Episode 2 - Kunwari

2566 Words
Nakatingin si Four sa mga pinamili ni Sofie na isa isang pinapasok ng mga katulong na sumalubong sa magaling n’yang asawa na may pag layas pang nalalaman. After nitong madiskubre na mali ito ng napikot na lalaki. Una palang malakas na ang kutob nya pero wala syang proof sa binabalak ng secretary n’ya. Nakita kasi nya itong susubok subok sa kuwarto ng kakambal nya ilang araw bago nito naisipan na isuko ang sarili. Narinig din nya na kausap nito si Hydie ang bestfriend nito na nagtatrabaho sa company din na pag-aari nya ibang department nga lang ang tungkol sa usapan ng mga ito na hindi naman malinaw sa kanya. Nagkataon naman na tumakas si Toby kasama ang girlfriend nitong si Robina na inaakala ng parents nya na nobya nya kapag dinadala sa bahay pero ang totoo sa kuwarto ito ni Toby nag tatago. Black sheep sya sa paningin ng parents nila at si Toby ang ulirang anak. Well totoo naman ulirang anak si Toby bawat utos, bawat hiling ng parents nila sunod agad ito. Hindi nya katulad na may sariling mundo at wala ng magawa ang parents nya sa kanya kaya hinahayaan nalang sya kesa sumakit ang ulo ng mga ito sa kakasaway sa kanya. Ang importante na lang daw maayos nyang napapatakbo ang negosyong pinahawakan sa kanya ng papa nila. Kaya hinahayaan nalang sya ng mga ito sa gusto n’yang gawin sa buhay. Bata pa lang sila kasama na nila si Sofia pero hindi nila ito ka level anak lang ito ng assistant ng papa nila at driver nila. Ngunit pinag aral at binihisan ito ng parents nya kapalit na pag dating ng araw ito ang papalit sa posisyon ng mama nito. And to make the story short right after nitong maka graduate ng college. Agad na itong kinuha ng mommy nya at ini appoint na assistant nya ng una ayaw nya dahil alam nya na sumbungera ito. Sinubukan pa nya itong i bully para mapilitan na lang itong kusang umalis. Natigil lang ang pang bubuwisit nya rito ng madiskubre n’yang may crush pala ito sa kanya ng lihim. Yung dating pang aasar nya rito na uwi sa pang fiflirt nya sa dalaga dahil maganda at sexy naman talaga si Sofie. Ang sarap pang asarin halatang pikon na pero nakikipag sabayan pa rin para lang wag nyang mahalata na may gusto ito sa kanya. But everything change ng marinig nya ito sa fire exit na parang nag papractice ng sasabihin. Parang balak pa nitong mag confess ng damdamin nito sa kanya kaya agad nya iniready ang phone nya para i record sana ngunit nagulat sya ng pangalan ni Toby ang bangitin nito. Pakiramdam nya gusto nya itong lapitan at buhatin pag katapos ihahagis nya ito mula sa 27th floor ng building. Buong akala nya talaga sya ang gusto nito dahil puro picture nya ang nakita nya sa scrapbook nito na nakita nya. Yun pala nag kamali ito ng mga picture na kinuha. Si Toby pala ang gusto nito. Kaya naman pala pikon na pikon ito kapag nilalandi nya. Di gaya ng ibang babae na isang kindat lang nya kilig na kilig na. Samantalang ito pag kinindatan nya. Sasagutin sya ng pasimpleng middle finger na tinatawanan na lang nya ng una. Right after na malaman na si Toby ang gusto nito. Tiniyak nyang magiging parusa rito ang bawat araw na magkasama sila. Hindi na nya mabilang kung ilang resignation letter na ang naipon nya na galing rito. Noon gustong gusto nya itong mag resign pero ngayon mamumuti na ang mata nito hindi nya ito papalayain. Lalo pang na dagdagan ang buwisit at inis nya rito nung tipong nasa kainitan na sya ng sarap sa pag niniig nila, handa na