Inabot ni Sofie si Four sa sala pero bago n'ya ito mapaulanan ng palo nahuli nito ang dalawang kamay nya at naihiga sa sofa, sinubukan ni Sofie na makawala rito pero mabilis na sumaklang sa ibabaw n'ya si Four na medyo kinabahan s'ya dahil baka bigla nitong maisipan na maupo sa ibabaw ng puson n'ya kawawa naman ang baby n'ya maiipit ng malaking ama. "Ma'am, Sir nandito na po ang mga bisita." alanganin na wika ni Amor, sabay na napalingon si Four at Sofie nag mamadali naman na bumangon si Four saka s'ya inalalayan na makabangon. "Magandang gabi po ma' pa'" bati ni Four na nag yuko ng ulo saka lumapit sa parents n'ya sabay mano habang s'ya ay alanganin na tumingin sa parents n'ya. Sapol ng pikutin n'ya si Four hindi na sila bumalik ng parents n'ya sa dati lagi ng tahimik ang mga ito na pa