya lalo na ng mapatingin sa labi ni Four. Na alala nya bigla kung gaano yun kasarap humalik at yung feeling na parang nasa cloud 9 ka habang ito ay nasa pagitan ng hita nya at pinaliligaya ang p******e n’ya. ‘Di na iwasan ni Sofie ang mapapikit para pawiin ang mga mahahalay na eksena na naalala n’ya. Nabigla pa s’ya ng bigla s’yang bitawan ni Four at bahagyang lumayo. “Akala mo siguro closing your eye will make me kiss you. Hahaha! dream on! lasingin mo muna ako bago kita halikan ulit.” anito saka tumalikod na’t umalis. Awang naman ang bibig ni Sofie na napatingin sa pinto. “Ayyy! Grabe…” bulalas ni Sofie habang gusto n’yang makapanakit talaga. Kailangan na siguro nya tigilan ang pag inom ng libre kape sa pantry ng company nila. Lumalakas na ang nerbyos nya, masyadong nag papalpitate ang puso n’ya buti sana kung sa kilog kaso sa galit baka maaga pa s’yang mautas dahil kay Four. ******* Kumunot ang noo ni Four ng matanaw ang taxi na sinakyan ni Sofie. Sa tagal ng service ni Sofie ang taxi since college sobrang familliar na s’ya sa taxi kilala na din n’ya si Mang Eddie ang matandang driver ng taxi pero iba ata ang driver ng taxi na bumaba pa ng driverseat ng lumabas ang asawa nya sa backseat. Napasimangot pa si Four ng makitang nag ngitian pa ang dalawa at nag kawayan na akala mo naman lovers at sweet na sweet. Sarap ipakulam ng dalawa mukhang magka-edad lang ang mga ito at kahit papaano may hitsura din naman ang driver ng taxi. Sabagay lahat naman may hitsura kahit nya popo may hitsura. “Dukesa!” sigaw na tawag nya rito na imbis na si Sofie ang tumingin, ang mga emplayado nya sa paligid ang tumingin na humagikgik pa at nag bulungan na nilingon naman si Sofie yukong-yuko na halatang na hihiya sa ginagawa nanaman nya. “Basher beater ka talaga kapag napasok.” salubong ni four sa asawa. “Goodmorning po sir.” “anong good sa morning may meeting ako by exact 8am pero look where i am.” anito na idinipa ang dalawang mahabang braso habang nag palingon-lingon sa paligid. “Im in the lobby. Alam mo kung bakit?” tanong pa ni Four na bahagyang yumuko para mag pantay ang mukha nilang dalawa. Aatras sana si Sofie ng hawakan sya ni Four sa manggas ng damit para pigilan s’ya sa pag layo. “Leo said na sa’yo daw ang USB na gagamitin for the presentation ngayon.” awang ang labi na natuptop pa ni Sofie ang bibig na napatingin kay Four sabay halungkat sa bag. “Galing diba! magaling dukesa the best ka talaga.” nang uuyam na usal ni Four habang pinapanood ang asawa na natataranta sa pag hahanap ng USB sa loob ng bag nito. “Ano ba kasing bag yan basurahan?” na inabot pa ang isang plastic ng candy na nalaglag sa sahig. Napapatingin na sa kanila ang mga empleyado na nag papasukan dahil talagang nasa gitna pa sila ng lobby naka harang kaya naman hinawakan nya sa balikat si Sofie at hinila ito sa gilid na parang wala sa wisyo dahil busy sa pag hahanap ng USB. “Ano na asa———- Aw! f*ck!” bulalas ni Four na yuyuko sana para tingnan ang loob ng bag ng asawa ng bigla itong tumunghay hawak ang USB pero agad din napayuko sapo ang bunbunan na napa-upo pa sa harapan nya. ‘Di napigilan ni Sofie ang bahagyang maluha sa sobrang sakit ng pag kakatama ng nguso ni Four sa bunbunan nya. “Ms. Sofie, ayos lang po ba kayo?” nag mamadaling lumapit ang dalawang taga reception sa kanila ni Four. Sapo ni Four ang bibig na napayuko napating kay Sofie na nakayuko na sapo ang ulo. “Dukesa.” tawag ni Four sa asawa. Agad na bahagyang lumuhod si Four. Gamit ang kamay na libre hinawakan nya ang ulo si Sofie. “Alin masakit? patingin?” “Nabutas ata bunbunan ko.” ani Sofie na nag angat ng ulo. “Naku sir Four. Nag dudugo po ata ang bibig nyo.” bulalas ng isang receptionist na npatinging kay four na sapo pa rin ang bibig. Nag mamadali naman na kinuha ni Sofie ang