The next morning at YX Research Institute. “Hoy!” Pinitik ni Gray ang kanyang kamay sa harap ni Prim. “Kanina ka pa tulala d’yan. Hindi mo na nagagalaw ang pagkain mo. Ano bang problema? Baka makatulong kami.” Sumunod din si Tia. “Right. Mukhang napakalalim n’yan. Is it about Phoebe?” Umiling ai Prim saka hinati ang steak. Wala talaga s’yang gana ngayon kakaisip sa nangyari kahapon. “Wala ‘to. I’m fine.” “Babae ‘yan, no?” tanong ni Gray. Naisip niya lang kung hindi sa sarili at pamilya baka nga sa babae. Hindi tinanggi ni Prim ang sinabi ni Gray kaya napapalakpak ito. “Tama ako! Si Elena ba ‘yan? Nagkalabuan kaagad kayo? Hindi pa man din ako nakaka-super support sa’yo at hindi ka pa man din nakakasimula, basted ka kaagad?” Napahawak si Gray sa dibdib nito at unmaktong shock sa nais