Tumingin si Elena kay Prim na focus sa pagda-drive. “Ang aga yata ng off mo?” she asked, then looked at her wristwatch. “Yes. Maagang natapos ang trabaho ko kaya napagpasyahan ko ng umuwi. I didn’t expect to see you outside. Mukhang close na close kayo ni Liana.” “Yeah. I know her well.” “You probably know Raphael, too, right?” Prim glanced to see Elena’s expression and see her being silent and looking outside. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Gusto man marinig ni Prim ang sagot ni Elena ay mas mabuti pang tumahimik na lang dahil baka magkaroon ng alitan sa kanilang dalawa at ayaw n’yang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa na nagsisimula pa lang. He will soon know the truth kung si Elena nga ba ang ex-wife ni Raphael. “Ibaba mo na lang ako d’yan sa