"Anong sinasabi ni Toby? Anong pinag-usapan n'yo kanina sa rooftop." tanong ni Four ng sakay na ulit sila ng elevator pero hindi pinapansin ni Sofie si Four. Nagkatingnan pa silang dalawa ng lumingon ito bigla, bumukas ang labi nito halatang sisigawan nanaman s'ya pero nabitin iyon ng makita n'yang nakatingin ito sa labi n'ya. Mabilis na umangat ang kamay n'ya para takpan ang labi saka ito binigyan ng masamang tingin. "Naka tiger look ka nanaman sarap talagang dukutin ang eyeballs mo." wika ni Four na iiling-iling. "Ang sakit ng labi ko alam mo ba yun, kung galit ka kay Ma'am Stefy wag mo sa aking ibunton. Subukan mo ulit ulitin ang ginawa mo kanina tanggal sa akin ang dila mo." banta pa ni Sofie. "Ikaw ang kabahan dahil oras na mahuli ulit kitang kasama si Toby at kayong dalawa lang la