panyo sa bag saka basta nalang hinila ang kamay ni Four at kulang nalang i sungalngal ni Sofie ang panyo sa bibig ni Four na napapikit naman. Saka inis na inalis ang kamay ni Sofie na nakahawak sa panyo. “Kung galit ka bakit di mo na lang ako suntukin.” anito habang may takip na panyo sa bibig sabay hablot na din ng USB sa kamay ni Sofie at tumalikod na. Mabilis naman humabol si Sofie sa amo/asawa. Pag pasok nila sa elevator saktong puno naman na lalabas na sana ang mga empleyado ng pumasok sila dahil number 1 rules ni Four. 2-5 employees lang ang puwedeng sumabay rito kapag sakay ito ng elevator. Ayaw kasi nito ng masikip. Ngayon wala itong pinalabas dahil silang dalawa ang nasa unahan katabi ng pinto. Kaya halos mag siksikan papalikod ang mga empleyado para wag lang masikipan ang amo nilang may taglay na ka artehan kapag minsan. “Yuko.” utos pa nito sa kanya na di na sya inintay yumuko agad syang hinila nito sa buhok na ikinangiwi nya. “May bukol ka maliit naman malayo sa bituka.” anito ng makita ang bunbunan nya. Sinilip din ni Four ang panyo na nakatakip sa labi. “Am i still bleeding?” tanong naman nito sa kanya. “Hindi na, medyo meron ka lang maliit na ka cut sa upper lips mo.” wala sa loob na itinuro pa ni Sofie ang sugat ni Four sa labi gamit ang daliri nya na lumapat sa labi nito. “Para po talaga kayong mag kapatid ni Sir. Ang sweet nyo po Ms. Sofie.” wika ng isang emplaydo na sabay nilang ikalingon ni Four. Na sinang ayunan naman ng ibang empleyado pero ang ikinagulat ni Sofie na di inaasahan na gagawin ni four pag lingon nya rito bigla itong yumuko at hinalikan sya sa labi mabilis lang iyon parang wala pang 5 seconds. Napasinghap ang lahat na tuptop pa ang mga kanya kanyang labi na nakatingin sa kanila. “Mukha pa rin ba kaming mag kapatid.” sabay sabay na nag-ilingan ang mga ito na shock pa rin ang naka rehistro sa mukha. “Good! because sibling’s doesn’t kissed in the lips.”ani Four sabay bukas ng pinto n elevator at lumabas ang ilang empleyado na shock pa rin. Kahit naman si Sofie talagang natameme ng husto. Idagdag pa ang bilis ng t***k ng puso nya. “Bawasan mo ang pag inom inom ng kape imbis na kiligin ka mukhang ninerbyosin ka na. Halik pa lang sinasama kana.” pabulong na wika ni Four na she’s doubt it kung di iyon rinig sa likuran nila na may ilang empleyado pa silang kasama. “Hindi dahil sa kape ako ninerbyos. kinakabahan ako kasi baka puno ng bacteria yang nguso mo mahawahan mo pa ako ng sama ng ugali mo.” ani Sofie na ginamit ang cellphone para masabi iyon kay Four dahil kahit naman buwisit sya rito, mataas pa rin naman ang respeto nya rito bilang amo kaya dinaan nalang n’ya sa text kesa marinig ng kapwa nya empleyado ang iringan nila ni Four. Tumunog naman ang alert tone ni Four na dinukot ang bulsa para tingnan ang phone sabay lingon sa kanya. “I love you too.” sagot nitong lantaran kaya parang spring na nilingon nya ang mga kasam nila sa elevator. “hahaha! nalipasan lang po ng gutom ang boss natin. Joke lang po yun sinabi nya.” wika ni Sofie na di nya alam kung bakit nag eexplain ba sya. “Sinagot ko lang ang text mo. Anong joke dun?” wika pa ni Four. Napapikit na lang naman si Sofie na sinapo ng isang kamay ang mukha dahil sa hija. “Goodluck po Ms.Sofie.” paalam pa ng mga emplaydo na nag baba ng elevator. Kaya ng sila nalang ang natira di na napigilan ni Sofie ang inis at pinaulanan nya ng suntok at palo sa braso at likod si Four na tatawa tawa lang kahit inis na inis na sya. “Kampon ka talaga ng masasamang elemento. Buwisit ka wala kang ginawang matino. Kelan ka ba kukunin ng tropa pa. Buwisit ka.” “Isasama naman kita kapag kinaon ako, hindi masaya kung ako lang ang sasama.” ngisi ni Four. “For better or for worse diba nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD