Para bang nabingi si Raphael sa sinabi ng kaibigan. It was really a shock to him knowing this kind of news— unexpectedly. Tila ba kusang bumalik ang alaala nilang dalawa ni Elena nang sila pa. Talaga bang wala nang nararamdaman sa kanya si Elena. The way she stared at him is not the same anymore. Wala na ‘yong spark at para bang isa na lang s’yang estranghero na ayaw na nitong ma-meet pa. So, she dated someone after their separation? And now has a child? Bakit parang may galit na lumukob sa kanya? Hindi namalayan ni Raphael na nakakuyom na ang kamao niya sa ibabaw ng mesa at mas lumamig ang atmosphere sa loob ng office niya. Herald shivered and contemplated kung tama ba na sinabi niya pa iyon dahil parang papatay na si Raphael sa itsura nito. “She already has a child,” Raphael murmured