Kanina pa naka upo si Sofie sa tabi ni Four habang busy sa pag tipa sa keyboard ng laptop para mag take down ng minutes ng meeting ni Four ng bigla magulat dahil ang walanghiyang si Four bigla nalang lumapat ang kamay sa hita nyanat bahagya pang pumisil kaya ang ending nagulat sya at natabig nya ang bote ng tubig sa tabi nya dahilan para tumaob iyon mismo sa laptop nya.
Nahinto tuloy ang managing director na nag sasalita sa unahan dahil ang lakas pa ng pag mumura nya at sa kanya na nakatingin ang lahat. Napangiwi na agad nyang binuhat ang laptop nya para wag tuluyan mabasa. Hindi pala nya naisarado ng mabuti ang bote ng tubig nya.
“Sorry po sorry.” di mag kandamayaw na pag hingi nya ng pasensya at nag excuse muna sandali saka nag mamadaling gumilid para kunin sa bag ang tissue saka nag mamadaling pinunasan ang laptop nya. Nag patuloy naman ang meeting kaya inilabas na lang nya ang cellphone nya para mag audio record nalang muna habang inaayos nya ang laptop nya.
Sandaling napatingin sya kay Four ng lumingon ito. Ngumisi ito sabay kindat kung puwede lang sana itong lapitan, ihahampas nya rito ang laptop nya ng makita nito ang sandamakmak na star sa universe. Ano naman kaya pumasok sa isip nito ay bigla nalang syang hinipuan sa hita.
Nakailangan na siguro nyang mag request ng bagong skirt sa HR para humaba haba ang skirt nya pakiramdam nya umiksi ang palda nya. Tumataba ata sya. 2 months lang syang di nakapag suot ng uniform pakiramdam nya sumikip iyon. Straight cut na black and red pa naman ang yari kaya pakiramdam talaga nya sumikip.
Mamaya talaga mag rerequest na sya ng XL na size. Kailangan na din nya mag-isip ng paraan para itago ang pinag bubuntis nya kay Four. Buti na lang din talaga hindi s’ya nakakaranas ng mga tinatawag na morning sickness. Mabait pa rin sa kanya ang langit kahit binigyan s’ya ng asawa na masakit sa mata.
“ahh s**t sakit ng katawan ko parang kailangan ko ng mag pahinga.” wika ni Four na minasahe pa ang leeg habang inaayos naman nya ang mga gamit nila sa mesa. Napalingon naman sya sa mga kapwa nya mga assistant na nag paalam na uuna na after matapos ang meeting. Nilingon naman nya ang amo na bahagya pang nakapikit na minamasahe na ang balikat. Pag dilat nito napatingin sa kanya sabay ngiti. Tiyak may laman nanaman kawalanghiyaan ang isip nito.
“pero parang mas kailangan kita.” wika nito sinasabi na e, hindi talaga matatapos ang isang araw na wala itong pasabog. 33 na ito pero kung kumilos parang disesyete anyos lang parang hindi presidente ng kumpanya.
“Di mo ba itatanong sa akin kung bakit masakit ang katawan ko?” tanong na ni Four habang palabas naman na sila ng conference at patungo na sa elevator.
“Save it sir! ipunin nyo nalang ang energy nyo dahil by 2pm meron ulit kayong meeting with the engineers.” pero parang di naman sya narinig ng amo na tuloy sa pag masahe ng balikat.
“Ang layo kasi ng jinogging ko kanina, umabot ako hanggng puso mo.” hirti pa ni Four na ikinatarak na ng mata ni Sofie. Kanina hindi sya nakakaramdam ng pag suka ngayon parang gusto nyang masuka sa ka cornyhan ng engkanto na ito.
“Ano kinikilig ka ba?” ngisi pa ni Four na tinapik tapik sya sa likod.
“Yung totoo, wala ka ba talagang history ng tipus nung bata ka para kasing lumalala na ang atake mo.” tumawa naman si Four na nagpalingon lingon sa paligid.
“I will allowed you to talk back dahil wala naman tao sa paligid pero kapag yang bibig mo may lumabas nanaman ganyang salita. Lalamukusin ko yan next time.” banta nito.
“Lalamukusin ng ano? Nang halik? Asa ka!” taas kilay sagot naman ni Sofee na binilisan na ang pag lakad.
“Grabe din ang kapal ng apog mo ano?” ani Four ng sakay na sila ng elevator. Sinimangutan naman ni Sofie si Four na sa harapan pa nya pumuwesto ng tayo kaya bahagya syang nakatingala rito.
“Hoy! ano nanaman binabalak mo.” inis na anggil ni Sofie na mabilis na itinuon ang kamay sa dibdib nito para tigilan ang pag lapit sa kanya ng mapasandal na sya sa dingding ng elevator.