sana syang tanggapin ito sa kanyang buhay. Bigla itong uungol ng pangalan ng ibang lalaki kung puwede lang sana huminto na lang sya ng mga oras na yun ginawa na nya pero hindi na nya kayang huminto kaya itinuloy na lang nya. Pero titiyakin naman nya na tatak sa utak nito kung sino s’ya at kung sino si Toby. Isa ito sa mga taong hirap na hirap na alamin kung sino ang sino. Ang laki naman ng pag kakaiba ng personality nila ni Toby. Tahimik na suplado si Toby na may konting hint lang ng witty. Habang sya naman e maingay at mabiro pero mas madalas din galit lalo na kapag meron mali syang nakikita. Identical twin sila ni Toby. Sya si Tobias Eaton Villamayor at si Tobias Miguel Villamayor naman ang kapatid nya. Matanda sya kay Toby ng 15 minutes. Sya ang original na Toby noong bata pa sila pero napalitan ang nickname nya ng Four noong binata na sila dahil lang sa isang fiction character na nabasa ng mama nya noon. Kaya ang ending nakasanayan na ng lahat na tawagin syang Four pero may ilan pa rin relatives na Toby pa rin ang tawag sa kanya dahil si Toby ay originally Miggy boy. Pero ng tumanda na sila tuluyan ng nasanay ang lahat na sya si Four at si Miggy ay si Toby. Simple lang kaya marahil si Sofie litong lito na din sa kanilang dalawa. “Kumusta ang pag uunwind mo inday enjoyed ba?” naka pamulsang tanong ni Four sa asawang halatang nagandagan sa bagong bahay na binili nya. Kung di lang sya na pipikon talaga dito magagandahan na sya kay Sofie pero mainit ito sa mata sarap tirisin. “Mula bukas babalik ka na sa trabaho mo tama na ang pakalat kalat mo sa lansangan.” “Paano kung ayoko ng mag trabaho sayo?” lakas loob na tanong ni Sofie na tinawanan naman ni Four. “At anong gagawin mo. Mag bubuhay reyna dito sa bahay? assumera ka din talaga ano.” tumikwas naman agad ang nguso ni Sofie ang trademark ng asawa nya kapag pikon na ito. Pero di makaisip ng pang sapaw sa kanya. “Kasal lang tayo sa papel kasi pinikot mo ako. Hindi ibig sabihin nun may access ka na sa lahat ng bank account ko. Titira ka lang dito sa pamamahay ko bilang housemate. Simple as that para walang masabi ang parents mo at ganun din ang parents ko. Kaya lahat ng kakainin mo dito, Gagamitin mong sabon, shampoo at kahit ano bumili ka ng sarili mo.” Parang gustong gusto na ni Sofie na hablutin ang isang lamp shade sa tabi ng sofa at ihampas sa ulo ng lalaking kaharap sa sobrang gigil na nararamdaman nya. “at one more thing hindi libre ang kuryente, tubig at wifi mo dito. Monthly mag babayad ka ang libre lang ay ang pag tira mo dito sa pamamahay ko bilang asawa ko. Maliwanag ba? sabihin mo kung hindi dahil isusungkit kita ng star sa langit para malinawan ka.” ngisi pa ni Four. “Malinaw na malinaw sir.” nakasimangot na sagot nya. “Mabuti baka kasi isipin mo naka jackpot ka ng mapikot mo ako.” ngisi pa ni Four. “Excuse me lang sir for your information hindi kita pinikot.” “Talaga e anong tawag mo sa ginawa mo? Para kasing alam na alam mo na mahuhuli talaga tayo ng parents ko on act.” “Hindi naman ikaw talaga ang gusto kong pikutin. At tingin ko aware ka naman sa bagay na yun diba? kaya bakit feeling ko ako ang pinikot mo?” Nakasimangot na tanong ni Sofie. “Amor.” malakas na sigaw ni Four, naka dalawang beses itong sumigaw ng pangalan ng isang babae habang nakangising nakatitig pa sa kanya na parang nakakaloko. Humahangos naman ang isang katulong na lumapit. “Ipag luto mo na ang mahal kong asawa mukhang hinahangin ng ang utak kung ano ano nalang ang iniisip. Mukhang nalipasan na ng gutom. Don’t worry libre ang unang dinner mo dito sa bahay, inday.” ngisi ni Four sabay baling ng tingin kay Amor. “Mukha ba akong na uubusan ng babae para pikutin sya?” turo pa ni Four sa kanya. Alanganin naman sumagot ng iling ang katulong na parang hiyang hiya pa sa pag sagot. “Lakas din ng loob kasi! ako pipikutin ka? hahahhha! ang gusto ko sa babae mala siopao ang hinaharap.” anito sabay sapo sa sarili nitong dibdib sabay tingin sa dibdib nya. “Hindi sa dibdib na parang kutsinta.” ngisi pa ni Four habang tatawa tawa pang tumalikod. Na iwan naman awang ang labi ni Sofie sa sinabi nito. Ano raw dibdib nya parang kutsinta. Wala sa loob na nasapo nya ang dibdib at tumingin sa katulong na nasaharapan. “Ako ba ang sinasabihan ng Engkantong yun na parang kutsinta ang dede.” maang na tanong ni Sofie. 34B ang size ng bra nya, hindi maliit at hindi rin nga malaki ang dibdib nya pero hindi iyon mukhang kutsinta. “Gago talaga.” “Ma’am baka ako po ang tinutukoy ni sir.” wika ng katulong napatingin sya sa dibdib nito na flat nga pero sa kanya nakatingin si Four ng sabihin iyon kanina. “Buwisit samantalang ———“ di na itinuloy ni Sofie ang sasabihin ng maalala kung paano hawakan at pag laruan ni Four ang dibdib nya ng gabing iyon. Todo dede pa ito sa kanya tas sasabihin nitong kutsinta. Isampal kaya nya ang u***g nya rito. Kapal ng mukha naku nungkaw talaga na sabihin nya rito na buntis sya baka gawin pa nitong dahilan ang baby nila para tuluyan syang hawakan sa leeg. Kung kailangan ipitin at itago nya iyon dito at sa lahat ng tao gagawin nya. Ngayon palang ipinamumukha na nito sa kanya ang magiging set up nila parang gusto na nyang ubusin ang ipon nya para lang umupa ng ridding in tandem para ipatumba ang engkanto nyang asawa. Kung tutuusin kaya naman nyang buhayin ang sarili nya. Kaya din nyang buhayin mag-isa ang anak nila, kundi lang s’ya na hihiya sa parents ni Four na wala naman pinakitang masama sa kanya at sa parents n’ya, hindi na sya babalik pa kahit kelan. Malaki ang kinikita ng t****k account nya na walang kaalam alam ang parents nya. Isa syang t****k sensational. Shadow dancer ang pangalan n’ya sa t****k. Sumasayaw sya sa t****k wearing facemask and bullcap na tumatakip sa mukha nya. Meron din syang ginagamit na magandang wig para hindi talaga sya makilala. Bata palang hilig na nyang sumayaw ng mga hiphop, reggae, at mga dance craze sa t****k na inaaral naman nya at iba’t iba. Di naman nya ini expect na tatangkilikin ng marami ang mga suwabe nyang galawan. Madami syang fans kahit wala naman nakakakilala sa kanya kahit sino. Kahit si Hydie walang alam sa t****k account nya. Meron pa syang isang sideline na wala din nakakaalam. Isa din syang romance writer kumikita rin sya ng malaki sa mga libro na sinusulat nya at may 10 na syang libro na naipublished na walang ka alam-alam ang kahit sino kaya naman kung mag kakabuklatan ng bank account baka ma shock ang makakakita kung mag kano ang laman pero syempre maliit lang yun compare sa yaman nila Four. Barya lang kung baga at di rin naman sya regular na nakakapag upload ng mga dance video nya dahil na uubusan minsan sya ng time. Alam din naman nya na hindi permanent ang kita nya sa t****k at sa pag susulat nya. Sa ngayon wala muna syang balak sabihin kay Four ang tungkol sa lag bubuntis nya. Ganun din sa parents nya na alam nyang isinusumpa na sya ngayon pero sabi nga walang magulang na kayang tiisin ang anak. Alam nya kahit galit ang mga ito sa kanya pero alam nya kapag nalaman ng mga ito na buntis sya. Aalagaan pa rin sya ng mga ito pero sa ngyon mag-isa muna nyang papasanin ang problema na ginawa nya. Dahil sa katangahan nya heto at sinusunog na sa impiyerno ang kaluluwa nya kasama si Four. Pero kahit kelan hindi nya iisipin na bunga ng kamalasan ang pinag bubuntis nya. At least kahit papano malalahian sya ng guwapong genes ng mayabang na si Four. Bago pa man sya humiga sa kama ni Toby alam na nyang fertile s’ya at malaki talaga ang chances na mabuntis s’ya nasa plano talaga nya ang pag bubuntis na ito. Ang wala sa plano ay yung mag kamali sya sa magiging tatay ng anak nya. “Inday.” sabay pa sila napatingin sa pinang gagalingan ng sigaw ni four ng katulong na katabi nya. “Sinong tinatawag nya ako ba o ikaw?” tanong pa ni sofie sa katulong. “Ikaw po ata maam.” “Sira ulo talaga.” “Dukesa.” sigaw pa ni Four na ikinapikit na ni Sofie. Sya nga ang tinatawag nito wala na itong maisip na ipalit sa pangalan nya iba-iba nalang kung ano maisipan pero ang dukesa sadyang trademark na nya sa company. Wala kasi din itong pinipiling lugar para buwisitin sya. Para itong hindi company president sa asal nito sa kanya pero kapag sa iba naman empleyado para itong high and mighty na parang hindi kayang yumuko sa mga nasasakupan. “Andyan na Dudong.” sigaw din nya sa buwisit sa mayabang nyang asawa. Humagikgik naman ang katulong na ikinalingon nya rito. “Nakakakilig naman po kayo ni Sir ma’am ang sweet nyo naman.” “Ha? sweet saan banda?” “Yung tawagan nyo po, halatang halata na in love sa inyo si Sir.” gustong matawa ni Sofie sa sinabi nito. “Baka magunaw ang earth kapag ang engkanto na yan ang na in love.” “Babe! Honey! cookie! sweetheart! darling! Baby! Inday! Darna!” malakas na sigaw ni Four na talaga naman na kukulong sa buong kabahayan ni Four ang lakas ng boses nito. “Gago ka talaga.” inis ng bulalas ni Sofie na humakbang na para puntahan ang maligalig pa sa bulb*l na gusot na si Four. “Bagal mo! Tara na ituturo ko sayo ang pugad natin.” “Pugad mo mukha mo.” tumawa naman si Four. “Ayaw mo ba akong kasama sa pugad? Paano ka mangingitlog kung wala kang ka partner.” “Adik ka ba? bakit parang high na high ka ngayon.” tanong ni Sofie habang inis na paakyat ng hagdan. “Nakita ko na kasi ang asawa ko.” kindat pa nito sabay talikod. “Di ba tumatayo ang balahibo mo sa mga pinag sasabi mo?” “ Iba ang tumatayo sa akin.” lingon nito sabay ngisi. “Bastos manyak ka talaga.” “Correction! Kung bastos at manyak ako. Buntis ka na sana ngayon.” “Aba malamang baka baog ka.” huminto sa pag akyat si Four at nilingon ang asawa na nakasunod. “sus! Siguro gusto mong isagot ko na bakit di natin subukan ng malaman mo kung baog talaga ako. Kunwari ka pa gusto mo lang ulit umakyat sa langit.” Kulang nalang mag kulay pula si Klay sa sinabi ni Four. “Mas lalo kang gumanda Dukesa para kang strawberry na masarap kagatin pero hindi kita titikman hanggat si Toby ang laman ng 1/8 mong braincells.” ngisi nito sabay muling tumalikod. Inis naman hinubad ni Sofie ang suot na dollshoes na akmang ibabato rito ng bigla itong lumingon kaya nag panggap nalang syang inaamoy iyon. “Kumusta! Polluted na ba?“ ngisi ni Four na di na ata mauubusan ng pang basag sa kanya. Mahabagin langit, Ina ng Diyos paano ba sya nasadlak sa ganitong sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD