Episode 3- Fullmoon

2893 Words
“Sarap ba ng tulog ng mahal namin dukesa?” nabitin sa ere ang pag inat at pag hikab ni Sofie dahil sa biglang pag bukas ng pinto ng kuwarto nya. Saka napatingin sa doorknob ng pinto kung saan naka kabit pa ang maraming susi. “Ano ba naman Four.” inis na bulalas ni Sofie na hinila ang isang unan para itakip sa dibdib n’yang naka expose ang kanyang bumbilya dahil sanay syang natutulog na walang suot na bra. “What parang ang layo ko makasigaw ka?” anito na humakbang na papasok sa loob ng kuwarto nya. May sarili syang kuwarto sa bahay ni Four na inilaan pala sadya sa kanya ni Four akala talaga nya sa iisang pugad sila mag sasama according to Four. Kaya naman nagulat pa sya ng makita ang sarili daw nyang kuwarto. Na banatan pa tuloy sya ni Four na assumera. Wala daw itong balak na makipag share ng pugad sa kanya dahil hindi daw nito ugali na umulit ng babae kapag natikman na nito. Nagkataon lang daw na nahuli sila ng parents nito kaya napilitan syang pakasalan pero kung may choice lang daw sana ito at kung di ito aalisan ng mana nunka daw na pakasalan sya nito. ‘Di pa daw ito sawa sa pagiging binata kaya itatak daw nya sa kokote nya na mag kasama lang sila sa iisang bubong at kasal sa papel pero hindi ibig sabihin nun aarte daw sya na mag-asawa na sila. Nang mag sabog yata ang demonyo ng kasamaan ng ugali mukhang nag tampisaw pa ito sa pag salo. Sinahod na yata nito ng open arms ang lahat nag kasamaan na ibinigay ng kalahi nito. Mahigpit na bilin nito wala daw dapat mabago sa relasyon nila lalo pa’t nasa kumpanya na daw sila. Ito pa rin daw ang boss at assistant lang daw sya kaya ayusin daw nya lahat ng lalabas sa bibig nya. “Get up! Anong akala mo next month ka pa babalik sa trabaho? i need you now in my office.” wika nito. Napalingon si Sofie sa maliit na alarm clock sa gilid ng kama. 6:15 am palang 8am pa ang start ng working hour. Tingin naman nya hindi sya aabutin ng 1 oras sa biyahe pag pasok mula sa bahay ni Four at mas mapapadali pa siguro sya ng pasok kung isasabay sya nito. Pero kelan ba sya nito isinabay pag pasok at pag-uwi? Alam naman sa buong company na sa iisang bahay lang sila nakatira ni Four dahil kilala ng karamihan ang parents nya na tauhan naman ng ina at ama ni Four na parehas na nag mamanage naman ng malaking corporation ng mga ito ang King’s Tower Palace corporation. Napaka hands on pa rin ng parents ni Four sa mga negosyo ng mga ito kaya lagi na nanalo sa business world ang parents nito kapag meron mga event. Madalas couple of the years ang mga ito dahil na rin sa nakikitang dedikasyon ng mag asawa na magkatulong na pamunuan ang isang malaking corporation. Kaya di nakakapagtaka kung bakit lumobo na ang asset at liabilities ng mga ito at mas lalo pang yumaman. Kaya naman maselan ang mga ito sa pag pili ng babae na ipakakasal sa anak ng mga ito. Hindi daw puwede na basta babae nalang wala nalang nagawa ang mga ito ng ipakasal sa kanya si Four dahil mahihirapan ang mag asawa kapag ang mama at papa nya ang umalis mga ito. “30 minutes fix your self. Iintayin kita sa baba.” wika pa nito na tatalikod na sana ng lumingon ito ulit pabalik. “What?” inis na usal nya, iba nanaman kasi ang ngiti nito ng lumingon sa kanya. Basta ganito ang mga ngitian nito sure ng may kawalanghiyaan na lalabas sa bibig nito. Inayos nya ang pag kakayakap sa unan habang masama ang tingin rito. Kapag wala lang sila sa opisina saka palang nya nasasabi at nagagawa ang gusto n’yang gawin sa engkanto na to. “Fullmoon ba ngayon?” tanong nito na ikinakunot ng noo n’ya. “Malay ko bakit mo sa akin itatanong.” “E kasi parang lumaki ang kutsinta mo.” mabilis na hinablot ni Sofie ang isa pang unan at binato kay Four na sinalo lang nito. “Bakit ba? masama bang