“Wala, ipinakikita ko lang sayo na kahit ganito kalapit ang mukha natin sa isa’t isa.” sinadya pa ni Four na bitinin ang salita at tinitigan ang labi nya saka ngumisi.
“Wala akong balak lamukusin ng halik ang labi mo. I rather kiss a man kesa makipag halikan sayo.” wika ni Four sabay alis sa harapan nya.
“Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sayo Sir Four. E samantalang kulang nalang pati ilong ko isubo mo noong hinahalikan mo ako.
“Hahaha! Ginawa ko ba yun wala akong maalala. May alak kasi ako sa katawan nun kaya medyo wild talaga ako pero di ko maalala ginawa ko yun baka naman binabaliktad mo lang ako.”
“Sa laki ng ilong mo tingin mo maisusubo ko yan kasama ng labi mo.” gusto naman humagalpak ng tawa si Four na sinalat ang matangos na ilong. Para kasing ang pangit ng dating ng pagkakasabi nitong malaking ilong. Asset kaya nya ang ilong nya na pointed nose.
“Alam mo na iintindiha ko naman na mahirap talagang lunukin ang Pride.” natatawang wika ni Four.
“excuse me.” inis ng tugon ni Sofie.
“mahirap lunukin ang pride lalo na kung sabon.” ani Four na mabilis na lumabas ng elevator ng bumukas na iyon at humanda na si Sofie na sipain sya sa binti na madalas nitong gawin kapag pikon na. Professional ang treatment nito sa kanya kapag meron kapwa empleyado sa paligid pero kapag silang dalawa lang lumalabas ang pagiging terorista nito.
Kanina ewan ba nya di nya napigilan na landiin ito. Masyado kasing focus na focus sa trabaho, di manlang kumukurap habang nakatingin sa laptop. Sakto naman napatingin sya sa hita nitong mabilog at napaka puti. Di n’ya napigilan ang kamay na hawakan at pisilin iyon. Muntik pa syang matawa sa naging reaction nito na parang dumikit sa high voltage na kuryente. Epic talaga ang reaction nito kanina, pigil na pigil nya ang pag tawa. Halos patayin na rin sya nito sa titig.
He really love teasing her, ang init lagi ng dugo nito sa kanya akala mo e dragon na bumuga ng apoy, Samantalang kay Toby akala mo e dalagang pilipina. Ang tipid nitong ngumiti, kapag makikipag usap akala mo e bumubulong lang. Kaya naman talagang gulat na gulat sya ng planuhin nitong pikutin ang kapatid nya.
Kahit yata lasingin pa nito si Toby malabong patusin ito ng kapatid nya dahil nga para lang itong manikang dapat itago at idisplay. Masyado kasing pa bebe, may landi rin palang tinatago.
Papasok na sana sya sa office nya ng mag ring ang phone nya, ang mama nya ang caller.
“Hello po. Si sofie opo, She’s with me. Sige po sasabihin ko… oh! Ma, kayo na lang po tumawag. opo. Okay po bye.” ani Four sabay lingon kay Sofie na masama pa rin ang tingin sa kanya pero di maka pengol dahil nakatingin sa kanila si Leonard.
“May kailangan po ba kayo sir?” tanong pa ni Leonard.
“Nothing, don’t mind me.” sagot ni Four nun naman tumunog ang cellphone ni Sofie na masama nanaman ang tingin sa kanya, saka sinagot ang tawag galing sa mama nya.
“Opo, yes po maam. Meron po by 2pm po with the engineers. Ahhhh! May packed lunch po kasi ako ma’am. Ganun po ba sige po ma’am sabihin ko po kay sir Four. Yes po! sige po babye po.” aniya sabay off ng phone.
“Thea’s grilled beef 12 sharp. Lunch po with your family sir.” ani Sofie.
“Then be ready by 12.”
“May pack lunch ako sir, 500 po kasi ito.” ani Sofie na itinaas ang lunch bag na kinuha nya sa gilid ng table nya at pinakita sa animal na asawa.
“Binaon ko yung natira kong breakfast kanina baka kasi maubos ang sweldo ko——“
“Hello ma! Sofie———
“Hay! retarded ka talaga.” bulalas ni Sofie na mabilis na nakatayo at inagaw ang phone ni Four at nag mamadaling pinatay iyon ng tawagan ni four ang mama nito. Natawa naman si Four na binawa ang phone sa kanya.
“Don’t mess up with me. Dukesa you know me better than anyone.” ngisi nito na ipinalo pa sa ulo nya ang cellphone nito saka pumasok sa office nito.
“Anong meron sa inyo ni Sir Four.” takang tanong ni Leonard.
“Bakit may bago ba?” patay malisya na kunwaring irap pa ni Sofie.
“Parang may something kasi di ko lang alam kung ano. I know naman noon pa na positive negative kayo ni Sir pero ngayon parang iba, para na kayong algebra. Ang hirap bigyan ng solution.” biro pa nito na tinawanan nalang ni Sofie.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
“Bumalik ka na pala agad sa trabaho Hija.” wika ng ina ni Four na si Maam Venus.
“sabi ko nga po sa kanya wag na syang mag work ma’ sa bahay na lang sya pero ayaw naman nya.” sagot naman ni four na parang gustong taasan ng kilay ni Sofie. Iniintay lang nila ang inorder nilang lunch. Hindi naman magawa ni Sofie na mag salita against Four dahil kasama nila sa lunch pati pala parents nya na hindi rin kumikibo. Halatang galit ang mga ito at napipilitan lang na pakisamahan ang mga amo dahil sa kanya.
“Wala din naman gagawin si Sofie sa bahay mo Four kaya hayaan mo nalang syang mag trabaho para makatulong din sayo.” wika ni Gino na ama nya.
“Ah! Iyon nga din po sabi ni Sofie kaya pinayagan ko na po habang hindi pa naman sya buntis. Saka ko nalang po sya patitigilin sa bahay kapag mag kaka baby na kami para di naman sya ma bored sa bahay diba Dukesa.” baling pa ni Four sa kanya na inabot pa ang kamay nya sa ibabaw ng table. Alanganin naman syang ngumiti nalang at uminom ng tubig saka pasimpleng binawi ang kamay at kunwari mag papahid ng tissue sa labi.
“Hay! palitan mo na yang endearment mo kay Sofie. Ang dami daming magandang endearment bata palang kayo yan na tawag mo kay Sofie. Ang ganda ganda ng asawa mo ang awkward ng tawagan nyo.” sita pa ni Venus.
“Ayoko ma’ saka ayoko din ng may kagaya saka bagay naman sa asawa ko ang dukesa diba.” ani four sabay pisil sa pisngi nya. Halatang pinag lalaruan sya ni Four dahil di sya makakibo dahil sa parents nya.
“Okay lang po sanay na rin naman po ako ma’am.”
“Ano ma’am. You should learn to call me mom, mommy mama. Your already my son’s wife hija.” wika pa ni venus.
“That’s correct hija at naka hanap na ang mama venus mo ng wedding planner na mag oorganize ng kasal nyo. Kaya were planning to introduce you sa buong Villamayor clan at sa mga empleyado na your part of our family.” turan naman ni Rolly na ama ni Four.
“ahm sir.. i mean Pa,” na hihiya pang usal ni Sofie.
“Nag- usap po kasi kami ni Four na wag na po muna nya akong ipakilala na asawa nya sa lahat. Kapag nakasal nalang po kami sa simabahan saka nyo nalang po ako ipakilala sa lahat kung puwede lang po sana.” nahihiyang pakiusap ni Sofie. Matagal na hindi nakasagot ang mga kaharap.
“Pero hija, isa ka ng Villamayor simula ng ikasal ka kay Four.” wika ni Rolly.
“Pa, hayaan na lang po muna natin si Sofie. Biglaan din naman ang kasal namin. Hayaan nyo nalang po muna kaming mag adjust. Pumayag na din naman po ako sa gusto ng asawa ko.”
“Sana hindi sya humiga sa kama mo kung hindi pa rin naman pala sya handang mag-asawa.” malamig na tugon ni Gino ang papa nya. Walang makapag salita kahit isa sa kanila save by the bell naman dumating ang grilled stake na inorder nila. Tahimik silang kumain ng lunch.
Kapansin pansin ang pag iintindi sa kanya ni Four na akala mo naman ay napakabuting asawa. Kung di lang nya ito kilala. Kikiligin sya sa mga gesture nito.
“Wag mo akong masyadong titigan, Let me just remind you nasa ground floor lang tayo ng isang hotel. Anytime puwede akong mag check in kasama ka. Baka ikaw ang kainin ko kapag di ka tumigil sa pag titig sa akin.” Bulong ni Four na pinag kagayat pa sya ng stake nya.
“Kalmahan mo lang sa pag papanggap baka ma stroke ka sa galing mong umarte.” ganting bulong nya sabay kunwaring ngumiti at nag thank you rito.
“Sino naman hudas ang nag bulong sayo na umaarte ako. Normal ko to, kaya wag ka ma fafall baka mabuntis ka sa kin.” ngisi nito sabay kindat nanaman.
Napapikit naman si Sofie. Pakiramdam nya di na sya aabutin ng birthday nya sa susunod na buwan sa mga banat ni four. Sino pa bang santo ang di nya na tatawag para hingian ng tulong para iligtas sya sa mga galamay ng asawa.
kailangan na ba nyang hingian ng tulong ang kamag anak nitong si Lucifer para lang makaligtas sa pang bubuwisit ng nilalang na ito.
Utang na loob konti haba pa po ng pasensya. bulong nalang ni Sofie.