"Okay ka lang?" tanong ni Four habang nag-aalmusal sila, maagang umalis ang parents n'ya at 'di na nag paalam sa kanila nag sabi na lang sa mga katulong na umuwi na ang mga ito. "Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa isang mongoliod na kasama ko kagabi." inis na wika ni Sofie habang pilit na kinakain ang breakfast na nakahain. Paano kagabi imbis na matulog na sila nag kakanta pa ito ng kung ano-ano kaya 'di na s'ya makagawa ng tulog. Okay lang sana kung mga tipong old song or opm ang kinakanta nito kaso puro tagalog na nursery rhyme tulad ng leron leron sinta, bahay kubo, ako ay my lobo at sitsiritsit alibangbang. Mga kanta na kahit s'ya ay 'di na n'ya tanda ang lyrics pero si Four saulado pa talaga. Kung puwede lang na mag walk out kagabi nag walk out na s'ya sa sobrang kakulit