punahin e sa napansin ko saka infairness ang cute ng n*****s mo.” nang ang alarm clock na nya ang nadampot ni Sofie mabilis pa sa alas kuwatro na nakatakbo palabas si Four bago pa man nya maibato ang gamit. Inis at nag mamadaling bumaba ng kama si Sofie at nag hanap ng puwedeng iharang sa pinto. “Hoy! Dukesa wag kang mag inarte dyan kala mo naman e may maitatago ka pa sa akin.” sigaw ni Four sa labas ng pinto. “Inday!” katok pa nito. “Tigilan mo nga ako.” gigil na sigaw nya saka pumasok na ng banyo para di na nya marinig pa ang pang bubuwisit ni Four agang aga. ***** “Asan po ang Tikbalang na mestiso?” tanong ni sofie ng pumasok komedor. “Sino pong tikbalang Maam.” napangiwi naman si Sofie. Oo nga pala napakamot nalang sya ng ulo na naupo saka kumuha ng sinangag na kanin, bacon itlog at ang favorite nyang beef tapa. “Ahm, maam pinasasabi po ni Sir 550 daw po ang breakfast meal nyo ngayon umaga.” nahihiya pang wika ni Amor na lumapit at ibinaba nito sa tabi nya ang isang baso ng gatas. Muntik ng maibuga ni Sofie ang nginunguya sa sinabi nito. “Pasensya na po maam napag-utusan lang po akong sabihin sa inyo bago po sya umalis.” inis na napatingin sya sa mga nasa mesa. “Nakakain na po ba kayo?” tanong nya sa dalawang katulong na naroon. “Opo maam kanina kasabay po namin si Sir.” gustong tumaas ang kilay ni Sofie sa narinig. Si Four sumabay sa pag kain sa mga katulong. “Dito kayo sa mesa kumain kasama nya.” “Opo maam. Ayaw nga po sana namin ni Magielyn kaso pinilit po kami ni Sir.” “Anong nakain nya? Anong nangyari bakit parang ibang tao sya.” wala sa sarili na tanong nya sa sarili. “Puwede po bang ibalot ko yung matitira kong mga ulam. Ang mahal po kasi 550 baka po wala na ako swelduhin.” napangiti naman ang dalawang katulong. “Baka po binibiro lang kayo ni Sir.” “Naku mabiro po talaga si Four pero lahat po ng biro nun totoo kaya ihanda nyo po palagi ang puso’t kaluluwa nyo baka di nyo kayanin.” usal nalang nya saka pinag patuloy na ang pag kain. Saktong 7am dumating naman ang taxi na tiwanawagan nya na madalas nyang sakyan. kilala na nya si Mang Eddie. Nasa college palang sya ng makilala nya ang matandang taxi driver. Tatay ito ng isang classmate nya noong high school. Muntik na syang mapahamak sa isang taxi driver noon buti nalang tinulungan sya ng matanda kaya nakaligtas sya sa manyak na taxi driver. Hindi na nya sinabi sa parents nya noon dahil natatakot syang mag- alala ang mga ito. Kaya mula noon basta kaya ng budget nya si Mang eddie na ang tinatawag nya kapag papasok sya sa school at ngayon sa company. “Goodmorning po Mang Ed.” bati nya sa matanda ng pumasok na sya sa loob ng taxi. “Magandang umaga naman sayo Nene, Lumipat ka na ng bahay?” tanong pa nito na bahagyang sinilip ang malaking bahay na nilabasan nya. “Ah, opo bumukod na po kasi ng bahay ang amo ko. Kaya po kasama akong napalipat.” “Ganun ba? long time no see parang ang tagal mong nawala nene.” tanong pa nito ng nabiyahe na sila. “Ah ano po kasi napa lipat po ako sa malayong branch ng company namin. Ngayon lang po ako naka balik.” “Ganun ba, buti malapit lapit itong bahay nyo sa lugar namin hindi out of way papunta sa trabaho mo.” “Oo nga po eh.” “Asan ang boss mo? dapat sumabay ka na para makatipid ka sa pamasahe.” “Naku sa damot po nun baka nga po singilan pa ako nun ng mahal na service fare ala. Mahihiya ang grab sa amo ko.” napatawa naman si Mang Ed. Alam na alam nito ang sigalot sa pagitan nila ng amo nya. Kapag ma bubuwisit kasi sya kay Four dito nya na sasabi lahat ng init ng ulo nya sa amo. “Di kaya tama ang hinala ko na may gusto talaga sayo ang amo mo at nag papansin lang sya sayo.” “Hahaha! lilindol po ng magnitude 10 sa pilipinas kung tama ang hinala nyo.” iling ni Sofie. “Wala ka talagang katiwatiwala sa sarili mong bata ka.” “Naku Mang Ed kung tiwala lang po marami po ako nun sa katawan ko pero kay Sir Tobias Eaton A.K.A Four. nakaka baba ng self confidence ang nilalang na yun.” iling ni Sofie natawa nalang naman ang matanda. 5 minutes bago mag 8am dumating si Sofie sa company at nakapag time in. Agad naman syang binati ng ilang emplaydo na kabiruan nya ng makita sya after 2 months nyang pag kawala. “Oi! long time no see. Saan ka nag suot tagal mong nag leave.” tuwang bati sa kanya ni Cherry na taga Accounting department. “May pina-ayos lang sa akin sila Maam Tabitha sa Quezon City Branch kaya biglaan akong nawala.” pag sisinungalin nya rito. “Nasa Quezon City ka lang pala akala namin itinapon ka na ni Sir Four sa Pluto.” tawa pa nito. “Mas okay nga sana na itinapon nalang ako sa Pluto baka sakaling tahimik pa ang mundo ko doon.” nakasimangot na sagot nya. “Binolock mo ba si Orlando?” biglang tanong nito. Kumunot naman ang noo nya na umiling. “Sabi ni nya ilang beses ka daw nyang tinatawagan pero hindi ka daw nya macontact. Akala nya galit ka sa kanya kaya mo sya binolock.” natawa naman si Sofie. 2 weeks din silang mag boyfriend at Girlfriend ni Orlando noon. Pumayag lang naman sya makipag boyfriend dito noon dahil gusto nyang pag selosin si Toby pero walang effect. Kaya nakipag break na sya kay Orlando blessing in disguise naman na nahuli nya itong may kahalikan sa fire exit. Iyon na lang ang ginamit nyang dahilan para madaling makipag break dito noon. Nag kunwari pa syang na saktan para mag mukhang makatotohanan. Putok na putok ang balita sa break up nila ni Orlando. And the next thing happen nalaman nyang sinapak ito ni Four sa parking na naging usap usapan sa buong company. Sa kung anong dahilan walang makapag sabi tanging sinabi lang ni Orlando noon e na gasgasan daw nito ang kotse ng amo kaya nagalit at sinapak ito. Bagay na parang ayaw nyang paniwalaan, Dahil kilala nya si Four. Oo, masama ito sa kanyang paningin at mayabang pero hindi pito mapanakit na tao. Never pa nya itong nabalitaan na nanapak ng tao. Si Toby ilang beses ng napatawag sa guidance noon dahil na papaaway ito minsa. May pag ka super hero naman kasi si Toby. Ayaw na ayaw nitong meron na aapi na kapwa nito lalo nat walang kakayanan na ipagtanggol ang mga na aapi ang kanilang sarili. Kaya always to the rescue si Toby. Habang si Four naman e taga palakpak lang ng kakambal nito noon kapag nakikipag away ang kapatid ni hindi ito umaawat. Bakit nya alam? Lagi kasing viral ang kambal noon sa social media kapag nakikipag away ang mga ito. Nasa elementary palang sya noon nasa college naman ang dalawa. Kaya kung ano dahilan ni Four sa pag sapak kay Orlando walang nakakaalam ng totoo. “Hindi ko naman sya binilock hindi naman ako bitter para gawin yun.” aniya na dinukot ang phone para i check kung meron nga bang tawag sa kanya si Orlando. “Dukesa.” nagulantang ang buong lobby area sa lakas ng boses ni Four sa speaker. Nabitawan din ni Sofie ang phone sa gulat. “Grabe naman si Sir. Aatakihin ako sa puso.” sapo pa ni Cherry ang dibdib. “Na miss ka ata ni Sir Four.” natatawang baling rin sa kanya ng iba pang empleyado na nag aabang ng pag bukas ng elevator. “Sira ulo talaga kulang talaga ang tikbalang na yan sa aruga.” inis na wika ni Sofie na sumakay na sila sa elevator. “Dukesa! Ano na nasaan ka na? Anong akala mo sa sarili mo amo? Aba magaling! Mag palit na tayo ikaw na ang amo ako na lang ang assistant mo.” linyahan pa ni Four sa speaker na meron din sa loob ng elevator kaya natatawa nalang ang mga sakay ng elevator na napapatingin sa kanya. Nasapo nalang nya ang mukha. “Baka di mo kaya ang talent fee ko. Mas na una pa akong dumating sayo sa office. Ibang klase ka rin talaga. Saan ka ba nakatira sa Saturn?” “Dukesa! Dukesa! Dukesaaaaaaaaaa.” “Ang cute ni Sir. Miss na miss ka siguro. Ang childish eh.” “Retarded kasi sya kulang sa buwan.” “Alam mo kung di lang namin alam na in love pa rin si Sir Four kay Ms. Stefy. Iisipin namin na bet ka ni Sir Four.” wika ng isang empleyado na sinang ayunan naman ng iba. Si Stefy Folencio ay dating nobya ni Four since college days. Sa company rin ito nag wowork nilang Finance Director pero 1 year na itong wala since umalis ito patungong New York para di umanoy ayusin ang branch ng company nila roon. May pumutok pang balita na buntis daw si Stefy kaya ito umalis at si Four daw ang ama pero ayaw daw panagutan ni Four kaya balak ni Stefy na ipatanggal ang bata. Naging mainit na awayan iyon noon sa loob ng mansion ng mga Villamayor dahil pilit na sinasabi ni Four na hindi daw nito girlfriend si Stefy kaya paano daw mabubuntis si Stefy at ito ang ama. Na di naman pinaniwalaan ng parents ng mga ito dahil laging ang dalawang ito ang laging magkasama noon hanggang sa ma appoint na ang mga ito na imanage ang isang company branch. Still ang dalawa pa rin ang mag kasama kaya sino ang di mag iisip na walang relasyon ang mga ito. Kahit sya hindj na niniwala na walang relasyon ang dalawa. Saksi kaya sya sa landian ng dalawa sa office madalas pang nag kukulong ang dalawa sa office kaya buwisit na buwisit talaga sya madalas kapag nag kukulong ang mga ito sa loob. Sirang sira kasi ang buong schedule ng amo basta mag kasama ang dalawa. Sila ni Leonard ang umaani ng sermon ng mga appointment na nakakancel dahil kay Four. Na saksakan ata libo*. Marahil kabilugan ng buwan ng ipanganak ito kaya malibog. “Dukesa. Last Call kapag wala ka pa rin sa office ko considered your self fired. Hear that Dukesa. malinaw naman diba.” wika pa nito saka tuluyan ng nawala sa speaker. “Parang gustong gusto mo pang ma tanggal sa trabaho. Kating kati ka na talagang umalis dito ano.” wika ni Cherry. “Kung alam mo lang.” sagot nalang nya ng makarating sa presidential Floor natanaw pa nya si Four na naka upo pa sa gilid ng mesa ni Leonard na napangiwi na senenyasan syang bilisan nya. Naka halukipkip si Four na masama ang tingin sa kanya. Imbis naman na bilisan mas lalo pa nyang binagalan. “Am i fired sir?” tanong pa nya habang parang tangang nag lalakad na parang bagong cesarean. “Time check 8am sharp. Hindi ka pa naman late.” wika nito sabay ngiti na tiningnan ang rilo sa braso. “Mongoloid ka ba?” di na nakatiis na bulalas ni Sofee. Napatayo naman si Four na napa apir sa sarili. “Kaya pala bagay tayo. Parehas tayong mongoliod.” wika nito na parang ang saya saya pa. “Leo pakibigay kay Dukesa lahat ng document na pinagagawa ko. Make sure na matatapos nya today.” “Opo sir.” “Chop! Chop! Kilos na Dukesa your time is ticking.” wika nito na nag tungo na sa pinto ng office nito pero hindi ito pumasok at muli syang nilingon. “Alam mo bagay sayo ang lipstick mo pero tingin ko mag bagay ako sayo.” wika pa nito sabay kindat na pumasok sa loob ng office nito. Awang naman ang bibig ni Leo na nakatingin sa kanya. Alanganin naman ngumiti si Sofie. “Sarado mo baka pasukin ng langaw.” ngiwi pa ni Sofie ng malapitan si Leonard at itinulak ang baba nito para isarado ang bibig nito. “Ano yun?” nag kibit balikat naman si Sofie na naupo na sa swivel chair nya. “Oh! teka lang naipit ko yata ang hair mo parang ang haba kasi.” biro pa ni Leo. “Pakigupit nga parang di kinakaya ng powers ko.” “Hahahhaha! Wala talagang kupas si Sir four sa pang iinis sayo. Na miss ka siguro tagal mong nawala e.” “Diyos ko mahabaging langit. Ina ng ama tulungan nyo po ang naliligaw kong kaluluwa.” usal pa ni Sofie sabay antanda ng cross na tinawanan lang ni Leonard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD